“Papa, I closed the deal with the Y.A. Gro—-” Napanganga si Luna habang hawak-hawak niya ang namumula niyang pisngi dahil sa lakas ng sampal na kaniyang natamo mula sa kaniyang ama.
"Wala kang kwentang anak!" galit na galit na sigaw ni Allan Wright, ang ama ni Luna. Walang pakundangan niyang inihagis sa ere ang mga litratong hawak niya. Gulat pa man si Luna dahil sa pagkasampal ng kaniyang papa ay dahan-dahan siyang yumuko para pulutin ang litratong isa-isang nahulog mula sa ere. Nang makita niya kung tungkol saan ang mga litrato ay napaismid siya. “Anong nakakatawa, Luna? May nakakatawa ba sa ginawa mo? Nakikipaglandian ka sa isang pangit, matanda at walang pangalang lalaki! Ano? Ibinuka mo na ba ang mga binti mo sa kaniya? Alam mong nalalapit na sana ang pagkikita niyo ng mapapangasawa mo! Pero dahil sa ginawa mo, napilitan akong i-urong ang kasunduan. Bakit ka ba nakipagtalík sa isang walang kwentang lalaki? Ginagamit mo ba ang kokote mo?" walang prenong sigaw ni Allan. Totoong naibigay na ni Luna ang kaniyang sarili sa isang lalaki pero hindi sa pangit, matanda at matabang lalaking tinutukoy ng kaniyang ama. Hindi niya matandaan ang hitsura ng lalaking nakaniíg niya pero sigurado siyang halos ka edad niya lamang ito at…mabango ito at mukhang may kaya sa buhay. Lumapit si Livina kay Allan at hinawakan ang balikat nito. “Papa, kumalma ka. Hindi naman siguro sinasadya ni Luna na napamahal siya sa isang…” Napatawa siya nang mahina. “Sa isang ordinaryong matanda. Huwag ka nang magalit sa kaniya, papa. Kasalanan ko ang nangyari. Dapat ay dinaanan ko na kanina si Luna after ng shift ko. H—” "Livina, you don't need to be sorry. Hindi mo kasalanang tatànga-tangà ang kapatid mo,” mariing wika ni Allan. Palihim na ngumiti si Livina. "Papa, don't talk to your eldest daughter like that. Anak mo pa rin siya.” “Tama si Livina, Allan. Huwag mong masyadong pagsalitaan ng masasakit na salita ang anak mo. Everyone makes mistakes. Wala naman yatang balak makipag-live in o magpakasal si Luna sa…sa matandang ‘yon. Huwag ka nang magalit sa kaniya,” sabat naman ni Vida, ang ina ni Livina at stepmother ni Luna. Napatingin sina Allan, Livina at Vida kay Luna nang bigla itong tumawa nang malakas. “Nababaliw ka na ba, Luna? Nagagawa mo pang tumawa sa sitwasyong ito? Gusto mo ba talagang makatikim sa akin ha?" nanlilisik ang mga matang tanong ni Allan. Huminto sa pagtawa si Luna. Tinapunan niya nang matatalim na tingin si Livina na ngayon ay nakalingkis ang mga kamay sa braso ng kaniyang papa. “Nakita mo ako kanina pero hindi mo ako tinulungan. Sa'yo nanggaling ang mga litratong ito, tama ba? O mas tamang sabihin kong ikaw ang may pakana ng lahat nang nangyari sa akin kanina?” "What are you saying, Luna? Kapatid kita. Hindi ko magagawa ang mga ibinibintang mo. Kahit kapatid lang kita sa ama, I love you with all my heart. How can you say that?” Nagkunwaring umiiyak si Livina. “Oo nga, Luna. Hindi magagawa ‘yon ng kapatid mo sa'yo. Mahal na mahal ka niya at kahit hindi ako ang tunay mong ina, I do love you as my own too. So, how dare you accuse Livina?" Niyakap ni Vida ang kaniyang anak at kunwaring kino-comfort ito. “Tumahan ka na, anak. Alam namin ng papa mo na nagsasabi ka ng totoo. Alam naming wala kang kasalanan." Luna scoffed. “Like mother, like daughter talaga. Kung napapaikot niyo si papa sa mga kamay niyo, ibahin niyo ako. You really know how to play nice in front of papa.” "Luna, sumosobra ka na!” asik ni Livina. "Allan, we've been good to your daughter. I think you need to teach her a lesson,” Vida said. "At ako pa talaga ang dapat turuan ng leksyon eh kayo ‘tong masasama ang pag-uugali.” Mula sa mag-ina ay nilingon ni Luna ang kaniyang ama. “Papa, maniwala ka sa akin. Livina framed me. That man in the photo tried to ràpe me but someone sa—-” “Luna, enough! Vida