Share

KABANATA 3

ANYA

Pagkatapos ipakita ni Aji ang ilang stolen photos ni George ay sinabi na n’ya ang mga importanteng impormasyon na kailangan naming malaman. Simula sa ilang personal na impormasyon hanggang sa mga illegal na ginagawa n’ya. 

Sa totoo lang, alam ko na ang lahat ng iyon. Wala namang maitatago si George sa akin pagdating sa personal niyang buhay at kahit sa ilegal na negosyo n’ya. Kung titingnan, ako ang perfect witness para sa halos kalahati ng kasalanan niya. 

"Talaga pa lang napakasama niya. Hindi sapat ang habang buhay na pagkakakulong sa lahat ng ginawa n’yang krimen," komento ni Keo.

I agree.

"Pasalamat pa kamo siya dahil wala ng death penalty, kung ako ang magdedesisyon iyon ang gusto kong makuha niyang parusa," sambit ni Von. 

Pero wala rin namang kuwenta kung mamamatay siya pagkatapos litisin, baka maaga pa silang mag-reunion ng mga taong ipinaligpit n’ya. Hindi sapat ang kahit ano bilang kabayaran sa mga kasalanan n’ya.

"Ninong Von, kahit kailan hindi naging sapat ang kamatayan para pagbayaran ang kasalanan ng isang tao, ‘di ba Anya?" sambit ni Krixxen sabay lingon at kindat sa akin. Nakita ko pa ang paggalaw ng kaliwang braso niya papunta sa balikat ko.

Luma na ang ganitong style bata pa lang ako nakikita ko na ‘to sa mga teleserye, wala na bang bago? Gamit ang kanang kamay ko tinanggal ko ang braso n’ya sa balikat ko.

"Hindi lamesa ang balikat ko para ipatong mo ‘yang braso mo Krixx. Lumang style na ‘yan," bulong ko.

"Anya alam mo, hindi ka magkakaroon ng boyfriend kung hindi mo ako i-eentertain." Ginalaw n’ya ulit ang braso n’ya pabalik sa balikat ko. 

E kung pilipitin ko kaya ang braso n’ya?

"E sino ba ang nagsabing naghahanap ako ng boyfriend?" depensa ko.

"Walang nagsabi, nakikita ko lang na kailangan mo ng mag-aalaga sa’yo,"

"Hindi ako makikipag patayan kung hindi ko kayang alagaan ang sarili ko Krixx," buwelta ko pa.

"Ayaw mo talaga sa akin huh," saad niya. Bago pa ako tumango nagsalita na si Chief.

"Itigil nga ninyo ‘yang pagbubulungan Krixxen at De Chavez," ito na naman ang ma-autoridad na pananalita ni Chief. Sa tono pa lang ng boses n’ya nakakakaba na.

"Sorry chief," pagpapaumanhin ni Krixx.

"Kayong dalawa ay hindi nakikinig sa meeting, mahalaga ang pinag-uusapan dito. Maaaring ikapahamak ninyo kung kulang ang impormasyon na mayroon kayo. Nakikinig ang lahat habang kayo nagliligawan lang diyan." Galit siyang tumayo sa upuan niya at naglakad papunta sa harapan. 

Sermon na naman. Ewan ko ba kung bakit simula pa no’ng magkita kami ganiyan na ang pakikitungo sa akin ni Chief.

"Hindi kami nagliligawan," depensa ko.

"At sumasagot ka pa, h’wag mong dalhin sa HQ ko ang ugaling kriminal mo Anya," buwelta niya. Ugaling kriminal? Tss.

Sasagot pa sana ako kaya lang inilingan ako ni Von kaya tumahimik na lang ako. Sinabihan na nila kami tungkol sa ugali ni Chief, kaya lang mukhang hindi talaga kami magkakasundong dalawa.

"Sa susunod gusto kong nakikinig ang lahat sa meeting, maliwanag?" ani n’ya at nagtuon nang tingin sa akin.

"Yes Chief," sagot naming lahat.

"Good, maupo ka na Aji ako na ang magtutuloy,"

Naupo naman si Aji sa tabi ni Keo.

"Makinig kayo, alam n’yo namang hindi lang si George ang target ng mission na ‘to maraming tao ang involve kaya kailangan nating maging maingat at maging maagap," panimula niya.

"May nakuha kaming bagong intelligence report kaninang umaga, may ilang individual ang pinaghihinalaan naming kasabwat ni George sa pagtatayo ng university at sa iba pang illegal activities." Naglakad siya ng pabalik-balik sa harapan habang naka-crossarms 

Parang nanonood ako ng investigation scene.

"Sino-sino ba ang mga taong ‘yon Chief? Para masimulan na namin ang surveillance sa kanila," sambit ni Von.

Sino-sino nga ba? Sa sobrang dami ng taong connected sa kaniya hindi ko na alam kung kanino siya nagtitiwala.

