Share

Chapter - 5

Author: Ms_Ashell
last update Last Updated: 2023-10-11 12:06:37

Kinabukasan....

" 8:48 am "

Jazer's POV

Maaga ulit akong umalis sa hotel para mag ikot ikot, nagbabaka sakaling makita si Ms. Hazel o di kaya si Iyesha. Ang tanging bitbit ko lang ay ang kamera at pera ko. Kapag meron akong nadaan na pwedeng kuhanan ng litrato ay agad akong kumukuha ng magandang pwesto para maganda din ang kakalabasan ng mga kuha ko.

Marami rami din ang nakuha kong litrato habang nagiikot. Napahinto ako sa isang pamilihan na puro chilli powder, naisipan kong kuhanan yun ng litrato dahil namangha ako sa ibat ibang kulay nito.

Pagkatapos ay nagsimula na ulit akong maglakad ng pumasok sa ilong ko ang maanghang na amoy ng mga yun. Nakaramdam ako ng gutom kaya napag disisyonan kong bumalik na muna sa hotel para kumain ng umagahan.

Habang naglalakad ay abala din ako sa pagtingin ng mga litratong kuha ko kanina.

" bitawan niyo 'ko~~... kuya naman e~~ mabait naman po ako---wag niyo na 'ko kunin--- please~~~ "

Napahinto ako at napa kunot ang noo ng marinig ang boses ng isang babae sa pagsasalita ng tagalog. Narinig ko ito mula sa kabilang iskinita.

" Ano ba~~ masakit po kaya! bitawan niyo na 'ko plea~~~se huhu~~ "

" Bilisan niyo ano ba! "

Lalong kumunot ang noo ko ng boses naman ng isang lalake ang narinig kong magtagalog.

" Wag kana kasing pumalag! "

At may Isa pa...

" ayaw ko nga ih~~ bala ka jan! "

Humakbang pa 'ko ng ilang beses para masilip kong anong nangyayari.

Mabilis akong napatago ulit sa isang pader ng makita ko ang dalawang lalake na may hawak pang malalaking baril habang hinihila ang isang babae.

" Tsk! Mga mukha palang, halatang sindikato na " sa isip isip ko.

( 34_days_ left... )

" Ayaw ko nga po sumama!.. Huhu~~ "

Muli akong sumilip ng marinig ulit ang pamilyar na boses nayun. At laking gulat ko nalang ng mapagtanto kong tama nga ako sa hinala ko.

" Si Iyesha nga! "

Naka kapit siya ngayon sa isang poste habang pilit naman siyang inaalis dun ng mga lalaking may armas. Bumalik ako sa pagkakatago sa pader at mariing napa pikit habang pinuproseso ng utak ko kung ano ba dapat ang tamang gawin.

" Malas naman oh, kung kaylan wala akong dalang armas ngayon! haisst "

Iginaya ko ang paningin sa paligid para maghanap ng bagay na pwedeng ibato sa mga lalakeng 'yun at sakto namang may nakita akong mga bato na nakatambak sa isang gilid. Dali dali akong lumapit do'n at dumampot ng dalawang bato na sakto lang ang bigat at laki para maibato ko, saka muling sinilip ang dereksyon nila Iyesha.

Nakasimangot siya at paulit ulit na umiiling habang kapit na kapit parin doon sa poste, yung dalawang lalake naman ay naka pamewang na lang habang naka tingin kay Iyesha na ani mo'y sumuko na sa pagpilit sa kanya na sumama sa kanila.

" Babatohin ko pa ba sila, o wag na? "

Saglit ko muna silang pinagmasdan, nag babaka sakaling aalis na lang at hindi na pilitin si Iyesha pero na alarma agad ako ng bumaba yung nagmamaneho ng van at tutukan si Iyesha sa ulo ng baril.

" Hoy! "

Pagkukuha ko sa antensyon nila bago ako bumato at sumakto naman 'yun sa mukha nung isa sa kanila. Agad naman 'yong natumba at namilipit sa sakit habang hawak hawak ang ulo nito dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon nung dalawa niya pang kasama.

" Ilyza takbo--- " saglit akong napahinto at napa-isip " Ahh hindi... Iyesha pala... tama! tama! " nagbuntong hininga ako upang humugot ng lakas " Takbo na Iyesha! " sigaw ko dahilan para bumitaw na ito sa poste at kumaripas ng takbo.

" Sa ibang dereksyon "

Akma pa siyang hahawakan nung isa pero inunahan ko na siyang batohin ng bato na siya namang tumama sumakto sa dib dib nito dahilan para bumagsak ito sa lupa at namilipit din sa sakit.

" Kaasar! " Sa isip isip na bulalas ko ng magpaputok ng baril ang isa sa kanila.

