Share

Chapter 5

A satisfied smile escape from her lips, when she take a final look on herself in the mirror. She's wearing a backless dress na kulay itim. 

Ang haba ng damit ay hindi aabot sa tuhod niya kaya naman kitang kita ang mahahaba at mapuputing legs niya. Her slender and white creamy legs is really exposed na nagbibigay confident sakanya.

Isa kasi 'yon sa asset niya, at dahil matangkad siya sa pangkaraniwang edad niya ay talagang maganda iyong tignan. Pakiramdan niya ay dalagang dalaga siya, she look like a grown up woman, and she feel happy about it.

Napadako naman ang tingin niya sa may dibdib niya. Medyo mababa kasi ang neckline n'on at litaw ang maputi at may kalakihang dibdib niya. She blushed instantly as she imagine Luttrell of his reaction. Surely magugustuhan nito ang ayos niya. 

Nakalugay lamang ang hanggang beywang niyang buhok na natural na curly at wavy ang dulo. Kulay tsokolate iyon at malambot kaya pinabayaan lamang niyang nakalugay. 

Sinadya narin niya iyon para takpan ang likuran niya. Baka pauwiin pa siya ng kuya niya pag nagkataong hindi nagustuhan ang ayos niya.

She didn‘t wear any make up too, simpleng baby powder at liptint na sinapawan niya lang ng lipgloss para glossy tignan ang labi niya. Over all she look beautiful. 

“Wow..”

Napalingon siya sakanyang likuran nang marinig ang boses ng kaibigan niya. 

Nakita niya ang pagpasada ng tingin nito sakanyang ayos at kong paano kumislap ang mga mata nito sa labis na paghanga. 

Nahihiyang napakagat siya sakanyang labi, kung maka react kasi ito mukhang gandang ganda ito sakanya, gayong maganda rin naman ang ayos nito. 

Naka casual dress ito na kulay peach na abot hanggang tuhod pero may slit naman sa right side na nagpalitaw sa magandang hubog ng legs nito. Just like her, mahaba rin ang biyas nito dahil matangkad ito. Naka messy bun ang buhok na nagpalitaw sa maputing leeg nito. 

Wala itong sout na jewelry maliban lang sa bracelet na parehas ng sakanya ang design. Naka light make up ito na talagang bumagay sa ayos nito, she looks gorgeous hindi rin mukhang bata. 

She chuckled with that bago lumapit dito. 

“You look stunning..” aniya rito. 

“Oh, just like you my friend, you look innocently beautiful but seductive too.” anito sakanya na nagpainit ng pisngi niya. “At patay tayo sa kuya mo nito dahil alam mo naman kong gaano iyon ka conservative..” dagdag pa nito na ikina ngisi na lamang niya at hindi na nagbigay pa ng komento. Alam naman kasi niyang over protective ang kuya n‘ya, dinadaan lang sa rason nitong ayaw nito sa mga babaeng over dressed at halos wala ng itinatago dahil sa ikli ng sout. 

She know him to well, kaya kampante siya dahil naayon naman ang sout niya sa okasiyon. Hindi naman iyon bastos tignan katunayan napaka simple lamang ng suot nila, sadyang nadadala lamang nila iyon ng maayos. 

“Tsk, bolera ka lang talaga,” aniya at binigyan pa ng huling tingin ang sarili sa salamin. “Atsaka bayaan mo ‘yon si kuya, ganon naman talaga ang ugali no‘n hindi ka pa nasanay. Mabuti pang bumaba na nga tayo. Ayokong ma late dahil tutulungan ko pa si tita ano...” aniya at binawi na ang tingin sa salamin bago kinuha ang may kahabaang box kong saan nakalagay ang painting na regalo niya para kay Luttrell. 

Hindi naman iyon masyadong mabigat, kayang-kaya lamang niya iyong bitbitin. Nakabalot naman iyon ng maayos at maganda ang pagkaka wrap ng box. Kaya hindi siya mahihirapang dalhin iyon. 

“Need help..?” alok nito sakanya na kaagad na tinanggihan niya. 

"No thank you, I can manage." aniya rito at naglakad. 

Thankfully safe naman siyang nakababa, nasa sasakyan na naman ang mga binake niyang brownies at cheesecake na pinauna niyang ipakarga ng katulong nila kanina. 

Kaya naman tuloy tuloy na lumabas sila ng kaibigan niya. Kaagad naman niyang nakita ang driver nina Hazel na nagmamadaling lumapit sakanila at kinuha ang box na hawak-hawak niya. 

Wala pa kasi ang parents niya dahil may emergency pang dapat na unahin, hahabol nalang daw ang mga ito sa party. Which is naintindihan naman niya dahil sa klase nang trabaho ng mga ito, buti nalang talaga at nandyan ang kaibigan niya para sunduin siya. 

