Share

Chapter Sixty Nine

INIS na naglabas ng sigarilyo si Luis mula sa cigarette holders ng imported niyang tobacco. Habang inililinga sa paligid ang kaniyang paningin.

Nasa isang lib-lib na lugar sila. Kung saan mga punong kahoy at ligaw na halaman ang makikita. Hindi na rin sementado ang daan, lubak-lubak at mabato. Walang kahit na anong bahay o inspraktura ang nakatayo.

Kung alam lang sana ni Luis na ganoon kalayo at kahirap ang daan papunta sa lugar ng taong kakausapin niya. Sana ay nag-helicopter na lang siya.

"Alecks, hindi pa ba tapos 'yan?" tanong niya sa bagong driver na nakuha ni Ramil para sa kaniya.

"Eh, Boss mukhang matatagalan pa ito. Kailangan ko rin magpalit ng bagong gulong," kumakot na saad nito na nasa makina pa rin ng sasakiyan ang buong pansin.

Gustong singhalan ni Luis ito, ngunit pinabayaan na lang niya. Naglakad siya palayo at saka kinuha mula sa loob ng jacket ang nakatago niyang celpon.

Hinanap niya ang number ni Ramil. Kailangan niyang matawagan ito para makapagpadala ng magsusundo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status