La Trinidad, Benguet, Taong 2020
Ang tribo Gumak ay isang maliit na pamayanan sa isang bayan sa Benguet. Namumuhay ang mga tao sa pamayanan sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay. Karamihan sa mga babae roon ay kung hindi manananim ng repolyo ay manananim ng broccoli o curly flowers, mga gulay na mamahalin na inangkat mula sa La Trinidad, Benguet at binibili ng mga dealer na ibinabyahe naman sa Maynila.
Pero dahil hindi sapat ang bayad sa kanila bilang mga nagtatanim at taga-ani o trabahador lamang ng Lupain ng mga Sevilla, kinakailangan ng mga naninirahan doon ng extrang kita. Ang iba ay nagaalaga ng hayop, at nagiging tauhan pa sa palengke na nanglatan ng paninda kahit pagod na. Ang iba ay sinisikap na magtanim ng ibang punla.
"Manang Esang, Ilang bulig ho ang naani ninyo sa inyong tanim? Uisa ng isang maliit na babae ngunit may maganda at kaakit-akit na mukha.Kapansin-pansin ang kaibahan ng kanyang kulay dahil kasing puti ng labanos at kasing kislap ng mamahaling kamatis sa pamumula.
"Naku ineng, ay kakapiranggot lang, siguro ang nahakot ng iyong manong eh mga sampong buling pa lang,pinutekte tayo ng peste, napapabayaan na ng matanda ang pagpapadala ng pataba"
"Oo nga ho, pero mabuti pa ho kayo at nakasampogn bulig na, ako ho eh wala pang lima pahapon na.Ang itang ho kase ay nanakit na man ang likod at panay ang ubo, ang inang mana ay mahina ang tuhod' sabi ng dalaga.
"Ay kaawan ka na lamang ng diyos, Kailangan makakota at buwan ang aabutin bago ang taniman" sabi nito. napangiti na lamang ang dalaga na walang iba kundi si Amara.
Sa tribu ng Gumak nakatira si Amara, isang half-half na Igorota. Lumaki sa maliit na pamayanan, bagamat lumaki lamang sa isang tribong simple ang pamumuhay ay naging mataas ang pangarap ng dalaga. Palagay kase niya ay hindi niya kapalaran ang maging tagapag-ani lamang ng repolyo at broccoli. Kaya naman sa kanilang bakuran ay nagtanim ang dalaga ng sariling punla ng ibat ibang vines at kapag namunga ay ibenebenta niya ito at inilalako sa Baguio. Bagamat bundok ang kanilang lugar ay mataba naman ang lupa doon at dahil malamig ang klima, masigla at matataba ang mga gulay na pananim niya.
May pangarap si Amara at nais ng dalagang makaipon ng pang-tuition sa kolehiyo at makapagtrabaho sa Maynila ng maihahon naman ang sarili sa kahirapan.
Hindi man niya mabigyan ng magandang bahay o buhay ang nakagisnang magulang ay gusto niyang kahit na sa pagaraw-araw ay matulungan niya ang mga ito kesa ang magkanda-kuba sa pag-aani ng mga repolyo. Naaawa siya sa kanyang A-ma na halos kuba na sa katandaan pero nagagawa pang magbuhat ng sako-sakong carrots o broccoli. Ang kanyang I-ina ay nagagawa pa ring magbuhat ng malalapad na basket na yari sa rattan panghakot naman ng repolyo at petsay Baguio.
"I-na Akoy maglalako na ano? Kapag dumaan si Mang Umat ay ibigay ninyo ang dalawang sako ng repolyo ha. Eh wag kayong papayag na kayo eh baratin na naman," paalala ni Amara na nagpaalam na ring umalis.
Bitbit ang bilao sa ulo at basket sa kaliwang kamay, nagsimulang maglako si Amara ng repolyo, carrots, broccoli, strawberry at rasberry. Mga tanim niya ito kahit tag-iisang piraso lamang ay maigi na rin atleast sa kanya lahat ng benta at hindi kahati ang sugapang may-ari ng ng lupang kanilang tinataniman.
Marami rami naman siyang suki dahil mas mura ng di hamak sa kanya dahil walang siyang tax, yun nga lang ay pinagtatabuyan siya ng ilang may puwesto dahil nga inaagaw niya ang costumer ng mga ito.
