Mag-log inMatapos maghanda ng meryenda ni Liana ay nag-ring ang cell phone ni Mona. Mabilis niyang sinagot ang messenger call nang makita niya kung sino ang caller.[“Mona, I just called to wish Liana a happy birthday. Where is she?”]“She's in the living room. I'm here in the kitchen. I prepared something for her.”[“How is she? Did you give her anything she wants for her birthday?”]“Actually, we just got home. Nag-dinner kami sa labas kanina.” Naglakad na si Mona patungo sa living room bitbit ang tray na naglalaman ng mga pagkain at inuming hiniling ng kaniyang anak. Inilapag niya tray sa lamesa at saka niya tinabihan ang kaniyang anak sa couch. “Anak, gusto ka raw batiin ng Tito Rafael mo.”Masayang kinuha ni Liana ang cell phone ng kaniyang ina mula sa kamay nito. Dahil video call iyon ay kaagad niyang kinawayan si Rafael. “Hello po, Tito Rafael!”[“Hello, baby girl! How’s your birthday? Masaya ka ba? Nag-enjoy ba kayo ng mama mo sa pinuntahan niyo?”]“Opo, Tito Rafael. Masayang-masaya po
“Liana, anak… bakit kanina ka pa tahimik diyan? Ayos ka lang ba?” tanong ni Mona sa kaniyang anak. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinaplos-haplos ito. “Natatakot ka pa rin ba dahil sa nangyari kanina?”Hindi umimik si Liana. Nakatitig lamang siya sa ina dahil ang totoo, hindi mawala sa isip niya ang matinding lukso ng dugo ukol sa lalaking tumulong sa kaniya kanina. “Patawarin mo si mama, ha? Sa pagnanais kong tulungan ‘yong batang lalaki ay iniwan kita sa loob. Alam ko kasi na hindi ka naman aalis doon dahil masunurin ka namang bata. Ibinilin din kita sa kahera kaso mukhang abala siya sa trabaho niya kaya nakaligtaan ka na niya. Sorry, anak.” “Okay lang po, mama. Tinulungan naman po ako noong lalaki kanina,” mahinang sambit ni Liana.‘She’s talking about Sir Yael. That jérk!’ Mona thought. "Mama…"“Ano ‘yon, anak?""Mama, where's my papa?” Bumalatay sa mukha ni Liana ang matinding kalungkutan. "Kasi ‘yong bata po kanina, may papa siya ako po wala–”Mabilis na niyaka
“Shít!”Napangibit si Yael matapos niyang ililis ang kaniyang slacks at makita ang kaniyang tuhod na may sugat at dumudugo na. Kanina lang ay tsinek niya iyon at wala pa namang dugo pedo ngayon ay umaagos na ang pulang likido mula roon. Agad niya itong hinugasan at dinikitan ng band aid. Mabuti na lang at mayroon siya no’n palagi sa bulsa dahil may mga pagkakataong nadadapa si Gael kapag naglalaro ito kaya palagi siyang nagdadala noon.“Ang babaeng ‘yon… lagot talaga siya sa akin kapag nakita ko siya ulit.” Malalim na nagbuntong hininga si Yael. Kinuha niya ang cell phone niya sa kaniyang bulsa at tinawagan si Mr. Huff.[“Hello, Sir Yael, papunta na po ako sa restaurant. Dala ko na po ang fried chicken, fries at ice cream para kay Sir Gael. May ipapahabol pa po ba kayo para bibilhin ko na bago ako pumunta r’yan?”]“Hindi ‘yon ang dahilan kaya ako napatawag.” Tumikhim si Yael bago muling magpatuloy. “Kanina, nakita kong hawak si Gael ng hindi ko kilalang babae. May malaki siyang atraso
Kababangon lang ni Yael nang dumating si Mr. Huff. Takang-taka nga ito nang makitang napapangibit siya.“Sir Yael, mabuti naman po at nahanap niyo na siya,” sambit ni Mr. Huff habang nakatingin sa direksyon ni Gael. “Ano po ba kasing nangyari? Nasa restaurant na po ako nang tumawag kayo. Naroon na rin po ang inyong mga magulang.”“Sinabi mo ba sa kanila na nawala si Gael?” kunot-noong tanong ni Yael.Umiling si Mr. Huff bilang tugon. “Gaya po ng bilin niyo ay hindi ko po sinabi sa kanila na nawala si Sir Gael.”“Mabuti naman kung gano'n dahil ayokong mag-alala sila.” Malalim na nagbuntong hininga si Yael matapos niyang sabihin iyon. “Anyway, ibili mo ulit ng fried chicken si Gael sa snack house na ‘yon,” utos niya sabay turo sa snack house na ilang hakbang lamang ang layo sa kanila. “I already dropped the one that I bought earlier. Ibili mo siya ng panibago. Samahan mo na rin pala ng fries at ice cream.”Matapos sabihin ni Yael iyon ay dumiretso na sila ni Gael sa favorite restaurant
“Why are you with my son? Are you a child tràfficker?” mariing tanong ni Yael habang mahigpit na ang hawak sa kaniyang anak. ‘Talaga palang hindi ako makilala ng lalaking ‘to! Matagal na pala talaga niyang naibaon sa limot si Luna. Sabagay, iban-iba na ang mujha ko ngayon. Mas mabuti na rin ang ganito para makakilos ako nang mas maayos,’ piping turan ni Mona sa kaniyang isip.“Modus ka—”“Anong sabi mo?” pag-uulit ni Mona habang magkasalubong na ang kaniyang magkabilang kilay. “Pinagbibintangan mo ba akong kinuha ko ‘yang anak mo?” Umiling siya habang taas-noo niyang kausap si Yael. “Mukha ba akong child tràfficker sa paningin mo? Baliw ka ba?”“Bakit ba kasama mo ang anak ko?” Matapos sabihin iyon ni Yael ay humarap siya kay Gael at hinaplos-haplos ang pisngi nito. “Gael, bakit ka sumama sa kaniya? Hindi ba’t hindi ka naman sumasama kung kani-kanino? Bakit ka ba humiwalay sa tabi ko? Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod niyang tanong.Hindi umimik si Gael. Nakatitig lamang siya sa kani
“Gael? Where are you? Gael, anak… nasaan ka?” tarantang sambit ni Yael nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata si Gael. Nagpalinga-linga si Yael habang hinahanap ang kaniyang anak. Nagbayad lamang siya ng kaniyang in-order ngunit bigla itong nawala kaya nakaramdam siya ng matinding kaba. “Nasaan ka ba, anak? Saan ka na naman nagsuot?”Matapos kunin ang kaniyang order ay nilibot ni Yael ang buong lugar ngunit bigo siyang mahanap ang anak niya. Sa ‘di inaasahang pagkakataon, natagpuan naman niya si Liana. May pagkahawig ang bata kay Luna kaya agad itong nilapitan ni Yael.“Nawawala ka ba?” tanong ni Yael sa batang babae.Hindi umimik si Liana. Kabilin-bilinan kasi ng kaniyang Mama Mona na huwag na huwag siyang makikipag-usap sa hindi niya kilala. Tinalikuran niya si Yael at naglakad patungo sa table nila ngunit wala na roon ang kaniyang ina.‘Nasaan si Mama Mona? Saan siya nagpunta? Nag-cr din ba siya?’ piping turan ni Liana sa kaniyang isip.Abala ang kaherang pinagbilinan ni Mona







