Share

Kabanata 4

Nakita ni Faye ang pagdadalawang isip sa mukha ni Blake, at nawala ang ngiti niya. “Pag isipan mo ito ng mabuti, Mr. Woods. Istrikto kami sa financial supervision ng Cape, at hindi ito isang eksepsyon. May sariling problema ka, kami din. Kung ayaw mo ito, pwede nating tapusin agad ang collaboration natin.

Nahirapan ng ilang sandali si Blake, ngunit sa huli ay pumayag siya na pinirmahan ito.

Ang five billion dollars ay masyadong mahalaga. Bukod pa dito, ang isang establishment na tulad ng Cape Consortium ay hindi mag aabala sa isang maliit na kumpanya na tulad ng Woods Corporate, hindi ba?

“Pipirmahan ko ito.” Masunurin na pinirmahan ito ni Blake sa huli.

Sumandal si Faye sa upuan niya, nagkaroon ng maliit na ngiti sa mukha niya.

Nang mapirmahan ito, tumayo si Faye at inabot niya ang kamay niya kay Blake. “Inaasahan ko ang makipagtrabaho sayo. Matatanggap agad ng Woodws Corporate ang pondo. Paki tingnan ang transaction mo mamaya.”

Mabilis na kinamayan ni Blake si Faye ng nagpapasalamat.

Binawi ni Faye ang kamay niya habang nakangiti. “Sige, goodbye.”

Tumango ng sabik si Blake, yumuko siya bago siya umalis ng opisina para maghanda sa mga susunod na trabaho niya.

Umupo ulit si Faye habang may malamig na ngiti. “Tanga.”

Pagsapit ng gabi.

Pagkatapos mag meditate, bumaba si Wilbur para kumain ng hapunan sa labas.

Nang makarating siya sa sala, sina Jackson, Miranda, Yvonne, at Blake ay masayang nag uusap sa sofa.

Tumingin sa kanila si Wilbur at dumiretso siya papunta sa labas.

Sa sandaling ito, tinawag siya ni Yvonne. “Wilbur.”

“Ano yun?” Lumingon siya para itanong.

Nakangiti ng maliwanag si Yvonne. “Nakakuha si Blake ng five billion dollars mula sa Cape Consortium.”

“Ano naman ang kinalaman nito sa akin?” Naging malamig ang ekspresyon ni Wilbur.

Nainis si Yvonne sa ugali ni Wilbur habang inisip niya, ‘Nakakairita talaga ang tanga na ito.’

“Wilbur, tutuloy si Blake sa kwarto ko ngayong gabi. Wag kang pumasok kung walang mahalagang nangyayari. Ayaw ko na makita mo ang hindi mo dapat makita.” Ang mapanglait na tono ni Yvonne habang kumapit siya sa braso ni Blake.

Dumilim ang ekspresyon ni Wilbur habang sinuri niya ang lahat ng nasa sala.

Gayunpaman, mukhang ayos lang ang mga biyenan niya. Nakangiti ng maliwanag si Yvonne, at mayabang naman si Blake.

Walang nakaisip na isang kahihiyan ito, at puno ng panunuya ang tingin nila kay Wilbur.

Makalipas ang ilang sandali, nag buntong hininga si Wilbur. “Sige, ayos lang sa akin. Magdivorce na tayo bukas.”

Tuwang tuwa si Yvonne. “Dapat mong panghawakan ang pangako mo! Aasikasuhin natin ito bukas ng umaga.”

Napuno ng paghamak ang mga mata ni Wilbur. Gayunpaman, sumagot siya ng malamig, “Kapag nag salita ako, ito na ang huli. Wala sana ang magsisi sa atin.”

“Magsisi?” Tumawa ng malakas si Yvone at sinabi niya, “Ang tanging pinagsisisihan ko ay pinakasalan kita, walang kwentang basura.”

Sumingit din ang tatay ni Yvonne, “Ito na ang huling desisyon. Bukas ng umaga, magdi-divorce kayong dalawa.”

“Walang maiiwan na kahit ano sayo,” Ang dagdag ni Miranda.

Nakangiti na umiling si Wilbur, sinabi niya, “Bahala kayo.”

Tuwang tuwa ang mga Willow, at masaya din si Blake. Hindi lang sa nakuha niya ang five billion dollars, mapupunta rin sa kanya ang mga Willow.

Pagkatapos, pumasok si Chelsea sa kwarto. Nakita niya ang tingin sa mukha ng lahat at agad niyang tinanong, “Ano ang ginagawa niyo?”

“Pumayag si Wilbur na makipag divorce,” Ngumiti si Yvonne.

Nabigla si Chelsea, lumingon siya kay Wilbur. “Hindi ba’t nangako ka sa akin?”

“Ikaw talaga, hindi mo pwedeng pilitin ng ganito ang mga bagay. Hayaan na lang natin na mangyari ito,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti.

Tumitig si Chelsea sa mga magulang siya at hindi siya makapaniwala. “Pumapayag ba talaga kayo na mangyari ito?”