"Kininamon.. agbagtit woy, nauyong kayo a supang ngen," na ang ibig sabihin ay suwapang sa kita at puwesto ang mga ito. Sigaw ni Amara saka umalis sa pwestong kinatatayuan. Doon kase sa bukana na iyon pagawi ang mga mamimili at hinaharang na niya minsan pag patanghali na ay binabagsak presyo na niya dahil nga mura at pagod lang ang puhunan niya.
"Maysaka a natured nga babai pumanawkan saan nga aglako," Sagot ng tinderang kasing liit ni Tiya pusit at kasing sungit din. Medyo inis na si Amara dahil kakapuwesto pa lamang niya ng sandaling iyon ay pinalalayas na naman siya. Pero alam ng dalagang mahirap makipag-away sa mga taga palengke lalo na ang mga purong Igorot.
Hindi kase siya bihasa sa lenguahe ng mga taga Benguet, ang kayang I-na ay Ilocana at ang A-m ama ang Igorot. Yun ang pagkakaalam niya. Bagamat bata pa lang ay alam na niyang inampon lamang siya ng magasawa. Ang turing at pagmamahal niya sa mga kinagisnang magulang ay higit pa sa sarili niya. Tagalog sila mag-usap lalo pa at ang La Trinidad ay halos dalawang pong taon ng naging sentro ng turismo na wala namang alam gawin kundi ang magpapicture sa kanila pero hindi naman bumibili ng paninda.
Kapag araw ng kasibulan at kapiestahan ay napipilitan silang magsuot ng kanilang tradisyunal na kasuotan kahit pa nga magtitinda lamang naman sa kalsada. Utos iyong ng punong bayan ng lugar para i-promote daw ang lugar at mga loka na pamana. Iyon din kase ang malaking tulong sa lokal na pamahalaan nila ang turismo ang nagdadala ng malaking tax.
Araw ng kasarinlan at lahat ay abala sa ibat ibang tribo at bayan. Tulad ng utos ng punong lunsod naka tradisyunal na kasuotan ang mga purong Benguetanyo o Ifugao. Mabilis na naglalakad sa kalsada si Amara dahil late na siya. Matagla kase bago naiangkat sa tricycle ang mga paninda niya bukod pa sa maabala pa siya sa pag-ani. Masama daw kase ang pakiramdam ni Natoy ang binatilyong inuupahan niya para siyang mag-ani ng mga gulay na pananim niya.
Magmula kase ng magdalaga si Amara ay iniwasan na niya ang magbilad sa araw dahil sa isang pangarap. Maging kapag naglalako siya ay kontodo longsleeve siya at medyas pa habang mahaba ang palda. Nakasumbrero din siya para iwas din bilad sa araw ang mukha niya.
Pinakiusapan niya ang binatilyong si Natoy na tambay sa lugar nila para ito ang magani ng gulay para sa kanya. Sa halagang isang daang piso ay inaani ni Natoy ang mga pananim nina Amara. Malaking bagay na ang salaping iyon para sa isang kahig isang tukang pamilya ni Natoy.
At dahil nga masama ang pakiramdam ng binatilyo napilitan si Amara na siya sng mamitas ng mga gulay. Bagamat hindi pa naman mataas ang araw kapag alas otso ng umaga medyo naalanganin pa din si Amara dahil nakabihis na siya ng kanilang tribal attire. Bukod sa siya lang magisa ang pumitas sa halos isang milyang gulayan ay siya rin mamgisa sng nagsako at nagsampa sa habal habal. Kaya halos pawisan at amoy araw na si Amara. Gusot na ring ang damit niya at hulas na ang manipis na make up na nilagay niya kaya makintab na ang kanyang mukha.
Buwisit na sa sitwasyun ay wala ng magagawa si Amara. Late na siya. Naroon na sa bayan ang kanyang A-ma at I-na. Hindi tuloy niya natulungang magayos at magsalansan ng mga paminda.
Gumayak ng maayos si Amara dahil balak niyang magtinda ng gulay sa banketa sa plaza at bilang pakulo sa kapistahan ay nakagayak siyang Igorota at sasaaw ng Igorot dance hababg nagbebenta.