Bago umayos sa pagkaka-upo ay tinignan muna niya ang mga boxes ng brownies at cheesecake, na maayos namang nakafile sa backseat kaya naman kampante na umayos na siya ng pagkaka-upo.

She feel excited but sleepy at the same time. 

Halos madaling araw na kasi nang makatulog siya dahil ginawa narin niya ang assignment sa dalawang subject in advance para wala na siyang iisipin pa, nagkulang pa ang ingredients niya na buti nalang ay nahabol pa niyang bilhin kagabi. 

Antok na antok siya kanina habang nag t-test sila, buti nalang natapos parin niya ang araw na iyon with flying colors kahit nag deliver pa sila ng sampung boxes pagkatapos ng klase nila. 

She sighed and smiled in so much satisfaction, she's very excited to see Luttrell, at kong anong magiging reaksyon nito sa regalong ibibigay niya rito. 

"Hope he would like it.." 

Piping dasal niya bago nakipag chikahan sa kaibigan niya habang bumabyahe. 

LATE na nang dumating sila Alouette at Hazel sa Doloreal hotel na pagmamay-ari ng mga ito, dahil sa pagkakaron ng aberya sa sinasakyan nila. But thankfully they arrived safe and sound at wala namang masamang nangyari sakanila. 

Napatingin pa siya sa labas at nakitang madami nang mga tao na nandoon. She even saw some familiar faces na nakilala niya through family friends. Most of them is pawang mga kilala sa lipunan, negosyante o mapa artista ay nandoon. 

Hindi na siya nagulat doon. Luttrell's father is a well-known business man in business industry. May mga kamag anak rin ang mga ito na pumasok sa showbiz kaya hindi na nakakagulat kong may mga showbiz artist rin ang naroroon. 

Her eyes also landed on the media at photographers na hindi magkamayaw sa pagkuha ng larawan sa mga kilalang tao na dumalo sa gabing iyon.

She absentmindedly fixed her hair nang may mga ilang hiblang tumatabing sa mukha niya. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay sa lugar na iyon at napaka simple lamang ng ayos niya, samantalang 'yong ibang kababaihan ay talagang kumikislap ang mga alahas na sout even their dresses are pretty and gorgeous. 

Samantalang sakanya... 

She sighed. 

"Let's go..?" 

Napabaling siya kay Hazel nang bigla itong humawak sa balikat niya. She let out a heavy sighed before nodding, she suddenly felt nervous all of a sudden.

Tila ba siya na conscious siya sa sarili kahit hindi naman dapat niya iyon maramdam. Wala sa sariling hinila niya pababa ang dress na suot na tila ngayon lang niya napagtantong maikli iyon, tinignan niya rin ang dibdib na bahagyang sumisilip dahil sa medyo mababang neckline ng dress niya. Ngayon niya nais magsisi kung bakit pa ganoon ang napiling suotin. 

Though she feel like a grown up and mature dahil sa suot, pero hindi niya mapigilang tamaan ng hiya. Doon lang tumino sa isip kong anong magiging reaksiyon ng kuya niya na hindi sanay na makita siyang sumusuot na ganoong tila provocative na damit. 

Every occasional event kasi na dinadaluhan nila ay sanay itong makita siyang naka dress lamang na lagpas tuhod ang haba at halos kunti lamang ang nakikitang balat. Hindi ganoon kaiksi kagaya ng suot niya ngayon na halos exposed na sa mata ng mga tao. 

She's a bit conservative too, pero inaayon naman niya ang suot sa alam niyang palagay niya ay komportable siya. May sexy rin naman siyang damit regalo ng mommy niya at ni Hazel pero miminsan lamang niya suotin pag trip niya. 

Naglakas loob lang naman siya na magpaganda at magpasexy dahil kay Luttrell. Ayaw niyang tila huli siya at walang panlaban sa mga models at mga babaeng na li-link dito. 

Ewan ba niya, she shouldn't feel that way dahil iba naman siya sa mga babae nito, pero sadyang gusto lang niyang makita siya ni Luttrell na hindi na siya bata. That she's already mature at hindi na tila isang paslit na kailangan pang alagaan. 

Napabuntong hininga siya at kaagad na inalis niya ang tumatakbong agam-agam sa isip bago taas noong bumaba. 

As if on cue, kaagad na napasulyap ang mga tao doon sa gawi nila, karamihan doon ay lalaki. She can saw the admiration in their eyes habang nakatingin sakanila na ikina-init ng pisngi niya. 

Bahagyang napapikit pa siya ng walang sabi-sabi ay kuhanan sila ng litrato ng ibang medya doon. Buti nalang ay hindi iyon nag tagal at kaagad ring ibinaling sa ibang taong kararating lang rin. 

Pero ang maiinit na tingin ng iba doon ay nanatili sakanilang dalawa. 

