Share

Kabanata 143 Drugged

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-12-05 21:54:15

Buong akala ni Mona ay katapusan na niya ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ay may dumating na tulong. Kinakain na siya ng takot at kaba ngunit mula sa pinakadulong silid ay biglang may humila sa kaniya.

“Ahh—” Napasigaw si Mona ngunit mabilis na tinakpan ng lalaki ang bibig niya.

Madilim ang silid. Wala siyang makita.

“Huwag kang sumigaw! Baka marinig ka nila,” sambit ng lalaki sa mababang tinig.

Mula sa boses nito ay kinilala ito ni Mona. Nakahinga siya ng maluwag nang makumpirma niyang iniligtas siya ni Yael mula sa kapahamakan.

“Sir Yael.” Mangiyak-ngiyak na napayakap si Mona sa kaniyang amo. Ramdam naman nito ang takot niy dahil sa higpit ng yakap niya rito. “Maraming maraming salamat po, Sir Yael.”

Lalong humigpit ang yakap ni Mona habang unti-unting lumalalim ang kaniyang paghinga. Para siyang nilulunod ng init na hindi niya maipaliwanag—init na hindi galing sa takot, kung hindi dahil sa kakaibang epekto ng drógang pilit na ipinainom sa kaniya.

“M-Mona?” bulong ni Yael nang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 171 Another Lie

    “Uulitin ko ang tanong, Livina! Nasaan ang tunay na ina ni Gael?”Lumunok si Livina. Bahagya siyang tumungo bago sumagot. “H-Hindi na siya babalik!”“Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi na siya babalik?” kunot-noong tanong ni Yael.“I’m sorry to say this pero p-patay na ang totoong ina ni Gael. Ipinagkatiwala niya lamang sa akin si Gael bago siya mamatay.”Nilamukos ni Yael ang kaniyang mukha. Hindi niya alam kung paano niya i-poproseso sa isip niya ang tinuran ni Livina. “Paano siya namatay? Ano ang ikinamatay niya? Saka hindi ba’t nagdalang tao ka? Ibig sabihin ay isang malaking kalokohan lang ang lahat ng iyon! You lied to me for how many years, Livina. Paano ko ngayon paniniwalaan ang mga sinasabi mo?”Nang marinig ni Livina ang mga tanong ni Yael ay tuluyan na siyang napaupo sa silyang nasa likuran niya. Para bang biglang naubos ang lakas ng kaniyang katawan. “Andy…” paos na wika niya. “Hindi ko intensyong lokohin ka.”“Pero niloko mo ako,” malamig na putol ni Yael. “Simula umpi

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 170 Confrontation with the impostor

    “Andy, hayaan mo sana akong magpaliwanag tungkol sa nangyari. Iyong hindi namin pagkakaunawaan ng lola mo, si Mona ang may kasalanan no’n. Sinusulsulan niya kasi ang lola mo kaya pumangit tuloy ang imahe ko sa kaniya.”Kasalukuyang nakaupo si Yael sa loob ng kaniyang opisina nang pumasok si Livina. Matapos kasi ang nangyari kahapon ay mas pinili niyang bumalik sa trabaho. “Pakinggan mo naman muna ako. Hayaan mo akong magpaliwanag!” pagmamakaawang sambit ni Livina.Tinapunan siya ng tingin ni Yael. Binaba niya ang hawak niyang white folder at ipinatong ang magkabila niyang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Huwag mo nga akong lokohin, Livina! Alam ko na ang lahat dahil naikuwento na sa akin ni Lola Rhea ang nangyari mula umpisa hanggang sa dulo.” Umayos siya ng upo. “Paano mo nagagawa ‘yan? Nagsisinungaling ka pa rin sa akin kahit na alam mo sa iyong sariling alam ko na ang lahat.”“Aminado naman akong mali ako noong araw na ‘yon. Pero promise, Andy… aayusin ko na talaga ang ugali ko. Magigi