is your mother now. You should respect her and also, stop being a liar." “Liar? Sino po ba ang liar sa atin papa? Sabi mo, hindi ka mag-aasawa ng iba. Hindi pa nga noon naiilibing si mama, dinala mo na agad ang kerída at anak mo sa labas…dito sa bahay. Ngayon, papa sino ang sinungalin—-” Isang mag-asawang sampal ang natanggap ni Luna mula sa kaniyang ama. “Don't call me papa! Sumosobra ka na, Luna! Simula ngayon, wala na akong anak kung hindi si Livina. Don't come back here until you're not admitting your mistake, until you're not sorry. Get out!” Naramdaman ni Luna ang pagdaloy ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Matapos mamatay ng kaniyang ina, ngayon lang ulit nabasa ang kaniyang mga pisngi. Pinahid niya iyon at agad na tumayo. “Papa, hindi ka man humingi ng sorry sa akin ngayon, pinapatawad na kita dahil hindi mo alam kung ano ang sinasabi at ginagawa mo. You are being manipulated and I am going to open your eyes in the future. Papatunayan ko sa'yong tama ang mga sinasabi ko. I will find ways to unmask them. Wala namang lihim at bahong hindi nabubunyag.” "Luna, I think you need to see a doctor. You're sick…There.” Itinuro ni Livina ang ulo ni Luna. “Enough!" Lumingon si Allan sa anak niya sa kaniyang pangalawang asawa. "Livina, go to your room." Nilingon naman niya si Luna. “Get out of my house. NOW!" Lumuluhang umalis si Luna sa tahanang punong-puno ng masasayang ala-ala kasama ang kaniyang ina. Mula sa kaniyang silid ay nakasilip sa bintana si Livina. Nakangiti niyang pinapanood ang pag-alis ni Luna sa sarili nitong tahanan. “Finally, Luna is out of the Wright Family. Ako na ang magiging tagapagmana ni papa. Wala na akong kahati at ka kompetensya sa atensyon at sa yaman niya. Wa— Napahinto sa pagsasalita si Livina nang may tumawag sa cell phone niya. Isa iyong unregistered number. Nagdalawang-isip pa siya kung sasagutin niya ang tawag pero agad din naman niyang sinagot iyon. "Hello, sino ‘to?” kunot-noong tanong ni Livina. {"Ito ba si Miss Livina Wright?”} "Oo. Ako nga. Sino ‘to at ano ang kailangan mo sa akin?” {"Pinapatawag ka ni President Anderson. Bukas, pumunta ka sa opisina niya. May pag-uusapan kayong importante.”} ‘President Anderson? Bakit niya kaya ako nais makita at makausap? Hindi kaya....’ Biglang sumaya si Livina at tila kinikilig sa kaniyang mga naiisip. "Sige. Pupunta ako bukas sa opisina niya.” Sa OLIGARIO HOSPITAL (OLHOS)... “President Anderson, natawagan ko na po si Miss Wright." “Sige. Makakaalis ka na," malamig na utos ni Yael sa kaniyang secretary. May benda ang ulo ni Yael. Habang nakatitig siya sa kwintas na hawak niya ay paulit-ulit niyang naaalala ang nangyari sa kanila ng babae kanina. Hindi niya matandaan ang mukha nito pero dahil sa kwintas na nakita ng kaniyang Tito Jett nang bumalik ito sa scene para maghanap sana ng lead sa kung sino ang nagtangka sa buhay niya, ay napag-alaman niyang si Miss Wright ang babaeng iyon. Agad kasi niyang ipinahanap kung saang jewelry shop mabibili ang kwintas na iyon at pangalan ni Livina Wright ang lumabas sa record ng jewelry shop. Livina loves to mimic Luna kaya kahit anong mayroon ang kaniyang kapatid ay pilit niyang ginagaya o hinahanapan ng katulad para bilihin. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ang kwintas na nabili niya ang tila magpapabago ng takbo ng buhay niya. “Yael, sigurado ka bang nais mong makilala ang babaeng naka-séx mo kanina?" Tumango si Yael. "Bakit ayaw mo nga palang ipaalam ang tungkol sa kaniya sa iyong mommy at daddy?" tanong ni Jett sa kaniyang pamangkin habang abala siya sa pagkalikót ng laptop niya. "Gusto ko muna siyang makilala, tito. I want to know if the woman whom I gave myself to is worth it. Isa pa, nangako ako kay Mommy Freya na hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal.” Ngumisi