Share

Chapter 6

"Wala akong ibang masabi. Basta ang gwapo ni Kuya Sean kanina habang nakikinig. Alam niyo bang sa atin lang siya nag-angat ng tingin? I was watching him the whole time pero ni minsan hindi ko siya nakitang tumingin sa ibang presenters bukod sa atin!" pagdadaldal nanaman ni Lei.

"Ano? Sasabihin mo nanamang tumingin siya dahil sa 'yo?" nakataas ang kilay na tanong ni Zayd sa kaniya. "Hindi na naman ata na-off ang pagiging delulu mo."

"Alam mo, epal ka talaga 'no? Can't you support your beautiful friend?"

"Ha? Beautiful?" Nilapit ni Zayd ang mukha niya kay Lei na para bang may hinahanap. "Saan part?"

"Zaydrielle!!"

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang mag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko kaagad iyon at nakitang may bagong message galing kay Kuya Sean.

Kuya Sean:

You did a great job today. Your answers were great. Congrats to you and to your friends, I heard your group got the highest score.

I smiled and quickly typed my reply.

Avril:

Thank you so much po. I was actually nervous when I answered your question earlier.

Kuya Sean:

That was the answer I was actually looking for

Hindi na ako nakapag-reply pa dahil nag-aya na silang pumasok sa susunod na klase namin.

"Good afternoon, I am Professor William, your instructor for this subject. Today, we're going to engage in a meaningful discussion about tourism planning and development. This is a critical aspect of the tourism industry, shaping destinations and experiences. Let's begin by opening the floor for thoughts and ideas."

He started calling everyone to give some thoughts and ideas which will serve as our attendance for today.

Alas tres nang matapos ang klase namin sa kanya kaya naman nagpaalam na kaagad akong mauuna na dahil gusto ko na ring magpahinga. The presentation we made this morning kinda drained me.

"How's your presentation?"

Malaki akong ngumiti sa kaniya. As expected, itatanong niya iyan. "Our group presented well po."

"Your score?"

"We got the highest grade po," muling sagot ko.

Mom immediately smiled. "That's good. You have to secure your spot on the President's List, okay?" she told me. I just nodded at her and continued eating.

"Good morning, everyone! Today, we have an exciting class discussion on the subject of Foreign Language for Tourism. It's a crucial topic for those aspiring to work in the tourism industry. I want to hear your thoughts, experiences, and ideas, so please feel free to participate."

Maingat kong nilapag iyong mga gamit ko. Muntik pa akong ma-late dahil hindi ko mahanap ang susi ng kotse ko.

"To kick things off, let's talk about why it's essential for professionals in the tourism industry to learn a foreign language. Who would like to share their thoughts on this?" Professor Anderson asked us.

Nagtaas kaagad ako ng kamay. "Learning a foreign language opens up a world of opportunities. It allows you to connect with tourists on a deeper level, which can enhance their experience. Another thing is it's all about making visitors feel welcome. Speaking their language can break down communication barriers and make them feel more comfortable."

He smiled at me. "Excellent! Learning a foreign language can be challenging. Now, may I ask you again, what are some obstacles you've faced or heard about in this context?"

Nova raised her hand. "Pronunciation can be a real challenge. Mispronouncing words can lead to misunderstandings."

Nagpatuloy ang sunod-sunod na paghingi niya sa mga opinyon namin. I actively participated in answering his questions. Hindi ko alam kung nakailang palitan kami ng sagot ni Nova.

"Hay! Grabe na talaga ang aking friends," sabi ni Lei bago pabagsak na umupo sa pwesto. As usual, nandito kami sa favorite spot namin.

"Sumagot ka rin para untouchable trio kayo," nakangising baling ni Zayd sa akniya.

"Excuse me, sumasagot kaya ako 'no! Sadyang mabilis lang silang mag-come up ng mga ideas. Iniisip ko palang, sinasabi na nila!" pagtatanggol ni Lei sa sarili niya.

