The Philippines' only criminal school is about to explode within months and I, a criminal like them, turns out to be a criminal undercover agent. NCC have given me a mission, what is my mission? I need to bring down the Black University, arrest all the criminal students, professors, and George’s allies with the help of NCC. But there’s something in the mission that connects me with my greatest enemy and to his son, will I consider this as a mission or as a chance to take revenge? Or to fall in love?
Lihat lebih banyak"Dapa!" sigaw ni Papa. Hinila n’ya kami pareho ni Mama payuko sa gilid ng kotse.
Magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa gubat kung na saan kami ngayon. Nakarating kami rito matapos ng dalawang oras na pagtakas sa dalawang van na humahabol sa amin.
Isang malakas na pagsabog ang lalong nagpayuko sa aming tatlo. Bumilis ang tibok ng puso ko at tuluyang nilamon ng kaba ang dibdib ko.
"Anong gagawin natin Ma, Pa?" Tumayo ako at nakipag barilan sa mga lalaking kanina pa humahabol sa amin. Matapos kong makapatay ng ilan ay bumalik na ako sa pagkakaupo.
"Kailangan na nating umalis dito, baka maabutan nila tayo Victor," sambit ni Mama. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni nita ng sabihin n’ya ‘yon. Tumango sa kaniya si Papa at sandaling gumanti nang pagbaril sa mga kalaban.
"Ico-cover ko kayo, kapag sinabi kong takbo tumakbo kayo naiintindihan n'yo ba?" wika ni Papa.
What?
"Hindi pwede Pa! Paano ka? Hindi ka namin iiwan dito.” Umiling ako sa kaniya. Walang dapat maiwan sa amin dito masiyadong delikado.
"Anya anak, h’wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat." Niyakap n’ya kami ni Mama nang mahigpit. Hindi pwede, paano kung mamatay siya? Kung mapahamak siya?
"Pero hindi ba ang sabi mo walang iwanan," muli kong sabi. Hindi ko na ba siya mapipilit? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.
"Anak, iba na ang sitwasyon ngayon. Kailangan n’yong makaalis dito, mauuna lang naman kayo ng Mama mo at susunod ako pangako," nakangiti siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. But I can't smile like him, I can't find any reason to smile dahil natatakot ako at nilalamon na ako nito. I can't lose any of them, not this time, not in this kind of situation, not now.
"Susunod ka hindi ba? Mangako ka sa akin Victor," naluluhang wika ni Mama at ganoon din ako. Ito ang unang beses na mangyayari sa amin ito, hindi ko ‘to gusto pero wala akong magagawa.
"Pangako Ava susunod ako, sa ngayon ang mahalaga ay makaalis kayo rito bago dumating si George, naiintindihan niyo?" tanong n’ya.
Tanging malungkot na tango ang tugon namin ni mama sa kaniya. Kahit may pag-aalinlangan ako, umaasa akong kaya niya ito. Tumayo na siya at muling nakipag barilan sa mga tauhan ni George. Wala pa sa ilang segundo ay sumigaw na siya senyales nang pagtakbo.
"Run!" Agad kaming tumakbo ni Mama. We run faster as we can. Magkahawak ang kamay namin ni Mama habang tumatakbo palayo, nilingon ko si Papa na nakikipag barilan pa rin. Gusto ko siyang balikan, hilahin at kaladkarin paalis roon pero malayo na kami sa kaniya, unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.
I'm scared hindi ko mapigilan na matakot, naiisip kong baka may mawala sa akin dahil sa gulong hindi ko alam ang dahilan. Sa ngayon ang tanging alam ko lang ay galit na galit si George sa mga magulang ko pati kay tita Bree na kaniyang sariling asawa. Gusto n’ya silang makuhang tatlo, hindi ko alam kung anong dahilan pero isa lang ang naiisip kong kahihinatnan nito. May mamamatay, sigurado ako do’n at hindi ko hahayaang mangyari iyon sa mga magulang ko.
