Share

CHAPTER 28: MUNTIKANG PAGBABALIK

“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?”

“Saan aabot ang kaniyang kahibangan?”

Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon.

“Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban.

“Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban.

Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Juan Gianan
may kasunod na episode pb to
goodnovel comment avatar
Juan Gianan
tagal naman ng kasunod
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status