Share

Kabanata 6

Nataranta si Faye, at tumigas ang katawan niya. Nanatili siya sa nakayuko na posisyon, hindi siya kumibo.

‘Masyadong mabilis ang mga nangyayari. Ano ang gagawin ko ngayon?’

‘Tanggihan siya ng magalang? Bibigay ba ako, pero medyo nagdadalawang isip? O makatarungan ko siyang tanggihan?’

Napuno ng iba’t ibang posibilidad ang isipan ni Faye.

Ang kamay ni Wilbur ay dumapo na sa dibdib ni Faye, kinuh ang isang bagay sa bandang leeg ng nightgown. Sinabi niya ng nakangiti, “Isang hibla ng buhok. Wag nating hayaan na bumagsak ito sa plato.”

Huminga ng malalim si Faye sa loob, nakapag relax na rin siya sa wakas.

Hirap niyang sinabi, “Pasensya na po, Boss. M-Malala ang paglalagas ng buhok ko nitong nakaraan.”

“Walang problema,” Ang sagot ni Wilbur at nagpatuloy siya sa pagkain ng pasta.

Nakatayo ng diretso si Faye habang mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin o gagawin.

Pagkatapos kumain ng dalawang subo, biglang lumingon si Wilbur at sinabi niya, “Masarap ito. Kumain ka na ba?”

“Hi… Hindi pa po,” Ang sagot ni Faye.

“Gumawa ka rin para sa sarili mo. Magaling ka magluto,” Ang puri ulit ni Wilbur.

Tumango si Faye at mabilis siyang pumunta sa kusina. Ngumiti si Wilbur habang pinanood na umalis si Faye.

Hindi nagtagal, gumawa rin si Faye ng isang plato ng pasta para sa sarili niya. Ang pares ay kumain ng tahimik.

Pagkatapos kumain, umupo si Faye sa tabi ni Wilbur suot ang nightgown na nakataas ng konti, nakita ang kanyang maputi at payat na mga hita.

Uminom ng tsaa si Wilbum. “Kamusta ang tungkol sa Woods Corporate?”

“Pinirmahan po nila ang deal kaninang hapon.”

Tila naging ibang uri ng tao si Faye kapag may kinalaman sa trabaho. Naging maayos at professional ang tono niya.

“Nagsend po tayo ng five billion dollars sa kanila, pero pinadala rin po natin ang mga tauhan natin upang sakupin ang karamihan ng board of directors nila. Tayo na rin po ang majority ng shareholders nila ngayon. Makokontrol na po natin ang Woods Corporate sa loob lang ng ilang araw.”

Tumango si Wilbur. “Magandang balita ito.”

“Sinabi ko na po sa mga tao na pinadala natin sa board of directors nila na tingnan ang mga account at tax nila sa pagpapanggap na ito ay isang financial supervision at pagkuha ng ebidensya. Base po sa sitwasyon nila ngayon, mayroon po sigurong problema,” Ang sabi ni Faye.

Gulat na tumingin si Wilbur kay Faye.

Ang babaeng ito ay hindi lang nakakuha ng eksaktong konklusyon sa tunay na intensyon ni Wilbur, gumawa pa siya ng plano na nakasentro dito. Isa itong bihira na talentadong indibidwal!

Sa sandaling ito, nakaupo si Faye sa sofa, mukhang kalmado at matino, malaking pagkakaiba kumpara sa babae kanina.

Tumahimik si Wilbur ng ilang sandali bago niya tinanong ng mabagal, “Kung alam mo na may problema sa Woods Corporate, bakit ka pa rin nag invest sa kanila?”

“Boss, ang bawat kumpanya po ay may mga problema na ganito. Isa po itong industry secret, at alam po ito ng lahat ng nasa larangan na ito,” Ang diretsong sagot ni Faye.

“Pero, ang kapangyarihang financial ng Cape Consortium ay kayang suportahan ng sapat ang Woods Corporate para ilabas po sila sa problemang ito at para palakihin pa po ang kumpanya. Ang mga problema na binanggit ko kanina ay pwedeng maayos kapag tayo na po ang may kontrol. Pero syempre, binago ko po ang plano base sa gusto niyo.”

Tumango si Wilbur ng nakangiti, “Magandang trabaho ang ginawa mo.”

“Salamat po, Boss,” Ang sagot ni Faye habang yumuko siya ng mapagkumbaba.

“Kumuha ka ng kotse para sa akin bukas ng alas otso ng umaga.” Nang wala nang dapat itanong tungkol sa mabuting trabaho na ginawa ni Faye, mabilis na binago ni Wilbur ang pinag uusapan nila.

Agad na sumagot si Faye, “May partikular na kailangan po ba kayo sa kotse?”

“Yung hindi mamahalin. Ayaw kong malaman ng mga tao ang pagkakakilanlan ko. Ah, at wag mo na akong tawagin na boss,” Ang sabi ni Wilbur.

Tumingin ng problemado si Faye kay Wilbur. “Ano po pala ang itatawag ko sa inyo?”

“Willy, Sir, o kung ano sa tingin mo ang bagay. Basta yung parang hindi ka nagtatrabaho para sa akin.”

Walang masabi si Faye. Wala na siguro siya sa tamang sariloi kung tinawag niya ang boss niya na Willy.

