Share

Chapter 29 - Gone

Pag gising ko bumangon na ako at tinignan ko na nasa kwarto pa pala ako ni Eros. Dito kasi ako natulog kagabi dahil sa nakita ko sa kwarto namin ni Adrian. Sana wala na si Pearl dito sa bahay dahil baka kung ano ang gawin ko sa kanya.

"Kain na po, Ate. Halika na habang wala si Ma'am Alicia." Sakto naman kakatapos ko lang maligo at magbihis.

Sumunod naman ako at naalala ko nanaman yung kagabi. Hindi ko nanaman nakita si Adrian ngayong umaga. Lagi na lang.

Nakita ko si Eros na nag aalmusal na at kumakain siya ng paborito niyang hotdog.

"Good morning, Mama!" sabay no'n ay paghalik niya sa aking pisngi kaya napangiti ako doon.

"Ang lambing niya talaga, Ate." Sabi ni Irah sa gilid ko.

"Nagmana kay Adrian." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tahimik kaming kumakain na mag-ina. Hanggang sa natapos na siya dahil na po-popo daw siya. Natapos na ako kaya umakyat na ako para maligo. Papasok muna ako sa trabaho ko saka ko magpapaalam na magpa-check-up.

Lumabas na ako ng kwarto dahil magpapa-check-up
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status