Inicio / Romance / Love Game with my Executive Assistant / Kabanata 146 Putting a line

Compartir

Kabanata 146 Putting a line

Autor: Docky
last update Última actualización: 2025-12-06 17:44:47

Nang makauwi si Yael ay sinalubong siya ng tagapag-alaga ni Gael. Ngiti ang siyang naging bungad nito dahil nakita nito ang lipstick stain sa may bandang kuwelyo ng amo.

“Why are you laughing?!” seryosong tanong ni Yael. Mabilis niyang inayos ang kaniyang kuwelyo matapos mawari na iyon ang tinitingnan ng tagapag-alaga ng kaniyang anak. “Where’s my son?”

“Nasa study room na po ang inyong anak. Dumating na po kasi ang teacher niya kaya nagsimula na po ang kaniyang klase.”

“Mabuti naman! Habang busy pa si Gael, sabihan mo ang tagapag-luto natin na ipaghanda ako ng agahan.”

“Masusunod po, Sir Yael. “ Tumango ang tagapag-alaga ni Gael at saka siya sumunod sa ipinag-uutos ng kaniyang amo.

Samantala, habang naghihintay na maihanda ang kaniyang pagkain, sumilip sandali si Yael sa study room. Napangiti siya nang makita niyang subsob sa pag-aaral ang kaniyang anak. Nang mapansin naman siya ng guro nito ay agad itong lumabas.

“Good morning po, Sir Yael!” pagbati ng guro ni Gael.

Ngumiti si Y
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 167 True Identity

    “Stop it,” sigaw ng matandang sumulpot mula sa gilid ng stage. Hinampas niya si Livina ng tungkod niya sa may bandang puwitan nito, dahilan para bitiwan niya si Mona.Labis na nabigla si Livina sa nangyari. Nang lingunin niya ang matanda, laking gulat niya nang makitang ang matandang pumalo sa kaniya at ang matandang nakasagutan niya sa daan ay iisa. “Ikaw na naman, tanda?!” bulalas ni Livina habang dinuduro ito. “Hindi mo ako naloko noong araw na iyon kaya naparito ka para guluhin ang engagement party ko, tama ba?” Hindi sumagot si Rhea. Tinitigan lamang niya si Livina habang si Mona naman ay lumapit sa kaniya at tumayo sa kaniyang tabi. Humawak ito sa bandang leeg niya.“Kilala mo ba ako, tanda? Ako lang naman si Livina Wright—ang fiancee ni Yael Anderson Gray na may ari ng Y.A. Group at Gray Apparel. Siya ang tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian ng mga Gray. One word from me and I can make you and this Mona Scott disappear from this city.”Ang pagbabanta ni Livina ay hindi siner

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 166 Making a Scene in front of the crowd

    Dahil sa kung ano-anong pinagsasabi ni Livina ay nagpanting na ang magkabilang tainga ni Yael. Tinanggal niya ang kamay nito mula sa pagkakapulupot sa kaniya at tiningnan niya ito ng masama. “That’s enough, Livina! I already heard everything I need to hear.” “Pero, Andy… siya ang nauna. Sinaktan niya ako—” “Sabi kong tama na, ‘di ba?! Tumahimik ka na!” habol hiningang sigaw ni Yael kay Livina. Nagpamulsa siya’t pumagitna rito at kay Mona. “Tigilan niyo na ‘tong pag-aaway niyo.” Humakbang si Yael paunahan hanggang sa makapuwesto siya sa harap ni Mona. “Mabuti naman at nakapunta ka,” aniya sa pag-aakalang siya ang ipinunta ni Mona roon. Tinapunan niya ng tingin ang guwardiyang nagbabantay sa entrance ng venue at kinausap ito. “Let her in.” “Okay po, Sir Yael,” mabilis na tugon ng guwardiya sabay tungo ng kaniyang ulo kay Yael. “Andy, ano ba?! Bakit mo pa siya inimbitahan? Bakit pinayagan mo pa siyang pumasok? Wala naman siyang gagawing tama sa loob. Tsaka hindi naman siya naparito

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 165 Wrong Address?

