Share

CHAPTER 33: PASUKAN

Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob.

"Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury.

Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat.

Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo.

Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
danilo damasco
wala pa bang kasunod sayang ang gem ko na sinusuporta.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status