Share

Kabanata XIII. (Ikalawang Parte)

Kabanata XIII. Vodi Flux Cup (Huling Parte)

Hindi na muna ginising ni Pietro si Claudia dahil mahimbing ang tulog nito. Ilang minuto na ang lumipas subalit hindi pa rin sila lumalabas sa kotse.

“Alpha, narito na ang dating alpha,” imporma ni Aru na nakadungaw sa labas ng bintana.

Naalimpungatan si Claudia sa boses ni Aru kaya siya ay nagising. Kinukusot niya ang mga mata niya at humikab. Nagulat siya nang namalayang nakasandal na siya sa asawa at nakatitig ito nang mariin sa kan’ya. Kaya binawi niya agad ang kan’yang ulo sa balikat nito.

Pinandilatan naman ni Pietro si Aru at bumalik ang tingin kay Claudia.

“Gising ka na?” tanong ni Pietro habang may nakakurbang ngisi sa labi nito. “Dumeretso ka na sa k’warto at magbihis. Ipapahanda ko na kay Senior Penelope ang hapunan.”

Tumango si Claudia sa sinabi ni Pietro at hindi na umangal. Nahihiya pa rin siya sa pagsandal niya rito.

Sabay silang lumabas sa sasakyan at pumasok sa mansion. Sinalubong sila ni Senior Penelope sa may pinto.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status