Share

KABANATA 9

ANYA

“Hey.” Kumaway sa akin si Krixx pagpasok n’ya sa pinto ng Café de Casa.

I just gave him a nod, ang akala ko magkasama sila ni Sue ngayon mukhang may mag-aaway na naman mamaya. Dumaan muna siya sa counter para mag-order bago pumunta sa puwesto ko.

“Puwedeng umupo?”

“Oo naman,”

Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng kape at slice ng chocolate cake na dala n’ya.

“Favorite mo raw ‘yang espresso sabi ni Fhin,”

Tiningnan ko naman ‘yong kape na bigay n’ya, may puso pa itong design.

“Thank you dito, ililibre kita minsan,” sabi ko.

He smiled.

“No need for that kahit araw-araw pa kitang i-treat ng espresso at chocolate cake okay lang basta masaya ka,”

Napailing na lang ako habang nakangiti ibang klase rin siya kung mangiliti ng babae. Halata mo na beterano na siya sa pagpapakilig ng mga babae.

“Ganiy’an ka dapat araw-araw lagi ka dapat nakangiti, Ialo kang gumaganda,” pangbobola niya pa.

Marami pa rin siguro siyang nabobolang mga babae sa ganitong linyahan.

“Ilang beses mo na kayang nagamit ‘yan? Lahat naman maganda kapag nakangiti sila.” Humigop ako ng kape.

“Well actually marami na nga, pero ikaw na ang huli." Kumindat pa siya sabay ngiti.

“Alam mo ang sarap nitong cake, by the way thank you pala doon sa kagabi,” sabi ko. I'm trying to change the topic, hindi ako komportable.

Maybe because hindi talaga ako mahilig sa mga cheesy moves ng mga lalaki, I never entertain any guys kasi I have my priorities and my own problems na puwedeng maging cause of death ng kahit sinong mahalaga sa akin.

I have deadly enemies sa isang pitik lang maaaring may mapahamak na isa sa mga mahal ko sa buhay. Nakalimutan ko rin na hindi pa pala ako nakapag-thank you sa kaniya dahil sa pagliligtas niya sa akin doon sa nangyari sa bahay ni Aliseo.

“Wala ‘yon basta lagi lang akong nandiyan at ililigtas ka kapag kailangan mo ng tulong ko,”

Nakita ko sa mukha n’ya ang sensiridad ng sabihin n’ya iyon and I appreciate it kaya nginitian ko siya.

“So bakit nga pala maaga ka, ang alam ko pupunta kayo ni Sue kay Dr. Baylon para kunin ang autopsy report ni Aliseo,” saad ko.

Nagbago ang expression ng mukha n’ya.

“Bakit ko naman sasamahan ang babae na ‘yon, mas gusto ko pang ikaw ang kasama ko kaysa sa kaniya,” sagot nito.

So sinadya n’ya pala na hindi sumama, sigurado ako nag-aalboroto na si Sue sa galit.

“Good luck lang ang kaya kong sabihin sa’yo Krixx,” natatawa kong sabi.

“Psh malaki naman na siya, she can go anywhere without a companion. Hindi ko siya gustong kasama dahil sa buong byahe namin last day nag-away lang kami,” paliwanag n’ya pa.

“Pero dapat sinamahan mo pa rin ang pinsan ko,”

“I know, naiinis lang talaga ako sa ka— what the hell!” Napayuko na lang si Krixx bigla habang hawak ang ulo n’ya na tinamaan ng isang coffee can.

Narinig ko kung gaano kalakas ang pagtama no’n sa ulo niya, siguradong masakit ‘yon.

“Sinong may gawa no’n?” sigaw niya. Tumingin kami sa mga customers ng café ang ilan sa kanila ay agents ng NCC at ang iba ay normal na customers lang. Pero kahit isa ay walang sumagot, pare-pareho lang din silang nagulat sa nangyari.

“Ops sorry, akala ko kasi trash can ikaw pala ‘yan Mr. hindi marunong tumupad sa usapan,” sabi ni Sue. Nakasilip siya sa pader papunta sa staff room na papunta naman sa underground headquarters ng NCC.

Nandito na pala ‘to.

“Ikaw lagot ka sa akin!” Tumayo siya at inis na tumakbo papunta kay Sue na agad din namang umalis papasok sa staff room.

Napailing na lang ako, para silang aso’t pusa. Sumunod na ako sa kanila papasok ng HQ, katulad ng dati pinihit ko ang trophy na hugis babae nang counterclockwise. Lumabas ang fingerprint scanner at armored door pagkatapos gumalaw ng office table.

After i-scan ng kamay ko tuluyan na akong pumasok at naglakad pababa sa hagdan ng magbukas ang pinto.

“Hi Anya,” bati ni Von, nakasalubong ko siya sa hallway.

“Start na ba ang meeting?” tanong ko.

