LOGIN"ENOUGH! TULUNGAN NIYO NA LANG KAMING MAKALABAS DITO AT ITUTURO KO KUNG NASAAN ANG ANAK NG MALANDING SI LUNA!” walang pagtitimping sigaw ni Vida.Mabilis na naglakad palapit kay Vida si Mona. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan nito. "Sige. Sabihin mo na sa akin, Vida. Saan ko matatagpuan ang anak ng kaibigan ko?”“Si Gael…Si Gael Gray ang anak ni Luna. Nasa puder siya ngayon ng ama niyang si Yael Anderson Gray…”"A-Anong s-sinabi m-mo? S-Si G-Gael…ang a-anak ni Y-Yael? Are you kidding me, Vida?" hindi makapaniwalang sambit ni Mona.Iniikot ni Vida ang kaniyang mga mata. “I already said it once. I will not repeat it again—-" Namilog ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang sinakàl ni Mona. “A-Anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!" “I'm not playing with you, Vida. Magsabi ka ng totoo o dito ka na malalagutan ng hininga!"Agad na nilapitan nina Rafael at Drake si Mona para awatin ito.“Mona, stop it! Maaari ka nilang kasuhan sa ginagawa mo!" suway ni Rafael. Nakahinga siya ng maluwag na
“Tama na nga ang drama niyong dalawa." Nilingon ni Vida si Mona. “Ano, Miss Mona? Kaya mo bang tuparin ang usapan natin kanina kapalit ng hinihingi mong impormasyon?"“Mama, tumigil ka na nga. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala tayong mapapala sa babaeng ‘yan?" pigil ni Livina.“Ano ka ba, Livina? Bulag ka ba o tànga? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalawak ang koneksyon ng Mona na ‘yan? She's talking to an Angelini right now. Ano pa bang pruweba ang nais mo para maniwala kang may maitutulong siya sa ating dalawa?" mahina ngunit may diing sambit ni Vida sa anak.“Mona, halika na. Umalis na tayo rito," aya ni Rafael at agad na inabot ang kamay ni Mona. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang binawi ni Mona ang kamay nito sa pagkakahawak niya.“Mauna na kayo ni Drake. Susunod na lang ako," malamig na sambit ni Mona. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Rafael dahil kina Vida at Livina naka focus ang paningin niya."No, Mona. Hindi ako aalis dito kapag hindi kita kasama,” giit n
“Mama! Ano bang nangyayari sa’yo? Mag-isip ka nga! Inuuto lang tayo ng babaeng ‘yan! Baka nga wala talaga siyang hawak na alas laban sa atin eh! Pinapaikot at pinapaamin lang tayo ng babaeng ‘yan!” pigil ni Livina.“Tumahimik ka, Livina! Wala na tayong ibang aasahan! Hangga’t may katiting na pag-asang tutulungan niya tayong makawala sa sitwasyon natin ngayon, kakapit ako! Hindi tayo matutulad sa ama mo na naging ex-convict!”‘So totoo nga ang sinabi sa akin ni Rafael? Hindi ko kadugo si Livina? All this time, talaga palang pinaglalaruan lang nila kami ni papa! Ang kakapal ng mga mukha nila!’ Hindi napigilang ikuyom ni Mona ang kaniyang mga kamao. Gustong-gusto na niyang saktan ang mag-ina. Gustong-gusto na niyang ipaalam sa mga ito kung sino talaga siya pero hindi pa iyon ang tamang panahon para alisin niya ang kaniyang maskara.“Miss Mona, makinig ka. Ang anak ni Luna ay si—----”“Mona!” Napalingon ang lahat nang umalingawngaw sa buong silid ang malalim at malakas na boses ng isang l
“Ayaw niyo talagang magsalita? Sige. Ipapadala ko na sa kaibigan kong detective at sa lahat ng mga taong malapit kay Luna ang mga ebidensyang nasa kamay ko.” Akmang pipindutin na ni Mona ang send button sa kaniyang cellphone nang biglang magsalita si Vida.“S-Sandali, Miss Mona!”Agad na pinandilatan ni Livina ang kaniyang ina. “Mama, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Don’t tell me balak mong…”Hinawakan ni Vida ang kamay ng kaniyang anak. “Anak, we have no choice. Hindi ko ipagpapalit ang buhay nating dalawa para lamang sa kapirasong katotohanan,” bulong niya.Ngumisi si Mona nang marinig niya ang sinabi ni Vida kay Livina. Kitang-kita niya ang galit at pagtataka sa mukha ni Livina na tila nagbigay sa kaniya ng kakaibang saya.“Mama, naririnig mo ba ang sarili mo? Sa tingin mo ba ay hindi tayo ipapakulong ng Mona na ‘yan oras na itinuro natin sa kaniya kung nasaan ang anak ni Luna? Kahit kasing amo pa ng anghel ang mukha niya, wala talaga akong tiwala sa kaniya.” Tinapunan ni Livina
"Kung hindi mo kami kayang pakinggan, isipin mo man lang sana si Gael. Anak, hindi siya makakatulog hangga't hindi ka umuuwi sa bahay. Ikaw lang ang mayroon siya ngayon. Kung susugod ka ng gan'yan, walang armas, walang malinaw na plano, walang pangalangin, at tanging poot lamang ang iyong dala-dala, sa tingin mo ba ay makakabalik ka ng ligtas sa kaniya? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo pero anak, hindi ito ang panahon para sundin mo ang iyong emosyon. Alam mo na kung sino ang ina ni Gael at alam mo na ring may isa pa kayong anak pero anak, isang pader ang binabangga mo at hindi lang siya isang pader—isa siyang mataas, matibay at puno ng pananggalang na pader. Nakikiusap ako, anak. Kumalma ka muna. Walang magandang maidudulot ang pagkilos ng walang sinusunod na blueprint. Alam kong nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman nag-iisa, anak. Nandito kami ng mga tito mo. Handa ka naming tulungan pero hindi pa sa ngayon. Kulang ang isang araw, isang linggo o baka kahit isang buwan
“Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Hindi mo kailangang magmadali. Kailangan mo munang planuhin ang lahat. Baka mapahamak ka lang sa padalos-dalos mong desisyon," nag-aalalang turan ni Jacob habang hinahabol niya si Yael. Kasalukuyan itong naglalakad patungo sa sasakyan nito.“Yael, makinig sa Daddy Jacob mo. Hindi makakatulong sa sitwasyon kung paiiralin mo ang emosyon mo," payo naman ni Jett. May tangay siyang lollipop habang bitbit ang bag ng kaniyang Kuya Jackson.Walang imik si Yael. Tila hindi niya naririnig anv sinasabi ng kaniyang ama at ng kaniyang tiyuhin. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan ay agad niyang hinawakan ang bukasan ng pinto para sana buksan iyon nang biglang may mga kamay na pumigil sa kaniya. “Tito Jackson, bitiwan niyo po ako. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Luna, sa mag-ina ko. Kailangan kong malaman kung nasaan sila ngayon at si Rafael lang ang makakapagbigay sa akin ng mga impormasyong kailangan ko!"Nagpupumiglas