Nakarating kami sa gitna ng gubat dahil sa pagtakbo. Sandali kaming huminto ni Mama sa malaking puno, sa ngayon wala akong ibang marinig kung ‘di mga putok ng baril.
Patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko. Sana ayos lang si papa, sana walang mangyari sa kaniyang masama. Hindi ko mapapatawad si George kapag nawala sa akin ang Papa ko.
"Magpahinga muna tayo anak, magiging okay din ang lahat. Don't think too much, magiging maayos ang Papa mo kayang-kaya niya iyon," pang palubag loob na saad niya. I know she's scared but she needs to be brave for our family and for me.
Umupo ako sa damuhan, sumandal ako sa puno habang hawak pa rin ang baril ko.
"Ma, mamamatay na ba tayo?" tanong ko. The thought scared me, but the situation keeps on yelling that it will be the end of our lives. Ito na nga ba ‘yon? Baka ito na ang oras para pagbayaran lahat ng kasalanan namin.
"Anak huwag mong sabihin iyan, hindi pa tayo mamamatay. Makatatakas din tayo rito, basta sama-sama lang tayong tatlo at kapag nakatakas na tayo pangako magbabagong buhay na tayo,” tugon n’ya. Marahan n’yang hinaplos ang buhok ko, pilit din n’ya akong nginitian nakita ko sa ngiti n’ya ang pangamba. Nakaramdam ako ng kirot at lungkot, wala na nga sigurong kasiguraduhan kung mabubuhay pa kami sa susunod na mga oras.
"Ma ano ba kasing nangyayari? Sabihin mo naman sa akin, bakit kayo hinahabol ni George?" Tumayo ako at hinawakan ang magkabila n’yang kamay.
"Ma please sabihin mo sa akin," pakiusap ko.
She sighed.
"Hindi pwede anak, nangako ako kay Bree na kahit sa’yo ay hindi ko pwedeng sabihin," sagot n’ya. Pero bakit? May kinalaman ba ‘to sa away nina tita Bree at ni George? Pero bakit naman kami involved?
Sobra bang malala ito at kailangan pa na umabot sa patayan?
Bigla kaming nagkatinginan nang may marinig kaming kaluskos sa damuhan ni Mama, wala na rin akong naririnig na barilan sa gubat.
"Sa likod ko,” utos n’ya.
Nagpunta naman agad ako roon at kapwa kaming nakahanda sa mga susunod na mangyayari. Nakatutok sa damuhan ang baril ni Mama habang marahan kaming naglalakad patungo doon.
Tuloy lang ito sa paggalaw, muling sumibol ang kaba ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko habang palapit kami rito. Nabigla kami nang may lumabas ditong tao kaya agad naming naitutok ang mga baril namin sa dalawang taong lumabas mula rito.
"Ava kami lang ito," habol hiningang sambit ni Papa kaya mabilis naming ibinaba ang mga baril namin.
"Thanks God at okay ka!" sambit ni Mama, bakas sa mukha n’ya ang relief nang makita si Papa.
Ako naman ay tumakbo agad patungo kay Papa at niyakap siya nang mahigpit. Thanks God he's okay.
"Anong ginagawa mo rito?" narinig kong tanong ni Mama. Kumalas agad ako sa pagkakayakap kay Papa para tingnan kung sino ang kausap n’ya.
Nagulat ako ng makita ko si Tita Bree.
"I'm here to save my friends, ako ang dahilan kung bakit nandito kayo sa ganitong sitwasyon. Nadamay lang kayo sa galit ni George sa akin, I won't let him hurt the three of you," sagot n’ya.
"No you should go Bree, papatayin ka n'ya kapag nakita ka n’ya rito. Umalis ka na rito ngayon na," giit ni mama.
"Hindi ko kayo iiwan dito, it's my fault and it's my responsibility na iligtas kayong tatlo. Importante kayo sa akin at hindi ko hahayaan na saktan n’ya kayo," pagmamatigas nito.