"Sa ngayon kay Aji ko muna ibibigay ang trabaho na ‘yon, siya na ang bahala sa kanila," tugon niya.

"Kung gano’n anong gagawin namin Chief?" ngayon ay si Sue na ang nagtanong. 

Huminto siya sa paglalakad at naupo sa gilid ng long table.

"Let me explain our first plan, alam kong alam n’yo na ‘to since ito ang dahilan kung bakit nandito ang dalawa na ito. Kailangan nating mapasok ang university at dahil mahigpit ang security sa BU with the help of Sue and Anya mapadadali ang pagpasok natin sa school. Kailangan natin ng tao sa loob para makakilos tayo ng mabuti," sagot niya.

"Although kailangan n’yong bantayan agent Von at Keo sila Anya sa labas ng university hanggang magawa natin ang pangalawang plano. Dahil hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Hindi pa natin lubos na kilala ang mga kalaban at kung anong maaari nilang gawin," dagdag niya.

"Yes Chief, kaming bahala sa kanila," sagot ni Keo.

"Kayo namang dalawa." Itinuro niya kami ni Sue.

Napa-ayos nang upo si Sue no’ng tumingin sa amin si Chief.  

"Huwag na huwag kayong gagawa ng sarili n’yong plano at kapag sinabi kong abort the mission i-aabort ninyo ang mission. Ang gusto ko ay susunod kayo sa utos at plano ko naiintindihan n’yo ba?" 

Tumango lang kami sa kaniya. Bakit ba ang bossy n’ya? Wala nga akong sahod dito e.

"At sana h’wag kayong gumawa ng kahit anong makasisira sa mga plano. Kung gusto niyong mag-aral then mag-aral kayo, pero since both of you agreed na maging criminal undercover agent namin I'm expecting na gagawin niyo kung ano ang trabaho n’yo," pagpapatuloy n’ya.

"Maka-aasa ka Chief," sagot ko.

"Alam kong delikado ang plano na ‘to dahil ipapasok namin kayo sa mismong lugar kung nasaan ang mga kalaban. But I'm assuring you na hindi kayo mapapahamak habang nasa kamay namin kayong dalawa," dagdag niya pa.

"Hindi n’yo kailangang ipangako ang kaligtasan ko o ni Sue, ang gusto ko lang tuparin n’yo sana ang ipinangako n’yong parole para sa mga magulang ko," sambit ko.

"Inaasikaso ko na ang tungkol sa bagay na ‘yan kaya hindi mo kailangang mag-alala," 

Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi n’ya. Ilang araw na rin akong hindi dumadalaw kanila Mama at Papa, malamang nag-aalala na sila sa akin. Pero para sa kanila naman ang ginagawa kong ‘to.

"Paano naman si George Chief?" bigla ay tanong ni Keo.

"Ako na ang bahala sa George na ‘yon Chief," saad ni Von. 

"No, hindi pa natin siya pagtutuunan ng pansin. Ang kailangan nating unahin ay itong university, walang gagalaw kay George hanggang hindi ko sinasabi understand?" 

"Fine, pero Chief alam mong hindi natin pwedeng unahin lang ang university. Once na malaman n’ya na may undercover agent sa eskwelahan n’ya siguradong papatayin niya sila Anya," sambit ni Von.

"Tama si Von Chief," wika ni Keo.

"Alam ko, nag-iisip pa ako ng paraan para magawa nating lapitan si George. Sa ngayon ang university muna ang priority natin," sagot n’ya.

"Pwedeng ako ang gumawa," sabat ko. Napatingin silang lahat sa akin, kahit si Sue.

"Nababaliw ka na ba?" bulong sa akin ng pinsan ko.

"Seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Krixx.

Tumango lang ako sa kanila. Baliw na kung baliw gusto ko lang namang mahuli na si George.

"Hindi pwede, sa university lang ang assignment mo Anya. Masyado ng delikado ang gusto mong mangyari," pagtanggi ni Chief. 

Alam ko naman ‘yon, pero gano’n din naman e. Kahit hindi ako ang naka-assigned kay George nasa panganib pa rin ang buhay ko dahil sa kaniya.

"Pero alam mong connected ako sa kaniya," depensa ko.

"I said no Anya, let's end the meeting. Krixxen follow me may iuutos ako sa’yo," sambit niya.

"Yes Chief," sagot ni Krixxen. Lumabas na silang dalawa ng room kaya biglang tumahimik ang atmosphere dito sa loob.

"He's right Anya, masyadong delikado ang gusto mong mangyari," biglang komento ni Von.

"At isa pa, hindi ka pa pwedeng magpakita kay George hindi ba?" dagdag pa ni Aji.

I sighed.

"Gusto ko lang namang tumulong,"

"Alam namin, pero inaalala lang namin ang kaligtasan n’yo. Sa sitwasyon mo ngayon kailangan mo munang lumayo kay George Anya," pahayag ni Keo.

