Share

Chapter 4

Ano ang pinaka-importanteng bagay sa mundo? Pera ba? Trust? Love? Connections? Family?

Naalala ko pa nung highschool ako, alam kong nagkaroon ng debate tungkol dito. Ang hindi ko lang maalala ay kung anong panig ang pinaglaban ko. Pero alam ko naman na kahit ano pa sinalihan ko, alam kong kaya kong ipanalo dahil isa akong Frey.

Bata pa lang ako ay kinalakihan ko na ang pakikipag-usap sa mga matatanda. Kaya siguro maaga nagmature ang isip ko. Doon ko natutunan paano kunin ang atensyon ng kausap ko at pagalawin ang usapan sa aking mga palad para makuha ang nais ko.

Pero kahit isa akong Frey, may mga bagay parin na kahit naisin ko ay hindi ko makukuha, tulad ng maayos na pamilya.

Noong bata pa lamang ako ay nalamang niloloko na ng tatay ko ang nanay ko at nakita may kinakasama siyang iba. Nagkaroon pa ng chismis na mayroon siyang anak sa labas. Pilit niya itong kinaila. Nang nalaman ito ng lola ay agad siyang pinatalsik sa bahay at tinanggalan ng karapatan sa kayaman ng Frey.

Labis na nalungkot ang nanay ko sa mga nangyari na siya namang dahilan ng pagkahina ng katawan niya. Natural na mahina na talaga ang katawan niya tapos nadagdagan pa dahil sa stress. Ilang buwan lang ay sumuko na ang katawan niya. Sinubukan pa naming siyang gamutin pero huli na ang lahat.

Hanggang ngayon, hindi ko magagawang kalimutan ang mga iniwan niyang salita. Kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan niyang legacy lalo na at dalawa na lang kami ng lola ko ngayon.

Bakit ba pumapasok sa isipan ko ang mga bagay na ito?

Siguro dahil ito sa biyahe. Tuwing nasa biyahe talaga ako, palaging kung saan saan napupunta isip ko.

Tumunog ang compartment ng driver’s seat at bumukas na siya namang kumuha ng atensyon ko.

“Miss Frey, malapit na po tayo sa area. Mukang napaaga ata tayo. Gusto niyo po bang bagalan at mag-ikot-ikot muna?” Boses ito ng matandang lalake.

“Sige just make sure to arrive at the area twenty minutes early.” Sagot ko.

Lumiko kami sa isang intersection at nagsimula ang detour namin ngunit hindi naman ito nagtagal dahil mabilis lang naubos ang oras.

Nang makarating kami ay binungad ako ng magkabilang linya ng mga tao na hula ko ay mga staffs sa event na magaganap mamaya. Mapapansing nasa kanan ang mga babae at sa kabila naman ang mga lalake.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay makikitang naka-bow sila na para bang sinasalubong ang pagdating ng kanilang reyna. Well, can’t blame them for sensing my crown.

“Wala naman akong sinabing gawin nila ito.” Bulong ko.

Siya na naman siguro may pakana nito.

Agad ko siyang nakita sa dulo ng linya na nakataas ang isang kamay na kumakaway at nakalabas ang dila.

This smiling guy is NaNo, ang lead vocals ng hit boy band group na ArOmA. Mahaba ang buhok niya na halos daig pa ang babae kung mag-alaga dito. Blue ang mga mata niya na hula ko ay may suot siyang contact lens.

Kung hindi ka pa nasisinagan sa itsura niya, hindi magpapahuli ang makintab niyang suot na rainbow theme. Naka-floral siyang polo shirt na nakabukas ang dalawang butones sa taas at colorful pants. Ewan ko lang kung hindi mo pa siya mapansin diyan.

…Nagpapapansin na naman tong mokong na ‘to.

“Ano na naman tong ginagawa mo?”Agad kong banat sa kanya nang makalapit ako.

“Nothing. Just trying to make your entrance more elegant.” Pumitik siya ng daliri at lahat ng nakalinyang mga staff ay sabay-sabay na nagbow. Yes. As if the first one is not irritating enough, he made them do it again. What a despicable guy!

“Good morning Your Highness.” Sabay sabay silang nagsalita.

