Share

Kabanata 8

Noon, tanging ang mga karaniwang bagay at pangyayari lamang ang pamilyar sa ‘kin dahil bata pa at wala pang sapat na kaalaman. Sa simpleng salita, inosente.

Ngunit dahil sa mga karanasang iyon, karanasang humubog sa aking pagkatao napagtanto ko na ito ang bagsik ng buhay o totoong mundo—iyon bang walang permanente, iyon bang darating ang pagkakataon na maiiwan kang mag-isa, iyong bang hindi tatagal ang saya dahil laging mangingibabaw ang lungkot.

Iyan ang iilan sa paniniwalang 'di sumagi sa isip noong bata pa ‘ko, ang katotohanan tungkol sa mundo at buhay ng tao.

Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap kumbaga nakakaraos naman. Hindi regular ang trabaho ni Tatay, may sa kampo, pangingisda, at sa kung ano pang kaya niyang magawa. Si Nanay naman nag pa-part time bilang kahera doon sa bayan.

Gayun pa man walang mintis si Tatay kabibigay ng regalo sa 'kin kahit walang okasyon, basta ba 'pag may sahod na siya tiyak may matatanggap ako.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status