Masuk“Luna babe, nandito na ako sa bahay. Nasaan ka ba?” wika ni Yana mula sa kabilang linya.
“Kabababa ko lang ng jeep, babe. Nandito ako sa may tapat ng Monte Rocca University.Bibili lang ako ng kwek-kwek at kikyam tapos sasakay na ako ng tricycle pauwi." Kumunot ang noo ni Yael. "Babe? May boyfriend na siya?" dismayadong bulong niya. Hindi pa siya bumababa ng kaniyang sasakyan pero rinig na rinig niya ang boses ng babae. Nakatigil lang ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada, malapit sa cart na may tindang mga street foods. "Nagfile ako ng voluntary resignation. Sasama na lang kami ni lola sa'yo papuntang Monte Carlos. Doon na lang din ako maghahanap ng work.” “ANO?” Naitikom agad ni Luna ang kaniyang bibig nang pinagtinginan siya ng mga dumaraan. “Babe, hindi ka dapat nagresign. Mahirap maghanap ng work ngayon. Kung sasama ka sa akin papuntang Monte Carlos para sa job hunting, madadamay ka lang sa kamalasan ko. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko, hindi ba? I'm sure that finding a nice paying job will be difficult for me.” ‘She’s finding a job?’ Mas inilapit pa ni Yael ang kaniyang tainga sa bintana ng sasakyan. “Sir Yael, kung ako po sa inyo, bababa na lang po ako ng sasakyan at haharapin ko ang babaeng nagpatibok ng puso —” "’Tay Edwin, ano po bang sinasabi niyo? Hindi ko gusto ang babaeng ‘yon.” Napangisi si Mang Edwin. "Okay po. Sabi niyo eh,” natatawang sabi niya. “Babe, baka p'wede mo pang bawiin ang resignation letter mo. Hindi naman sa ayaw ko kayong makasama ni ‘Nay Asyon. It's just that…” "Luna, Tita Lira helped us a lot before and now that you are alone, hindi namin matitiis ni lola na pabayaan ka na lang. Mainit ang mga mata sa'yo ng mag-inang bruha kaya sasamahan kita kahit saan ka man magpunta. May ipon naman ako kahit papaano at saka sa skills at gandang mayroon tayong dalawa, imposibleng walang mag hire sa atin sa Monte Carlos. Ah basta. Nakagayak na ang mga gamit namin ni lola. Huwag kang aalis diyan. Pupuntahan ka namin. We're going back to Monte Carlos and we will find a nice paying job so you can have your resources to fight your evil stepmother and half-sister. Mag-aabang na kami ng masasakyan. Bye!” "Pero babe…" Napabuntong hininga si Luna nang makita niyang pinagpatayan na siya ng tawag ng kaniyang kaibigan. Itinago niya ang kaniyang cell phone sa loob ng kaniyang bag at saka bumili ng street foods. “Kuya, one hundred pesos na kwek-kwek nga po, take out. Tapos ito, twenty pesos na kikyam." Iniabot ng tindero ang kwek-kwek kay Luna. Inilagay niya iyon sa kaniyang bag habang hawak naman niya ang lalagyan ng kikyam. Naglalagay na siya ng sauce nang biglang may nagsalita sa likuran niya. “Mukhang may L.Q. kayo ng boyfriend mo?" Nagulat si Luna nang marinig niya ang pamilyar na boses at hindi nga siya nagkamali. Iyon ang lalaki sa clothing store kanina! Sa sobrang gulat niya ay nabitiwan niya ang kaniyang hawak na kikyam at natapon sa coat ng lalaki ang sauce nito. "What the! Do you know how much this coat is?” inis na tanong ni Yael habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang coat. Medyo mainit pa naman ang sauce dahil bagong gawa iyon. Nanlaki ang mga mata ni Luna nang makita niya ang nakaukit sa coat ng binata. Alam niyang mamahalin iyon. Hindi lang ‘yon, limited edition ang coat na natapunan niya ng sauce! “Naku! Pasensya ka na. Ikaw naman kasi, bigla-bigla kang sumusulpot eh.” Hinawakan ni Luna ang coat ng binata pero agad din nitong inalis ang kamay niya. “At ako pa talaga ang sinisi mo? Ang sabihin mo, wala ka sa sarili dahil nag-away kayo ng boyfriend mo kaya natapunan mo ako ng sauce.” Hinubad ni Yael ang coat niya at isinampay sa braso niya. “B-Boyfriend? Si Yana ba ang tinutukoy niya?” natatawang bulong ni Luna. “Why are you smiling?" "Sir, eavesdropping isn't a good habit. Wait, are you stalking me?” Tiningnan ni Luna sa mga mata ang binata habang nakangiti siya pero unti-unting napawi ang kurba sa labi niya nang bigla na lamang itong humakbang palapit sa kaniya. “What are you doing?" “Getting close to you?" pilyong sabi ni Yael. Napapikit si Luna nang bigla na lamang inilapit ng binata ang mukha nito sa kaniyang mukha. Halos iisang pulgada na ang layo nila sa isa't-isa! Ngumiti si Yael nang makita niyang napapikit si Luna. ‘She looks cute too even when when her eyes are close.’ Napalunok si Luna dahil ramdam at amoy na amoy na niya ang mabangong hininga ng binata. ‘My heart, why is it racing too fast? Hahalikan ba ako ng mayabang na ‘to?’ Nakangiting lumayo si Yael kay Luna. Inayos niya ang kaniyang sarili bago muling nagsalita, “I heard you need a job. I am in need of an executive assistant. Do you want to apply for the job?” Nagmulat ng mata si Luna. Medyo napahiya siya sa sarili niya nang isipin niyang hahalikan siya ng binata. Ngumiti siya rito. "Sorry but…I'm not interested." Agad siyang tumalikod dito. ‘Ano ba Luna? Akala ko ba kailangan mo ng magandang trabaho? Trabaho na ang lumapit sa'yo, inayawan mo pa! Gaga ka ba?’ tahimik na kastigo niya sa kaniyang sarili. “Five million pesos annual net salary. Hindi pa kasama ang bonuses, incentives and rewards. Thirty days vacation leave, twenty days mandatory leave, fifteen days emergency leave and forty-five days sick leave. If not used, it will be converted to cash. Free meals, free lodging. No work on weekends. No overtime. No calls during your leaves. Ano Miss Luna? Ayaw mo pa rin ba?” mapanuksong tanong ni Yael. Biglang humarap si Luna sa binata. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mukha. “N-Nagpapatawa ka ba? At sino namang tànga ang magtatapon ng gan’yang kalaking halaga para lang sa posisyong executive assistan—” "Ako, ang nag-iisang Yael Anderson Gray." Tumaas ang dalawang kilay niya habang nakangiti kay Luna. ‘Yael Anderson Gray? Teka, pamilyar sa akin ang pangalan niya. Saan ko nga ba narinig ‘yon?’ isip-isip ni Luna. “Babe!" Sabay na napalingon sina Yael at Luna kay Yana. Akay nito ang lola nitong si Asyon habang bitbit ang mga gamit nito. “So…” Napatawa nang bahagya si Yael. "She's your babe?" hindi makapaniwalang sabi niya. ‘Kaya pala hindi siya attracted sa akin dahil hindi lalaki ang tipo niya kung hindi ang kapwa niya babae? She's a lesbian. Well, now it makes sense.'"ENOUGH! TULUNGAN NIYO NA LANG KAMING MAKALABAS DITO AT ITUTURO KO KUNG NASAAN ANG ANAK NG MALANDING SI LUNA!” walang pagtitimping sigaw ni Vida.Mabilis na naglakad palapit kay Vida si Mona. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan nito. "Sige. Sabihin mo na sa akin, Vida. Saan ko matatagpuan ang anak ng kaibigan ko?”“Si Gael…Si Gael Gray ang anak ni Luna. Nasa puder siya ngayon ng ama niyang si Yael Anderson Gray…”"A-Anong s-sinabi m-mo? S-Si G-Gael…ang a-anak ni Y-Yael? Are you kidding me, Vida?" hindi makapaniwalang sambit ni Mona.Iniikot ni Vida ang kaniyang mga mata. “I already said it once. I will not repeat it again—-" Namilog ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang sinakàl ni Mona. “A-Anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!" “I'm not playing with you, Vida. Magsabi ka ng totoo o dito ka na malalagutan ng hininga!"Agad na nilapitan nina Rafael at Drake si Mona para awatin ito.“Mona, stop it! Maaari ka nilang kasuhan sa ginagawa mo!" suway ni Rafael. Nakahinga siya ng maluwag na
“Tama na nga ang drama niyong dalawa." Nilingon ni Vida si Mona. “Ano, Miss Mona? Kaya mo bang tuparin ang usapan natin kanina kapalit ng hinihingi mong impormasyon?"“Mama, tumigil ka na nga. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala tayong mapapala sa babaeng ‘yan?" pigil ni Livina.“Ano ka ba, Livina? Bulag ka ba o tànga? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalawak ang koneksyon ng Mona na ‘yan? She's talking to an Angelini right now. Ano pa bang pruweba ang nais mo para maniwala kang may maitutulong siya sa ating dalawa?" mahina ngunit may diing sambit ni Vida sa anak.“Mona, halika na. Umalis na tayo rito," aya ni Rafael at agad na inabot ang kamay ni Mona. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang binawi ni Mona ang kamay nito sa pagkakahawak niya.“Mauna na kayo ni Drake. Susunod na lang ako," malamig na sambit ni Mona. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Rafael dahil kina Vida at Livina naka focus ang paningin niya."No, Mona. Hindi ako aalis dito kapag hindi kita kasama,” giit n