si Jett. "Mukhang magkakaroon ka na ulit ng girlfriend ah.” Napangiti si Yael. “I think so, tito," aniya habang titig na titig pa rin sa kwintas na hawak niya. "I am glad na handa ka na ulit magmahal matapos ang break-up niyo noon ni---" Kumuyom ang kamao ni Yael. "Tito, it's all in the past. Ayoko na ring maalala pa ang taong 'yon." "I'm sorry, Yael. Tama ka. Hindi ko na dapat ipaalala sa'yo ang babaeng nanakit sa'yo ng husto. I hope that this time, you will find the happiness that you deserve." Niligpit ni Jett ang laptop niya. Tumayo siya pagkatapos. "Maiwan na muna kita rito at kailangan kong sunduin sa school si Arison. Alam mo na, para hindi ako mapagalitan ng Tita Arya mo," natatawang wika niya. Ngumiti si Yael. "Ingat tito. Salamat." Pinanood niya ang kaniyang tiyuhin hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang biglang pumasok ang sekretarya niya sa silid. "President Anderson, tumawag po si Mr. De Vanz. Hindi na raw po matutuloy ang engagement niyo sa panganay niyang anak na si L--" "Hindi rin naman ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal. Si Lolo Vandolf lang naman ang kausap ni Mr. De Vanz noon. At ngayong wala na si lolo, hindi ko na kailangang sumunod pa sa kanilang napagkasunduan. Isa pa, suportado nina mommy at daddy ang desisyon kaya tawagan mo siya at sabihing wala na akong pakialam sa arrange marriage na 'yon. Also, tell him that I already have a girlfriend." Ngumiti si Yael at muling tinitigan ang kwintas na hawak niya. Yumuko ang sekretarya. "Masusunod po, president." Umalis siya sa silid habang dina-dial ang numero ni Mr. De Vanz. "That woman needs to take responsibility for what she did. She took my virginity, now she needs to become my woman whether she likes it or not." Kinuha ni Yael ang kaniyang laptop at binuksan iyon. Nagsimula siyang magtipa tungkol sa isang kontrata.“Here's your room and here's the key." Yael gave a magnetic card to Luna.Nahihiyang inabot ni Luna ang magnetic card na binibigay ni Yael sa kaniya. "T-Thank you.”"This will be your first night as my executive assistant. Since you'll be working on a night shift, I will give you a bonus. Tomorrow, I will give you and your girlfriend’s employment contract. Be ready in twenty minutes.”"Girlfriend?" Luna murmured. “Sandali—” Huli na ng sabihin niya iyon dahil nakaalis na si Yael.Nagkibit-balikat si Luna at pumasok na sa kaniyang silid. Napanganga siya sa disenyo ng kwarto. Napakalawak nito. Marahan siyang naglakad patungo sa kama at agad na umupo roon.“Namiss ko tuloy ang kwarto ko sa mansyon. Kasing lambot ng kamang ito ang higaan ko roon.” Biglang kumirot ang puso ni Luna. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang ang kaniyang silid ang namimiss niya kung hindi pati na rin ang kaniyang mama at papa. Nabasa ang mga pisngi niya at agad din naman niya iyong pinahid. “Oo nga pala kail
"Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna."I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?”"H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna.‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought."Gusto ko nang magpahinga. Give me my card key para mahanap ko na rin kung saang floor naroroon ang unit na titirhan ko.”‘Hindi pa rin pala talaga niya nagegets.’ Umayos nang pagkakatayo si Yael. Kukunin niya sana ang gamit ni Luna nang bigla itong hablutin ng dalaga. Hindi sinasadyang nagkahawak ang kanilang mga kamay. Napatitig siya sa kamay ng dalaga.Biglang binitiwan ni Luna ang gamit niya dahilan para mapunta iyon nang tuluyan kay Yael. Namula bigla ang kaniyang mga pisngi. “I…I'm sorry. H-Hindi k-ko sinasadyang hawakan ang kamay m-mo,” nauutal na sabi niya."Is that how you make your first move on me? Oh. I forgot. Padalawang move mo na pala ito para mapansin kita,” pang-aasar ni Yael.
