Share

KABANATA 11.1

ANYA

“Ano ba bitiwan n’yo sabi ako!” Hinihila ko ang magkabilang braso ko mula sa dalawang lalaki sa tabi ko.

Nakatayo kami ngayon sa gitna ng field dahil dito ako binaba ni Gellan. Pagkatapos n’ya akong ihulog sa damuhan tinawag n’ya ang dalawa n’yang kasama at pinahawakan ako para hindi ako makatakas.

Marami ng estudyante ang nakapalibot sa amin, mga bystander na nakiki-tsismis. Alam na siguro nila ang gulo sa pagitan namin ni Gellan. Hindi ko rin alam kung anong binabalak niya, halatang galit na galit pa rin siya dahil doon sa nangyari sa arena.

No’ng makita n’ya ako kanina parang gusto na n’ya akong saktan.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status