Saglit lang naman ang sayaw ilang moves lang na maaaring pang hatak lang ng turista at costumer.Iyon kase ang napagusapan sa baranggay ng magkaroon ng pulong ang mga vendors.
Para payagan ang mga ilegal vendors na magtinda sa kalsada ng legal sa araw ng kapistahan ay kailagan nilang ipromote ang kultura ng lugar.Laya kanya kanyang pakulo ang mga vendor at pagsasayaw ng igorot dance ang napili niya.
Ipinarada ni Amara ang habal ar mamgisa pa ring ibinaba ag isinampa sa balikat ang sako sakong paninda pagkatapos ay Nanlatag ng malinis na sako at isinalansan ng maganda at may presentasyon ang kayang mga paninda.
Nilagyan niya ito ng makulay na plakard at may mga bulaklak pang drawing ang kanyang price tag at dahil hindi siya umaangkat sa iba si Amara dahil sariling tanim ang paninda niya ay mas mababa ng di hamak ang tinda niya.
Samantala, sa loob ng silid ay mahimbing na natutulog si Anton, ngunit maya-maya ay pinagpawisan siya ng malagkit. Nagpabaling-baling siya ng ulo, at maririnig ang mahihinang pagungol na tila naghihirap. Muli na naman itong nanaginip. "Aaah, tama na! Huwag kang tumakbo. Bakit ba tumatakbo ka...?" awat niya sa babaeng nakatalikod sa kanya. Ngunit parang hindi siya narinig ng babae. Nagpatuloy sa pagtakbo ang babae. Habang si Anton naman ay patuloy na humahabol. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong habol niya, ang babae ay parang hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Nakapagtataka kung gaano kalambot ang lupa na tila putik na. Malambot na putik, at namalayan na lamang ni Anton na ang kaninang paa niya na nakasayad sa putik ay nakalubog na ngayon, halos abot na sa tuhod. Kinilabutan si Anton. Ang babaeng hinahabol niya ay palayo nang palayo, hanggang sa maging tuldok na lamang ito. Sumigaw nang malakas si Anton, nagbabakasakaling marinig siya ng babae. Pero sa pagsigaw niya,
Mga katok sa pinto ang ang gumambala kay Amara na nakaidlip na pala siya ng ganun lamang kadali. Mahaba kase ang bihaye niya kaya totoong napagod siya."Miss Amara, pinababa na po kayo ni Donya Soledad. Kakain na daw po," sabi ng tinig ng isang babae sa labas ng pinto.Nagpalit lamang ng damit na pangbahay si Amara at bumaba na at dumeretso sa kusina. Inabutan niya doon si Donya Soledad.Ang buong akala ni Amara ay pinababa siya para kumain ngunit nagulat siya dahil pinababa pala siya para pakainin ang apo ng matanda."Makinig kayong lahat, sa susunod na buwan ay maraming tao dito kaya ngayon pa lang ay magbibilin na ako. Eto si Amara Bg baho ninying makakasama sa bahay. Ngunit hindi ninyo siya katulad, si Amara ay magpapagap lang na katulong sa mansion ko. Ngaunit ang totoong gawain lang niya dito ay personal na paglingkuran ang apo ko. Sa mata ng iba ay ordinaryong maid lamang siya pero hindi nyo siya maaring asahan sa mga gawaing bahay. Maari siyang magluto ng personal na pagkain ng
Sumunod kay Donya Soledad si Amara patungo sa dulong pasilyo. Medyo paliko at dulong bahagi ito, at kung tutuusin ay parang nakatago sa karamihan ang silid. Kinabahan si Amara. “Shemay, dadalhin na ba siya sa silid ng lalaki? Ngayon na ba ang simula ng trabaho?” Kinakabahang tanong ni Amara sa sarili. “Grabe naman, ano ba ang lalaking iyon? bampira ba, masyado namabg pagjaduljgn dulo na kulang na lang itago sa tao eh. Teka may diperensya kaya? Baliw ba? Pangit ba? Oo tama, baka pangit nga… parang… parang…” Biglang napahawak si Amara sa dibdib at natakot. “Tama, Beauty and the Beast! ‘Yun yung palabas, ‘di ba? Ganu’n ba ang itsura ng apo niya? Hindi… hindi! Isang halimaw ba ang paliligayahan niya?” Nanginig ang tuhod ni Amara sa takot. “Oh, iha, bakit ka namumutla? Gutom ka ba? Mahaba nga pala ang naging biyahe mo. Sige, padadalhan kita ng pagkain.” Tumango na lang si Amara para hindi na magtanong ang matanda. Binuksan ng matanda ang silid at nagulat siya sa ganda nito. Parang si