Kung ito ang gusto nilang mangyari hahayaan ko na lang sila.

"Basta kung wala na kayong ibang choice nandito lang ako, I'm willing to do the job," wika ko.

KRIXXENN 

Nasa likod lang ako ni Chief habang naglalakad papunta sa office niya.  Tahimik lang siya kaya hindi na ako nagtanong kung ano ang iuutos n’ya. 

Pagpasok namin sa office n’ya bumungad agad sa amin ang isang maganda at sexy na babae.

"Hi Krixx," bati sa akin ni Tanya nang tumayo siya mula sa upuan.

Automatiko akong napangiti at kumaway sa kaniya. Hindi dapat pinapalagpas ang ganitong opportunity lalo na kung may magandang babae sa harapan ko.

"Hi gorgeous, anong ginagawa ng isang magandang babae dito sa opisina ni Chief?" tanong ko.

Nakita ko siyang ngumiti.

"Kakausapin ko sana si Chief, kaya lang mukhang mas importante ang pag-uusapan ninyo kaya babalik na lang ako," sagot n’ya.

"No it's okay, may sasabihin lang naman si Chief sa akin ‘di ba Chief?" Tumingin ako kay Chief na naka-upo na sa kaniyang swivel chair.

"Yes Tanya, you may now leave," tugon n’ya.

Grabe, bakit ba ganito ang ugali niya? Minsan ko lang makita ‘tong si Tanya tatanggalan n’ya pa ako ng kaligayahan. Maganda pa naman siya, mukha siyang anghel mas maganda lang talaga si Anya ng 30%.

"A-Ah okay sir, babalik ako after 20 minutes." At saka siya naglakad palabas.

"Sit down," utos ni Chief kaya naupo agad ako.

"Ano po bang utos n’yo Chief? Bakit kailangan dito pa sa office niyo sabihin?" tanong ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy Krixxenn bibigyan kita ng sarili mong trabaho," sagot niya na ikinagulat ko.

May assignment na rin ba ako? Ilang buwan kong hinintay ang makapag trabaho sa field dahil sawa na ako sa loob ng boring na computer room habang kaharap ang mga monitors at keyboard.

"Talaga Chief? Anong gagawin ko, sasamahan ko ba si Mama sa assignment n’ya?" excited kong tanong.

"No, masyadong delikado ‘yon para sa’yo," 

Biglang naglaho ang excitement ko.

"Kung gano’n anong ipagagawa n’yo sa akin?"

Inikot n’ya ang swivel chair niya patalikod sa akin.

"Gusto kong bantayan mo ang magpinsan na De Chavez, susundan mo sila kahit saan sila pumunta. Kahit wala sila sa mission o nasa mission sila, naiintindihan mo ba?"

Gusto n’yang bantayan ko sila? Pero bakit? 

"Bakit naman Chief? Hindi ba kayo nagtitiwala sa kanila? Sa palagay ko naman kakampi natin sila,"

"Hindi ako nagdududa sa kanila Krixxenn, sa totoo lang nagtitiwala ako sa kanila. Pero sa sitwasyon nila ngayon lalo na si Anya kailangan nila ng taong tutulungan sila kapag napahamak sila pareho," paliwanag n’ya.

"Pero Chief, kung tutuosin wala ang kakayahan ko kumpara sa kanila paano kayo nakasisiguro na matutulungan ko nga sila?" saad ko.

Iyon ang totoo, hindi pa ako gano’n ka-trained katulad nila Sue at Anya o ni Papa at Mama hindi ako katulad nila ninong. Isa pa lang akong intern.

"Hindi ‘to tungkol sa kakayahan Krixxenn tungkol ‘to sa kung ano pang magagawa mo," sabi n’ya.

"Kung ganito pala ito kahalaga bakit hindi mo sinabi sa kanila? Kailangang malaman nila ‘to," 

Umikot paharap ang kaniyang swivel chair. Nakatingin siya sa akin habang naka-cross arms.

"No, wala kang pagsasabihan tungkol sa assignment mo. Kung ano man ang pinag-usapan natin dito sa office ko ay para lang sa ating dalawa," ani niya.

"Pero Chief–," 

"No buts Krixxenn, this is a command. Sasabihin mo sa akin lahat ng gagawin nila, kung saan sila pupunta at kung anong ginagawa nila understand?" dagdag n’ya.

Napatango na lang ako.

"Yes Chief," 

"Then we're good, pwede mo ng simulan ngayon ang trabaho mo," sambit niya.

Kaya naman nagpa-alam na ako sa kaniya at agad na lumabas sa kaniyang office. Hindi ko man makuha ang gusto niyang mangyari kailangan ko pa rin na sundin ang utos niya. At isa pa, makatutulong din ito para makilala ko ng mabuti si Anya. Wala pang babae ang tumanggi sa charms ko, sa kagwapuhan ko siya pa lang.

Sinusubukan talaga ako ng babaeng ‘yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status