"Mas mahalaga ang mga anak mo Bree, kuhanin mo sila at magpakalayo-layo na kayo rito. Believe me, kaya namin ang mga sarili namin," dagdag pa ni Papa.
"Pero hindi kakayanin ng konsiyensya kong gawin iyan,"
Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa sitwasyon na ito, hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit nangyayari ito pero hindi ko maiwasan ang mag-alala sa mga susunod na mangyayari.
"Kaya namin ang mga sarili namin Bree, kilala mo naman kami ‘di ba? Magtiwala ka lang sa amin, magiging okay lang kami." Hinawakan ni mama ang magkabilang braso ng kausap habang nakangiti.
"Hindi ko na dapat sinabi ang totoo sa inyo hindi n’yo na sana ako tinulungan. Hindi ko naisip na aabot tayo sa ganito, ako ang sumira sa pagkakaibigan ninyo. Patawarin n’yo ako,” Umagos ang mga luha ni tita Bree kasabay ng hikbi ay ang pagyakap ni mama sa kaniya.
"Sshh don't blame yourself, we choose to be on your side because you’re right. We helped you dahil alam naming iyon na lang ang tamang bagay na maaari naming gawin," sagot muli ni Mama. May ngiting kumalas sa pagkakayakap mula kay tita Bree.
"Hanapin n’yo sila!" umalingawngaw ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki at hindi ito kalayuan mula sa amin.
Si George, sigurado akong siya ‘yon.
Natigilan kami at nagtinginan, nag-iisip kung anong maaaring gawin.
"Anya magtago ka, huwag na h’wag kang lalabas ano man ang mangyari," utos ni Papa.
Kumunot ang noo ko.
"But why? I can help you if I stay here," reklamo ko.
"Just hide yourself at huwag ka ng makulit!" may autoridad na sabi n’ya. Habang si Mama ay tinanguan lang ako with her worried expression on her face.
Wala akong nagawa kung ‘di magtago sa isang puno malapit sa kanila. Nakatanaw lang ako mula rito nang biglang tinutok nila Papa ang baril nila sa kanilang harapan. Nakita ko si George kasama ang isang babae, naka-cap at shades ito kaya hindi ko s’ya mamukhaan at may ilan din siyang tauhan na kasama.
"Tingnan mo nga naman, ang swerte ko naman ngayong araw. Ang tatlong taong hinahanap ko ay nandito sa gubat at magkakasama,” nakangisising sambit nito.
Bumunot din siya ng baril ganoon din ang babae at ang mga tauhan n’ya at itinutok ito sa direksyon nila Mama. I panicked, anong gagawin ko?
"Put down your guns George, ako na lang ang isama mo ako naman ang tunay na may kasalanan,” pigil ni Tita Bree sa kanila. Naglakad siya palapit kay George pero hindi siya hinayaan ng asawa na makalapit.
"No! Don't you dare Bree, h’wag kang lalapit or else babarilin kita!" galit na sigaw nito. Dahil doon ay tuluyang huminto si Tita Bree sa paglalakad.
"Ibaba n’yo ang mga baril n’yo George, paalisin mo na lang kami," pakiusap ni Papa pero tinawanan lang siya nito. I was wrong noong sinabi kong mabait siya, mali ako no’ng sinabi kong tunay na kaibigan siya nila Mama at Papa.
The George Montefalco that I am seeing now is far from the George I know. Ano ba talagang dahilan ng gulo na 'to?
"I can't set you free Victor, niloko ninyo akong tatlo trinaydor ninyo ako! At ang kapalit ng ginawa n’yo alam niyo kung ano? KAMATAYAN!" he shouted angrily, nag-aapoy ang boses n’ya sa galit. Pero hindi magagawa nila Mama ‘yon sa kaniya, matatalik silang magkakaibigan.
"It's all my fault George, p-please let them go. I-I'm sorry sa nagawa ko I-I'm sorry kung nasaktan kita pero maniwala ka, ginawa ko 'yon para sa’yo," humahagulhol na sambit ni Tita.