Nakatutok na ang mga mata ko sa kanya na parang kutsilyo.

“Well, congratulations. You’ve just ruined my day.” I flipped my hair as I continue to walk inside the building.

“This way madam.” May babaeng staff nag-usher sa akin papasok.

“Ah, ganun ba? Hayaan mong pagandahin ko.” Sabi ni NaNo habang hinahabol ako.

Tiningnan ko ulit siya ng may pagbabanta because you know what time it is, right? It’s time to shut your trap.

Napa-atras siya at kita sa mukha niya ang epekto ng titig ko. Naramdaman niya ata ang presence ng queen. Kung pwede lang, paluluhurin ko muna siya sa harap ko para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

“Okay, okay, okay, I won’t tease you anymore…” Pinilit niyang mauna sa paglalakad sa harap. Sumenyas din siya sa mga staff sa paligid na umalis na.

“…but hear me out just this once. May magandang mangyayari mamaya pangako. I’ll fill you the details later but right now I have some urgent things to do. Magkita tayo mamaya sa area.” Dagdag niya bago umalis. Mukang nagmamadali siya.

Hindi ko talaga matiis ang mga katulad niyang tao na sobrang confident sa sarili. I know he already knows that whatever he is doing is not going to work on me. I’ve know countless of guys like him and I’ve had enough.

I only know that guy dahil isa siya sa mga models sa mga commercials ng kumpanyang pinapatakbo ng pamilya namin kaya hindi kami magkakakilala kung hindi dahil lang sa trabaho. Nakita lang ako isang beses nito ay nagkagusto na kaya hanggang ngayong umaaligid sa mga events na pinupuntahan ko.

Well, it’s not like I don’t want him as a company. I just don’t have time to keep up with his energy and his jokes. Pero kahit ganon siya, nakakahap ako ng paraang gamitin siya ng maayos tuwing kailan ko kailangan.

Anyway, naka-diretso na ang tingin ko sa hallway at sinusundan ang babaeng nag-usher sa akin. Bago kami sumakay ng elevator ay dumaan muna kami ng small detour around the area. Although mayroon na akong knowledge about the area, familiarizing the place in person is really not a bad thing lalo na dapat alerto tayo at knowledgeable sa lugar para kung sakaling magkaroon ng problema ay maiiwsan nating magpanic.

“Andami ng nagbago dito.” Sabi ko. Kahit saan ako tumingin ay nararamdaman ko ang nostalgia. Bata pa ako nung huling kong bisita dito at mukang sobra pa sa inaasahan kong ang pagbabago.

Naalala ko bigla yung park na lagi kong pinupuntahan.

Bigla akong napangiti sa naalala ko.

“Ms. Frey, ready na po ba kayo?” Boses ng babae ang narinig ko. Siya yung kanina pa nagto-tour sakin sa area. Napansin niya atang tulala akong naglalakad.

Mula sa aking mga alaala, bigla akong nahatak papunta sa nangyayari sa ngayon.

“Ah, oo, sige.” Mataranta kong sagot.

Pinaliwanag niya sa akin ang mga mangyayari mamaya at kung saan ang location ng staffroom, backstage, control room, sound system at iba-iba pang kailangan kong malaman.

What can I say?

This event turned out to be quite a spectacular one. As expected of my trusted personal assistant, Yula. Sa sobrang busy kasi ng schedule ko, wala na akong time para tumulong sa event na ito. That’s why I sent her to help and it seems like what I decided paid off.

Wait, I can’t see her. Kanina ko pa siya sinusubukang hanapin pero mukang nagkakasalisi kaming dalawa. Halata din na busy ang mga staffs sa paligid dahil sa maya’t maya nilang pabalik-balik ng ikot sa area. Ilang minutes na lang kasi at magsisimula na ng event.

Isa-isa na rin dumating ang iba pang judges ng naturang event. Dumating sina, SiSA, Ao Air, at iba pa. Kung nagtataka ka sa mga pangalan nila ay wag kang mag-alala. Hindi nila ito tunay na pangalan kundi stage name lang lamang nila ito.

