" 12: 00 "
Jazer's POVAndito ako ngayon sa loob ng banyo nagpapalit ng damit, si Iyesha naman ay di na umalis sa ibabaw ng kama at sige parin sa pagtalon. Inaaliw ang sarili habang hinihintay ang pagkain." Pakiramdam ko ay may pamangkin akong sobrang likot na naisama dito sa Thailand "Napahinto ako sa akmang pagsusuot ng damit pang itaas nang may marinig akong kalabog mula sa labas nitong banyo, kaya naman dali akong lumabas ng kwarto para tignan si Iyesha dahil baka nalaglag na ito sa kama kakatalon niya. Napahinto ako at agad na inilibot ang tingin sa buong kwarto nang mapansin kong nawala siya." Iyesha? " buong pagtataka na tawag ko sa pangalan niya.Nagsimula akong humakbang palapit sa kama para tignan ang kabilang espasyo nito. Kunot noo naman akong napahinto sa paghakbang nang makita siyang nakahiga do'n sa sahig at balisang naka tingin sa kisame." Ayos ka lang? " sambit ko dahilan para mapatingin siya sakin." Ahhhhhh!!!! "Napa atras ako nang bigla siyang sumigaw, dali dali siyang tumayo sabay takip ng mukha niya at agad na tumalikod. Kunot noo naman akong tumingin sa katawan ko." naka shorts naman ako ah, anong problema dun? "" Bakit wala kang damit pang itaas?! " bulyaw niya dahilan para umarko pataas ang isang kilay ko." Ano naman? " nakangisng tugon ko sabay cross arms." Pwede bang magdamit ka! kadiri " napangiwi ako dahil sa sinabi niya." Kadiri-- " Hindi ko naituloy ang pagsasalita nang biglang tumunog ang doorbell.Napalingon ako sa may pinto bago nagsimulang maglakad para buksan 'ito. Bumungad sakin ang isang facility worker habang hawak ang isang rolling tray na may mga pagkain sa ibabaw, ngumiti siya sakin bago tuluyang itinulak ang tray papasok dito sa loob ng kwarto .Tinulungan ko siyang ilipat sa mesa ang mga pagkain, nabaling naman ang tingin ko kay Iyesha na parang lumulutang parin at hindi alam ang mga nangyayari." Andito na 'yung mga pagakin mo, ano pang tinatayo tayo mo jan? " kunot noong tanong ko.Muli kong binalingan ng tingin yung fw saka nagpasalamat katulad nang lagi nilang ginagawa bago ito tuluyang naglakad palabas. Matapos kong isara ang pinto ay naglakad na ako pabalik sa mesa at saka umupo at nagsimulang kumain." Kung hindi ka patalon talon jan sa kama kanina, hindi ka magkaka ganyan " saad ko sabay subo ng pagkain at binalingan siya ng tingin.Bahagya siyang napakamot sa sintido niya bago nagsimulang maglakad palapit dito sa mesa at umupo sa kaharap kong upuan. Iniabot ko sa kanya ang pagkaing hiningi niya kanina." mm, yung request mo " ani ko dahilan para gulat siyang mapatingin sakin. " Wag kang mag alala, si ate Ilyza mo ang sisingilin ko at hindi ikaw kaya kumain kana ja'n " saad ko saka ulit nagsimulang kumain.Mamaya lang ay kumain narin siya, palihim ko siyang pinagmasdan dahil napansin kong hindi na siya gaanong nagsasalita at nawala din 'yung mga pagngiti niya, inangat niya ang tingin sakin ng mapansin ang pag titig ko sa kanya." gusto mo? " ani niya sabay abot sakin nung hawak niyang fried chicken. " Mm, say ahh~ "" Tss... nagkamali ako... siguro natahimik siya dahil sa pagkaka laglag niya kanina. Tsk "" Hindi na, sayo nayan " tugon ko saka ulit nagsimulang kumain." Hmp! bahala ka "Rinig kong sambit niya dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya. Kanina nung hindi siya nagsasalita nakikita ko si Ilyza." Hays, bakit ba ako nagtataka eh natural lang naman 'yun dahil magkakambal sila "" Ayaw mo ba talaga? " naka pa out na sabi niya.Umiling lang ako saka ibinalik ang tingin sa pagkain ." Para kasing gusto mo