Napayuko ako sabay takbo pabalik sa kaharap kong iskininita dahil nakaka siguro akong doon lulusot si Iyesha para magkasalubong kami. Muli akong napayuko at mas kumaripas ng takbo dahil sa muli nilang pagpapa-ulan sakin ng bala.

" Jazer dito! "

Agad akong nag iba ng dereksyon matapos kong marinig ang boses na yun ni Iyesha sa isa pang iskinita. Ng makalapit ako sa kanya ay agad kong hinawakan ang kamay niya saka kami sabay na tumakbo ng mabilis.

Kaliwat kanan na putok ng baril ang humahabol samin ngayon, kaya naman panay din ang pag-yuko namin ni Iyesha habang tuloy parin sa pagtakbo maiwasan lang ang mga bala.

Kung sa'n saang iskinita kami dumaan at lumusot ni Iyesha hanggang sa tuluyan na nga naming nailigaw 'ang mga lalaking bumabaril sa'ming dalawa.

Habang hinihingal ay napahawak ako sa tyan ko ng bigla itong kumulo dahil sa nararamdamang gutom.

" Hah-hah-hah-na gugutom ka?-hah-hah " tanong niya habang hinihingal.

" Wala to, sino ba 'yung mga 'yun? " pagtatakang tanong ko sa kanya.

Sasagot na sana siya ng iharap ko ang sariling kong palad sa mukha niya dahilan ng pagka gulat niya.

" Bago ka magsalita, huminga ka muna ng malalim baka bigla kang atakihin dyan... kunsensya ko pa " saad ko sabay pamulsa.

Sinunod niya naman yung sinabi ko bago siya nagsalita. " Hindi ko naman kilala ang mga 'yun..."

" Tsk, nga naman... May sindikato bang nagpapakilala bago kumuha ng biktima? " Napa iling na lang ako sa sariling naisip.

" Pero sabi nila marami daw silang kendi at tinapay sa loob ng Van... E hindi naman ako mahilig dun noh, gummy worms lang gusto ko kaya di ako sumama... " dugtong niya pa na naka nguso pa habang nasa lupa lang ang tingin.

Magkahawak pa ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang isa niya namang paa ay bahagyang kinakalkal yung lupa.

* Sigh! *

" 10:35 am "

" Ayaw mo talaga? masarap naman to ih " pamimilit niya sa'kin na sinusubukan pang isubo sa bibig ko yung hawak niyang jelly ata, kulay pula na kurteng uod at nakakdiring tignan.

" Haisst! ayaw ko nga, ang kulit " asik ko saka inilayo ang kamay niya at inunahan siya sa paglalakad.

Natatanaw ko na mula rito yung hotel, kaunti nalang ang lalakarin at makaka kain na ako. Napahinto ako ng mapansin ang hindi niya pagsunod sakin. Muli ko siyang nilingon at napangiwi ako ng makitang umiiyak ito habang yakap yakap ang plastic na may lamang gummys.

" Anak ka ng, Hindi ko naman siya ina-ano "

Inis akong naglakad pabalik sa kinatatayuan niya.

" Hey " mahinang usal ko.

Tumalikod siya sakin bago ulit nagpatuloy sa pag iyak ng mahina habang kusot kusot pa ang sarili nitong mga mata.

" Tsk! fine, akin na " sambit ko sabay lahad ng kamay sa bandang gilid ng balikat niya.

Tinignan niya yun bago ito tuluyang humarap sa kamay ko.

Bale naka tagilid siya sakin ngayon.

Kumuha ulit siya ng isang uod-uod doon sa plastik at inilagay yun sa palad ko bago ito tumingin sakin ng naka simangot parin. Mabilis kong isinubo ang bigay niya at nginuya ng naka tingin lang sa kanya ng deretsyo, kaagad ko di'ng naalis 'yun ng malasahan ko na ng tuluyan yung kinakain ko.

" hmm, hindi naman pala gano'n kasama ang lasa "

" Hihihi diba masarap, sabi sayo eh " ngiting ngiti na sambit niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Nakita kong namumula parin ang ilong nito at pati narin ang gilid ng mata niya dahil sa ginawa niyang pag iyak kanina. Hinawakan ko yung pisnge niya para punasan ang bandang ilalim ng mata nito dahil sa butil ng luhang naro'n pa.

Agad ko din namang na-ialis ang kamay sa mukha niya at namulsa sabay iwas ng tingin dahil sa biglang pagkabog ng dib-dib ko.

" Wag kang mahulog sa sinto sinto na 'yan jaze " -- inner me

" may muta ba 'ko? "

Rinig kong sabi niya dahilan para tumingin ulit ako sa kanya.