Makikita mo sa looks nila na sobra nilang pinaghandaan ang event na ito. Mabilis mo ring malalaman ang style or genre nila sa industriya sa pananamit nila. Just disregard the guy NaNo because that guy has no fasion sense at all but somehow his fans love it. Nag-aalala tuloy ako sa taste ng kabataan ngayon.

Papunta na sana ako sa aking VIP room para mag retouch ng aking makeup nang nakarecieve ako ng isang voicemail sa phone. It’s from NaNo. I don’t even remember giving her my number. What the heck?

“Kung wala kang ginagawa, pumunta ka sa video room. You’ll see something interesting.” Excited niyang sinabi at biglang nawala ang voicemail.

Napatingin ako sa glass wall sa tabi ko para makita ang reflection ko at napaisip.

…Gorgeous sa always, Anastasia Frey. It seems like retouch is no more needed.

Confident ang mga ngiti ko sa reflection ko habang sinabi sa isip.

“NaNo, I swear if this doesn’t kill my boredom I’m going to freaking kick you.” Sabi ko.

Dumiretso na agad ako sa video room. Nang makarating ako ay walang tao. It’s strange na walang tao dito sa ganito ka busy na event. I bet NaNo did something again.

“Mukang pumunta ka nga as expected. Good timing. The good part is going to happen. Go watch what’s happening in camera number three.” Basa ko sa message na dumating sa akin. It’s from NaNo. Where the heck is he seeing me from? Paano niya nalaman na pumunta ako dito?

Napa-ikot tingin ko. Wala namang ibang tao dito, ako lang naman. Nag-iisa lang ang camera dito at yun yung nasa taas ko, sa may kanan. Mukang nasa control room siya kaya nakikita niya ako.

“Camera three.” Sambit ko habang hinahanap ito.

Kahit alam ko pang nakikita niya mga ginagawa ko, hindi na ako nagpa-apekto para hindi masira araw ko. Ayoko man ng inuutusan ako, sinubukan kong sakyan ang pakulo niya at hinanap ang camera three.

Kung wala kang knowledge about electronics, you’ll have hard time finding something you’re looking for. Lalo na at sobrang complicated ang mga stuffs dito. However, madali ko naman ito nahanap dahil somehow may alam ako dito.

“Hmm...” Napaisip ako.

What is it that he wants me to see?

May nakita ako mga grupo ng participants ang nagkukwentuhan. Is there something going on? I got curious which made me click a button to zoom in to hear what they are talking about it and it goes like this…

“This event is definitely rigged. Pinapunta lang tayo ng management para maging fodder participants. What they really want is to bring that kid prodigy again?”

“Anong sinabi mo? You mean, that kid?”

Narinig ko sila nag-uusap mula sa video room. Dalawang babaeng nag-uusap ng palihim. I guess I’m very busy with my life that I find this small sneaky eavesdrop idea to be interesting.

Nagpatuloy sila sa usapan nila at ako naman ay nakikinig. Who’s that kid prodigy they are talking about? It’s not what I’m thinking, right?

“Nagpapatawa ka ba? Ang dami kong pinagdaanan para makakuha ng chance ng ganito na makasali sa Starhunt. Ang haba ng pinila ko para makarating dito.”

“Diba? Ang unfair. Marami tayong nangangarap maging artist pero isa lang pala ang hinahanap nila. Bakit pa sila gagawa ng ganitong event kung siya lang ang kailangan nila?”

“Tsk. I guess if we continue to take our chances in this event, we’ll just embarrass ourselves.”

“Yeah, si John Smith ulit kukuha ng spotlight.”

What did she just say? Malinaw kong narining ang usapan nila pero hindi ko mapigilang itanong ito ulit sa isipan ko.

Tama ba talaga narinig ko? Ang taong tinutukoy nilang kid prodigy ay walang iba kundi si John Smith? Yung pinakasikat ng rising star kid nung generation niya years ago. That’s impossible!

Ang balita ko ay hindi na siya babalik dahil sa trahediyang nangyari sa pamilya niya. Kahit ako hindi magtataka kung hindi na talaga siya babalik.

Hindi pa sila tapos mag-usap. Aalis na dapat ako dahil gusto ko ng tingnan ang taong tinatawag nilang John Smith para malaman kung siya ba talaga ang tinutukoy nila. I mean, John Smith is pretty a common name in the world, probably even in the whole universe. They must be talking about a whole different guy. That has to be it!