"I don't believe you!" sigaw sa kaniya ng asawa.
"Maniwala ka sa kanya George, she's telling the truth huwag mong isara ang isip at puso mo. Please unawain mo kung paano namin nagawa 'yon sa’yo," sambit ni Mama.
"Stop it Ava! Ayaw ko ng makarinig pa ng kahit anong dahilan!" sigaw ni George. Kitang-kita ko ang galit niya nang itutok niya sa langit ang baril n’ya bago nagpaputok.
"Gusto kong sumama kayo sa aking tatlo o baka naman dito niyo na gustong mamatay?" puno ng galit na tanong niya.
"Tumigil ka na George huwag mo silang idamay please! Ako na lang ang isama mo," pakiusap muli ni Tita habang ako naman ay hindi alam kung ano ang dapat gawin. Natatakot akong baka barilin sila ni George, hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa mga magulang ko.
Nagulat ako ng makarinig ng mga magkakasunod na gunshots. Tumumba sa damuhan ang mga tauhan ni George pagkatapos itong barilin nila mama. Pero napatakip ako sa bibig nang iputok ni George at ng babaeng kasama n'ya ang hawak nilang baril kanila Mama. Sandaling nag-slow motion ang paligid ko, halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. No, hindi pwede!
Patakbo na sana ako sa kinaroroonan nila pero natigilan ako noong makita kong bumagsak si Tita Bree sa damuhan habang hawak ang dibdib niyang puno ng dugo.
"T-Tita Bree,"
KABANATA 22ANYANagsimula sa storytelling ang urgent meeting namin, they wanted me to tell them the whole story from pagkidnap sa akin ni Gellan hanggang sa pagkikita naming ni George. Halos makalimutan ko na nga ang mahalagang opportunity na inoffer niya sa akin kanina dahil sa frustration ko dahil sa nangyari. I’ve been worried the whole time sa kung anong gagawin niyang hakbang now that he saw me, so I forget about what he says.At iyon nga ang ibinahagi ko sa kanila ngayon."George wanted me to work with him for the second time and I think it would be a good opportunity sa mission natin na bumalik ako sa kaniya ulit," "What?""No, you can't,""You better not see him for the meantime, Anya,""We told you we don't sacrifice one's life para lang sa mission,"“That’s too dangerous Anya,”Ayan ang mga hinaing nila and I know that they understand kung anong gusto kong iparating. I sighed seeing their frustrated faces."What's with your reactions? Isn’t this a good opportunity for the
GELLAN Malakas na tugtog at hiyawan ang tanging maririnig sa bar ng Casino de Vara. Sa kabila ng maingay at magulong mga taong nagsasayawan sa paligid hindi nito magawang istorbohin ang isip ko na abala sa sa kakaisip sa Anya na iyon. Especially sa nangyari sa mansion kanina. “Kaya pala ang lakas ng loob niyang lumaban sa akin because she knows Dad.” Ginalaw ko ang shot glass ko nang paikot habang nakatitig dito. “Kahit ano pang koneksyon niya kay Dad sisiguraduhin kong makukuha niya pa rin ang rightful punishment that she deserves.” I tighten the grip in the wine glass as if I was throttling Anya to death. “Look who’s talking to himself, did losing makes you crazy?” Lam grabbed my wine at tinungga iyon. Pinanood ko siyang ubusin ang wine. Saan naman kaya siya nakakuha ng lakas ng loob para gawin ‘yan sa harapan ko. “Balita ko suspended ka sa arena. Alam mo bilib talaga ako kay Anya, biruin mo natalo ka niya. She must be really something. Actually, pinag-iisipan ko ng inbitahan