ih, ayaw mo lang sabihin "Muli ko siyang tinignan at napangiwi ako nang isawsaw niya yung kapiranggot na laman ng manok sa ice cream." Ano 'yang ginagawa mo? "" ahmm, kumakain? "" Ayan 'yung sawsawan oh, bakit mo ja'n sa ice cream sinawsaw? "" masarap naman ih " nakasimangot ulit na tugon niya habang patuloy parin sa pagsawsaw dun sa ice cream. " Oh, subukan mo " ani niya sabay lahad nun sa'kin.Mabilis kong inilayo ang ulo sabay usog nang bahagya sa upuan para dumestansya ng kaunte sa mesa." N-no thanks "" Edi wag, hmp " ani niya dahilan para mapakunot ang noo ko." Tumataray kana rin tulad Ng kapatid mo ah "" Alis na nga ako " biglang sambit niya sabay tayo.Dahilan para mapatayo din ako. Niligpit ko muna 'ang mga pinagkainan at tinakpan naman 'yung mga ulam na tira, bago kami naglakad palabas ng hotel." Malapit lang dito ang tinutuluyanniyo? " pangbabasag ko sa nakakabinging katahimikan.Kanina pa kasi siya tahimik at inuunahan pa ako sa paglalakad. Direderetsyo lang siya na para bang wala siyang kasama." Tss... "" Mm, malapit na " tugon nita sa'kin sabay ngiti " Pagod kana? pwede mo na akong iwan dito "" Hindi, ihahatid kita hanggang sa inyo baka balikan ka nung mga gustong kumuha sayo " saad ko sabay pamulsa at tingin sa kanya.Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang naka tuon lang ang tingin sa daan." Bakit " pagtataka ko" Ah, nawala 'yong mga puting bato na ginawa kong palatandaan dito, hehe " nakangiting tugon niya " Madalas ako kung maligaw sa mga pasikot sikot dito kaya... sa tuwing aalis ako nag iiwan ako ng mga puting bato sa bawat iskinitang madadaan ko "Mahaba'ng lintayan niya pa sabay hinto at humarap sakin nang naka ngiti." Bumalik ka na sa hotel, ayun na 'yung tinutuluyan namin " turo niya sa isang kainan." May kalenderya kayo? " tanong ko saka nagsimulang maglakad palapit sa isang kainan." Hoy! " tawag niya sakin pero di ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad." Bakit ba, sisingilin ko pa ate nito e " napa ngiti na naman ako dahil sa sariling naisip.Nang makalapit na ako ng tuluyan sa bahay nila ay agad akong napa ngiwi ng makita ang mga paninda nilang ulam." The fck is that? " wala sa sariling bulalas ko.Narinig ko ang bahagyang pag ismid nung isa bago ito magsalita. " Piniritong ipis yan kuya, gusto mong subukan? " biglang sulpot niya sa tabi ko." No thanks, busog pa 'ko "" Edi ito nalang sayo " turo niya pa sa isang lagayan ng ulam " Piniritong tipaklong... Sige na masarap lahat yan "" Tss, mas gusto ko pa 'yung binigay mong gummys sa'kin kahapon kesa dyan " nakangiwing sambit ko." Masusuka na ata ako "...Kumuha siya ng tong at walang babala na kinuha yung mga piniritong uod at nilagay sa kamay niya." Ito din masarap " ani niya sabay kinain ito sa harap ko." Bumabaliktad na ata sikmura ko "Lumapit siya sa'kin sabay abot nung uod at pilit na isinusubo sa'kin kaya tumitingkayad ako para di niya ako maabot." Ilyza? "Napahinto kaming pareho nang may nagbanggit sa pangalan ng ate Ilyza niya. Nagtaka ako nang agad na mamilog ang mga mata niya habang naka tingin sa likuran ko dahilan para mapa tingin na rin ako do'n." Anak ka ng "" Ahh teka... Iyesha pala " Ani pa nito habang binibigyan kami nang matamis na ngiti.