Malakas kong sinisipa ang lahat ng batong mahahagip ng mata ko. Pagkatapos ay guguluhin ang buhok at hihiyaw. Nyemas! Magkahalong pagsisisi at ginhawa ang nararamdaman ko. Pagsisisi dahil sana hindi na lang ako nagsalita, dahil wala namang kwenta kasi kahit katiting hindi siya naapektuhan. At ginhawa dahil kahit papaano nailabas ko 'yong nararamdaman ko. Pero kahit na! Nakakainis at nakakahiya talaga ako kanina!
Tantiya ko ay maga-alas sais na nang ako'y umalis doon. Kaya ngayon nag-aagaw na ang dilim at liwanag habang naglalakad ako pauwi. Dugyot na dugyot na ako, 'yong uniform pa namin ay puti, mahihirapan na naman akong labhan ito. Ang sakit na rin ng balikat ko dahil sa matagal na pananatili ng bag. At hanggang ngayon damang-dama ko pa ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak.
Nakaka-inis! Ba't ba kasi nagpahigit ako kay Manang Marj—ay isa pa siya! Naiinis din ako sa kanya, wala siyang konsiderasyon, kitang ayaw kong sumama, pipilitin niya ako.
Aba syempre may pera, hihindi pa ba siya? Malamang sa malamang masisilaw 'yon, 'yon buhay kasi rito sa probinsya kapag hindi ka magkakayod at magtatiyaga, mamamatay kang salat. Lalo na kung pinanganak ka nang mahirap.
Pero wala e. Naiintindihan ko si Manang Marj, mahirap din kami at nangangailangan ng pera at 'yong pagsuhol ng lalaking 'yon sa kaniya ay hindi naman yata ilegal, ang kaso—nakakainis pa rin e! Nakasasama ng loob sa parte ko.
Mukha pa akong kawawa kanina! Iyan ba 'yong tinatawag nila na bugso ng damdamin? Nyemas!
Naroon pa naman si Mishella, dapat 'di ako nagpakita ng kahinaan. Gagamitin niya pang pain sa akin 'yon, hindi imposible itong iniisip ko. Nagawa nga niyang manira ng pamilya kaya ang pamba-blockmail ay sisiw sa kanya.
Ngayon mas lalo pang nadagdagan ang pagkamuhi ko sa kanya! Siya rin mismo ang gumagawa ng bagay na magdudulot ng sama ng loob sa akin. Ano pa bang aasahan ko? Wala na 'yong pakialam, may kailangan lang 'yon ngayon kaya lumapit.
Napabuntonghininga na lamang ako. At pinilig nang mahina ang aking ulo. Malas talaga ang araw na 'to ano? Ang daming nangyari.
Nang kaunting lakad na lamang ang kailangan kong gawin para makarating ng bahay. Biglang lumitaw sa aking isipan ang pang-iiwan ko kay Mishella nang mag-isa at habang umiiyak.
Bigla agad akong kinain ng konsensiya. Nyemas! Ba't ko naman mararamdaman 'to? Aba dapat lang iyon sa kanya, magdusa siya. Walang-wala 'yan sa nangyari sa amin!
Hindi ko namalayan, nasa harap na pala ako ng aming pinto—matatawag ba itong pinto? Dahil ito ay isa lamang pinagtagpi-tagping kawayan, hindi ito komukonekta sa pintuan, kaya tuwing gabi, ididikit lang namin 'to. May kurtina naman sa loob kaya sapat na iyan.
Ligtas na kami sa ganitong paraan, dahil ni minsan hindi naman kami pinagnakawan. Syempre wala namang nanakawin sa amin.
"Lintek Elise! Kanina pa kita hinahanap, 'yong kaklase mong si Josefina kanina pa naka-uwi at ikaw ngayon lang? Ngayon bakit mag-isa ka lang?"
Naku dahil sa lalim ng iniisip ko, 'di ko tuloy napansin si Nanay na nasa harap ko na pala.
Pero teka—tinatanong niya kung bakit ako mag-isa? Namali ba ako ng narinig?
Pinagsawalang-bahala ko ang aking naisip. At nang magmamano na sana ako biglang itinabig ni Nanay ang aking mga kamay. Eh?