"Nag over dressed ba tayo? Why are they looking at us na parang kakainin tayo nang buhay.." hindi niya napigilang maibulong sa kaibigan, at pa simpleng humawak sa braso nito bago pumasok sa hallway. 

Nasa likuran nila ang driver nito na bitbit ang ilang box ng brownies at cheesecake. Ipinaiwan niya ang regalo sa sasakyan at mamaya na n'ya iyon ibibigay kay Luttrell. 

Napahawak lamang siya sa braso ng kaibigan na maganda ang pagkakangiti bago kimi na nginingitian ang mga tao do'on. 

Though hindi naman 'yon ang kauna-unahang pagkakataon na pinagtitinginan sila ng kaibigan niya. Pero sadyang ayaw lang niya ng labis na atensiyon at naiilang siya. 

"You know that we have the beauty Alouette, so we should flaunt it. Be confident nang hindi tayo nahuhuli sa mga babaeng umaaligid kay Allan at kay kuya Kazmer." bulong rin nito pabalik sakanya. 

Huminga na lamang siya ng malalim bago ngumiti ng matamis, her friend is right. Ano bang dapat na ikailang niya, besides wala naman sigurong malisya ang mga tingin nang mga tao do'on sakanila, talagang hinahangaan lang siguro sila. 

Kaagad na itinuwid niya ang likuran nang makapasok na sila, a dynamic lights that give vibrant atmosphere welcomed them, namamanghang inilibot niya ang tingin sa paligid. 

Black and gold theme, halatang halata na lalaki talaga ang nagdiriwang, and she likes it, amoy Luttrell ang paligid. She smiled, the place shout luxury and elegance, from the decoration up to the big crystalite chandelier. Talagang masasabing mahal ang bayad ng pagkaka organize ng party. 

"Mukhang wala pa si Kuya Kazmer..." narinig niyang sabi ng kaibigan, na kanda haba ang tingin sa paligid. 

She did the same, never minding the malicious and obvious stares na binibigay ng mga kalalakihan do'n. 

Mas pinili niyang wag pansinin ang mga ito. Dahil tinatalo siya ng pananabik n'yang makita si Luttrell. She just tried not to feel bothered about the malicious stares of those men. 

But to her dismay hindi niya ito nakita, instead she saw tita Kazie kasama si Tito Lurenzo na masayang kinakamusta ang mga bisitang dumarating. Nasa unahan ang mga ito malapit sa mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. 

Akmang hihilahin na sana niya si Hazel para puntahan ang mga ito at tanungin, nang unahan siya nito at higitin siya sa isang bakanteng mesa at do'on umupo.

"I'm sorry, sumakit bigla ang legs ko. Atsaka naiilang na rin ako sa mga titig ng tao, 'yong totoo ngayon lang ba sila nakakita ng maganda.." ngising sabi nito na ikinataas ng kilay niya. 

"May pa flaunt, flaunt ka pang nalalaman d'yan," sarkastikong sabi niya rito bago pa simpleng inilibot ulit ang paningin niya sa paligid na agad namang napansin nito. 

"Lalabas rin 'yon, wag kang atat. Napaghahalataan ka girl.." 

Umirap naman siya dito bago napatayo nang makitang papalapit si Tita Kazie sa mesa nila, hindi na nito kasama si Tito Lurenzo, natanaw niya ang huli na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. 

"Hazel, Alouette, look at you two, you both look so gorgeous.." masiglang sabi nito bago ito yumakap at b****o sakanila "Glad to see you both here," anito at bumaling sakanya. "thank you for those sweets Hija, tignan mo naman. Hindi pa nga nalalagay lahat mukhang mauubos na kaagad."

anito at bahagyang itinuro ang pahabang mesa na nasa kabilang bahagi kong saan nakalagay ang malaking cake kasama ng ibang desert, nakita niya ang mga box ng brownies at cheesecake niya na inaayos sa mesa. 

May mga lumalapit at kumukuha nang makakain, and she saw her bake cheesecake ang siyang binabalik balikan ng mga tao d'on, sunod ang brownies na gawa niya. 

She smile genuinely, bago ibinalik ang tingin kay Tita Kazie. "No beggies Tita.." nakangiting tugon niya rito, bago hindi nakatiis na magtanong. "Ahm, si Luttrell po..?" aniya na ikinailing ni Hazel sakanya. Hindi niya ito pinansin, akmang sasagutin siya nito ng lumapit ang bunsong anak nito na si Lauren. 

Nakataas na agad ang kilay nito sakanya, na hindi niya binigyang pansin, dahil hindi naman iyon bago. 

"Mom, I've been looking for you kanina ka pa. Hinahanap ni kuya Kazmer.." anito at masama ang tingin sakanya ng banggitin nito ang salitang 'kuya' 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status