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon." Dahil si Ms. Hazel ay nasa harap kona ngayon "Naka ngiti ito at na kay Iyesha lang ang tingin bago ito nag cross arms at inilipat ang tingin sa'kin dahilan para mapa lunok ako at umayos ng tayo." Mas maganda pala siya sa personal " agad Kong na ibaba ang tingin dahil sa sariling naisip. " Hayss ...Kasalanan to nung mga pritong ipis "" At sa'n mo naman napulot to? "Rinig kong tanong nito kay Iyesha, " at panigurado ako na sakin ito naka tingin ngayon. "" Bagong Kaibigan mo? "" Ahmm " usal naman ni Iyesha at napatungo rin." Tatayo lang ba kayo dito? bakit hindi muna kayo pumasok sa loob at ng maipakilala mo naman siya sakin " pormal na sambit ni Ms. Hazel.Agad na umiling si Iyesha at nag taas ng noo para tignan si Ms. Hazel." Ate wag na "Automatikong namilog ang mga mata ko sabay tingin kay Iyesha ng tawagin niyang ate si Ms. Hazel." Hindi naman siguro... Maybe it's just a way of her giving respect to those people who's elder than her... Parang sa pilipinas diba... Tsk "" Aalis na rin siya " biglang baling niya sa'kin.Dahilan para mapa-iwas ako ng tingin. Pero kay Ms. Hazel naman huminto ang mga mata ko." Talaga? sayang naman at naparami pa naman ang luto ko " ani niya habang seryoso lang ang tingin sa'kin." Alam niya kaya na kilala ko siya? "A/N : Please don't forget to vote and leave some comments to help this story grow.Thank you again dreamers!-- 🌹Continuation...Muling tanong nito nang hindi umimik ang dalawa. Nagbuntong hininga si Ms. Hazel, si Ilyza naman ay saglit na napatingin sa'kin bago diretsyong tignan si sir Dylan.“ Kaylan po ba ang kasal? ”Magalang na tanong ni Ilyza dahilan para tignan siya ni Ms. Hazel na punong-puno ng pagtataka. Natawa naman si sir Dylan sabay itinukod ang parehong siko sa makabilaang tuhod. Tumingin ito mang diretsyo sa mga mata ni Ilyza habang naka ngiti saka ibinaling kay Ms. Hazel.“ Next month ”“ Eh?! ”“ Dylan?! ” Suway ni Ms. Hazel kasabay ng biglaang pagtayo dahil sa gulat. Bahagya akong na tawa saka tumingin kay Ilyza na napatingin din sa gawi ko habang takip- takip ang bibig nito at napasandal sa inuupuan.Naibaling ko naman ang tingin kay sir Dylan ng bahagya ulit itong tumawa at umayos sa pagkaka-upo habang nakatingin kay Ms. Hazel.“ C'mon, Hazel... I've been waiting for us to get married. It's been two months, Baka nakakalimutan mo'ng dapat kasal na tayo ngayon? ”Nakangiting sa
ONE WEEK LATER...JAZER'S POVNAGLAKAD palapit sa pintuan nang banyo habang inaayos ang suot ko. Na sa loob kasi si Ilyza, nag- aayos ng sarili dahil ngyon ang araw na ihahatid kona ito sa mansyon.Kung saan nghihintay si Ms. Hazel sa kanya. Bago kumatok ay naisipan ko munang ayusin sa pagkaka- ahawi ang buhok ko saka ako humarap sa glass door nitong banyo sa kwarto ko para tawagin si Ilyza." Ready to go? "" Oo, teka lang. Pasuyo naman ako "Anya kasabay nang paglabas sa banyo. Agad itong tumalikod sa'kin habang hirap na hirap sa pag- abot ng zipper nitong suot niya." Hindi ko maabot "Dugtong pa nito dahilan para mapa- ismid ako habang isinasara ang zipper ng damit niya sa likuran. Matapos kong maisara ito ay hinalikan ko ang leeg niya saka siya mahigpit na niyakap." Can you just stay here? "Mapanuyo sambit ko habang nakapatong ang babasa balikat nito. Hinawakan nito ang mukha saka napa- ismid." Jazer, halos dalawang linggo na akong nandito. Baka matampo na 'yon si ate Hazel "