GEORGEI sipped my red wine devouring it until the last drop.“I can’t believe that she’s still alive!” I exclaimed.“Anong gagawin natin sa kaniya Boss?” my right-hand Dos asked.“Kakausapin ko muna si Black, siguradong magugulat siya kapag nalaman niya.” I dialed her number.Noong mag-ring ito ay sinenyasan ko ang tauhan ko na lumabas na agad naman nitong ginawa. She’ll be shocked once malaman niya na buhay pa rin si Evil. Ilang taon na namin siyang paulit-ulit pinagtangkaan na patayin pero lagi siyang nakaliligtas.“Yes, what is it?” she answered with her cold voice. I can also hear her accent noong sumagot siya.I picked up a dart and throw it into the dartboard before I reply.“Evil is alive,”I hear a shattered glass sound to the line.“Fuck that woman! Bakit ba hindi natin siya mapatay-patay. Saan mo nalaman na buhay pa siya?” there’s annoyance in her tone.“Gellan brings her here. Ang akala ko ay simpleng babae lang ang nakaaway niya sa UFightA that’s why I told him na parusah
ANYAHinila ako ni Gellan palabas ng kotse habang suot-suot ko pa rin itong mabahong black na tela sa ulo ko. I wonder kung ilan na ang nakapagsuot nito at kung buhay pa ba sila.Bigla akong napaluhod sa daan noong matisod ako sa matigas na bagay na nadaanan ko.“Seriously? Lampa ka ba o tanga?” inis niya akong hinila patayo.“Tss. Baka kasi may nakikita ako? Malay ko ba kung may bato sa daan,” inis ko rin na sagot.Maka-tanga e siya nga itong tanga, alam namang wala akong makita nagtatanong pa.“Tumahimik ka na lang puwede? Ang dami mong reklamo.” Lalo niyang binilisan ang paghila sa akin.Bwiset talaga.Narinig kong bumukas ang pinto.“Magandang umaga, Sir Gellan!” bati ng pamilyar na boses ng lalaki. Si Dos ba ‘yon? Iyong kanang-kamay ni George.“Where’s Dad?”Nakinig akong mabuti habang hinihila niya ako papasok ng bahay nila nang pag-usapan nila si George.“Nasa opisina siya ngayon. Maari ko bang itanong kung sino ‘yang babaeng kasama mo?” tanong nito na mukhang sumasabay sa pagl
KEO We are still in the middle of our meeting, ang plano sa pagkuha ng list ay pag-uusapan pagbalik nila Anya at Sue. Besides binigay ko na sa kanila ang ilang information about Yvon ang school registrar ng BU, malamang binibisita na nila ang kanilang target.Napag-usapan na rin kanina ang pagtuloy ng surveillance sa mga allies at kay George. Kailangan muna namin silang bantayan until may chance na kaming makuha para makalapit sa kanila, ilang araw pa lang naman noong magsimula kami pero inaamin kong medyo mabagal ang usad namin. Pero sa bilang ng mga impormasyon na nakuha namin ni Aji sa kabila ng mabagal na pag-usad pagdating sa surveillance mukhang bibigyan kami nito ng kasiguraduhan na we’re heading in the right way.“Von, ikaw na ang bahala kay George. Dapat may makuha na tayo sa kaniya, we need to know kung anong dahilan niya kung bakit niya tinayo ang BU. I’m sure there’s a greedy reason why he founded it, hindi niya iyon itatayo just to protect and provide educational institu
ANYA Nang makarating kami sa room kaunti pa lang ang mga estudyante, masyado pa yatang maaga dapat pala nakipagsampalan pa ako kay Crimson ng makita niya ang hinahanap niya. Nakakainis talaga ang babaeng ‘yon, ang aga-aga niyang manampal at maghamon ng away. Pasalamat siya hindi ko siya pinatulan ng tuluyan.Naisip ko rin kung may sense nga ba ‘yong ginawa ko kahapon o mas ginawa ko lang complicated ang plano naming mapalapit kay Gellan. Baka nga tama si Sue na hanggang seatmates lang kami. Pero ano pa ang magagawa ko? Nandito na ako sa situation na bunga ng ginawa ko. Bahala na nga.“Mamayang lunch na lang tayo mag-usap,” sabi ko kay Sue.Naghiwalay na kami nang tumango siya. Dumiretso kami sa kaniya-kaniya naming silya. Wala pa ang mga katabi ko sa upuan si Vivien lang at Tristan ang narito at sobra kung makatingin sa akin.“Bakit?” tanong ko nang makaupo sa silya ko. Nasa harapan ko ang upuan nila kaya nakalingon sila sa akin.“Kumakalat na sa private group chat ng university iton