“Mama! Ano bang nangyayari sa’yo? Mag-isip ka nga! Inuuto lang tayo ng babaeng ‘yan! Baka nga wala talaga siyang hawak na alas laban sa atin eh! Pinapaikot at pinapaamin lang tayo ng babaeng ‘yan!” pigil ni Livina.“Tumahimik ka, Livina! Wala na tayong ibang aasahan! Hangga’t may katiting na pag-asang tutulungan niya tayong makawala sa sitwasyon natin ngayon, kakapit ako! Hindi tayo matutulad sa ama mo na naging ex-convict!”‘So totoo nga ang sinabi sa akin ni Rafael? Hindi ko kadugo si Livina? All this time, talaga palang pinaglalaruan lang nila kami ni papa! Ang kakapal ng mga mukha nila!’ Hindi napigilang ikuyom ni Mona ang kaniyang mga kamao. Gustong-gusto na niyang saktan ang mag-ina. Gustong-gusto na niyang ipaalam sa mga ito kung sino talaga siya pero hindi pa iyon ang tamang panahon para alisin niya ang kaniyang maskara.“Miss Mona, makinig ka. Ang anak ni Luna ay si—----”“Mona!” Napalingon ang lahat nang umalingawngaw sa buong silid ang malalim at malakas na boses ng isang l
“Ayaw niyo talagang magsalita? Sige. Ipapadala ko na sa kaibigan kong detective at sa lahat ng mga taong malapit kay Luna ang mga ebidensyang nasa kamay ko.” Akmang pipindutin na ni Mona ang send button sa kaniyang cellphone nang biglang magsalita si Vida.“S-Sandali, Miss Mona!”Agad na pinandilatan ni Livina ang kaniyang ina. “Mama, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Don’t tell me balak mong…”Hinawakan ni Vida ang kamay ng kaniyang anak. “Anak, we have no choice. Hindi ko ipagpapalit ang buhay nating dalawa para lamang sa kapirasong katotohanan,” bulong niya.Ngumisi si Mona nang marinig niya ang sinabi ni Vida kay Livina. Kitang-kita niya ang galit at pagtataka sa mukha ni Livina na tila nagbigay sa kaniya ng kakaibang saya.“Mama, naririnig mo ba ang sarili mo? Sa tingin mo ba ay hindi tayo ipapakulong ng Mona na ‘yan oras na itinuro natin sa kaniya kung nasaan ang anak ni Luna? Kahit kasing amo pa ng anghel ang mukha niya, wala talaga akong tiwala sa kaniya.” Tinapunan ni Livina
"Kung hindi mo kami kayang pakinggan, isipin mo man lang sana si Gael. Anak, hindi siya makakatulog hangga't hindi ka umuuwi sa bahay. Ikaw lang ang mayroon siya ngayon. Kung susugod ka ng gan'yan, walang armas, walang malinaw na plano, walang pangalangin, at tanging poot lamang ang iyong dala-dala, sa tingin mo ba ay makakabalik ka ng ligtas sa kaniya? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo pero anak, hindi ito ang panahon para sundin mo ang iyong emosyon. Alam mo na kung sino ang ina ni Gael at alam mo na ring may isa pa kayong anak pero anak, isang pader ang binabangga mo at hindi lang siya isang pader—isa siyang mataas, matibay at puno ng pananggalang na pader. Nakikiusap ako, anak. Kumalma ka muna. Walang magandang maidudulot ang pagkilos ng walang sinusunod na blueprint. Alam kong nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman nag-iisa, anak. Nandito kami ng mga tito mo. Handa ka naming tulungan pero hindi pa sa ngayon. Kulang ang isang araw, isang linggo o baka kahit isang buwan
“Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Hindi mo kailangang magmadali. Kailangan mo munang planuhin ang lahat. Baka mapahamak ka lang sa padalos-dalos mong desisyon," nag-aalalang turan ni Jacob habang hinahabol niya si Yael. Kasalukuyan itong naglalakad patungo sa sasakyan nito.“Yael, makinig sa Daddy Jacob mo. Hindi makakatulong sa sitwasyon kung paiiralin mo ang emosyon mo," payo naman ni Jett. May tangay siyang lollipop habang bitbit ang bag ng kaniyang Kuya Jackson.Walang imik si Yael. Tila hindi niya naririnig anv sinasabi ng kaniyang ama at ng kaniyang tiyuhin. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan ay agad niyang hinawakan ang bukasan ng pinto para sana buksan iyon nang biglang may mga kamay na pumigil sa kaniya. “Tito Jackson, bitiwan niyo po ako. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Luna, sa mag-ina ko. Kailangan kong malaman kung nasaan sila ngayon at si Rafael lang ang makakapagbigay sa akin ng mga impormasyong kailangan ko!"Nagpupumiglas