Continuation..." So... pa'no naging kayo? "Tanong nang isa sa mga kaibigan ni Jazer , na sa pagkakatanda ko ay Chrish ang pangalan. Sa dalawang araw kong nandito ay ngayon lang kami nagka- usap- usap dahil sa nag aaral pa ang mga ito." Ahmm "Usal ko habang iniisip kung pano kami nagkakilala." Did he even court you? "Tanong naman nitong isa na mukhang inosente." Kairene, Luma na 'yun. At saka wala sa bokabularyo 'yun ni Jaze, noh "Biglang sabat naman nitong isa pa na mahaba ang buhok at may suot sa salamin. Naibaba ko ang tingin sa hawak na baso at palihim na ibinaling ang tingin kay Jazer, na ngayon ay abal sa pakikipag- usap sa mga may edad ng bisita. Na sa living room sila habang kaming apat ay andito sa kusina." Ok, but... Did he even asked you to be his girl? "Mabilis kong naibaling ulit ang tingin dun sa inosenteng babae na kairene, daw ang pangalan." For sure, hindi "Biglang sabat ulit ni ate na may suot na salamin sabay tungga sa hawak na baso. Napa- isisp ako sa si
JAZER'S POV MARAHAN akong napamulat at kaagad na napatingin sa gilid ko nang mapansin ang isang presensya na nakahiga rito. Agad akong napangiti dahil kahit hindi ko man ito tignan ng mabuti, alam kong si Ilyza itong mahimbing na natutulog sa tabi ko.Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Kumilos ako para sana umusog at masilip siya nang biglang kumirot ang tagiliran ko kung saan ako may tama ng bala.Napahinto ako at muling napahiga ng diretsyo kasabay nang pagtitig sa kisame. Napabuntong hininga ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Pero nauwi lang ako sa pagka-tulala. " Hindi ko alam kung nauwi ba sa maayos ang lahat. Pero sana ay gano'n nga "Huminga ako ng malalim at muling humugot ng lakas para makakilos. Nang tuluyan akong makausad at maupo ay agad kong dinungaw si Ilyza, na natatakpan pa ng buhok ang mukha." Hey... "Usal ko habang hinahawi ang mga hibla ng buhok nito at mai-ipit sa tenga niya. Matapos 'yon ay napakunot nuo kaagad ako
" Do you want to buy something? "Biglang tanong ni tita sa'kin dahilan para bahagya akong magulat at agad na bumalik sa ulirat. Kanina pa kasi ako nakatingin dito sa mga naka- display na pang birthday party." Ah! wala po, tita. hehe "" You sure? " " Hehe! wala po talaga,tita. Tapos na po kayo mamili ng bibilhin? "Saglit niyang tinignan ang mga na sa push cart habang nag- iisip." Yeah, I guess? " Tumingin siya sakin habang natatawa. " Siguro , this is all what I need na in the kitchen. So let's go na sa cashier? " Pag- aaya niya sa'kin kaya tumango na lang ako at nakitulak sa push cart. Pagkarating namin sa harap ng cashier napahinto ako sa isang lagayan na maraming naka display na ibat- ibang chocolates." Nakakatakam "Napapalunok ako habang ini- imagine ang sarili ko na kinakain lahat ng y'on. Gusto kong magpabili kaso sabi ni ate Ilyza sa letter na iniwan niya para sa'kin eh, mag behave lang daw ako para hindi ako pauwin kina ate Hazel." Ayaw ko pa'ng umuwi, tulog pa si J
TWO DAYS LATER...HAZEL'S POVTAIMTIM akong nag-iisip habang mag- isa na nakatayo dito sa garden ng mansyon at pinagmamasdan ang buong paligid nito.Hindi ko maalis sa sarili ang pag- iisip sa kalagayan ngayon ng kapatid ko. Kahit na alam ko'ng na sa mabuting kamay siya kasama ang pamilya ni Jazer.Hindi ko parin maiwasan ang mag- alala kahit pa alam ko na nakakulong na si Don Rafael. Marami parin itong kanang kamay dahilan kaya mahirap sa'kin ang magpakampante ." Lalo na't hindi parin nagigising si Jazer hanggang ngayon "Iyon ang isa sa dahilan kung bakit wala sa tabi ko si Ilyza dahil ayaw iwan ng kataohan niyang si Iyesha, ang walang malay na si Jazer hangga't hindi niya ito nakikita na gumising." At wala akong magagawa patungkol dun dahil baka takasan lang ako nito kapag pinaghigpitan ko siya "" Hey "Bahagya kong naibaling ang tingin sa likuran nang yumakap mula rito si Dylan kasabay ng paghalik sa leeg ko at sumuobsob pa rito. Napangiti ako dahil sa mahigpit na pagyakap niya