    Maagang gumising si Mona para lamang mag-ayos ng kaniyang sarili. Inimbitahan kasi siya ng matandang kaniyang tinulungan na magtungo sa engagement party ng apo nito. Habang inaayos niya ang kaniyang buhok sa harap ng salamin ay nag-vibrate ang cell phone niya. Nang tingnan niya ang screen ay nakita niyang tumatawag ang matanda kaya agad niya itong sinagot.“Good morning po, ma’am…” bungad ni Mona nang sagutin niya ang tawag. [“Good morning, hija. Gising ka na pala. Huwag kang kakabahan mamaya ha. Gusto kitang makitang nandoon. Ikaw lamang ang personal kong inimbitahan dahil gusto kitang ipakilala sa apo ko. Gusto kasi niyang makilala ang tumulong sa akin.”]“Maraming salamat nga po pala ulit sa pag-imbita sa akin. Kailangan ko rin po kasi ng distractions at malaking tulong po sa akin itong pag-imbita niyo.”[“Wala ‘yon, hija! Gusto ka rin kasing makilala ng pamilya ko, so huwag kang mawawala ha? Hihintayin kita.”]“Sige po, ma’am. Mag-aayos na po ako. See you later po.”Nang mamatay

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 164 Two Events

    Nang maalala ni Mona na nag-request nga pala si Yael ng personal design para sa lola nito ay agad siyang nagtungo sa opisina nito.Tahimik ang opisina ni Yael nang pumasok si Mona. Bitbit niya ang tablet at ilang sketch folder na ilang araw niyang inipon upang ipakita rito. “Sir Yael,” mahinahong bati ni Mona.“Close the door,” utos ni Yael at hindi man lamang tinapunan ng tingin si Mona.Agad na sumunod si Mona at naupo sa harap ng mesa ni Yael. Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang nagsalita ang lalaki.“Alam mo naman siguro ang gagawin mo, ‘di ba? Nabanggit ko na sa iyo. I need you to design a gown,” diretsong wika ni Yael. “Give me an exclusive and unique design.”“Para po sa lola niyo ito, tama?”Tumango si Yael bilang tugon. Sa wakas ay tinapunan na niya ng tingin si Mona. “My grandmother has arrived. Matagal na panahon na rin kasi siyang nanatili sa ibang bansa kaya naisip kong magpa-welcome party para sa kaniya. Gusto rin kasing ipaalam ng family namin sa mga amiga ni Lola

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 163 Invitation

    “Hindi ko naman mahal si Livina. Hanggang ngayon ay si Luna pa rin ang tinitibok ng puso ko pero matagal na panahon na siyang wala. Matagal na rin akong bilanggo ng pagmamahal ko sa kaniya kaya panahon na rin siguro para umusad ako. By time, matututunan ko rin naman sigurong mahalin siya.”“Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo, Sir Yael? Ipipilit niyo pong ikulong ang sarili niyo kay Miss Livina? Sir, maling-mali po ‘yan! Huwag niyo pong hayaan ang sarili niyong makisama sa taong hindi niyo naman po gusto at sa ugali po ng babaeng inyong aasawahin, imposible niyo po siyang magustuhan. Parusa pong maituturing ang makisama sa kaniya.”Saglit na natahimik ang opisina. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mabigat na paghinga ni Yael.“Alam ko,” mababang sagot ni Yael matapos ang ilang segundo. Hindi niya tiningnan si Mr. Huff. Nanatili ang mga mata niya sa isang punto sa mesa. “Alam kong mali. Alam kong hindi dapat pilitin ang sarili sa isang relasyong wal

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 162 Heavy Heart

    Nang makaalis si Mona ay siya namang dating ni Yael kasama ang anak nitong si Gael. Sayang dahil nagkasalisi pa ang dalawa.“Lola Rhea, ano pong nangyari sa inyo? Akala ko ay sa airport ko po kayo susunduin. Dito po pala sa ospital,” panimula ni Yael pagpasok nila sa kuwarto ng matanda. Ibinaba na rin niya ang kaniyang anak dahil binuhat niya ito patungo roon. “What happened to you, lola? Nagmadali po kaagad ako papunta rito nang tawagan ako ng staff na narito po kayo.”“Nako, mahabang kuwento, apo. Kung sasabihin ko sa iyo ay baka abutin tayo ng kinabukasan dito saka ayoko na ring alalahanin pa ang nangyari. Hindi maganda ang naging karanasan ko kanina. Baka imbis ma-discharged na ako ay i-confine na naman nila ako.”“Ano po ba kasing nangyari, lola? Is it worse or not? Just tell me.”“Don’t mind it. Let’s just forget it happened.” Ngumiti si Rhea tsaka tinapik ang balikat ni Yael. “Anyway, ito na ba ang apo ko sa iyo?”“Opo, Lola Rhea. Siya nga po ang aking anak.”“Napakaguwapo nama

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status