“Nakapag desisyon na kami. Hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kapatid mo at ang mga Willow kapag nanatili ang tambay na ito. Mas mabuti ang lahat kapag wala na siya sa pamilya natin,” Ang sabi ni Jackson.

“Mom?” Tumingin si Chelsea sa nanay niya.

Nagpanggap na maging sincere si Miranda, “Ang mga Willow ay magkakaroon ng mas magandang kinabukasan kapag nakipag tulungan tayo kay Blake. Ginagawa namin ito para sa kaligayahan ng kapatid mo at sa kinabukasan ng pamilya. Intindihin mo sana kung ano ang pinanggagalingan namin.”

“Paano niyo ito nagawa?” Galit na galit talaga si Chelsea habang sinigawan niya ang mga ito.

Tumuro siya sa mga magulang niya at sa kapatid niya habang nanginginig ang kamay niya. “Ang mga Willow ay wala sana sa kinatatayuan nito ngayon kung wala si Wilbur. Wala kayong konsensya, pinalayas niyo siya ng ganito?”

“Ano ba ang sinasabi mo?” Hindi mapigilan ni Jackson ang galit niya, lumapit siya at sinampal niya agad ang anak niya.

Malakas ang tunog ng sampal, at tinakpan ni Chelsea ang mukha niya habang natulala.

Bumalik siya sa sarili niya makalipas ang mahabang sandali.

Wala nang luha na natira upang umiyak siya, kumirot lang ang puso niya.

Tumingin siya sa mga magulang niya at umiling siya. “Hindi ako pwede manatili kasama ang pamilya na ganito. Gawin niya ang gusto niyo.”

Pagkatapos itong sabihin, umalis si Chelsea ng hindi tumatalikod.

Kahit si Jackson ay tila nagsisisi, ngunit sinabi ni Miranda, “Hayaan mo siya. Babalik siya pagkatapos ng ilang araw kapag pinag isipan niya na ito ng mabuti.”

Kumunot ang noo ni Wilbur at sinabi niya ng hindi nagmamadali, “Aalis na ako. Magkita na lang tayo sa City Hall para sa divorce bukas.”

Pagkatapos itong sabihin, naglakad na siya palabas.

Ngumisi ng malamig si Miranda. “Babaliin ko ang mga binti niya kapag hindi siya nagpakita bukas.”

Ngumiti si Jackson at sinabi niya, “Mr. Woods, magpapahinga na kami ng asawa ko. Magpatuloy lang kayo sa pag uusap ni Yvonne. Hindi namin kayo aabalahin.”

Pagkatapos, umalis si Jackson habang kasama si Miranda, at mabilis na bumalik ang pares sa kwarto nila.

Pagkatapos, sa sobrang saya ni Blake ay hinila niya si Yvonne gamit ang isang braso niya papunta sa kwarto nito. Pumatong siya kay Yvonne sa kama at sabik niyang tinanggal ang mga damit niya.

Mabilis siyang pinigilan ni Yvonne. “Hindi ngayon. Sayo na ako kapag kasal na tayo bukas.”

Hindi rin ito pinilit ni Blake. “Sige, basta’t masaya ka dito. Ayos lang sa akin na magtiis ng konti pa.”

“Aw, wag kang ganyan. Malapit na rin naman na akong mapunta sayo. Bakit ka nagmamadali? Oo nga pala, kailan ang kasal natin?” Ang sabi ni Yvonne.

“Pagkatapos ng ilang araw. Paghahandaan ko na ito kapag nakipag divorce ka na sa tambay na yun,” Ang sabi ni Blake ng hindi nagdadalawang isip.

Yumakap si Yvonne kay Blake. “I love you, Blake.”

"I love you din, Yvonne."

Puno ng kaligayahan ang ekspresyon ni Yvonne, ngunit ang tingin ni Blake ay may dala na kasamaan.

Pagkatapos umalis sa lugar ng mga WIllow, naglakad si Wilbur sa kalye habang nagsend ng text sa kanya si Chelsea. Sinabi niya kay Chelsea na huminahon sa ngayon at wag itong pumunta sa kahit saan.

Hindi marunong si Chelsea, ngunit bata pa siya at pwedeng sanayin.

Ang mga prinsipyo niya ay inosente na parang bata at ito ang gusto ni Wilbur sa kanya. Ang mga tao na ganito ay magagamit ni Wilbur sa darating na panahon.

Pagkatapos, naglakad ng mabagal si Wilbur sa kalye si Wilbur habang iniisip niya ang mangyayari.

Hindi nagtagal, lumipas ang isang oras.

Pagkatapos, tumunog ang malakas na sigaw.

Tumalikod si Wilbur at nakita niya ang isang bata na apat o limang taong gulang sa gitna ng kalsada, at palapit ang isang kotse.

Umapak ng preno ang driver, ngunit mapupunta pa rin sa panganib ang bata base sa distansya.

Nagdesisyon na si Wilbur sa oras na makita niya ang eksena.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status