Share

Kabanata 5

Agad siyang umapak ng malakas sa lupa. Ang konkreto sa ilalim ng mga paa niya ay nabitak sa lakas habang niligtas niya ang bata na parang isang kidlat. Tumapik ang dulo ng paa niya sa harap ng kotse habang lumutang siya ng ilang metro paatras at lumapag siya ng dahan dahan sa sahig.

Ang lahat ay nangyari lang sa loob ng dalawang segundo.

Sa sandaling na ibaba ni Wilbur ang bata, hindi makapaniwala ang mga tao sa paligid sa kanilang nasaksihan.

Ang isang babae, pagkatapos sumigaw ng balisa, ay lumapit, niyakap ang bata at sinuri kung may mga sugat nito.

Ang driver ay lumabas na rin ng kotse. Sinigurado niya na ang bata ay ayos lang bago siya lumapit kay Wilbur.

“Ikaw pala?” Sabay nilang sinabi.

Nagkibit balikat si Wilbur. “Nagkataon nga naman!”

“Pasensya na po, Boss. Kasalanan ko po na nagkulang ako sa atensyon. Ayos lang po ba kayo?” Tumayo ng kabado si Faye.

“Ayos lang.” Umiling si Wilbur.

Lumapit siya sa bata at sinuri niya ito kung may mga sugat ito bago siya tumingin sa nanay ng bata. “Ayos lang ba ang lahat?”

“Opo, opo… Maraming salamat… Nagbabayad lang po ako sa tindahan nang tumakbo paalis ang bata ng mag isa.” Nabigla din ang nanay ng bata, hirap siyang magsalita.

Ngumiti si Wilbur. “Mabuti naman at ayos lang kayo pareho.”

Pagkatapos, may mga tao na lumapit dahil sa interes.

Ito ay dahil hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.

Napansin ito ni Wilbur at tumingin siya kay Faye. “Tara na.”

Mabilis na tumango si Faye. Pumasok si Wilbur sa kotse, at umalis ang dalawa sa eksena.

Nag aalala pa rin si Faye sa kotse. Tumingin siya sa rearview mirror para makita na naninigarilyo ng tahimik si Wilbur habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi nagsalita si Faye, at nanatili siyang tahimik.

Makalipas ang ilang sandali, hindi na ito kinaya ni Faye at tinanong niya ng may mababang boses, “Saan po kayo pupunta, Boss?”

“Oh?” Tila bumalik ang atensyon ni Wilbur at tinanong niya, “Pwede mo ba akong hanapan ng lugar na matutuluyan?”

“May partikular po ba kayong kailangan?” Ang tanong ni Faye.

Umiling si Wilbur. “Hindi. Kailangan ko lang na ng pwedeng tirahan.”

“Paano po kaya ang isa sa mga property ng kumpanya?”

“Okay na yun.”

Tumango si Faye at nag drive siya papunta sa isang lugar na pang mayaman bago siya huminto sa harap ng isang bahay na bungalow.

“Ito ang property ng kumpanya?” Ang gulat na tanong ni Wilbur.

Tumango si Faye. “Opo. Binili po ito ng Cape Consortium.”

“Magastos talaga kayo sa pera, no?”

Hindi mapigilan ni Wilbur na umiling nang makita ang malaking bahay sa harap niya.

Ang lahat ng mga bahay sa kalye ay mga mansyon, at halata na isa itong mamahalin na lugar.

Maliwanag at masaya ang tingin ni Faye, at sinabi niya. “Pumasok po kayo, Boss.”

Sumunod si Wilbur kay Faye papunta sa loob ng bungalow. Ang sala pa lang ay two hundred square meters na, kasama na ang high-end furniture at artistic interior design.

“Hindi na masama,” Hindi mapigilan na sabihin ni Wilbur.

Dinala ni Faye si Wilbur sa sofa at pinagsilbihan niya ito ng isang tasa ng kape.

Uminom si Wilbur bago kumunot ang noo niya. “Pwede ba akong humingi ng tsaa na lang?”

“Okay po, Boss.” Mabilis na gumawa ng tsaa si Yvonne bago niya ito dinala kay Wilbur.

Tumingin sa paligid si Wilbur at sinabi niya, “Bakit binili ng kumpanya ang bahay na ito?”

Mabilis na nagpaliwanag si Faye, “Ito po ay isa sa mga investment natin. Meron po tayong dalawampung bahay na tulad nito, pero ito lang po ang may mga laman sa loob.”

“Ah, isang investment. Wala akong masyadong alam dito. Kayo na ang bahala dito,” Ang sabi ni Wilbur pagkatapos uminom ng tsaa.

Eleganteng umupo si Faye sa tabi ni Wilbur at sinabi niya ng may mababang boses, “Ang lugar po na ito ay may mataas na investment value. Ang presyo po ay tumaas ng sampung porsyento simula ng mag invest tayo.”

“Hindi na masama,” Tumango si Wilbur.

Nagpatuloy si Faye, “Ang kumpanya po ay nilagyan ng laman ang bahay na ito upang tuluyan ng mga importanteng bisita, pero madalas po ay nakatira din ako dito.”

Tumingin si Faye kay Wilbur habang sinabi niya ito.

Tila walang pakialam si Wilbur habang tumango siya. “Multi-purpose. Maganda ito.”

Nakahinga na rin ng maluwag si Faye. “Ano po ang gusto niyong kainin, Boss? Disente po ako sa pagluluto.”

“Ah, ayos lang ang kahit ano. Pwede ako kumain ng kahit ano.” Ngumiti ng maliit si Wilbur.

Ngumiti si Faye. “Gagawa na lang po pala ako ng pasta para sa inyo.”

Tumango si Wilbur, at umakyat si Faye.

Pumasok si Faye ng kwarto niya sa second floor at nilagay niya ang kamay niya sa dibdib niya; malakas ang tibok ng puso niya sa sandaling ito.

Siya ba ang pinaka swerteng babae sa mundo?

Hindi siya makapaniwala. Titira siya kasama ang boss niya. Binibigyan ba siya ng boss niya ng isang pagkakataon?

Pagkatapos huminahon, huminga siya ng malalim at binuksan niya ang aparador niya.

Sa huli, nagsuot siya ng siya ng isang nightgown.

Ang nightgown ay wala masyadong ipinapakita na balat, ngunit merong nakikita na konti kapag kumikilos siya. Ito ay isang nakakaakit na piraso ng damit.

Pagkatapos suriin ang sarili niya sa salamin, kinagat ni Faye ang labi niya at bumaba siya.

Binati niya ng kalmado si Wilbur sa tahimik na sala at pumunta siya sa kusina.

Transparent talaga ang kusina, at makikita ang lahat ng ginagawa doon mula sa sala.

Nagsimula nang magtrabaho si Faye sa kusina, hinugasan at hiniwa niya ang mga sangkap.

Nakita ni Wilbur ang likod ni Faye mula sa glass panel, at ngumiti siya ng maliit.

Hindi nagtagal, lumabas si Faye na may dalang isang plato ng pasta at nilagay niya ito sa harap ni Wilbur.

Habang yumuko siya, ang malinaw na tanawin ng dibdib niya ay makikita sa harap ni Wilbur.

Sa sandaling yun, biglang sinabi ni Wilbur, “May isang bagay dito.” Pagkatapos ay inabot niya ang dibdib ni Faye.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status