SUE“Do you think nasa kaniya ang list?” tanong ko kay Anya.Nakatayo kami sa hagdan malapit sa registrar office, tanaw na tanaw namin si Yvon ang aming school registrar. Marami na kaming nalaman tungkol sa kaniya dahil sa background check na ginawa ni Keo, he sends the file a while ago kaya pumunta na agad kami rito to check her up.We’re standing here for almost 30 minutes at wala kaming napansin na tao sa opisina bukod sa kaniya, she’s just peacefully doing her job. Sabi rin ni Keo wala naman silang nakikitang tao na pumapasok do’n aside from her. Ginagamit nila ang spy cameras para bantayan siya simula noong paghinalaan ni Anya ang school registrar, which is the day of installment ng cameras, gano’n ka-agap ang taskforce namin.“Hindi ako sigurado kung nasa kaniya ang list, hindi lang naman siya ang suspected employee natin na posibleng may hawak ng list. But she’ll be the first target,” sagot ni Anya.Maraming school employees ang puwedeng magtago noon, there’s a possibility na h
VON“Anong balita Aji, mga ally ba talaga ni George ‘yong tatlong ‘yon?” tanong ko. Nasa tapat lang siya ng table ko habang busy sa pagbuklat ng mga files sa lamesa ni Keo pero hindi man lang niya ako sinagot.“Aji kinakausap kita, sumagot ka naman sayang ‘yong laway mo,”Bigla akong nag-freeze no’ng tingnan n’ya ‘ko ng masama. Bakit ba ganito ang mga babae, ang aga-aga ang susungit. Paano kaya nakakayanan ni Keo ang ugali ng asawa n’ya.“H’wag mong guluhin ang asawa ko Von, maghanap ka ng sarili mong asawa nang may kausap ka naman,”At nang-iingit na naman siya. Wala talagang magawang matino.“Hoy Keo may mahal na akong ibang babae, mas maganda at cool pa kaysa kay Aji. Alam mo kung nagseselos ka naiintindihan ko naman, ‘di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa’yo.” Iniwas ko naman ang binti ko nang sipain n’ya ako.“Oh teka nagbibiro lang ako,” sambit ko sabay tawa. Napaka bilis niya talagang mapikon.“Tss, alam nating hindi biro ‘yong una mong sinabi. Mag-move on ka na sa kani
ANYANaging maayos ang practice game ng soccer team kahapon, wala naman kaming na-encounter na gulo ni Sue mula kay Gellan. Hindi ko nga lang maitatanggi na sobrang sama ng aura n’ya kahapon, feeling ko nga kung pinatulan ko pa ang mga matalim n’yang tingin during the soccer game sisipain n’ya ulit ang bola papunta sa mukha ko.Napapaisip tuloy ako kung anong binabalak ni Gellan ngayong araw against sa akin, sa ilang araw na magkaaway kami alam kong nangangati na siyang gumanti. Pero bago ko siya problemahin uunahin ko muna ang pagbisita ko ngayon kila Mama at Papa.Halos ilang minuto na rin kaming nasa biyahe ni Sue patungo sa Cavite Divisional Jail kung saan nakakulong ang mga magulang ko, maaga pa naman kaya hindi kami mahuhuli sa klase. At kahit hindi pa visiting hours ngayon dahil maaga pa maaari na kaming bumisita ni Sue dahil kinausap na ni Von ang namamahal sa kulungan.“Hindi ba natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa mission at NCC?” tanong ni Sue. Abala siya sa pagmamaneho
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen