Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Madilim, mapuno at umuulan. Madadama na madami ang nakapalibot sa amin na mga nilalang. Nanlilisik ang mga mata at nanggagalaiti ang mga ngipin. Nagmamasid ang mga ito habang naghihintay ng pagkakataon na sumalakay. Ito ang kauna-unahang eksena na aming nasaksihan sa mundong ito.Agad kaming tumakbo palabas ng gubat kasama ang aking mga kaibigan na sina Jas Martinez, Dane Santiago, Nads Vivar, Mercury Manuel at Set Saja.Marahil kayo ay nagtataka kung nasaan kami at kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Kaming magkakaibigan ay napadpad sa mundo kung saan wala kaming kaalam-alam sa pamumuhay at sistema ng mga naninirahan dito. Pero bago ang lahat, isisiwalat ko muna ang mga tunay na nangyare.Hi, I’m Mac Salas isang high school student. Normal naman ang naging buhay ko, masaya dahil madami akong naging kaibigan. Ngunit may isang bagay na pakiramdam ko ay kulang. May isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko alam, ngunit lagi ko ‘tong h
Habang nag-iisip, biglang isang magandang ideya ang pumasok sa aking isipan.“Paano kaya kung isama ko mga kaibigan ko dito?”Sigurado ako na magiging interesado din sila dahil alam ko na sobrang naiinip na sila sa normal na buhay. Ngunit hindi ko naisip na ito pala ang isa sa pinakamalaki kong pagkakamali na gagawin.“Maari nyo po ba akong ibalik sa mundong pinaggalingan ko? Nais ko po sanang tanungin ang mga kaibigan ko kung gusto nila akong akong tulungan. Naisip ko po kasi na masyadong mahirap ang pinapagawa nyo sa akin ng mag-isa. At isa pa nga po pala, kung sakali mang naisin na nilang umalis sa mundong ito, ibalik nyo na po sana sila sa mundong pinanggalingan namin.”Nang marinig ito ng Diyosa, napangiti ito at nagwika,“Sige tutuparin ko ang iyong kahilingan, ngunit sa isang kondisyon. Kapag natapos na ang lahat o kung sakali mang ibabalik ko na sila sa mundo nyo, buburahin ko lahat ang kanilang memorya.&
Napaatras ang dalawa ng ako’y papalapit na sa kanila. “Sino ka? Huwag kang lalapit! Sisigaw ako kapag lumapit ka,” natatakot na pagtaboy sa akin ni Set. “Ako to dre si Mac Salas kaibigan nyo.” Pilit kong sinasabi sa kanila na ako si Mac ngunit ayaw padin nila maniwala. “Ah, alam ko na. May isa akong sikreto na silang dalawa lamang ang nakakaalam,” bulong ko sa sarili. Ang sikretong ito ay tungkol sa babaeng aking napupusuan. Siya ay si Jas, isa sa matatalik naming kaibigan. Intinatago ko ito sa lahat dahil natatakot ako na masira ang aming pagkakaibigan dahil dito. Imbis kila Mercury at Set. Tiwala naman ako na hindi nila ipagsasabi ito kahit kanino. “May sikreto ako na kayo lang nakakaalam ‘di ba? Naaalala nyo ba ‘yong sinabi ko sainyo noong nagpunta tayo sa plaza last time? Tayong tatlo lang magkakasama noon tapos pupunta sana tayo ng Balanga. ‘Di ba sinabi ko sainyo na may gusto ako kay Jas.” Pagkasabi ko nito, kumalma
