Share

KABANATA 4

ANYA

Hininto ko sa tapat ng Casino de Vara ang kotse ko, ito ang pinakasikat na casino sa lugar ng Cavite. Kung titingnan isa lang itong normal na pasugalan na nasa tuktok ng kanilang katanyagan pero higit pa sa pasugalan ang mayroon sa ilalim nito.

"Bakit ba nandito tayo?" tanong ni Sue. Nakabusangot siyang bumaba sa kotse na agad ko namang sinundan.

"Dahil dito." Iwinagayway ko sa kaniya ang invitation card na galing sa UFightA. 

Kulay itim ito at naka-imprenta rin ang logo nila na may pulang buwan at dalawang sword ang nakabaon dito. Ang UFightA o underground fighting arena ay sikat sa mga kriminal, dahil dito maaari silang kumita sa pamamagitan ng pakikipaglaban. 

Natanggap ko ang invitation kahapon lang, hindi na ako nagulat kung sino ang nag-invite sa akin sa laban.

"Ano ‘yan? Hindi ba at nag-usap na tayo, wala ng lalaban sa arena kahit kailan," bulalas niya.

"Last na ‘to Sue kaya pumayag ka na," sabi ko bago inabot sa valet attendant ang susi ng kotse ko.

"E ano pa bang magagawa ko nandiyan na ‘yan, ang problemahin mo ay si Chief Zam. Siguradong uulanin ka na naman sa sermon kapag nalaman n’ya na nakipaglaban ka sa arena," wika niya. Alam ko naman ‘yon kaya lang hindi ko maaaring takasan ang laban na ‘to.

"Hindi naman n’ya ito malalaman kung hindi mo sasabihin." Naglakad na ako papasok sa entrance ng casino. Punung-puno ang loob ng mga tao, karamihan sa kanila ay sikat na mga personalidad at mga tao sa politika. In short mga mayayaman na naglulustay ng milyon-milyong pera nila.

"Kahit hindi ko sabihin ‘to malalaman n’ya pa rin na nagpunta tayo rito. Ano ba kasing dahilan at may nag-invite sa’yo sa laban?" saad niya.

Naglakad kami papunta sa elevator.

"Sinabi sa akin ni Chief na ayusin ko na ang documents ko dahil mag-tratransfer na ako kaya inayos ko." Pumasok kami dito at sinigurado muna namin na walang sasabay sa amin.

"And?"

"Naalala mo si Harvey Sandoval ‘yong school council president sa school ko. Siya ang nag-ayos ng papers ko, tapos binastos ako." Pagpindot ko ng secret code sa control panel ay napalitan ng bagong buttons ang panel ng elevator. Kaya pinindot ko ang black button na may arrow down.

"Hindi ba siya ‘yong anak ng senate president, iyong dinala sa ospital kahapon. Sandali lang don't tell me...." Napatakip siya ng bibig.

"Oh my gosh Anya, ikaw ang bumali sa braso niya?" gulat niyang tanong.

"Kasalanan n’ya ‘yon, bastos siya e." Sumandal ako sa gilid ng elevator habang  hinihintay na makarating kami sa ibaba.

"Bakit hindi mo sinabi? Anong sabi ng dean?" nag-aalala niyang tanong.

"Ako ang inakusahan na nagsimula ng gulo, gusto nilang lumipat na ako ng school. Well that's fine with me iyon naman talaga ang plano ko," sagot ko.

"Kung bakit kasi pinatulan mo pa." Una siyang naglakad palabas no’ng nagbukas ang elevator kaya sumunod na ako sa kaniya. 

"Why not? Hinawakan niya ang legs ko take note ‘yong dalawang legs ko. Dapat nga magpasalamat pa siya dahil isang braso lang ang binali ko," inis kong sagot. 

Pagkatapos naming lagpasan ang hallway, bumungad na sa amin ang maingay na arena. Nagsisigawan pa ang mga tao dahil may naglalaban sa ring. Ang bleachers nito ay parang sa stadium, ang sitting capacity nito ay aabot sa ilang daan. Nasa taas kami ngayon at nasa ibaba naman ang ring na gawa sa bakal. May mataas itong fence at may apat na armadong guards. 

"Kung gano’n good luck na lang sa’yo," sabi niya saka humalakhak.

"Sa kaniya mo sabihin ‘yang good luck mo mas kailangan n’ya ’yan,"

Sabay na kaming naglakad pababa. 

"Galingan mo ah, sa’yo ako pupusta." Tinapik niya pa ang balikat ko.

Tingnan mo ‘to sobra kung magreklamo sa laban ko kanina tapos magsusugal din naman pala siya.

Naupo kami pareho sa unahang bleachers at pinanood ang kasalukuyang naglalaban. Mukhang patapos na ito dahil pareho na silang pagod, mukhang may tama na rin sila nagkalat na kasi ang dugo sahig ng ring. 

