Sandra's POV
"H-HINDI mo ba ako natatandaan?"Tiningnan akong mabuti ni Lucas saka nagsalita."No. Should I?"Sinubukan kong ihakbang muli ang aking paa palapit sa kanya, ngunit agad na akong hinawakan ng mga bodyguard at tila hindi ako hinahayaang makahakbang pa nang isa."Miss, diyan ka lang," saad ng isang lalaki."A-Ako 'yong nagkamali ng pasok sa kwarto mo noong nakaraan pang linggo tapos–""I get it! I get it! Anong kailangan mo?"Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang tila naalala ako ni Lucas nang banggitin ko iyon. Tinaas niya ang kanyang palad, ito ay nagbigay hudyat sa mga bodyguard na bitiwan ako.Mariin akong lumunok at kinuyom ang kamay. Pilit akong kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang bagay na ito.'Nandito na tayo, Sandra. Gagawin ko ang lahat kahit mapahiya pa ako.'"Sir, tutal naman kinuha mo na ang lahat sa akin, baka naman pwede mo kong bigyan ng pera," Matapang kong wika. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Muli akong lumunok at nagpatuloy sa pagsasalita, "nasa ospital ang nanay ko at kailangan niya ng pera para sa mga session niya."Huminga naman nang malalim si Lucas, mariing pumikit at hinagod ang kanyang sentido, saka nilagay ang hawak na cellphone sa bulsa niya."Look, don't involve me in your problems, okay?"Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, nagsimula siyang lumakad at sinundan siya ng kanyang mga bodyguard. Tila nawalan naman ako ng pag-asa nang mapagtantong ayaw niya akong pakinggan at tila hindi niya ako matutulungan.Hanggang sa maalala ko ang papel na hawak ko. Nanginginig ang aking kamay nang itaas ko ito sa ere."Buntis ako at ikaw ang ama, Lucas Montenegro!" sigaw ko.Napasinghap ang mga taong nakarinig ng bagay na aking sinabi, saka nagsimulang magbulungan. Huminto sa paglalakad si Lucas at nang lalaki ang mga matang bumalik nang tingin sa akin."What? Anong kalokohan ang sinasabi mo?" aniya.Binuksan ko ang hawak kong envelop saka kinuha ang ultrasound at iba pang papeles na nagpapatunay na buntis ako. Hinagis ko ito sa kanyang harapan dahilan upang ito ay bumagsak sa sahig.Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang mga ito. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang hitsura nang masulyapan nito ang fetus na nasa ultrasound."Naniniwala ka na ba?"Impit na tumawa si Lucas na tila hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa maya-maya lang, napasinghap ako nang tapakan niya ang mga papeles na nasa kanyang paahan."Pathetic! Nagpapatawa ka ba?" sigaw ni Lucas. "Leave my building, now!" aniya saka diretsong lumakad palayo sa aking kinaroroonan.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi habang tinatanaw ko ang kanyang likod palayo sa aking kinaroroonan."Lucas! Lucas!" sunod-sunod kong sigaw na halos mapatid na ang aking litid.Tila nanlambot ang aking mga tuhod dahil sa kawalan ng pag-asa sa mga bagay na nangyayari. Napaupo na lang ako sa sahig habang hinahayaan ang mga taong pagbulungan ako habang tinitingnan sa malayo. Ang iba ay kinukuhanan pa ako ng litrato ngunit wala na akong pakialam dito."Ma'am, you can step outside the building po tulad ng utos ni Sir Lucas," wika ng isang guwardiya na lumapit sa akin.Hinawakan niya ang aking braso at inalalayan akong tumayo dahil nakatulala lang ang aking mga mata. Mariin kong pinahiran ang aking luha at huminga nang malalim."Kaya kong lumakad, kuya," wika ko sa guard at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.Nagsimula akong lumakad at kinuha ang mga papel na nasa sahig – ang ultrasound ng anak ko na kanina ay tinapakan lang ng walang puso niyang ama.'I guessed dito na natatapos ang pagpapakatanga ko,' wika ko sa sarili saka nagpatuloy sa paglalakad at lumabas ng gusali na iyon.***Bagsak ang aking balikat nang bumalik ako sa ospital. Nakatulala lang ang aking mga mata at iniisip kung paano at saan na kami kukuha ng pambayad dito.Sa pagpasok ko sa ward kung saan naroon si nanay, umupo ako sa kahoy na upuang nandoon at nanatiling tulala."Oh. Anong nangyari sa lakad mo?" bungad na tanong ni tatay."Wala po, tay. Eh. Hindi po siya naniwala.""Siraulo pala 'yong lalaking 'yon eh!" inis na wika ni tatay. "Ako ang pupunta sa kanya bukas."Agad akong napatingin kay tatay dahil sa kanyang binabalak."Tay! 'Wag na po, baka mas lalong gumulo," pagmamakaawa ko."At ano? Hahayaan mo na lang 'yon?""Tay, ayoko nang mamalimos ng awa sa iba. Durog na durog na ko, tay."Naramdaman ko ang paggapang ng luha sa aking pisngi nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Natigilan naman si tatay nang makita niya kung gaano ako naghihinagpis sa mga nangyayari sa akin.Huminga siya nang malalim saka napakamot na lang ng ulo. Maya-maya lang, lumakad siya at lumapit sa akin, saka umupo sa aking tabi."Tahan na..." malambing niyang wika.Naramdaman ko ang kamay ni tatay sa aking balikat. Sumandal ako sa kanya at kahit paano, nawala ang mabigat na nararamdaman ko.Lumipas ang dalawang araw matapos ang pangyayaring iyon. Lubusan kaming nasimot ni tatay, nagdesisyon kaming ilipat si nanay sa ibang ospital ngunit hindi rin kami maaaring i-discharge dahil wala kaming pambayad. Sa mga panahong ito, wala akong ibang magawa kung hindi ang magdasal.***Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ni nanay habang si tatay ay sinusubuan siya ng pagkain. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa.Makalipas ang ilang sandali, sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang pumasok ang doktor sa loob ng aming kinaroroonan."Doc, may problema po ba?" nag-aalala kong tanong."Wala naman po, Ms. Sandra. May gusto lamang akong sabihin." Mariin akong napalunok at kinabahan sa bagay na ito. "Ms. Sandra, wala na po kayong dapat ikabahala sa hospital bills. Wala na po kayong dapat bayaran at maaari na rin po kayong makalabas ng ospital.""H-Ha?"Nagkatinginan kami nina tatay at nanay nang marinig ang balitang iyon. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil dito."S-Sino po ang mabuting nagbayad ng bills namin, Doc?""Si Sir Montenegro po, ang may-ari ng ospital na to. Nagbilin siya na huwag na kayong singilin at ibigay ang mga kailangan nyo."Napasinghap ako dahil dito, hindi ako makapaniwala sa sinabi ng doktor at halo-halong tanong ang tumatakbo sa aking isip."Seryoso ba 'yan? Kung ganoon, naniwala ba siya sa 'kin?"Matapos kong sabihin ang bagay na iyon, ilang nakaitim na mga lalaki ang pumasok sa loob ng silid kung saan kami naroroon."A-Anong kailangan nila?" kinakabahang tanong ni tatay."Ms. Sandra Montes, sumama ka sa 'min. Gusto kayong makausap ni Sir Lucas."Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso at nanlaki ang mga mata sa gulat.Alam kong ito ang nais ko. Nais kong makilala niya ang batang nasa sinapupunan ko, ngunit bakit tila, iba ang pakiramdam ko rito?...Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a
Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c