"Nakakaantok kaya 'yong boses ng Prof. Puro siya sa tanong. Sana pala nag-question and answer portion nalang tayo at hindi na nag-klase!"

"Kaya nga. Ni wala nga ata siyang diniscuss kanina na hindi galing sa mga sagot natin, eh," Zayd added. Dahil doon ay nag-high five silang dalawa.

"Ang dami niyong dada..." tamad na bulong ni Brix bago sinubsob ang mukha sa bag, paniguradong matutulog na naman ang isang 'to. "Basta ako nakasagot. Hindi ako bokya sa recitation ngayon."

"Same!" tuwang-tuwang sabi Lei, nakipag-apir pa ito sa kaniya.

Nagpatuloy lang sila sa pagrereklamo hanggang sa maubos ang oras namin at nag-decide nalang na umuwi na.

"Sasabay ka ba?" rinig kong tanong ni Zayd kay Lei.

"Utot mo!" sigaw ni Lei sa kaniya bago nagmadaling lumapit kay Nova. "Kay Brix ako sasabay. Ayoko munang makisabay sa mga pangit!"

"Anong sinasabi mong pangit e kamukha mo nga 'yong kuko ko sa paa?!" pang-aasar lalo ni Zayd sa kaniya kaya naman mabilis na dumampot ng bato si Lei at binato sa kaniya.

"Aray! Lei, stop being so violent!" suway nito sa kaibigan.

"That's what you get for teasing me, monkey!"

Napailing na lamang din ako at nagtungo na rin sa kotse ko. In the end, kay Zayd pa rin sumabay si Leizie dahil parehong sabay na umalis sila Brix at Nova.

"Ingat!" sigaw nilang dalawa bago bumusina si Zayd. Tumango lang ako sa kanila at sasakay na sana nang mapansin kong flat iyong dalawang gulong ko sa harap.

"Oh my God," mahinang sabi ko bago napahawak sa noo. Wala pa man din akong extra tires tapos hindi ko pa alam kung paano ito.

Mabilis kong nilabas iyong cellphone ko para sana i-text si Mommy kaya lang ay nagdalawang-isip ako dahil alam kong mapapagalitan lang ako.

"I have no other choice," sabi ko bago tuluyang nagtipa ng mensahe para sa kaniya.

Avril:

Mom, I'm sorry. Flat tires po. Can you send someone to fetch me up?

Maya-maya lang ay nag-ring kaagad ang cellphone ko dahil sa tawag ni Mommy.

"Hello---"

"What do you mean flat tires? My god, Janniza! That's a million peso car! I told you to take care of that!"

Napapikit ako sa lakas ng boses ni Mommy mula sa kabilang linya. Ni hindi niya man lang muna tinanong kung paano ako makakauwi ngayong flat nga ang gulong ng sasakyan ko.

"Sorry po. I'll find a way to fix it right away," mahinang sabi ko na lamang.

"You better do that before I tell your Dad. My goodness, we will talk later at home!" She ended the call. Well, I think it was better nga kung si Daddy nalang ang tinawagan ko.

Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa sarili. I'm still on my uniform. Wala rin akong kilalang pwedeng tawagan. Hindi rin naman pwedeng tawagan ko sila Zayd dahil nakakahiya kung babalik pa sila.

I was desperately wishing that someone might come to help me when I heard a horn from somewhere. Agad akong nag-angat ng tingin at hinanap kung saan galing iyon only to find Kuya Sean getting down from his car.

"Av?" his voice sounds unsure. "Why are you still here?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago bahagyang tinuro iyong sasakyan ko. "Flat tires po."

Agad na kumunot ang noo niya bago nilapitan ang kotse ko. Hinawakan niya pa iyon at may tiningnan bago muling humarap sa akin.

"Did you already called someone?" he asked me. Umiling ako sa kaniya bilang sagot. "Ako nalang ang tatawag," paalam niya bago nilabas ang kaniyang cell phone.

I patiently waited for him until he finished the call. Binulsa niya kaagad ang cellphone niya bago muling naglakad palapit sa akin.