Pero curious ako, kaya gusto ko ng umalis para i-check pero may mga narinig akong nagpatigil sakin para subaybayan pa ang mga susunod nilang pag-usapan.

“If that’s their play, we have no choice but to do something about it. Hindi tayo pwedeng umupo na lang at maghintay na kunin sa atin ang chance na ito.”

“Anong magagawa natin? Diba sa stage ang labanan dito? We just have to beat him through our talents.”

“Kung talent ang hinahanap nila dapat maging patas sila sa lahat. All they want is to boost their TV ratings para sa main launch nila next month at gawing main context ang pagbabalik ng kid prodigy. They don’t care about us at all.”

“Then, what do you want us to do? Lasunin siya?”

“No, of course not. We’ll not be going to do something that dangerous. Fortunately, I have connections here from the staff. Fans sila ni NaNo at ayaw din nila kay John Smith.”

What did I just hear? Pinindot ko na ang mute at napa-upo sa upuan. This is insane. That freaking escalated quickly. I didn’t think things would turn out like this from the very beginning. Akala ko pinapunta lang ako ni NaNo dito para pagtripan ako pero it seems like he’s part of this plan as well.

That guy definitely instigated this.

Ilang minute pa ay magsisimula na ang contest. Nakita ko ang ginawa nila. They really did what they planned.

May taga-staff na pinuntahan ang taong nagngangalang John Smith at binigyan siya ng script para sa contest. I didn’t see what happens next dahil oras na para mag gather kaming mga judges sa aming respective areas.

Nagsimula na ang event. Hindi pa rin ako mapalagay kung anong mangyayari mamaya but one thing is for sure, may mapapahiya mamaya. Pero bukod doon, curious pa rin ako kung sino yung tinutukoy nilang John Smith.  I can’t wait to see this guy perform.

The cameras around start rolling. Nagsimula na din ang intro music kasabay ng paglabas ng host para batiin ang mga tao. This event is finally officially starting.

“Dreamers! Welcome sa Starhunt!” Bati ng host. Nakasuot ito ng elegant black suit na bagay na bagay sa kanya. Kasabay niyang pumasok ng co-host niyang babae na nakasuot din magarbong dress.

Pinakilala kami isa-isang mga judges at ang aming mga background bago kami naupo sa kanya-kanya naming mga seats.

…aaaaaah

I sighed secretly.

This is going to be a hell of a long day.

At tama nga ako sa sinabi ko. We just only reached the twentieth participant pero bored na bored na ako. The event is overall good but I guess I’m not made for this kind of event. Isa pa, ang sakit na ng pwet ko dahil kanina pa ako nakaupo.

Honestly, everyone is talented. There is a bunch who failed to pique my interest. However, overall, they are all amateur actor wannabes. They will all be considered average at best in my opinion. I have studied a little bit acting so my words carry a bit of weight so I can say, they all look pale to me. Not the kind of star we are looking for.

Dumating na sa group of participants na kilala ko. Ito yung mga taong nagplano ng masama kanina. They all went and perform well just by the book. Nothing feels natural. They all perform for the sake of acting.

Remember guys, the goal of acting is to make people believe you’re not acting at all. It’s to mesmerize everyone how real the situation is, to the point it feels almost real.

Honestly, I was prepared to leave at this point. No one is catching my eye.

Muntik ko ng makalimutan yung taong inaabangan ng lahat. It’s John Smith!

“Psst! Here’s the good part.” May simitsit sa akin sa malapit na upuan. Hindi ko na kailangan siyang lingunin. I know it’s from NaNo.

I know what he’s talking about.

This is going to be a disaster. Naka-facepalm na ako sa kina-uupuan ko.

Anyway, nagsimula na siyang ipakilala ng host at binigyan siya ng small background. Nang nalaman ito ng audience ay biglang silang napatahimik. He’s that much big of a deal. They all went silent just to listen.

Pumasok na siya.

He introduced himself first pero I know him already. I can’t believe it’s really him. The infamous kid artist, John Smith is really here!

