Dinala ako ni Lorenzo sa art gallery at art museum. Pagkatapos ay kumain kami sa mahahaling restaurant. Pagkatapos namin kumain ay dinala niya ako sa mga tourist spot katulad na lang ng magandang lake na hindi ko pa nabibisita.Mabilis na lumipas ang oras at hapon na. Nandito kami ngayon sa harap ng dagat ni Lorenzo habang magkahawak kamay. Sabay namin pinanuod ang paglubog ng araw na sobrang ganda pero nakaramdam din ako ng kalungkutan dahil panandalian lamang masisilayan ang kagandahan nito."Alam mo ba na hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito," bigla niyang sabi sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko mapagilan na mapangiti at kiligin dahil sa atake ng kanyang mga salita. Hindi pa doon nagtatapos ang kanyang sinabi at nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita habang humarap sa akin at hinawakan ang parehong kamay ko."Jay, salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong sinabi mo na mahal mo ako. Binigyan mo ako ng lak
Ang sinag ng araw ang sumalubong sa akin ng imulat ko ang akin mga mata. Mga ilang minuto ako nakatutuk sa kisame dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala na dito ulit ako titira. Napagdisisyonan ko na bumangon para simulan ang bagong araw ko. Wala akong pasok sa office ngayon, pero may pasok ako sa bar ngayon. Ngayong araw na ka schedule ang pag-d-dj ko sa bagong bar na pinapasukan ko.Pero mamayang hapon pa ang pasok ko. Ngayong umaga ay kukunin ko ang mga gamit ko para ilipat dito. Papasok na sana ako sa banyo ng may kumatok sa pintuan. Lumakad ako papunta sa pintuan at binuksan ko ito. Sumalubong ang nakangiting mukha ni Thomas at sa likod nito ay ang mga kasambahay na may hawak na mga gamit.“Anong ginagawa mo dito, Thomas? Bakit nandito ang mga kasambahay?” Tanong ko sa kanya.“Nandito ako ngayon para ibigay sa iyo ang mga gamit mo. Pasensya na kung inunahan ka na namin ni Nate sa pagkuha ng mga gamit mo,” sabi ni Thomas. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o magpapasalamat.Pero,
Nakangiting pinagmasdan ko ang mga pulang rosas na hawak ko ngayon at dahan-dahan na inilagay ito sa tabi. Lumingon ako sa gawi ni Lorenzo nang tawagin niya ako.Paglingon ko sa gawi niya ay agad ko napansin ang mga gwapo at matamis niyang ngiti habang tinatawag ang aking pangalan. Ngayon ko lang naramdaman na masarap pakinggan ang aking ngalan kapag siya ang bumibigkas ng bawat pantig ng akong ngalan.Nagtagpo ang aming mga mata at atomatiko nagkaroon kami ng sariling mundo. Tanging siya at ako lamang ang aking nakikita at parang nabura lahat ng mga tao sa aming paligid.Hinawak ko ng mahigpit ang aking dibdib dahil sa mabilis na tibok ng puso ko na parang makakawala ano man ang oras. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-init ng aking pisngi ng hinawakan niya ang aking kaliwang pisnge gamit ang kanang kamay niya.Hindi ko maiwasan na hindi damahin ang init ng kanyang palad na nagbibigay ng pakiramdam sa akin na para akong ligtas, masaya at kontento sa piling niya.Hindi nagtagal ay unti-u
Dalawang buwan na ang nakalipas ng nilagnat ako at sa loob ng isang buwan ay mas nakita ko ang sinseridad ni Lorenzo sa akin. Hindi sa ipinagyayabang ko pero masasabi ko na hindi ako nagkamali na sagutin si Lorenzo.Sa kasalukuyan ay nasa office ako ngayon habang may ginagawa sa harap ng kompyuter. Si Lorenzo naman ay may ibang misyon. Medyo malungkot nga dahil hindi ako kasama sa misyon niya.Habang may ginagawa ako sa harap ng kompyuter ay may biglang tumunog ang cellphone ko. Tinigil ko muna ang ginagawa ko sa kompyuter para tignan ang cellphone ko.Pagtingin ko ay may message na natanggap ko galing kay Leo. Hindi lang iyon, pati kay Joyce na fiancee niya.Unang mensahe na binasa ko ay kay Joyce dahil ito ang nasa una ng listahan. Naglalaman ito ng detalye ng pagkikita namin bukas.Hindi ko alam kung bakit nagyaya siya sa akin bigla na makipagkita. May sasabihin daw siya sa akin namahalaga kaya pumayag ako makipag kita sa kanya bukas pagkatapos ng trabaho ko.Nag reply ako kay Joyc