" Tsh! wala " asik ko bago nagsimulang maglakad, muli ko siyang nilingon dahil hindi na naman siya sumunod " Hoy! "

Lumingon siya sakin habang naka nguso bago tuluyang naglakad palapit sa dereksyon ko. Nauna ako ng bahagya sa paglalakad niya kaya nasa likuran ko siya, palihim ko siyang tinignan at nakita kong nakasamingot parin siya habang naka cross arms. Napa iling na lang ako bago itinuon ang tingin sa daan papasok ng hotel.

" 11:01 "

* cling! *

Nang bumukas ang pinto nitong elevator na sinakyan namin paakyat sa kwartong tinutuluyan ko ay agad kaming dumeretsyo sa loob nito.

" Sinama ko muna siya dito dahil pag hinayaan ko siyang umuwi mag isa, baka balikan siya nung mga sindikatong 'yun "

" Umupo ka muna d-- " napahinto ako ng bigla itong kumaripas ng takbo palapit sa kama.

" Wow! ang laki ng kama! " masiglang sambit niya pa at agad na umupo doon.

" Hindi ko sinabing ja'n ka umupo " ani ko pero hindi niya ko pinansin at naghubad lang ng suot niyang sapatos bago ito sumampa sa kama at tumalon-talon .

" Hahaha ang lambot! " tuwang tuwa na ani niya pa habang patuloy parin sa pag lundag.

Napabuntong hininga na lang ako at napahilot ng sintido dahil sa inis.

" O-order lang ako ng pagkain " inis na sambit ko bago naglakad palapit sa side table na nasa may bintana kung saan naka patong ang telepono.

" Spaghetti sakin tapos fried chicken---samahan mo narin ng ice cream "

Huminto ako sa paglalakad sabay tingin sa kanya.

" Hihi...please... po? " ani niya saka ako nginitian ng pagka lawaklawak.

* frowned *

" Masingil nga mamaya ang ate nito "

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Between Bullets    Chapter 55

    Continuation...Muling tanong nito nang hindi umimik ang dalawa. Nagbuntong hininga si Ms. Hazel, si Ilyza naman ay saglit na napatingin sa'kin bago diretsyong tignan si sir Dylan.“ Kaylan po ba ang kasal? ”Magalang na tanong ni Ilyza dahilan para tignan siya ni Ms. Hazel na punong-puno ng pagtataka. Natawa naman si sir Dylan sabay itinukod ang parehong siko sa makabilaang tuhod. Tumingin ito mang diretsyo sa mga mata ni Ilyza habang naka ngiti saka ibinaling kay Ms. Hazel.“ Next month ”“ Eh?! ”“ Dylan?! ” Suway ni Ms. Hazel kasabay ng biglaang pagtayo dahil sa gulat. Bahagya akong na tawa saka tumingin kay Ilyza na napatingin din sa gawi ko habang takip- takip ang bibig nito at napasandal sa inuupuan.Naibaling ko naman ang tingin kay sir Dylan ng bahagya ulit itong tumawa at umayos sa pagkaka-upo habang nakatingin kay Ms. Hazel.“ C'mon, Hazel... I've been waiting for us to get married. It's been two months, Baka nakakalimutan mo'ng dapat kasal na tayo ngayon? ”Nakangiting sa

  • Love Between Bullets    Chapter 54

    ONE WEEK LATER...JAZER'S POVNAGLAKAD palapit sa pintuan nang banyo habang inaayos ang suot ko. Na sa loob kasi si Ilyza, nag- aayos ng sarili dahil ngyon ang araw na ihahatid kona ito sa mansyon.Kung saan nghihintay si Ms. Hazel sa kanya. Bago kumatok ay naisipan ko munang ayusin sa pagkaka- ahawi ang buhok ko saka ako humarap sa glass door nitong banyo sa kwarto ko para tawagin si Ilyza." Ready to go? "" Oo, teka lang. Pasuyo naman ako "Anya kasabay nang paglabas sa banyo. Agad itong tumalikod sa'kin habang hirap na hirap sa pag- abot ng zipper nitong suot niya." Hindi ko maabot "Dugtong pa nito dahilan para mapa- ismid ako habang isinasara ang zipper ng damit niya sa likuran. Matapos kong maisara ito ay hinalikan ko ang leeg niya saka siya mahigpit na niyakap." Can you just stay here? "Mapanuyo sambit ko habang nakapatong ang babasa balikat nito. Hinawakan nito ang mukha saka napa- ismid." Jazer, halos dalawang linggo na akong nandito. Baka matampo na 'yon si ate Hazel "

