★ Sienna’s POV ★Mula sa bintana ng kwarto, tanaw ko ang bakuran na basang-basa pa sa hamog. May ilang manok na naglalakad-lakad sa gilid, at mula sa malayo, naririnig ko ang tilaok ng tandang na parang alarm clock ng buong barangay. Mag-aalas siyete na siguro, pero para sa akin, parang ang aga pa rin ng umaga.Napabuntong-hininga ako. Ito na pala ‘yon. Huling umaga namin dito bago bumalik sa Manila.Naririnig ko ang mahihinang kaluskos mula sa sahig. Paglingon ko, nakita ko si Denver na nakaupo sa gilid ng kama, nakasando at may hawak na maleta. Maingat niyang tinutupi ang mga damit, parang sinisigurado niyang walang maiwan.“Good morning,” bati niya, hindi inaalis ang mata sa ginagawa. “We have a long day ahead. Better start packing now.”“Oo, sige,” mahina kong sagot, sabay tayo para kunin ang bag ko mula sa aparador.Habang inaayos ko ang mga damit ko, napapatingin ako sa paligid ng kwarto. Ang puting dingding na may ilang bitak, ang lumang bentilador na nakatabi sa aparador, at
Maaga pa lang, gising na ang buong bahay. Sa labas, naririnig ko na ang pag-aayos ng mga upuan, ang tunog ng mga kahoy na binababa, at ang mababang boses ng mga kapitbahay na tumutulong. Parang mahaba ang gabing nagdaan, pero mahaba rin ang araw na nakahanda sa amin ngayon.Naglagay ako ng itim na damit sa kama. Payat at simple lang — hindi para magpakitang-tao, kundi para maging maayos sa harap ng lahat. Walang masyadong alahas, walang kolorete sa mukha, dahil ngayon, hindi ito tungkol sa akin. Ngayon ay tungkol kay Kuya Steve — ang huling araw na makikita namin siya bago siya tuluyang ihatid sa huling hantungan niya.Habang nagsusuklay ako, pumasok si Mama sa kuwarto.“Anak, ready ka na? Mamaya may darating pang ilang kaibigan ni Steve mula sa Maynila. Ikaw na bahala sa kanila kung may kailangan,” mahinang sabi niya, pero halatang pagod na ang boses.Tumango lang ako. “Sige, Ma. Ako na po bahala.”Paglabas ko sa sala, bumungad sa akin ang kabaong ni Kuya Steve — nakabukas pa rin, na
★ Sienna’s POV ★Nagising ako nang unti-unting humaplos sa balat ko ang liwanag ng umaga na pumapasok sa bintana ng kwarto. Matamlay akong nagmulat ng mga mata, bahagyang nanlalamig pa sa lamig ng hangin sa paligid. Ang katawan ko ay parang tina-tiyempo ng antok, pero ramdam ko na may gumagalaw sa labas ng pinto—mga tunog ng boses na pamilyar.Dahan-dahan akong bumangon, nilapitan ang salamin para ayusin ang buhok ko. Hindi pa rin ganap na buo ang diwa ko, kaya medyo hang-over pa yung utak ko mula sa mga nangyari kagabi. Pero isang bagay ang agad kong naalala — si Kuya Steve. Kaya pumunta ako sa sala, nakatulog pala ako habang binabantayan siya.Pagbukas ng pinto ng kwarto, narinig ko agad ang mga tawanan at usapan sa labas. Nang lumabas ako sa hallway, nakita ko sila.Si Denver at si Gilbert, nag-aagawan sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Nagdadala si Gilbert ng mga tubig, habang si Denver naman ay abala sa pag-aayos ng mga upuan at pag-aassist kay Mama at Tita Letty sa mga gamit sa
★Denver’s POV★The air inside was getting heavy. I could tell from the way Sienna’s eyes shifted between me and Gelbert — parang may invisible tension na nakadikit sa bawat galaw namin.I looked at her directly. “Sienna, I’ll just borrow Gilbert for a moment. We need to talk… outside.”Her lips parted, as if she was about to ask why, pero I gave her a short nod. No need to make this awkward in front of everyone.I turned to him. “Let’s go.”Gilbert raised an eyebrow, smirking like this was some kind of joke. “Sure, sure… let’s talk. Mukhang seryoso ka ah.”“Yeah. I am,” I answered, my tone flat.We stepped out of the house, malamig ang simoy ng hangin, and the muffled chatter from the lamay faded behind us. Tumigil ako sa gilid ng porch, where no one could overhear us.I folded my arms. “So… let’s skip the small talk. What exactly do you want from Sienna?”He gave a small laugh. “What do I want? Bro… wala akong masamang balak. I just missed her, is that a crime?”“Missing her is one t
Nandito kami sa tabi ng kabaong ni Kuya Steve. Pag-upo pa lang namin sa mahabang kahoy na bangko sa sala, ramdam ko na ang tensyon sa dalawang kasama ko. Maraming kamag-anak sa paligid — may ilan nag-uusap sa gilid tungkol sa mga kandila, may mga bata namang pabalik-balik sa kusina. Pero sa gitna ng lahat ng ingay na iyon, ang atensyon ko ay nasa dalawang lalaking katabi ko.Nasa kanan ko si Denver, tahimik pero halatang alerto na akala mo ay may girang magaganap; nakasandal siya bahagya sa akin pero yung mga mata niya ay matalim at nakatutok pa rin kay Gilbert. Sa kaliwa ko naman, nakaupo si Gilbert, nakasandal nang todo na parang bang hindi ko katabi si Denver at parang wala lang sa kaniya ang nasaksihan niya kanina lang.Bigla na lang nag-ring ang phone ng kung sino. “Excuse me, I’ll take a call,” paalam ni Denver.Bago siya tumayo, tumingin muna siya nang diretso kay Gelbert — matagal, matalim, at parang sinasabi sa titig pa lang na I’m watching you.Nanlamig ang batok ko. Napalu
Tahimik na ang paligid, maliban sa kaluskos ng mga kutsara’t kawali sa kusina. Gabi na—mga alas-onse siguro—at karamihan sa mga bisita ay nag-uwian na para magpahinga. Yung iba naman, natutulog na sa mga bangkong nakapalibot sa lamay.Ako naman, nakatayo sa harap ng kalan, hawak ang sandok habang hinahalo ang tinola. Mahaba pa ang gabi, at gusto kong siguraduhin na may mainit na pagkain ang mga magpupuyat. Amoy na amoy ang luya at sibuyas, halong sariwang singaw ng kumukulong sabaw.Pero kahit abala ang kamay ko, lutang pa rin ang isip ko sa nakita ko kaninang lalaki sa ilalim ng poste. Sino kaya siya? Bakit siya nakatingin sa bahay pero hindi pumasok? At… bakit parang may kakaibang kilabot akong naramdaman nung makita ko siya?Napasinghap ako nang marinig ang mahinang katok sa pintuan ng kusina. Hindi malakas, pero tatlong beses, at parang may bigat ang bawat katok.Tok. Tok. Tok.Napatigil ako sa paghahalo, nakiramdam. “Sino ‘yan?” tanong ko, pero walang sumagot.Bago pa ako makalap