Siniko ni Yana si Luna. Matapos nilang makababa sa eroplano ay sinalubong agad sila ng mga tauhan ng bago nilang amo. Kasalukuyan na silang nakasakay sa isa sa mga sasakyan nito.“Bakit babe? May problema ba?" Binuksan ni Luna ang isang bottled water at uminom ng tubig.“Ilang beses kong nahuli si Boss Yael na sulyap nang sulyap sa'yo kanina. Siguro, may gusto siya sa’yo.”Nasamid si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Muntik pa niyang maibuga ang tubig sa bibig niya rito buti na lang at agad niyang nalunok iyon.Agad na tinapik ni Yana ang likod ng kaibigan. "Malayo pa ‘yan sa bituka,” natatawang sabi niya.Nang maka-recover si Luna ay saka niya sinagot ang sinabi ng kaibigan niya kanina. "Wala namang rason para magkagusto sa akin ang lalaking ‘yon. Isa pa, hindi kami compatible. Ayoko sa isang asbag na lalaki.”"Weh? Hindi ka man lang na attract kay boss? Ang guwapo at ang hot niya kaya. Tapos ang yaman-yaman pa niya. Ano pa bang hahanapin mo?” ani ni Yana habang magkadaop ang ka
Abala si Yael sa kaniyang cell phone dahil kausap nito ang kaniyang daddy. Kasalukuyan silang sakay ng eroplano. Hindi pa ito nagte take off kaya may oras pa siyang makipagtawagan. Medyo hassle sa kaniya sa tuwing nasa ere siya dahil hindi niya magawang makipag communicate sa mga staff at mahahalagang tao sa business niya pero wala siyang choice. P'wede naman silang magbarko pero dahil kailangan niyang umattend ng birthday party ng isa sa top investor ng kaniyang group of companies ay mas minabuti na niyang magbyahe sa himpapawid. “Hoy babe," tawag ni Yana sa kaniyang kaibigan. May paghampas pa siya sa braso nito. “Bakit babe?" “Kanina pa kitang napapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?" Tumango si Luna. Ngumuso si Yana. “Huwag mo nga akong pinaglololoko. Naalala mo na naman ba ang papa mo at ang dalawang bruhang ‘yon kaya ka nagkakagan'yan?” Umiling si Luna. Huminga siya nang malalim saka hinarap si Yana. "I'm just thinking about our company. Dahil sa mga nan
“Babe, sino siya?" kunot-noong tanong ni Yana habang nakaturo ang hintuturo niya sa binatang nasa harap ng kaniyang kaibigan. “Hindi ko siya ki—” Natigil ang pagsasalita ni Luna nang biglang sumabat si Yael. "I'm your boss starting tomorrow." Kumurap ng ilang beses si Yana kay Luna. Nakaawang naman ang bibig nito. “Babe, totoo ba ang sinabi niya? May work na agad tayo? Did you already apply for a job position? Hindi na natin kailangang mag job hunting pagdating natin sa Monte Carlos?" Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha niya. Nangingilid din ng kaunti ang luha niya. Nang makita ni Luna ang reaksyon ni Yana, parang may humaplos sa puso niya. Ngayon lang niya ulit ito nakitang halos maiyak sa sobrang saya. Marahil ay nag-overthink din ito dahil sa mga sinabi niya kanina. Tunay niya talagang kasangga si Yana dahil kahit batid nitong magiging mahirap ang paghahanap nila ng trabaho sa Monte Carlos, dahil sa impluwensya ng kaniyang pamilya, ay hindi pa rin siya nito nagawang iwan. Hindi
“Luna babe, nandito na ako sa bahay. Nasaan ka ba?” wika ni Yana mula sa kabilang linya. “Kabababa ko lang ng jeep, babe. Nandito ako sa may tapat ng Monte Rocca University.Bibili lang ako ng kwek-kwek at kikyam tapos sasakay na ako ng tricycle pauwi." Kumunot ang noo ni Yael. "Babe? May boyfriend na siya?" dismayadong bulong niya. Hindi pa siya bumababa ng kaniyang sasakyan pero rinig na rinig niya ang boses ng babae. Nakatigil lang ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada, malapit sa cart na may tindang mga street foods. "Nagfile ako ng voluntary resignation. Sasama na lang kami ni lola sa'yo papuntang Monte Carlos. Doon na lang din ako maghahanap ng work.” “ANO?” Naitikom agad ni Luna ang kaniyang bibig nang pinagtinginan siya ng mga dumaraan. “Babe, hindi ka dapat nagresign. Mahirap maghanap ng work ngayon. Kung sasama ka sa akin papuntang Monte Carlos para sa job hunting, madadamay ka lang sa kamalasan ko. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko, hindi ba? I'm sure that finding