Hindi nagtagal ay nag-anunsyo na ng winner, nilinis ang ring pagkatapos ay nag-break ng 10 minutes para bigyan ng oras ang susunod na maglalaban.

"Good evening, our fellow villains we're back to continue the next fight. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang sunod na mga kalahok!" sabi ni Hans ang  referee at host ng arena.

"Ikaw na ba ang sunod?" tanong ni Sue.

Tumango ako sa kaniya bago tumayo.

"H’wag kang magpapasapak ah at huwag mong pahirapan kawawa naman sila ng twin brother niya kung parehas silang injured," sabi niya bago tumawa, natawa rin ako sa sinabi n’ya.

"Tingnan natin kung saan siya dadalhin ng galit niya sa akin," nakangisising sabi ko.

Ang kaninang tahimik na audience ay nagsimula na namang mag-ingay. 

"Ladies and gentlemen, ang hinamon let's welcome Evil," pagpapakilala niya. Evil ang codename ko sa mundo naming mga kriminal, nakilala kami ni Sue sa pagiging killer. Parang assassin o slayer ang trabaho namin pero wala kaming boss, pero hindi na namin maaaring gawin ‘yon ngayon. 

Dahil isa na kaming agent ng NCC.

Binuksan ng guard ang pinto ng ring at hinayaan akong pumasok. Lalong nagsigawan ang mga tao no’ng makita akong nakatungtong sa ring.

"Mukhang mag-eenjoy ang lahat sa fight ngayon. Because two beautiful and sexy ladies ang maglalaban ngayong gabi. Gusto n’yo na bang malaman kung sino ang humamon kay Evil?" wika ni Hans na naghatid ng excitement sa crowd.

Nagkagulo na ang mga tao so Hans revealed my opponent.

"Kalma lang guys, ito na oh ‘di makapaghintay. Let's welcome Savage!"

Nagpatuloy ang mga sigawan sa audience section. Nakita ko si Crimson na umakyat sa ring, halata sa mukha niya na gusto na niya akong balatan.

"Anya!" sigaw niya sa kabila ng ring, kahit wala pa ang go signal ni Hans tumakbo na siya palapit sa akin. Mabilis siyang nakarating sa harap ko at inatake ako ng magkakasunod.  Nakalayo ako ng bahagya pero nasipa niya ako ng ilang beses sa katawan.

"Masyado ka namang nagmamadaling masaktan." Nahawakan ko ang kanang paa niya matapos niya akong sipain.

"H’wag kang mayabang Evil, pagbabayaran mo ang ginawa mo kay kuya," inis na sabi niya. Hinila niya pabalik ang paa n’ya pero hindi ko ito binitiwan.

Sinipa ko ang likod ng kaliwang tuhod n’ya kaya bumagsak siya sa sahig. Pinilipit ko agad ang paa niya pero umikot lang siya upang mawala sa pagkakapilipit ang paa niya at ako naman ang hinila niya pahiga.

Umupo siya sa ibabaw ko at saka nagtangkang suntukin ako pero nailagan ko ito at hinawakan ang mga braso n’ya.

"Sabihin mo, anong buto ang gusto mong baliin ko? Iyong katulad ba ng kay Harvey, para same kayo," pangaasar ko. Itinulak ko siya pahiga. Siniko ko ang mukha n’ya at sinuntok.

"Ikaw ang babalian ko ng buto, bwisit ka!" Sinampal niya ang mukha ko.

Peste!

"Okay ladies, stop muna okay. We're not yet starting the fight," sabi ni Hans na nasa tabi namin. Pilit niya kaming pinaglalayo ni Crimson sa isa't isa.

Pero nagulat ako no’ng may dukutin si Crimson sa d****b n’ya. Isang maliit na baril.

"Bwisit!"

Nagulat din ang mga tao katulad ko, kaya binaba agad ng arena ang bulletproof shield sa bleachers.

"Alis," utos niya. Tumayo na ako sa ibabaw niya habang lumabas ng ring si Hans.

"Ikaw Evil, akala mo ba lahat maaari mong kalabanin? Tsk paano kaya kung patayin na kita ngayon?" Tinutok n’ya sa akin ang baril pagtayo n’ya.

"Then kill me," hamon ko sa kaniya.

No’ng hindi siya kumilos ako na ang nauna, sinipa ko ang baril na hawak niya. Sinuntok niya ako pero agad akong tumalikod sa kaniya, ginamit ko ang braso niya at nilagay ito sa balikat ko saka ko siya binaliktad.

Knocked down na si Crimson at nakahiga na sa sahig habang walang malay. Kakaiba ito sa ibang laban ko dahil walang dugong nagkalat sa ring ngayon.

Biglang nag-ring ang bell.

