Share

Kabanata 7

Tumawa si Wilbur. “Sinabi ko na sa inyo na wag maging bayolente sa akin, kung hindi ay pagsisisihan niyo ito.”

“Wag mo na siyang pansinin, Blake. Mababawasan lang ang halaga mo kapag nakipaglaban ka sa isang taong tulad niya. Tara na” Tumingin ng nanunuya si Yvonne kay Wilbur habang hinila niya palayo si Blake.

Bago umalis, sinabi ni Blake, “Maghintay ka lang, g*go ka. Hindi pa ako tapos sayo. Patay ka kapag may oras ako.”

“Ayos lang sa akin,” Ang sagot ni Wilbur ng nakangiti.

Umalis ang pares kasama ang mga bodyguard nila habang nakatingala, mayabang silang naglakad paalis.

Umiling si Wilbur at binulong niya sa sarili niya, “Inaasahan ko rin ang kasal niyo.”

Pagkatapos, nag drive siya pabalik sa bahay sa Castebury. Pagkatapos mag park sa entrance, tumingin siya sa paligid at nagdesisyon siya na dapat siyang tumingin sa paligid upang maging pamilyar sa lugar.

Ang neighborhood ay malaki at may isang central garden. Ang hardin na ito ay may tatlumpung ektarya, halos kasing laki ng isang public park.

Naalala ni Wilbur ang buhay niya habang naglalakad siya sa hardin.

Ang mga magulang niya ay nawala ng misteryoso noong bata pa siya, kaya’t naiwan siya sa pangangalaga ng lolo niya. Nagising ang Dragonsoul niya noong sixteen siya, at minana niya ang maraming iba’t ibang klase ng ancient skills.

Pagkatapos ay pumunta siya sa ibang bansa, binuo niya ang Abyss Mercenaries at nakakuha siya ng malaking halaga ng pera para sa sarili niya.

Nang mag hiwa-hiwalay ang Abyss Mercenaries, ginawa niya ang Cape Consortium bago siya bumalik sa dating bahay niya sa Seechertown upang magpakasal.

Gayunpaman, sa huli ay inabandona at ipinahiya siya sa halip na mabuhay siya ng masaya at nagmamahal. Kung iisipin niya ito, ang tanging hindi nagbabago sa buhay ay ang pagbabago, dahil maraming pagbabago ang pinagdadaanan ng isang tao.

Habang malalim ang iniisip, narinig niya ang isang boses mula sa likod. “Tigil! Wag kang lalapit.”

Lumingon si Wilbur at nakita niya ang isang maskuladong lalaki na may suot na itim na suot na nakaharang sa daanan niya.

Sa harap niya ay may isang bata at magandang babae na nasa kanyang twenties na tinutulungan ang isang matandang lalaki sa paglalakad.

Kumunot ang noo ni Wilbur. “Bakit? Sayo ba ang lugar na ito?”

“Hindi, pero dapat kang dumistansya,” Ang walang emosyon na sabi ng lalaki.

Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Kung hindi ito sayo, pwedeng maglakad ang kahit sino dito. Umalis ka sa dinadaanan ko.”

“Hindi ako magpapakita ng awa kapag lumapit ka!” Walang kibo ang lalaki.

Napuno ng irita ang mukha ni Wilbur at galit niyang sinabi, “Sinusubukan mo bang abusuhin ang kapangyarihan mo?”

Naing malamig ang ekspresyon ng lalaki. Pagkatapos, sumingit ang matandang lalaki at sinabi niya ng namamaos na boses, “Umalis ka sa daan! Diyos ko, nakakairita ka. Isa itong publikong lugar. Hindi ko pagmamay ari ang lugar na ito!”

Sa sandaling ito, doon lang umatras ang lalaki.

Lumapit si Wilbur sa matandang lalaki na siyang ngumiti at binati siya.

Yumuko si Wilbur para bumati at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Pagkatapos, binulong ng babae, “Bastos talaga.”

“Anong sinabi mo?” Lumingon si Wilbur para tumingin sa babae.

Inayos ng babae ang salamin niya at sinagot niya, “Sinabi ko na bastos ka.”

Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Iha, hindi lahat ng tao ay may pakialam sa hierarchy na tulad mo.

Nagbago ang ekspresyon ng babae. “Ano ang balak mong sabihin, huh?”

Nakita ng matandang lalaki na magtatalo na ang dalawa at tumawa siya ng mahina, “Iho, malapit na rin akong mamatay. Pwede bang hayaan mo na lang ito, ayos lang ba?”

Tumingin si Wilbur sa matandang lalaki mula ulo hanggang paa bago niya sinabi ng mabagal, “Wow, malala ang sakit niyo.”

Nagalit ulit ang babae sa sinabi ni Wilbur. Tinuro niya ng galit ang ilong ni Wilbur. “Walang hiya ka para sabihin ito!”

“Mali ba ako?” Kalmado si Wilbur.

Magwawala na sana sa galit ang babae nang pinigilan siya ng matandang lalaki. Sinabi ng matanda ng nakangiti, “Parang hindi ka isang karaniwang tao, iho.”

Sumagot ng kalmado si Wilbur, “Karaniwan lang naman ako.”

“Sa tingin ko ay hindi. Sabihin mo sa akin, gaano katagal na lang sa tingin mo ang natitira sa buhay ko?” Ang biglang tanong ng matandang lalaki.

Sumagot si Wilbur, “Mga isang linggo.”

Nanginginig na sa galit ang babae. Tumingin siya sa bodyguard, at lumapit ito mula sa likod.

Lumingon ang matanda at kumaway siya, sinabi niya, “Ganun ba? May solusyon ka ba dito, iho?”