"Pa-pasensya Nay, saka Nay mag-isa lang naman talaga akong umuuwi rito. Hindi naman na nag-aaral si El—"
"Oo! Alam ko Elise, 'yong punto ko nasaan siya? Ba't hindi mo siya kasama?" Nabigla ako sa pagtaas ng boses ni Nanay. Hindi ko maintindihan, wala akong may naintindihan.
"Sino bang tinutukoy mo Nay?" Nakakapanibago itong inasta ni Nanay. Kani-kanina lang ayos kami ah.
"Saka sa loob na lang tayo mag-usap Nay. Nangangawit na 'ko," pagpapatuloy ko pa. At saka totoo naman, loob at labas ko parehong pagod.
"Susmaryusep Elise, si Mishella ang tinutukoy ko! Nasaan siya? Ba't hindi mo kasama? Nasaan 'yong pera, ba't mo iniwan? Laking bobo ka talaga! 'Wag na 'wag kang papasok dito hangga't hindi mo siya nahahanap, hangga't hindi mo siya kasama! Tandaan mo 'yan, hindi ka talaga makakapasok dito!"
Dumausdos agad ang luha ko, na mabilis ko namang pinahiran gamit itong aking pang-itaas na uniform. Napatingala ako nang di-oras.
Magkahalong sakit kanina at ngayon ang nararamdaman ko, maging ang pagod sa paglalakad ay dama ko na.
Pagod na pagod na ko, dadagdagan pa. Bakit ang daya? Bakit 'yong taong sobrang nasasaktan, dinadagdagan pa ang sakit? Bakit hindi na lang sa taong nanakit, para kahit papaano malaman nila kung ano ang nararamdaman kapag nasasaktan? Nyemas!
"Ano pa tinutunganga mo riyan, umalis ka na! Hanapin mo si Mishella 'wag kang babalik dito hangga't hindi mo siya kasama, naiintindihan mo?"
Agad-agad akong tumango, hindi kayang mag-salita.
Inalis ko ang bag back sa aking likod at inilapag sa tabi ng aming pinto. At sinimulan na ang pagtakbo na sinasabayan ng luhang 'di mapigil-pigil.
=====
Kay tahimik ng paligid, tila mahimbing na natutulog ang langit. Nagigising nga lang sa mga kuliglig na nagsisimula ng mag-ingay. Sinasabayan pa nang malamig na simoy ng hangin.
Bumuntonghininga ulit ako, kaya siguro maraming naka-alitan si Nanay dahil sa mahirap siyang pakisamahan. Pabago-bago siya ng ugali. Pero kahit ganoon, mahal ko si Nanay. Kaya, kaya ko 'to!
Pero...
Paano ko siya mahahanap kung gabi na? Kung malayo pa ang lalakarin ko? Naging mabilis kaming nakapunta ni Manang Marj sa boundary ng Sitio namin at sa kabila dahil nasa paaralan ako no'n. Pero ngayong nasa bahay ako, malayo-layo pa ang lalakarin at isa pa, hindi ako sigurado kung nandoon pa siya.
Nakakapikon! Hindi pa nga ako nangangalahati sa paglalakad, pero parang ayuko na. Paano na 'to? Suot-suot ko pa itong uniform ko. Bwiset talaga!
"Nasaan ka na bang Mishella ka? Malas ka talaga sa buhay namin, 'di ko maintindihan ba't ka hinahanap ni Nanay dahil ba 'to sa pero o ano? Paano na 'to? Paano kita hahanapin nang mag-isa? Nyemas! Siguro sayang-saya ka 'no dahil nakikita mo 'kong pagod na pero dahil utos ni Nanay susundin ko! E ang totoo sayang ka lang sa oras!"
Napasalita tuloy ako nang mag-isa. Mukha na nga akong tanga kanina, ngayon naman baliw na talaga.
"Elise?"
"Ay kabayong may bangs!" Nyemas! Sino ba 'tong lakas ng loob manggulat. Madalim kasi kaya 'di ko maaninag ang mukha.
Hala! Ang malas ko talaga, ang malas-malas ko talaga.
"Ay sorry Elise. Nagulat ba kita? Ako 'to si Emerson 'yong kaklase mo sa—"
Nyemas!