"Evil win!" anunsyo ni Hans.

"Hoy teka bawal kayo rito!" narinig kong sabi ng guard. Lilingon na sana ako pero biglang may kung anong pumulupot sa leeg ko kaya napahawak agad ako dito dahil hindi na ako makahinga. Nagkagulo ang audience sa nangyayari.

"How dare you to do that to my girlfriend!" sigaw ng lalaki sa likod ko. Bwisit!

"L-Let go, huwag m-mong pakialaman a-ang a-away ng mga babae!" halos mawalan na ako ng hininga habang nagsasalita.

"Away ko rin ‘to dahil igaganti ko rin si Harvey," saad nito at lalo pang hinigpitan ang pagsakal sa akin. Napangisi ako bigla.

"M-Masyado naman yatang m-maraming nagmamahal k-kay Harvey." Gamit ang dalawang kamay ko inabot ko ang likod na parte ng damit niya at saka siya hinila pabaliktad. No’ng matanggal ang tali sa leeg ko nakahinga ako ng maluwag pero masakit pa rin ang leeg ko.

Nakatayo agad ang lalaki kaya bigla niya akong hinila at hinagis sa fence. 

"Shit!" d***g ko dahil sa sakit ng impact ng pagtama nitong likod ko sa bakal.

"Ang lakas talaga ng loob mo!" sigaw niya sa akin. Sinakal niya ako gamit ang isang kamay habang ang dalawang kamay ko ay pilit tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko.

"Look at me, make sure to remember my face. Dahil ang mukha na ‘to ang magpapahirap sa’yo," dagdag niya pa.

Tiningnan ko siya, ngayon ko lang nakita ng malinaw ang mukha niya kaya ngayon ko lang siya nakilala. Tss, bakit ko nga ba nakalimutan na boyfriend nga pala siya ng maarte na ‘yon.

Inilipat ko ang mga kamay ko sa magkabilang braso niya at hinila siya paikot hanggang sa humampas ang likod niya sa kanto ng ring. Kinuha ko ang kwelyo niya at itinulak ulit siya sa kanto, kitang-kita ko kung gaano siya nasaktan dahil doon.

"Hoy ikaw," tawag ko pero ngisi lang ang nakuha ko sa kaniya.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" tinulak ko siyang muli at binitwan na ang kwelyo niya.

"Once na hawakan mo ako ulit susunod ka na sa mga taong hinatid ko sa huling hantungan nila," mayabang na sabi niya.

Natawa ako ng bahagya na ikinainis naman niya.

"Baka gusto mong ihatid na rin kita sa huling hantungan mo, what do you think? Marami akong gas ngayon," gatong ko sa katapangan niya.

"You!" sigaw niya.

"Hindi mo ba ako kilala? Kayang-kaya kong ipaligpit ka," inis na sabi niya. As if namang makalilimutan ko ang mukha mong iyan.

"Alam mo Gellan Montefalco hindi ako natatakot sa ganiyan. Ginawa na sa akin ng maraming tao ‘yan and look I'm still alive. Threats are not threatening me Gellan, for me it's exciting," wika ko.

"Kung gano’n I will show you how I threaten my enemies,"

"Just go ahead," saad ko.

"Masyado kang mayabang!" Sinugod niya akong bigla kaya nasipa niya ako sa tiyan. Pero hindi ako nagpatalo kaya sinugod ko rin siya nailagan niya lahat ng atake ko pero hindi ang pagtuhod ko sa tiyan n’ya at paghampas ko sa batok niya.

Biglang nagsigawan ang mga manonood no’ng bumagsak sa sahig si Gellan. Napansin ko ang pagpasok pa ng tatlong tao, isang babae at dalawang lalaki na pinuntahan agad si Gellan na ngayon ay walang malay.

"Kuya!"

"Gellan pare,"

"Sinabi na kasing h’wag ng patulan," 

Hindi ko akalaing makikita ko pa ang mga anak ni George dito sa Cavite, ang akala ko ay nasa Manila sila. 

"Congratulations!" bati ni Hans sa akin. Nagpa-alam na ako at sinabihang siya na ang bahala do’n sa gulo.

"Hindi ba at anak ni George ‘yon si Gellan?" bungad na tanong ni Sue no’ng makalabas ako sa ring. Tinanguan ko lang siya habang naglalakad kami palabas.

"E bakit mo pinatulan? Unbelievable, lalo tayong mapagagalitan sa ginawa mo." Napasabunot na lang siya sa buhok niya.

"E anong gusto mong gawin ko hayaang patayin ako no’n? Siya naman ‘tong nakialam at mayabang. Manang-mana siya sa tatay niyang si George." Nauna na akong pumasok sa elevator.

Ngayong nagkrus na ulit ang landas namin ng mga Montefalco, siguradong bagong gulo na naman ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status