Makalipas ang ilang sandali ng pag iisip, tinanong ni Faye, “Paano po kung ganito? Tatawagin ko po kayong boss kapag walang tao sa paligid, pero tatawagin ko po kayong Sir sa publiko. Ayos lang po ba ito?”

“Ayos lang. Saan ako titira?” Ang sagot ni Wilbur.

Kinagat ni Faye ang labi niya nang marinig ang tanong ni Wilbur. “Marami pong mga kwarto sa itaas, at maganda doon. Sa taas din po ako natutulog.”

Ngumiti si Wilbur. “Sa guest room na lang pala ako tutuloy. Mas mabuti ito dahil ikaw at ako lang ang nandito.”

Namula ang mukha ni Faye. “Dadalhin ko po kayo doon.”

Tumayo si Wilbur at sumunod siya kay Faye papunta sa guest room.

Pagkatapos tumingin sa paligid, tumalikod siya para tumingin kay Faye at sinabi niya, “Sige, pwede ka nang magpahinga. Wag ka nang mag alala sa akin sa susunod. Magpokus ka lang sa trabaho mo.”

“Okay po, Boss. Goodnight po.” Yumuko si Faye at umalis na siya.

Nilibot ni Wilbur ang hundred-square-meter guest room bago siya nagmeditate sa sala.

Gumising si Wilbur ng alas siyete ng umaga. Buong gabi siyang nag meditate at presko na ang nararamdaman niya.

Pagkatapos maligo, pumunta siya sa sala at nakita niya na hinihintay na siya ni Faye.

“Hello po, Boss.” Tumayo si Faye at yumuko siya.

Kumaway si Wilbur. “Hindi mo na kailangan maging magalang sa paligid ko. Medyo awkward ito.”

Hindi kumibo si Faye. Sa halip, nilabas niya ang isang susi ng kotse. “Boss, ang susi niya po ay nasa harap ng pinto.”

“Volkswagen. Hindi na masama,” Ang sabi ni Wilbur at tumango siya habang tinanggap ang susi.

Sinabi ni Faye ng mahinang boses, “Isa po itong Phaeton.”

“Phaeton? Hindi ba’t higit sa hundred and fifty thousand ito?” Ang gulat na tanong ni Wilbur.

“Opo… Ang kotse po ay may halaga na nasa three hundred and thirty thousand,” Ang sabi ni Faye.

Kumunot ang noo ni Wilbur. “Hindi ba’t sinabi ko na hindi mamahalin?”

Walang masabi si Faye, ang boss niya ay tila hindi alam kung gaano kayaman ang kumpanya nito.

Syempre, hindi niya ito sinabi ng malakas. “Boss, ito po ang pinakamurang kotse ng kumpanya.”

Huminga ng malalim si Wilbur at sinabi niya, “Sige. Gawin mo na ang gagawin mo. Wag ka nang mag alala sa akin.”

Tumango si Faye. “Okay po, Boss. Goodbye.”

Pagkatapos, kinuha ni Faye ang handbag niya at umalis siya.

Mula sa likod, ang masikip na blue business suit niya ay nagpakita ng mga kurba niya, at heels niya ay nagpapaganda lalo sa hugis ng katawan niya. Mayroon pa siyang aura ng isang perpekto, matagumpay, at mature na businesswoman.

Ngumiti si Wilbur at sumunod siya kay Faye sa labas, nag drive siya ng kotse niya papunta sa lungsod.

Nang dumating siya sa City Hall ng eksaktong alas otso, nakatanggap siya ng phone call mula kay Yvonne.

“Wala la pa ba? Wag kang magpakaduwag. Binabalaan kita,” Tumunog ang boses ni Yvonne sa phone.

Kinandado ni Wilbur ang kotse niya at sinabi niya ng kalmadong boses, “Nasa entrance ako.”

Tinapos niya ang phone call at pumunta siya sa entrance. Nang makarating siya, nakita niya na nandoon na sina Yvonne at Blake, hinihintay siya.

Tila nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makita nila si Wilbur.

Ngumiti si Wilbur. “Tara na.”

Suminghla ng malamig si Yvonne at nauna siyang pumasok.

Dahil walang labanan para sa kustodiya ng anak o paghahati ng mga asset, mabilis lang ang prosesong ito.

Makalipas ang kalahating oras, ang pares ay lumabas habang hawak ang kanilang divorce certificate.

Kinaway ni Yvonne ang certificate niya kay Blake at sinabi iya, “Blake, malaya na ako.”

Niyakap ni Blake si Yvonne, at naghalikan silang dalawa ng puno ng init.

Nasuklam si Wilbur nang makita niya ito, ngunit ngumiti pa rin siya, “Nakalaya ka na rin. Pwede na kayong magpakasal ngayon.”

Naiinis na tumingin si Yvonne kay Wilbur at sinabi niya, “Wala ka nang pakialam dito! Kami ni Blake ay magkakaroon ng pinaka engrandeng kasal at mag iimbita kami sa lahat ng miyembro ng elita sa Seechertown.”

“Ganun ba? Wag mong pagsisihan ang kinabukasan mo,” Ang sagot ni Wilbur at tumawa siya.

Galit na galit si Blake. Lumapit siya kay Wilbur at sinigaw niya, “Naghahanap ka ba ng away?”

Kasabay nito, lumapit ang dalawang bodyguard at pinalibutan nila si Wilbur.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status