"Ipapahatid ko nalang sa bahay niyo 'yong kotse," bungad niya ng makalapit.

"Hindi po ba pwedeng hintayin nalang?"

Napatingin siya sa orasan niya. "It's already late. Are you sure?"

Tumango ako. It's better to be home late with my car fixed rather than going home now without it. Baka mas magalit pa lalo sa akin si Mommy lalo na kapag nalaman niyang iniwan ko ito.

"If that's what you want. I can accompany you."

Sigurado na akong tumango sa kaniya kaya naman niyaya niya muna akong maupo sa kotse niya. He opened the backseat and let me sit there habang naghihintay iyong tinawagan niya.

Halos dalawang oras din ang tinagal namin dahil alas otso na nang matapos. Panay na rin ang tawag ni Mommy sa akin pero hindi ko iyon nasagot.

"Thank you so much po," nakayukong sabi ko kay Kuya Sean. Hinatid niya kasi ako hanggang sa loob ng village. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil paniguradong kanina pa nagpipigil ng galit sa akin si Mommy.

"Why are you not answering your phone?!" malakas na sigaw ni Mommy pagkabukas ko ng pinto. "I've been calling you since earlier!"

Napapikit ako sa lakas ng boses niya bago mahigpit na nakahawak pa rin sa door knob.

"Sorry po. I waited until my tires got fixed po," paliwanag ko.

"And yet you didn't even bother answering my calls?!"

Muli akong napapikit sa lakas ng boses niya. "Nasa bag ko po iyong cellphone ko kanina. Nagmamadali na rin po kasi akong mag-drive kaya hindi ko na po nasagot. Sorry, Mommy."

"My God, Janniza Avril! Kaka-start palang ng klase mo but you're already giving me a headache---"

Naputol ang sasabihin niya nang may maramdaman akong presensya sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino iyon at nagulat nang makita si Kuya Sean.

"S-sean!" gulat na sambit ni Mommy. "I didn't know you were there, hijo! I'm sorry, my voice must've shocked you," mabilis na paumanhin niya.

Hindi rin ba siya hihingi ng paumanhin sa akin dahil pinagalitan niya ako knowing na sinabihan niya akong kailangan kong ipaayos iyong kotse dahil milyong piso ang halaga no'n?

"Good evening, Tita. I'm sorry to interrupt you but I was here to return Avril's notebook," malumanay na sabi niya.

"T-thank you," nahihiyang sabi ko. Tinanggap ko iyong notebook bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"I'm sorry about that. I was just worried sick dahil anong oras na yet wala pa rin siya. She's not even answering my calls kaya naman hindi ko na naiwasan ang pagalitan siya," Mom explained.

"I understand, Tita. I was actually with her earlier." I felt relieved when Kuya Sean explained to her what happened earlier on my behalf.

"Is that so?" Makahulugang tumingin si Mommy sa akin. "Why didn't you tell me earlier? Ikaw talaga, hinintay mo pa talagang sigawan kita," malumanay na sabi ni Mommy sa akin.

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at hindi na nag-abalang magsalita pa.

"Let me express my gratitude to you for accompanying my daughter by inviting you for dinner. Okay lang ba?" baling ni Mommy kay Sean.

Ilang segundo muna bago sumagot si Sean. "Sure, Tita."

I politely excused myself para makapagbihs na ako ng damit. Napahilamos na lamang ako sa mukha ako at hinintay na bahagyang mawala ang pamumula ng mata ko bago ako tuluyang bumaba para kumain.

"What happened to your eyes?" kunot-noong tanong ni Daddy nang magtama ang paningin naming dalawa.

"We had a little argument earlier. Don't worry, we already reconcile right away," sagot ni Mommy sa kaniya.

Matagal na tumitig si Daddy sa akin kaya naman pilit ko siyang binigyan ng tipid na ngiti bago pinilit ang sariling kumain.

"What brings you here again, Sean?" baling naman ni Daddy sa katabi ko.

"I invited him for dinner. Sinamahan niya ang anak mo kanina dahil nasiraan."