"Alam ko, ang una nating usapan ay ang pagpapaligaya lang ng ilang beses sa aking apo, at siguraduhing mabubuntis ka niya para magkaroon ako ng apo sa tuhod. Ako na ang bahala sa lahat. Ngunit ngayon, iba na ang gusto kong mangyari, kung papayag ka lang," sabi ni Doña Soledad, tinitigan nito si Amara mula ulo hanggang paa. "Napakaganda mo, Amara. Napakakaakit-akit, at maganda ang hubog ng iyong katawan. Sa palagay ko, walang dahilan para mabigo ang nasa isip ko," dagdag pa ng matanda."Eh ano po ba ang nasa isip ninyo? Anong pagbabago ang gusto ninyong mangyari?" kinakabahang taning ng dalaga. "Pumapayag ka ba? Gusto kong malaman kung papayag ka?" sabi ni Doña Soledad."Paano po ako papayag kung hindi ko pa alam ang pagbabagong nais ninyong mangyari? Alam kong malaki ang utang na loob namin sa inyo. Hindi biro ang perang inilabas ninyo para mailigtas ang aking ama. Alam kong wala akong magagawa at hindi ako pwedeng tumanggi. Pero may karapatan naman po akong malaman kung ano ang pagb
Isa sa mga katulong na naabutan ni Amara sa sala ang lumapit sa kanya. "Ah kanina ka pa niya hinihintay, halika sumunod ka sa akin"sabi ng babae. Tahimik naman na sumunod si Amara dito matapos niya itong bigyan ng mabait na ngiti. Derederetso silang naglakad papasok. Mahabang pasilyo ang tinahak nila bago sila huminto sa isang nakapinid na silif. Kumatok ng tatlong beses ang katulong. "Senyora narito na po ang hinihintay nyo!" sabi nito. "Sige papasukin mo na at iwan na kami. Ihanda mo na rin ang silid pala ang magiging silid niya!" narinig ni Amara na utos ng babaeng nasa loob ng silid. "Oh pasok ka na daw, maiwan na kita" sabi ng katulong na umalis na rin. Tumitig ng matqgal si Amara sa pinto.Bumlis ang tibok ng kanyang puso. Mula sa mukha ni Amara, bakas ang matinding takot at pag-aalala. Bumuntong-hininga ang dalaga. “Eto na,” bulong niya sa sarili. “Eto na ang katotohanan.” Kailangan niyang magpakatatag. Ang kanyang kapalaran, ang kanyang kinabukasan, ay nakasalalay sa mga su
Saktong tanghaling tapat ng dumating ang bus sa terminal, halos manakit ang balakang ni Amara sa biyahe, hindi siya sanay maupo ng ganun katagal. Kung tutuusin mabilis lang ang biyahe mula Bagiuo dito na lamang ng pagpasok na ng pa Maynia tumagal ang biyahe dahil sa traffic. Tulad ng ibinilin sa kanya ni Donya Soledad naghintay lang siya ng sundo sa terminal. "Miss, ikaw ba si Miss Amara? ako si Mang Crispin per hindi ko kaano ano si Basilio, ako ang nautusan ni Donya Soledad na bingwitin ang isda sa dagat este ang sunduin ka," sabi ng may edad na lalaki na nagmamaneho ng magarang CRV. Maliit nalalaki ito, kaya halos ulo lamang ang nakadungaw sa bintana. Hawig ang lalaking may edad na sa aktor na kanang kamay palagi ni Fernando Poe sa mga pelikula. "Ah, oo ho ako ho si Amara, ayon ho ba ang magsusundo sa akin?" paniniguro ni Amara. "Oo, ako nga ang bibingwit sa iyo, ineng. Pasensya na at traffic masyado sa Edsa. Kanina ka pa ba nagaabang?" tanong nito, magaan angbmukha ngatanda p