“Nope, pinagagalitan pa ni Chief si Krixxenn at Sue.” He laughed.

Sinasabi ko na nga ba, dumiretso na kami sa office room ng task force. Nakita namin doon ang mag-asawa at nakaupo, may gasa pa rin ang sugat ni Keo ng mapansin ko ito.

“Hi Anya dear okay ka na ba?” tanong ni Aji pag-upo ko sa tabi n’ya.

“Yup I'm okay thanks to your son.” Tumawa kami pareho.

“Well totoo ‘yan una ka pa nga n’yang binuhat kaysa sa akin,” she said.

“H’wag ka sanang magpapaloko sa anak namin,” dagdag pa ni Keo. Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang totoo mabait naman si Krixx pero sa palagay ko hindi kami bagay sa isa’t isa.

Pagkatapos no’n ay pumasok na si Chief kasunod yong dalawa sa room.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Sue pag-upo n’ya.

“Nakita kami ni Chief na nag-aaway sa hallway kaya ‘yon,” sagot niya.

“Sa susunod kasi h’wag mo ng patulan,”

“Sinabihan na rin kita n’yan dati sinunod mo ba? Oh ‘di ba hindi, ano pang ine-expect mo na gagawin ko?”

Eh bakit parang galit siya? Ako ba ang kaaway n’ya. Hindi na ako nagsalita dahil baka lalo lang uminit ang ulo n’ya.

“Let’s start,” saad ni Chief sa harap kaya umayos na kaming lahat.

“Mag-umpisa tayo sa autopsy report, Sue tell them kung anong nakita sa autopsy.” Nilapag niya sa lamesa ang isang brown folder.

Lahat naman ay tumingin kay Sue.

“Wala naman gaanong espesyal sa autopsy ni Aliseo maliban dito.” Kinuha n’ya ang isang litrato mula sa folder at hinarap sa amin.

“X-ray ito ng abdomen ni Aliseo at kung mapapansin ninyo itong maliit na ‘to.” Inikot n’ya ang daliri n’ya sa part na tinutukoy n’ya.

“Ano ‘yan?” tanong ni Von.

“Susi,” sagot ni Sue.

“Susi?” pglilinaw nila, tumango lang si Sue sa mga ito.

Bakit may susi siya d’yan?

“No’ng nakita nila itong susi sa small intestine ni Aliseo ay kinuha nila agad ‘yon. Ang sabi ni Dr. Baylon possible na kinain n’ya ang susi the day before he die or possible rin daw na noong mismong araw na namatay siya. Maliit lang ang susi kaya madali lang itong na-digest at hindi nag-cause ng hard breathing sa kaniya o delikadong symptoms dahil kung nakaramdam siya nito baka namatay na ‘to noon pa,” paliwanag ni Sue.

“Pero para saan naman ‘yan?” tanong ni Keo.

“Hindi naman siguro siya lulunon ng susi para lang sa wala hindi ba?” sabi ko pa.

“Sa ngayon hindi ko alam kung para saan ‘to.” Ipinakita sa amin ni Sue ang susi na naka-plastic. Maliit lang ‘to at kulay gold, nagtataka tuloy ako kung bakit n’ya kinain ‘yan.

“Wait,” sabi ni Aji.

Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.

“Bakit hon?”

“Parang alam ko na kung para saan ‘yan.” Tumayo siya at may kinuha sa office table n’ya. Isa itong box na kulay brown, ano naman ‘yan.

“Saan mo naman nakuha ‘yan?” tanong ni Keo.

“Iyan ang box na nahanap n’ya sa likod ng bahay ni Aliseo. After n’yang maka-recover sa nangyari kagabi bumalik siya sa bahay at nagpatuloy sa paghahanap,” sabi ni Chief.

Kinuha ko naman ang box na hawak ni Aji, may nakasulat sa ilalim nito na ikinagulat ko.

“There’s a bomb inside the box once you enter a wrong code it will explode,” basa ko sa nakasulat.

Bomba seryoso?

“Patingin ako.” Inabot ko ito sa kay Von na agad naman n’yang sinuri.

“May bomba ba talaga sa loob n’yan?” tanong ni Krixx.

Posibleng meron, iba’t ibang klase na ang bomba ngayon. Pero ano naman kaya ang laman ng kahon na ‘yan? Nandiyan na kaya ang hinahanap namin.

“Sa palagay ko meron,”

“So iniisip mo Aji na itong susi ang maaring makapagbukas ng box na ‘yan?” tanong ni Chief.

Tumango naman si Aji.

“Kung makikita n’yo puro buttons lang ‘yan which is para ‘yan sa code na sinabi sa box pero ang hinila ko ay wala talagang code,” paliwanag n’ya.

“Paano mo nalamang walang code?” ako na ang nagtanong.