"Nasiraan?" kunot-noong tanong niya. "Dapat tumawag ka para pinasundo nalang kita. Is it already fixed?"

I gulped. Tumingin muna ako kay Mommy na mukhang hindi ine-expect ang sinabi ng asawa bago tumango kay Daddy. "Maayos naman na po, Dad."

"That's good to know. Just let me know, next time."

Dinaldal nang dinaldal ni Mommy si Kuya Sean hanggang sa matapos kaming kumain habang ako naman ay nanatiling nakayuko habang tahimik na inuubos iyong pagkain ko.

"Thank you again for accompanying my daughter. I hope you get along with her," dinig kong sabi ni Mommy bago siya bumaling sa akin. "My daughter will accompany you outside. Take care on your way home."

"Thank you so much for the dinner, Tita."

I was just silent hanggang sa makapagpaalam na siya sa mga magulang ko. Hanggang sa makalabas kami at makarating sa tapat ng kotse niya ay nanatili akong tahimik.

"Are you okay?" mahinang tanong niya sa akin.

"Thank you po," nakayukong sabi ko sa kaniya.

I heard him laugh a little. "Is that a yes or a no?"

Nanatili akong nakayuko at hindi sumagot sa kaniya. I felt a little embarrassed dahil narinig niya kung paano ako pagalitan ni Mommy kanina.

"Lift your head up. You didn't do anything wrong," sabi niya sa akin.

Nang hindi ako gumalaw sa pwesto ko ay humakbang siya ng isang beses paharap bago hinawakan ang baba ko at walang pasabing inangat ang tingin ko sa kaniya.

"Being scolded by your parents is normal. I don't exactly know how you feel right now but no need feel embarrassed in front of me just because I heard what your mom told you earlier."

Marahan akong napakagat sa ibabang labi ko. "I'm sorry about that po."

"I should've brought you home kung alam ko lang na mapapagalitan ka pala," he said.

"Mapapagalitan pa rin naman po ako kung sakali kung hindi ko po inuwi 'yong kotse ko," mabilis na sagot ko.

He nodded. "I should get going now so you can rest," nakangiting sabi niya. "Good night, Av."

"Good night po," balik ko sa sinabi niya.

Pinapasok niya muna ako sa bahay bago siya tuluyang umalis. Sa hindi malamang dahilan ay nakatulog ako ng mahimbing sa gabing iyon despite knowing na medyo nagtatampo kay kay Mommy dahil kanina.

"Nasiraan ka raw kahapon? Bakit hindi mo kami tinawagan?" tanong kaagad ni Brix sa akin pagkatapos ng klase.

"Sinong nagsabi sa 'yo?"

"Nabanggit lang ni Kuya. Hiningi raw kasi sa kaniya ni Kuya Sean 'yong kakilala niyang nag-aayos ng sasakyan kaya nasabi rin ni Kuya Sean na kotse mo raw 'yong aayusin."

"Anong oras ka nakauwi kung gano'n?" tanong ni Nova sa akin.

"Mga around eight o'clock na."

"Bakit hindi mo kami tinawagan? Si Brix? Ang lapit-lapit lang ng bahay nila, you should've asked for his help," seryosong sabi ni Nova sa akin.

"Kasama niya naman si Kuya Sean kagabi," singit ni Brix. "Pupuntahan ko naman talaga kaso sabi ni Kuya hindi na raw kailangan. Nakalimutan ko nga lang na i-text siya."

"Eh?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Lei. "Ibig sabihin magkasama kayo kagabi?"

"Lei..." makahulugang sabi ni Nova sa kanila.

"Sorry." Nag-peace sign siya. "For sure napagalitan ka nanaman. Grounded ka? Kinuha 'yong cards mo? Bawal ka munang sumama sa amin?"

I sighed. "Luckily nawala kaagad 'yong galit ni Mommy dahil kay Kuya Sean. Siya kasi ang nag-explain kay Mommy sa nangyari sa kotse ko."

Lei immediately pouted. "Isa 'yan sa mga pinapangarap ko."