  • Love Between Bullets    Chapter 53

    Continuation..." So... pa'no naging kayo? "Tanong nang isa sa mga kaibigan ni Jazer , na sa pagkakatanda ko ay Chrish ang pangalan. Sa dalawang araw kong nandito ay ngayon lang kami nagka- usap- usap dahil sa nag aaral pa ang mga ito." Ahmm "Usal ko habang iniisip kung pano kami nagkakilala." Did he even court you? "Tanong naman nitong isa na mukhang inosente." Kairene, Luma na 'yun. At saka wala sa bokabularyo 'yun ni Jaze, noh "Biglang sabat naman nitong isa pa na mahaba ang buhok at may suot sa salamin. Naibaba ko ang tingin sa hawak na baso at palihim na ibinaling ang tingin kay Jazer, na ngayon ay abal sa pakikipag- usap sa mga may edad ng bisita. Na sa living room sila habang kaming apat ay andito sa kusina." Ok, but... Did he even asked you to be his girl? "Mabilis kong naibaling ulit ang tingin dun sa inosenteng babae na kairene, daw ang pangalan." For sure, hindi "Biglang sabat ulit ni ate na may suot na salamin sabay tungga sa hawak na baso. Napa- isisp ako sa si

  • Love Between Bullets    Chapter 52

    JAZER'S POV MARAHAN akong napamulat at kaagad na napatingin sa gilid ko nang mapansin ang isang presensya na nakahiga rito. Agad akong napangiti dahil kahit hindi ko man ito tignan ng mabuti, alam kong si Ilyza itong mahimbing na natutulog sa tabi ko.Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Kumilos ako para sana umusog at masilip siya nang biglang kumirot ang tagiliran ko kung saan ako may tama ng bala.Napahinto ako at muling napahiga ng diretsyo kasabay nang pagtitig sa kisame. Napabuntong hininga ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Pero nauwi lang ako sa pagka-tulala. " Hindi ko alam kung nauwi ba sa maayos ang lahat. Pero sana ay gano'n nga "Huminga ako ng malalim at muling humugot ng lakas para makakilos. Nang tuluyan akong makausad at maupo ay agad kong dinungaw si Ilyza, na natatakpan pa ng buhok ang mukha." Hey... "Usal ko habang hinahawi ang mga hibla ng buhok nito at mai-ipit sa tenga niya. Matapos 'yon ay napakunot nuo kaagad ako

  • Love Between Bullets    Chapter 51

    " Do you want to buy something? "Biglang tanong ni tita sa'kin dahilan para bahagya akong magulat at agad na bumalik sa ulirat. Kanina pa kasi ako nakatingin dito sa mga naka- display na pang birthday party." Ah! wala po, tita. hehe "" You sure? " " Hehe! wala po talaga,tita. Tapos na po kayo mamili ng bibilhin? "Saglit niyang tinignan ang mga na sa push cart habang nag- iisip." Yeah, I guess? " Tumingin siya sakin habang natatawa. " Siguro , this is all what I need na in the kitchen. So let's go na sa cashier? " Pag- aaya niya sa'kin kaya tumango na lang ako at nakitulak sa push cart. Pagkarating namin sa harap ng cashier napahinto ako sa isang lagayan na maraming naka display na ibat- ibang chocolates." Nakakatakam "Napapalunok ako habang ini- imagine ang sarili ko na kinakain lahat ng y'on. Gusto kong magpabili kaso sabi ni ate Ilyza sa letter na iniwan niya para sa'kin eh, mag behave lang daw ako para hindi ako pauwin kina ate Hazel." Ayaw ko pa'ng umuwi, tulog pa si J

  • Love Between Bullets    Chapter 50

    TWO DAYS LATER...HAZEL'S POVTAIMTIM akong nag-iisip habang mag- isa na nakatayo dito sa garden ng mansyon at pinagmamasdan ang buong paligid nito.Hindi ko maalis sa sarili ang pag- iisip sa kalagayan ngayon ng kapatid ko. Kahit na alam ko'ng na sa mabuting kamay siya kasama ang pamilya ni Jazer.Hindi ko parin maiwasan ang mag- alala kahit pa alam ko na nakakulong na si Don Rafael. Marami parin itong kanang kamay dahilan kaya mahirap sa'kin ang magpakampante ." Lalo na't hindi parin nagigising si Jazer hanggang ngayon "Iyon ang isa sa dahilan kung bakit wala sa tabi ko si Ilyza dahil ayaw iwan ng kataohan niyang si Iyesha, ang walang malay na si Jazer hangga't hindi niya ito nakikita na gumising." At wala akong magagawa patungkol dun dahil baka takasan lang ako nito kapag pinaghigpitan ko siya "" Hey "Bahagya kong naibaling ang tingin sa likuran nang yumakap mula rito si Dylan kasabay ng paghalik sa leeg ko at sumuobsob pa rito. Napangiti ako dahil sa mahigpit na pagyakap niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status