Ang daming nagbulungan sa audience at kumuha din ito ng atensyon ng judges. Lahat halos ng mga bulungan ay maririnig mo puro masasamang information tungkol sa kanya. Nahalata ito ng host na nagdecide namang magjoke para mawala ang tension sa paligid.

Pinakawalan na siya ng host sa stage para magperform.

Magsisimula na.

He went and did what he excels the most, at yun ang kunin ang atensyon at puso ng mga tao. He did it flawlessly. Tumayo ang mga tao. Everyone loves it except the judges.

Lahat kaming mga judges ay nagulat.

Every judge is glancing at NaNo.

I know what’s happening. Kahit hindi ko alam ano ang full story behind everything that just transpired. I can guess.

It seems like NaNo told every judge his plan.

I guess I have to explain from the start para maging malinaw.

First, ginamit ni NaNo ang mga evil participants to do all his dirty work. I don’t know pero for some reason lahat ng participant alam na susubukan mag-audition ni John Smith dito. Nagspread ito ng negativity among the participants kaya nangyari yung usapan kanina na nakita ko sa video room.

Si NaNo din ata nagbigay ng idea sa kanila na baguhin sa last minute ang set script na nakahanda para sa taong nagngangalang John Smith.

Hindi ito revealed sa public pero random ang set script ng bawat performer at kung ano ang nakalagay sa script ay yun mostly ang mangyayari sa performance.

When I say a script, you’re probably thinking about a bunch of papers with hundreds of words written into them. This script is quite different. Gumawa ng twist ang Starhunt Agency para maging exciting ang event at masasabing technique din nila ito para mapadali ang process ng event lalo na at kulang sila sa oras para ayusin ang program at wala din silang scenario writer para gawan ng scripts ang lahat ng participants.

What they did is instead of giving the participants the whole script for a specific story for them to memorize, they just put hints like filling the four W questions. The why, when, where, and what questions. Nakalagay din dun ang motive ng role kaya hindi ka maliligaw kahit sobrang vague ang script.

Nagprovide din sila ng professional extras to act with the participants to spice things up. Every participant has at least five extras with them to interact with. What the management is looking for is the artist who has the ability to keep up with the professional extras acting with only having a little knowledge about the script. You have to strike dialogue one after another and keep the story as long as possible and resolve problems caused by the extras in the most interesting way possible.

To make the long and complicated explanation short, it’s about adlibbing.

Napabugtong hininga ako.

What a guy.

His performance kept me on the edge of my seat the whole freaking time.

That John Smith.

He’s all grown up now but it’s definitely him.

He’s the real deal.

Nagtinginan ang mga judges. Alam nila ang nangyari dahil mukang pinaalam ni NaNo sa kanila ang nangyari backstage. Namangha sila kay John despite being away from the acting industry for many years. There’s a little to nothing mistakes from his acting.

Even if his script was changed, even paired with uncontrollable extras he was able to control the flow of the story he was in. In fact, ang script na dapat niyang makuha ay about sa matandang may problema sa memory at hinahanap ang apo niya pero ang program na nangyari ay isang office debate na siya ang intern sa isang kumpanya na kinakalaban ang boss niya dahil sa isang problema. He resolved every problem flawlessly.

“Unbelievable…” Sabi ng isang judge sa gilid ko.

”Kung hindi mo sa akin pinakita ang nangyari, hindi ako maniniwala.” Sabi pa nung isang judge.

“If he’s that good, why did he left acting?”

Humahalakhak lang sa gilid sa tuwa si NaNo sa mga pangyayari habang naririnig niyang kumento ng mga judges. Halos lahat din ng mga judges na nakakakilala kay John ay ngumingiti sa bilib tulad ni NaNo.

“Akala ko ba gusto niya mapahiya si John? What’s happening?” Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan siya. Sa sobrang dami ng nangyari sa araw na ito, nawalan na ako ng kakayahang intindihin mga iniisip nitong taong ‘to.

Bumaba na sa stage si John at naiwan kaming mga judges na tulala parin sa mga pangyayari.

Well, that’s one heck of a performance. Intense ang buong performance niya.

There’s no denying what he has for acting is something very special.

…This guy is perfect!

Isip-isip ko sa sarili ko. Hindi ko man lang nalalaman, nakatayo na pala ako.

…I’ll make him mine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status