"Hindi ka ba titigil?" tanong ni Zayd sa kaniya kaya naman tuluyan na niyang tinakpan ang bibig niya.

"Grabe kayo kay Nova. Of course she'll react that way kasi crush niya si Kuya Sean. That's normal," pagtatanggol ko sa kaniya.

"Perfect sister!" Lei clapped her hands. "See? Girls only understand girls. Chupe nalang kayo!"

"Anong normal? Abnormal na 'yan!" mabilis na sagot sa akin ni Zayd bago masamang tumingin sa kaibigan.

"Selos ka lang, eh," pang-aasar ni Brix kaya naman nakatanggap kaagad siya ng batok galing kay Zayd.

"Yuck!" sabay na sabi nila Zayd at Leizie.

Nagtinginan kami nila Nova at Brix sabay na tumawa. Kapag talaga usapang asaran kila Leizie at Zayd ay doon lang namin madalas mapatawa ng walang ka-effort-effort si Nova.

"Nova, why are you laughing?!" nakasimangot na baling ni Lei sa katabing namumula na kakatawa.

"Bawal ba?"

Mas lalong sumimangot si Leizie dahil sa sagot niya habang si Zayd naman ay napailing na lamang bago walang pakialam na dinukdok ang mukha sa mesa. Nawala lamang ang atensyon ko sa kanila nang biglang sumulpot si Kuya Sean.

"Hi," nakangiting bati niya sa amin bago bumaling sa akin. "Your mom asked me to pick you up."

"Po?" takang tanong ko.

"She said she already texted you. Wala kang na-receive?"

Nilabas ko kaagad ang cellphone ko dahil sinilent ko nga pala iyon kanina noong nasa klase. Kinabahan pa ako dahil baka may missed call pa si Mommy at hindi ko nasagot, paniguradong magagalit na naman siya sa akin.

Mommy:

Sean will pick you up. I already asked Manong to get your car there

I pouted. Nakalimutan kong may spare key nga pala siya ng kotse ko.

"Ngayon na po ba?" baling ko kay Kuya Sean pagkatapos kong mag-send ng reply kay Mommy.

"Do you still have things to do?"

"Wala---"

"Wala po! Kunin mo na po siya!" pagtatapos ni Leizie sa akin.

Tumawa si Kuya Sean. "I'll excuse your friend then. Brix, Zayd, Nova, and... Lei, right?"

Namula si Leizie nang bigkasin nito ang pangalan niya. "O-opo."

Kinuha ulit ni Kuya Sean iyong mga gamit ko bago kaming tuluyang naglakad patungo sa parking area. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang impit na tili ni Lei pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Dinala mo 'yong payong?"

Tumango kaagad ako sa kaniya bago nilabas iyong payong niya. Hanggang balikat niya lang ako kaya naman kailangan kong i-extend ang braso ko para hindi siya mauntog sa payong.

"Ako na," mahinang sabi niya bago kinuha iyong payong sa kamay ko. Natigilan pa ako sa paglalakad nang bahagya niya akong hawakan sa braso at marahang hinila palapit sa kaniya. "Lapit ka, hindi ka napapayungan."

Hindi ko tuloy magawang umimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya dahil sa distansya namin.

"Hop in," he told me pagkabukas niya ng pinto.

"Bakit po pala ako pinasundo ni Mommy?" sa wakas ay nakapagtanong na ako.

"My parents are celebrating their wedding anniversary tonight. Ako kasi ang nagdala ng invitation sa inyo. It just happened that they were in a rush kaya sinabing sa akin ka nalang sumabay," he explained.

"Naka-school uniform pa po ako."

"The celebration will be held in a hotel. There's already a designated room for you to get change. Nandoon na rin daw ang susuotin mo."

Hindi na ako muling nagtanong pa sa kaniya. Katulad nang sabi niya ay dumeretso nga kami sa isang five star hotel. If I'm not mistaken, their family own this hotel.

"You can take your time to change. I'll be on the next room," nakangiting sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa room.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status