“Siguro, pero bakit ko kailangan sabihin sa inyo?” Ang kalmadong tanong ni Wilbur.

Tumawa ng mahina ang matanda at tumango siya. “Tama ka. Hindi mo ito kailangan gawin. Pasensya na sa abala.”

Tumalikod si Wilbur at umalis na siya.

Pagkatapos, sinabi ng babae, “Grandpa, ang yabang niya.”

“Wag mo sabihin yan. Hindi ba’t mayabang ka rin sa iba? Wala siyang obligasyon na tulungan ako sa kahit ano.” Yumuko ang matanda at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Tumulo ang mga luha sa pisngi ng babae. “Pero isa po kayong bayani na nasaktan dahil naglilingkod po kayo sa bansa natin!”

“At ano ang ibig mong sabihin dito? Dapat itong gawin ng kahit sino para sa bansa nila. Hindi pwedeng kumilos tayo ng mayabang dahil lang dito, hindi ba?” Tila nagalit ang matanda.

Huminto si Wilbur sa paglalakad at tumalikod siya para tumingin sa matandang lalaki.

“Kung pwede kong itanong, ano ang pangalan niyo?” Ang tanong ni Wilbur.

Ngumiti ang matandang lalaki. “Ako si Benjamin Grayson.”

“Ang founding father?” Ang gulat na sagot ni Wilbur.

Kumaway si Benjamin. “Bah! Isang matandang lalaki lang ako.”

Malalim ang iniisip ni Wilbur.

Si Benjamin Grayson ang isa sa mga founding father ng Dasha. Marami siyang mga nakamit at siya ang naging pinakamataas na chief-in-command sa army. Nirerespeto talaga siya sa army at sikat din siya pati nakuha niya rin ang respeto ng lahat sa bansa.

Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Wilbur, “Ah. Pasensya na po pala sa kawalang galang ko kanina. May paraan po para gamutin ang sakit niyo. Kung maniniwala po kayo sa akin, bait hindi po tayo mag usap sa ibang lugar?”

Ngumiti ang lalaki. “Tama ako na isa kang taong hindi pangkaraniwan. Bakit hindi tayo pumunta sa bahay ko?”

“Sige po.” Tumango si Wilbur.

Pagkatapos, sinabi ng babae, “Grandpa, wag po kayong maniwala sa kanya! Isang scammer lang po siya na sinusubukan maging malapit sa inyo.”

“Ano naman ang makukuha niya sa isang matandang tulad ko? Masyado kang maraming iniisip.”

Sumenyas si Benjamin kay Wilbur na sumunod sa kanya, at naglakad silang dalawa sa daanan.

Pumapadyak na sa galit ang babae sa likod. Ang grandpa niya ay ginamot na ng pinakamahusay na doctor sa bansa, ngunit nabigo pa rin, ngunit ang mayabang na lalaking ito ay sinasabi na may paraan siya? Halata na gumagawa lang siya ng rason para magkaroon ng magandang koneksyon sa pamilya Grayson.

Ngunit hindi siya nakipagtalo sa lolo niya at tinulungan niya lang ito pauwi habang nakatingin siya ng masama kay Wilbur ng paminsan minsan.

Hindi ito pinansin ni Wilbur. Hindi nagtagal, nakarating sila sa bahay ni Benjamin at umupo sila sa sala.

Tinanong ni Benjamin, “Iho, kaya mo bang malaman kung ano ang problema sa akin.”

“Ang mga dating sugat niyo ay rason ng problemang internal, at lumalala ito dahil sa edad niyo. Lumalala ang kondisyon ng baga niyo sa bawat paglipas ng araw. Matagal na dapat kayong patay kung hindi dahil sa magandang medical support na nakuha niyo.” Dumiretso sa punto si Wilbur.

Kuminang ang mga mata ng matandang lalaki. “Paano mo nalaman yun?”

“Obserbasyon po,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur.

Nabigla ang matandang lalaki. “Mahusay ang kakayahan mong mag obserba. Meron ka bang solusyon?”

“Tanggalin niyo po ang shirt niyo. Maglalagay po ako ng Qi sa katawan niyo at bibigyan ko po kayo ng cultivation methods na susundan niyo. Aabot po kayo ng lagpas sa sandaang taon kapag ginawa niyo ito,” Ang sabi ni Wilbur.

Kumunot ang noo ng matandang lalaki habang tumingin siya kay Wilbur baog magsalita, “Mukhang hindi pa tapos ang buhay ko. Pakiusap, magpatuloy ka.”

Nataranta ang babae. Nang makita niya na tinanggal ng grandpa niya ang shirt nito, lumapit siya agad para pigilan ito. “Grandpa, naniniwala po ba talaga kayo dito? Halatang isang scammer siya na gusto maging malapit sa pamilya Grayson para sa sariling pakinabang niya! Wag po kayong magpapahulog dito!”

“Malala na ang sakit ko. Ano ang masama kung subukan ko ito?” Ang kalmadong sinabi ni Benjamin.

Malakas na sinabi ng babae, “Hindi po kayo pwede magpaloko dito! Paano po kung ginamit niya ang pangalan niyo para makuha ang kahit anong gusto niya? Sisirain niya po ang reputasyon niyo.”

Nagtanong si Benjamin ng mahinang boses, “Ano ba ang sinasabi mo? Masyadong mataas ang tingin mo sa pamilya natin. Bukod pa dito, hindi ba’t pwede mo siyang hulihin kung isang scammer talaga siya sa huli?”

Walang masabi ang babae. Hindi na siya nagpatuloy sa pakikipagtalo sa lolo niya. Gayunpaman, si Wilbur naman ang kinausap niya ng galit, “Umalis ka na ngayon mula sa lugar na ito.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status