Dumating kami sa panuluyan bandang alas-nuwebe ng gabi. Bago pumasok, nagpakilala sa amin ang lalaki. “Tawagin nyo nalang akong Serio, ito yung tinutukoy ko na panuluyan namin ng asawa ko. Mamaya pagpasok nyo baka makita nyo sya loob, kausapin nyo na lang siya kung may kailangan kayo.” Sa hindi maipaliwanag na kadahilan, parang hindi mapakali si Mang Serio. Kanina pa sya tingin ng tingin sa paligid na para bang may iniiwasan. Siya ay nagpa-alam muna sa amin at nagwika, “Oh sya, mauna na kayong pumasok sa loob at doon ako dadaan sa likuran,” kinakabahang sabi nito. Hindi pa nakakalakad ay biglang bumukas ang pinto. Isang babae ang lumabas. Nakangiti ito ngunit nanggagalaiti ang mga mata. Pagalit itong sumigaw ng malakas, “Seriooooo!!! Anong oras na bakit ngayon ka lang dumating huh?! Siguro nambababae ka na noh?” Nawala ang aming pangamba at pagtataka sa ikinikilos ni Mang Serio dahil sa aming nasaksihan. Palihim kaming napangiti
Mabibilis na tapik ang aking naramdaman sa aking bandang likuran. Umaga na pala kaya ginigising na ako ni Set upang mag-almusal. “Uy dre bangon na nandoon na silang lahat sa baba. Ikaw nalang hinihintay.” Naalimpungatan ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Sa aking pagtayo, natanaw ko mula sa bintana ang madaming tao na abala sa kanilang mga ginagawa. Ang ilan ay nagtatayo ng maliit na silungan kung saan nila ilalagay ang kanilang mga paninda. Habang ang iba ay may dala-dalang mga armas. Nagtaka ako dahil normal lang ba ang magdala ng armas kung saan-saan? “Set, mga sundalo ba ‘yong mga lalaki na ‘yon? Bakit kaya may bitbit silang mga espada? Yung iba may dala pang mas malalaking armas.” Sumilip din si Set sa bintana upang makita, “Hindi ko alam eh dre. Hayaan mo na sila, tara na bumaba na tayo baka nagsisimula na silang kumain.” Sumama na ako kay Set pababa. Masayang nag-uusap sila Mercury at Dane habang hinihintay si Mang Serio. Noon
Pumasok kami sa loob at mapapansin na sobrang laki ng pasilidad. “Ang lawak sa loob. Parang conference hall pero sobrang laki,” namamanghang sabi ni Dane. May mga kwarto kung saan ka pwedeng magparehistro upang makakuha ng mga misyon. Pumunta kami doon at isang babae ang sumalubong sa amin. “Bago lang po ba kayo dito? “ “Opo,” tugon namin sa babae. “Pasok po kayo rito sa silid na ito para mailista ko na ang mga pangalan nyo.” Sama-sama kaming nagpunta sa silid at malawak din ang loob nito. Madaming kaming mga nakasabay na nagpapalista pero hindi naman kami natagalan sa pila dahil mabilis lang ang proseso. “Sumunod po kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa ikalawang palapag. Nandoon ang mga misyon na maari niyong makuha.” Sambit ng babae kaya agad kaming naglakad. Ipinaliwanag niya rin sa amin ang sistema rito. “Kada misyon na inyong matatapos ay makakatanggap kayo ng puntos na pagbabasihan ng inyong mga karanasan.
Sa mundo ng Aragona, ang mga libro na naglalaman ng mga salita upang makabuo ng salamangka ay tinatawag na Grimoire. Naglalaman ito ng mga konkretong teksto na kailangang kabisaduhin ng isang salamangkero kung nais nyang makagawa ng salamangka. Ang salamangka ay higit na mas malakas kaysa sa mga s*****a na gawa lang ng imahinasyon. Dahil ang salamangka ay gawa ng mga magagaling na salamangkero, napatunayan na itong epektibo kaya naman nakalagay na ito sa mga Grimoire. Malapit na kaming makarating sa gitna ng kagubatan. “Naririnig niyo ba? Saan kaya nanggagaling ang ungol na ‘yon?” tanong ko sa kanila. HIndi lang mababagsik na lobo ang nilalang na naninirahan dito. Madami pang mababagsik na hayop at halimaw ang gumagala sa kagubatan upang makahanap ng makakain. Nagsitaasan ang aming mga balahibo dahil sa sobrang nakakatakot na awra na mararamdaman sa gubat. “Ano ba ‘to bakit ganito dito? Parang may namamatay o pinapatay dito araw-araw,