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 169 Be my son's mother

    “Hindi si Livina ang biological mother ni Gael.”Nanlaki ang mga mata ni Mona dahil sa ibinalita ni Yael sa kaniya. Hindi siya makapaniwala. “Ha?! Paano po nangyari iyon? Kung hindi siya ang ina ng iyong anak, paano napunta sa kaniya ang bata?”“Hindi ko rin alam, Mona. Sa totoo lang ay naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. Napapaisip pa rin ako kung paano ginawa ni Livina iyon. Naroon ako nang gabing nanganak siya. Nagpa-DNA test kami ni Gael at positive ang naging resulta. Kung hindi siya ang ina ng aking anak pero nasa kaniya ang bata, ibig sabihin ay alam niya kung sino at nasaan ang biological mother ng anak ko.”Huminga ng malalim si Mona. ‘Kung hindi tunay na anak ni Livina ang batang ipinakilala niyang anak, nasaan ang batang ipinagbuntis niya? Ang anak ko, kinuha niya ang anak ko. Saan niya naman dinala ang anak ko? Lalaki ang anak ko at lalaki si Gael. Hindi kaya….” Ang pagtahimik ni Mona ay pinagtakhan ni Yael. “Ayos ka lang ba?” tanong agad ni Yael na tinanguan naman a

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 168 Holding the Truth

    “Yael, alam mo bang makailang ulit na akong pinagbantaan ng babaeng ito? Hindi lang ako kung hindi si Mona rin! Makailang ulit na niyang sinabi na kaya niya akong burahin dito sa Monte Carlos. Alam mo rin bang ginagamit din ng babaeng ito ang pangalan mo para mang-apak ng ibang tao?!”“Totoo ba ‘yon, Livina?” nanlilisik ang mga matang tanong ni Yael. “Sinabi at ginawa mo ba talaga ‘yon?” “Andy, magpapaliwanag ako…” Makailang beses na umiling si Livina. Nilapitan niya si Yael. “Hindi ko naman alam na lola mo siya. Kung alam ko lang ay hindi ko naman sasabihin iyon.”Napailing si Yael. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Iyan ang katuwiran mo? Livina, ginagamit mo ang imahe at reputasyon ng pamilya ko. Para ano? Para mang-bully at manghamak ng kapwa mo? Hindi tamang gawain iyan. Hindi iyan gawain ng matinong tao.”Nanginginig ang mga kamay ni Livina habang nakatitig kay Yael. “Andy… hindi mo naiintindihan. Ginagawa ko lang iyon para ipagtanggol ang sarili ko. Lahat sila ay tinitingnan

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 167 True Identity

    “Stop it,” sigaw ng matandang sumulpot mula sa gilid ng stage. Hinampas niya si Livina ng tungkod niya sa may bandang puwitan nito, dahilan para bitiwan niya si Mona.Labis na nabigla si Livina sa nangyari. Nang lingunin niya ang matanda, laking gulat niya nang makitang ang matandang pumalo sa kaniya at ang matandang nakasagutan niya sa daan ay iisa. “Ikaw na naman, tanda?!” bulalas ni Livina habang dinuduro ito. “Hindi mo ako naloko noong araw na iyon kaya naparito ka para guluhin ang engagement party ko, tama ba?” Hindi sumagot si Rhea. Tinitigan lamang niya si Livina habang si Mona naman ay lumapit sa kaniya at tumayo sa kaniyang tabi. Humawak ito sa bandang leeg niya.“Kilala mo ba ako, tanda? Ako lang naman si Livina Wright—ang fiancee ni Yael Anderson Gray na may ari ng Y.A. Group at Gray Apparel. Siya ang tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian ng mga Gray. One word from me and I can make you and this Mona Scott disappear from this city.”Ang pagbabanta ni Livina ay hindi siner

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 166 Making a Scene in front of the crowd

    Dahil sa kung ano-anong pinagsasabi ni Livina ay nagpanting na ang magkabilang tainga ni Yael. Tinanggal niya ang kamay nito mula sa pagkakapulupot sa kaniya at tiningnan niya ito ng masama. “That’s enough, Livina! I already heard everything I need to hear.” “Pero, Andy… siya ang nauna. Sinaktan niya ako—” “Sabi kong tama na, ‘di ba?! Tumahimik ka na!” habol hiningang sigaw ni Yael kay Livina. Nagpamulsa siya’t pumagitna rito at kay Mona. “Tigilan niyo na ‘tong pag-aaway niyo.” Humakbang si Yael paunahan hanggang sa makapuwesto siya sa harap ni Mona. “Mabuti naman at nakapunta ka,” aniya sa pag-aakalang siya ang ipinunta ni Mona roon. Tinapunan niya ng tingin ang guwardiyang nagbabantay sa entrance ng venue at kinausap ito. “Let her in.” “Okay po, Sir Yael,” mabilis na tugon ng guwardiya sabay tungo ng kaniyang ulo kay Yael. “Andy, ano ba?! Bakit mo pa siya inimbitahan? Bakit pinayagan mo pa siyang pumasok? Wala naman siyang gagawing tama sa loob. Tsaka hindi naman siya naparito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status