“Dahil dito.” Kinuha n’ya mula kay Von ang box at tinanggal n’ya ang buttons gamit ang maliit na knife kung saan ieenter ang code. May nakita kaming key hole pagtanggal nito.

So fake lang ‘yon?

“Which mean walang bomba?” paglilinaw ko.

“Meron pa rin and if mali ang susi na ginamit mo, boom!” sagot ni Aji.

“Siguradong importante ang laman n’yan, hindi naman n’ya siguro ‘yan lalagyan ng bomba ng walang dahilan,” kuro-kuro ni Sue.

Agree ako sa kaniya, siguradong may laman itong mahalaga kaya ganito na lang n’ya ‘to itago.

“Give me the key,” sabi ni Aji. Agad naman itong binigay ni Sue.

“Bubuksan mo Mom? What if hindi ‘yan ang susi baka sumabog tayong lahat dito,”  wika ni Krixx.

“May punto ang anak mo hon,” dagdag pa ni Keo.

“Hindi naman bubuksan ni Aji ‘yang box kung hindi siya sigurado,” ani ni Chief.

Mas mayroon siyang point, isa pa may tiwala ako kay Aji hindi naman n’ya kami ipahahamak.

“Kung gusto n’yo ako na lang ang magbubukas sa labas,” suhestiyon ko.

“No ako na lang ang magbubukas Mom,” biglang kontra ni Krixx.

“Ano ‘yan tapang-tapangan?” bulong ni Sue sa tabi ko kaya mahina ko siyang siniko.

“Hindi na ako na, nagpapakitang gilas ka na naman Krixxenn,” sagot ni Aji.

Nagtawanan namin sila Von at Keo at tinukso pa si Krixxenn. Napailing na lang ako bago nagtuon nang tingin kay Aji na sinusubukan nang buksan ang box.

Pagpasok n’ya ng susi sa keyhole at pinihit ito bigla itong nag-unlock. Tama nga siya na iyon ang susi.

“What’s that?” Turo ni Sue sa laman ng kahon.

Isang maliit na journal ang nakita namin sa loob ng box along with a bomb, nakapulupot ang mga wires nito sa journal.  Susubukan sana ni Aji na tanggalin ang journal pero pinigilan siya ni Von.

“It’s better if ipa-examine muna natin ito sa bomb expert natin, baka bigla na lang sumabog ang bomba kapag may nagalaw tayo,” suhestiyon n’ya.

“Tama si Von dalhin n’yo na ‘yan kay Gabriel,” utos ni Chief.

Lumabas na si Keo at Von dala ang box habang naiwan naman kami rito sa loob.

“Maaring kaya n’ya nilunon ang susi ng box dahil alam n’ya na mamatay siya o may papatay sa kaniya,” kuro-kuro ni Aji.

“Ang sabi n’ya sa amin nahanap na siya ng mga humahabol sa kaniya kaya siguro n’ya ginawa ‘yon para hindi mabuksan ng mga ito ang kahon sakaling mahanap nila ‘to,” dagdag ko pa.

“Sa ngayon hanggang dito na lang muna ang pag-uusapan natin tungkol kay Aliseo. Kayo Sue at Anya, may bago sa mission ninyo,” ani niya.

Napatingin ako kay Chief.

“Ano naman ‘yon Chief?” tanong ko.

“Gusto kong makipag kaibigan kayo sa dalawang anak ni George Montefalco. Sinabi ni Sue babalik na ang magkapatid sa Black University at doon na ulit mag-aaral,”

Hindi ko alam magugulat ako sa sinabi n’ya o maiinis.

“Pero Chief paano naman namin gagawin ‘yon? Imposible ‘yan,” reklamo ni Sue.

“Chief alam n’yo namang naging kaaway ko si Gellan sa arena ‘di ba? Malabo ng makipag kaibigan sa akin ang lalaki na ‘yon siguradong kaaway ang tingin n’ya sa akin,” dagdag ko sa reklamo ni Sue.

“Hindi ko na problema ‘yan basta ang gusto ko makipag kaibigan kayo sa kanila, nakuha n’yo? At isa pa kung mapapalapit kayo sa kanila, we might have an advantage against George,” sabi ni Chief.

“Alam n’yo namang ang parents ko ang napagbintangan na pumatay sa Mommy nila sa tingin n’yo ba kapag nalaman nila ‘yon kaiibiganin pa nila kami,”

“Alam kong mahirap ang pinagagawa ko sa inyo, pero sana gawin n’yo ang makakaya n’yo. Kayo lang ang maaasahan namin sa loob ng BU at wala ng iba, gawin n’yo ‘to para sa mission,” ani n’ya.

I sighed.

“Gagawin namin ang lahat Chief,” sagot ni Sue.

Sana lang talaga magkasundo kami ng Gellan na ‘yon kahit mukhang malabo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status