"Ah! a-ano Emerson. Uhm na-nagpapalamig lang ako, ha ha! I-ikaw?" halatang pilit na sinabi ko. Hindi ko mapigilang mautal, ni hindi nga ako tumitingin sa kanyang mga mata. Nyemas talaga!
Kumusta naman kaya itsura ko, mabaho ba ako o ano? Gulo-gulo ba buhok ko? 'Yong hininga ko kaya mabaho na? Kainis. Wala akong putok pero dahil sa mahabang paglalakad kanina posibleng babaho ako. Wrong timing naman! Malas kanina ka pa ah, lubayan mo 'ko, utang na loob!
"Ah huh? Nagpapalamig ka pa sa ganitong oras? Ang lamig na kaya ng panahon. Ibang-klase ka talaga. Oy—teka ba't naka uniform ka pa?"
Napangisi ako roon sa 'ibang klase ka talaga' pero agad din namang napawi dahil sa huli niyang tanong. Sapagkat ang tanong na iyon ang nagpabalik sa akin sa realidad kung bakit nandito ako sa labas.
Hinahanap ko nga pala si Mishella! Ba't na naman kasi ako nagpadala sa emosyon 'yan tuloy nasayang ang oras ko sa paghahanap. Pero nasayang nga ba kung naka-usap ko ang taong gustong-gusto akong mapansin?
Nyemas talaga Nyemas!
"Emerson ano... Aalis na ako ha ba-baka kasi hinahanap na ako ni Nanay. Oh si-siya ikaw rin baka hinahanap ka na rin ng nanay mo." Pilit akong ngumiti, ang lakas talaga ng loob kong magsinungaling. Kasi naman kung sasabihin ko ang totoo, mapapahiya naman ako.
"'Di mo naman sinagot mga tanong ko e! Galing ako kina Chrislyn, nagpaalam ako kay Mama 'di magagalit 'yon . So ano, aalis ka na?"
Agad akong tumango, nag-iwan ng ngiti, tumalikod at sinimulan ulit ang paglalakad. Kina Chrislyn pala siya galing? Hmm.
Dahil mag-isa na naman, bumalik ang nararamdaman ko kanina, ang pagod.
Ang dali ko ng mapagod. Dati patong-patong man na gawain ay kaya kong tapusin nang hindi nakaramdam ng matinding pagod. Sanay na eh.
Pero ngayon hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong nagreklamong pagod na ako. Pagod na ako emotionally, ito kasi yung mas matindi. Pati kasi pisikal na aspeto, naaapektuhan.
Nakakabanas talaga! Naka-usap ko nga si Emerson, nasayang naman oras ko.
Napatingala ako at bumungad sa akin ang napakadaming bituin, kita mo nga naman hindi talaga umaayon ang panahon sa nararamdaman ko. Ang saya at ang ganda ng panahon habang ako lugmok na lugmok.
"Nakakapikon!"
Balik na lang kaya ako sa bahay at ipabukas na lang ang paghahanap. Pero ano kaya ang magiging reaksyon ni Nanay kapag sabihin kong hindi ko siya nahanap? Malamang magagalit 'yon!
Bahala na!
=====
Habang papalapit ako sa bahay parang pinipiga itong puso ko dahil sa kaba. Nakakakabang magalit si Nanay gumagawa kasi siya ng padalos-dalos na desisyon, at ang mas matindi pa tinototoo niya ang mga sinasabi niya.
Kapag sinabi niyang sa labas ako matutulog, sa labas talaga ako matutulog.
"Aba, ano ka sa tingin mo señorita rito? Pwes! Ibahin mo ang ugali mo, dahil dito sa amin maghirap ka muna bago sumaya!"
Nadatnan kong sinisigawan ni Nanay si... Mishella?! Teka paano siya nakapunta rito?
Dumapo ang tingin ko sa kanya, nakayuko siya at hindi kumikibo, hawak niya sa kanang kamay ang isang suklay at buhok pangtali.
Talaga naman oh, halatang hinahayaan at sinusubuan ng pagmamahal itong si Mishella. Hanggang dito ba naman kasi, nadadala. Tingnan lang natin ngayon kung saan aabot iyang pagiging laki sa layaw niya.
Nyemas palalamunin na nga lang akala mo kung sino pa.
"Ba't siya nandito Nay?" nakabusangot kong tanong. Nabaling ang tingin ni Nanay sa p'westo ko.
Kahit na may kaunting ideya akong alam na nanggaling sa sagutan namin ng lalaking 'yon at sa pakikitungo ni Nanay sa 'kin kanina. Gusto ko pa ring malinawan kung bakit nandito ang anak sa labas.
"Wala tayong sapat na pera sa pang araw-araw Elise, alam mo 'yan. Dito muna siya titira kapalit ng pera." Ang akala ko'y papagalitan niya ako, salamat at hindi nangyari.
Pero ano itong sabi ni Nanay?
"Ano ba naman 'yan Nay!" dismayado kong tugon. Nanlumo ako sa narinig.
"Siya Nay 'yong dahilan kung ba't iniwan tayo ng lalaking iyon kaya isang kahig, isang tuka tayo ta's dito mo siya papatirahin? Dahil sa pera Nay? Oo Nay wala tayong sapat na pera. Pero kahit pride na lang sana 'yong itira natin Nay!" Bastos man, ngunit padabog akong lumapit sa kinatatayuan ni Nanay.
"Hindi ko maaatim na kada umaga hanggang gabi mukha ko ang nakikita niya Nay! Sila 'yong dahilan kung ba't tayo nakaranas ng paghihirap! Sila Nay, nakalimutan mo na ba? Dapat magalit tayo sa kanila. Hindi 'yong ganito..."
Siksik sa galit ang lahat ng mga sinabi ko. Ang galit na matagal nakaimbak sa aking puso.
Bakit kaya ito ang nangyayari sa akin, sa amin? 'Di ba pwedeng magpakasaya sa pagiging buhay dalaga? 'Di ba pwedeng takasan 'to? Nakakapagod at nakakasawa na e. Problema na lang mula bata hanggang ngayon!
"Pinagsasabi mo! Oo papatirahin ko siya rito. Pero 'di ko sinabing maganda ang pakikitungo natin sa kanya. Galit ka sa kanya, ipagpatuloy mo 'yan. Gusto mong makabawi ipagpatuloy mo 'yan. 'Di kita pipigilan sa halip susuportahan kita. Nagawa ko 'to dahil sa ngayon hirap na hirap tayo, kailangan natin ng pera. Maintindihan mo naman sana ako Elise," pabulong na wika ni Nanay.
Pumikit ako at dahang-dahang tumango, dinadahan-dahan ko ang pag-intindi ng sinabi ni Nanay. Nang iminulat ko ang aking mga mata, tumambad sa akin ang malalalim na mata ni Mishella, nangungusap.
Pero dapat ba akong maawa kung siya mismo hindi naawa sa amin noong una pa lang? Hindi siya naawang sirain ang pamilya namin?
Pinilig ko ang aking ulo at ipinasok sa isipan na siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa amin, kung ba't kami naghihirap, kung ba't hindi kami kompletong pamilya.
Lagi ko dapat tatandaan ito.
"Huwag ako Beh, ine-echos mo 'ko e. Masyado naman kasing panteleserye 'yan... Pero 'di nga, totoo?" Nyemas parang ako ang hindi makapaniwala sa tagal niyang naproseso. "Paulit-ulit ka Jamie, nakaka-irita ka na kanina ka pa. Nananadya ka ba o bingi ka lang talaga?" singhal nitong katabi ko. Kung pagtabihin itong si Jamie na medyo tanga at si Mirna na pikon, ewan ko na lang. Mabuti na lang nandito ako para umawat. Naks! Pero kahit ganyan kaming tatlo, hindi kami umabot sa puntong nagkakasakitan na, maliban syempre sa paminsan-minsang pananampal at pambabatok—ekspresyon kumbaga. Nandito kami sa classroom, vacant time sa General Mathematics—na minsan lang mangyari. Dahil maraming ginagawa ang GM teacher namin, pinili niyang 'wag na munang magturo. Hinimok niya kaming gamitin ang oras na 'to para gawin ang mga activities sa ibang subject. Sus, dumaan lang 'yon sa mga tainga namin. Nakaharap kami sa isa't isa habang nakaupo. Para kaming seryo
Dala marahil ng kahihiyan kaya nagawa kong tumakbo nang ganoon kabilis. Muntik pa akong mangudngud. Nyemas! Panibagong kahihiyan na naman ang nagawa ko. Ni hindi ko mawari kung nasaang lupalop na ako ngayon! Pagkatapos kong marinig lahat ng iyon, hindi ako nagdalawang isip na tumayo at lapitan silang dalawa. At no’ng nakita nila ako, kita ko sa mata ni Mishella ang gulat ngunit sa lalaking kasama niya, wala. Nakatingin lang sa akin gamit ang 'di mabasang emosyon. Palagay ko’y iyon pa ang nagpadagdag sa aking mga luha. Ang reaksyong nangbabalewala. Iyak ako nang iyak habang dinuduro ko sila. Tangina hanggang duro lang ang nagawa ko, hindi kayang lumabas ang mga kinikimkim kong salita. Nilulunod ng aking iyak ang gusto kong sabihin. Nanggigigil akong sumbatan sila pero hindi ko alam kung paano, hindi ko kaya. Ang tanging makapaglalabas ng nararamdaman ko ay luha. Kasabay niyon ang panginginig ng aking mga tuhod at labi dahil lumukob sa buong kata
"Si Noel Santana 'di mo kilala ‘yon? ‘Yong dating asawa niya ba eh nakatira doon sa gilid ng pader ng mga Alkazaren? Asus imposibleng 'di mo kilala ‘yon." "Gano’n ba? Eh Ebeng alam mo namang bagong lipat pa lang kami rito ng ampon ko, kaya 'di pamilyar sa akin iyang si Noel Sa... Sata—ano nga ulit ‘yon?" "Santana, Noel Santana nga Bresyang. Bali-balita na nagpunta siya sa dati niyang asawa na si Emelda. Nakikipagbalikan na raw siya at pinilit na lumuwas sa ibang lugar, kesyo itong si Emelda, mapili at maldita ayon umayaw!" "Totoo? Pero kung sa 'kin lang Ebeng, aba 'di na ako magdadalawang-isip payag na 'ko agad. Tiyak ang pag-alis sa lugar na ito ay susi sa maginhawang buhay kaya ba't naging ganon ang desisyon ni... ‘Yong babae." "May punto ang sinabi mo Bresyang, maging ako ay 'yan din ang gagawin. Pero bahala na sila sa buhay nila, problema na nila 'yon." Isa lang iyan sa i
Sa kabila ng nanginginig na mga kamay nagawa ko pa ring sunod sunod na lumagok ng tubig. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naninimbang na mata ni Ellena, ngunit malaking pasasalamat ko dahil masyado pa siyang bata para maintindihan itong ina-aksyon ko. Pinilit kong kumalma at magmukhang maayos, ngumiti pa ako para talagang magmukhang 'di apektado, lalo na para sa susunod na tanong. "Eh pa-paano 'yan Nay? Paano kung mahuli si—" "Aba pakialam ko sa kanya! Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang magpaka-adik, wala akong paki. Kung may masamang mangyaring man sa kanya, edi mangyari! Buhay niya ‘yon, siya ang magdurusa sa impyerno, hindi tayo, hindi sinuman! Matagal na tayong walang koneksyon sa kanya Nak mahigit walong taon na nga, kaya wala na dapat tayong pakialam sa kanya! "Kaso ngayon..." Binalingan ni Nanay si Elise, kung kanina siya ay nakayakap sa dalawang tuhod, ngayon ay maayos na ang kanyang pag-upo habang nakapang
Matapos kong maibigay ang benta at makuha ang suhol, tinupad ko ang aking pangako kina Mirna at Jamie na babalik ako. Gayun pa man bumalik ako upang magpaalam na aalis at hindi manatili pa na kasama sila. Pero ano pa nga ba, pinilit ako ng dalawa na dumiretso na lang daw muna sa plasa. Kagagaling lang do’n nila ah. Kaya todo tanggi pa ako. Maraming rason din ang sinabi ko makawala lang sa kanila. Ang pumiglas-piglas ay sinubukan ko ring gawin ngunit sabunot lang ang inabot ko galing sa dalawa. Sila na nga ang namimilit, sila pa ang nananakit. Walang duda tuloy na napasama ako. Nyemas! "Tapos naman ang liga 'di ba? Oh ano pa ang ginagawa natin dito? May gagawin pa ako sa bahay, aksaya lang 'to ng oras eh," reklamo ko. Pero hindi man lang ako binalingan ni Mirna na prenteng naka-upo sa sementong upuan na pumapalibot sa buong gilid ng plasa. Siya lang ang kasama ko ngayon, bumili ng makakain si Jamie, libre niya. At ito kam
Noon, tanging ang mga karaniwang bagay at pangyayari lamang ang pamilyar sa ‘kin dahil bata pa at wala pang sapat na kaalaman. Sa simpleng salita, inosente. Ngunit dahil sa mga karanasang iyon, karanasang humubog sa aking pagkatao napagtanto ko na ito ang bagsik ng buhay o totoong mundo—iyon bang walang permanente, iyon bang darating ang pagkakataon na maiiwan kang mag-isa, iyong bang hindi tatagal ang saya dahil laging mangingibabaw ang lungkot. Iyan ang iilan sa paniniwalang 'di sumagi sa isip noong bata pa ‘ko, ang katotohanan tungkol sa mundo at buhay ng tao. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap kumbaga nakakaraos naman. Hindi regular ang trabaho ni Tatay, may sa kampo, pangingisda, at sa kung ano pang kaya niyang magawa. Si Nanay naman nag pa-part time bilang kahera doon sa bayan. Gayun pa man walang mintis si Tatay kabibigay ng regalo sa 'kin kahit walang okasyon, basta ba 'pag may sahod na siya tiyak may matatanggap ako.
Tutugon na sana ako sa mga sunod-sunod na sinabi ni Nanay kung hindi lang umalingawngaw sa palibot ng aming bahay ang boses-babae na pamilyar sa akin. Pabulong na nagmura si Nanay bago iniwan ang ginagawa. Wala sa sarili akong sumunod. "May napa-baranggay blotter ba sa 'kin? Aba lechugas kung gusto nilang makaganti sa 'kin dapat idaan namin 'to sa sagutan nang kami lang! Mga duwag pala sila eh," nanggigigil na sabi ni Nanay. Nagmukhang hindi komportable tuloy si Jamie—oo kaya pala pamilyar sa akin and boses na iyon dahil pagmamay-ari niya. "Eh? Aleng Emelda naman. Napag-utusan lang po ako kaya wala akong alam. Ang mabuti pa po puntahan niyo na lang doon para malaman niyo kung tungkol saan nga ba," mahinahong pagpapaintindi ni Jamie. "Ah ayuko! Hangga't hindi ko alam kung ano’ng rason kung bakit ako pinatatawag hindi ako pupunta!" Sabay balik ni Nanay patungong kusina. Dinig kong malalim siyang napabuntonghininga at nasul
Palagay ko ay natigil nang sandali ang aking paghinga. Nanikip at kumirot ang aking puso, na-estatwa ako sa aking kinalulugaran. Ang tanging nagawa ko lamang ay titigan siya habang papalapit sa puwesto ko, hindi ko alam kung bakit naging ganito ang reaksyon ng aking katawan. Ang nasisiguro ko lang, umaapaw ang kagustuhan na makita siyang nasasaktan at nahihirapan! Hanggang salita na nga lang ba ako? "A-Ate," banggit niya at do’n na ‘ko natauhan. Tumayo ako, nangangatog ang dalawang tuhod. Ramdam ko ring nanunubig ang aking mga mata. Ngunit hindi naging dahilan iyon upang siya ay itulak, rason kung bakit nakasalampak siya ngayon sa lupa. Narinig ko ang daing niya pero hindi siya umalma. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na 'wag mo 'kong tawaging Ate huh?!" Dinuro-duro ko siya. "Hindi mo 'ko kapatid at kailanman hindi kita ituturing na kapatid! Ganyan ka na ba talaga kabobo para hindi maintindihan 'yan?!" Nanginginig ang aking m