Share

CHAPTER 30: PAGKAKAAYOS

Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw,

"Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads.

"Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads.

"Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio.

"Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads.

Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo.

Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito.

Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa.

"Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads.

"Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo.

"Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status