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng malaman ni Jay ang nangyari sa kampo at sa kanyang ama. Araw-araw ay tumatawag siya sa doon upang kumustahin ang kanilang kalagayan.Tatlong araw na din ang nakalipas pero wala pa rin malay ang kanyang ama. Dahil sa pag-alala ay mabilis siya nag-impake pagkatapos na tawagan niya si Chief Franco.Habang nag-iimpake siya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa at nakita niya ang pangalan ni Lorenzo ang naka display sa screen.Sasagutin na sana ni Jay ang tawag ni Lorenzo ng biglang nag display ang mensahe ni Leo. Nabasa niya sa kanyang cellphone na nasa harap na ng gate si Leo. Sinilip ni Jay ang gate mula sa kanyang bintana at nakita niya na nasa tapat ng gate si Leo.Dahil sa pagmamadali ang sa pag-iisip sa kalagayan ng kanyang ama ay nakalimutan ni Jay na tawagan si Lorenzo para tanungin kung bakit ito napatawag.Pagkatapos na mag-impake si Jay ay agad siya lumabas sa mansyon at nakit
Third Person POVHabang nasa loob ng barko sila Jay kaharap niya si Leo habang nakaupo sa harap ng lamesa at kumakain ng kanilang pananghalian. Sa buong byahe ay tahimik lang sila Jay at Leo at may kanya-kanyang pinag-iisipan.Ang buong atensyon ni Jay ay naka pukos sa mga katanungan at pag-alala sa kanyang ama na ngayon ay wala pa rin malay. Habang si Leo naman ay nag-iisip sa kalagayan ng kanyang fiancee at sa trabaho.Parehong napabuntong hininga sina Jay at Leo kaya napatingin sila sa isa’t-isa ng mapansin nila ito. Biglang sumagi sa isip ni Jay ang mga sinabi ni Joyce sa kanya tungkol sa kalagayan ni Leo.“Commander Leo, nagkita kami ni Joyce at sinabi niya sa akin ang tungkol sa kalagayan ng paa mo,” pagbukas ng salita ni Jay. Hindi naman nagulat si Leo at kinuha ang kanyang tasa na may lamang kape at ininom ito habang mainit pa. Nakapikit si Leo habang ininom ang kape at ibinaba ang tasa at napaisip sa kanyang nobya.“Sinabi pala sa iyo ni Joyce ang tungkol sa akin,” sabi ni Le
Agad na tinawag ni Gin si Glade na nasa kampo at ibinalita ang magandang balita na gising na ang kanilang general.Bakas sa mga mukha nila ang saya dahil sa magandang balita. Madali na nakarating ang tatlo na sina Leo, Gin, at Jay sa hospital. Pagpasok nila sa loob ng kwarto ay nakita nila na nakaupo ang general nila sa kama habang inaasikaso ng nurse.“Dad! General!” sabay na saad nila Jay at Gin. Nakangiti at tumango naman si Leo sa general nila ng magtagpo ang kanilang mga mata.“Dad, bakit nakaupo agad kayo? Humiga ulit kayo,” nag-aalalang sabi ni Jay na sinang-ayunan naman ni Gin.“Tama po si Jay, General. Kakagising niyo pa po, humiga muna po kayo,” sabi ni Gin.“Leo, awatin mo muna ang mga dalawang bata na ito,” sabi ni General habang malakas na tumawa.Masaya naman si Jay ng marinig niya ang malakas na halakhak ng kanyang ama.“Kumusta na Jay?” Tanong ng ama ni Jay sa kanya.“Maayos lang po ako Dad. Mabuti na lang at gising na po kayo,” masayang sabi ni Jay sa kanyang ama.“Ma
Okyupado ang pag-iisip ni Jay tungkol sa kalagayan ng kanyang ama at sa magiging desisyon niya. Ayaw niya mabigo ang pag-asa at paniniwala ng mga dating kasamahan niya sa kanya pero dahil ang pinag-uusapan ang tungkol sa nangyayaring gulo. Kung saan kung sasabak siya sa ganun klaseng gulo ay walang kasiguraduhan na makakauwi siya sa piling ni Lorenzo ng buhay.Dahil dito ay ngayon lang siya nakaranas ng takot na mamatay dahil sa kadahilanan na takot siya na baka hindi na niya makapiling muli ang mga mahal niya sa buhay lalo na si Lorenzo.Pagkatapos makababa ni Jay sa eroplano, okyupado pa rin ang kanyang pag-iisip at hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya si Lorenzo.“Jay!” Tawag ni Lorenzo sa kanya. Saka lamang napansin ni Jay si Lorenzo ng madinig niya ang boses ni Lorenzo malapit sa kanyang kanang tenga kaya ay nagulat siya at napalingon kay Lorenzo. Nakatingin sa kanyang mata na may pag-alala.“Lorenzo!” Tawag ni Jay at niyakap si Lorenzo ng mahigpit. Niyakap nila ang i