“Babe, sino siya?" kunot-noong tanong ni Yana habang nakaturo ang hintuturo niya sa binatang nasa harap ng kaniyang kaibigan.
“Hindi ko siya ki—” Natigil ang pagsasalita ni Luna nang biglang sumabat si Yael. "I'm your boss starting tomorrow." Kumurap ng ilang beses si Yana kay Luna. Nakaawang naman ang bibig nito. “Babe, totoo ba ang sinabi niya? May work na agad tayo? Did you already apply for a job position? Hindi na natin kailangang mag job hunting pagdating natin sa Monte Carlos?" Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha niya. Nangingilid din ng kaunti ang luha niya. Nang makita ni Luna ang reaksyon ni Yana, parang may humaplos sa puso niya. Ngayon lang niya ulit ito nakitang halos maiyak sa sobrang saya. Marahil ay nag-overthink din ito dahil sa mga sinabi niya kanina. Tunay niya talagang kasangga si Yana dahil kahit batid nitong magiging mahirap ang paghahanap nila ng trabaho sa Monte Carlos, dahil sa impluwensya ng kaniyang pamilya, ay hindi pa rin siya nito nagawang iwan. Hindi siya kayang pabayaan nito at ng matandang ngayon ay nakangiti ng malapad sa kaniya. ‘Hindi pa naman ako umo-oo eh. Ano bang trip ng Yael na ‘to? Totoo nga kayang isa siyang bilyonaryo? Baka mamaya, miyembro pala siya ng isang sindikato. Tapos dadalhin niya pala kami ni Yana sa isang club o bar para pagbentahin ng aliw o hindi kaya, baka kunin niya ang mga internal organs namin para ibenta sa black market. Tama. ‘Yong offer niya sa akin kanina, it's too good to be true,’ piping turan ni Luna. ‘Pero bakit kakilala siya no’ng may-ari ng clothing store kung saan ako namili ng mga damit? Hindi isang pipitsuging clothing brand ang DG Collections, katunayan ang mamahal ng mga dress doon pero sobrang detalyado at makalidad ang gawa. Baka nga isa siyang bilyonaryo? Pero kung hihindi naman ako sa offer, magiging selfish naman ako. Ako na nga ang inaalala nina Yana at ni ‘Nay Asyon, ako pa ang magpapahirap sa kanila kung sakali mang wala na kaming mahanap na trabaho matapos kong tanggihan ito. Anong gagawin ko? Lulunukin ko na lang ba ang pride ko at papayag akong maging executive assistant ng Yael na ‘yon o magmamatigas ako pero walang kasiguraduhang makakahanap kami ng gano'ng kagandang trabaho?’ sigaw ng isip ni Luna. “Babe! Halika na!” Nagulat si Luna nang makita niyang nakasakay na sa sasakyan ng binata ang kaniyang kaibigan at ang lola nito. Mukhang matagal siyang nagmuni-muni kanina dahil hindi na niya napansin ang kinilos ng mga tao sa paligid niya. Wala na rin ang magtitinda ng street foods sa tabi niya. Pinandilatan niya ng mata si Yana pero nginitian lang siya nito. “Halika na, babe. Ihahatid na raw tayo ni Boss Yael sa bago nating titirhan. Sa wakas, makakatapak na ulit ako sa Monte Carlos!" tuwang-tuwang sabi ni Yana. “Hindi mo man lang ba siya tatanungin kung anong klaseng trabaho ang iniaalok niya sa’yo, babe? Talagang dumiretso ka na ng sakay sa sasakyan niya?" “Miss Luna, don't worry. Hindi ko kayo paghihiwalayin ng company. She will work under the marketing department since it's in line with her course. And you, as I have said earlier, you will become my executive assistant. Now, hop on before I change my mind,” nang-aasar na wika ni Yael. Alam niyang sa puntong iyon ay makukuha na niya ang gusto niya at iyon ay kunin bilang executive assistant niya si Luna. “I can't believe this is happening. Napakarami pang p'wedeng pasukan sa Monte Carlos. Hindi lang ang company ng lalaki—” Natigilan si Luna nang maalala ulit niyang ipina blacklisted siya ng kaniyang papa sa mga malalaking kumpanya sa Monte Carlos. At mukhang si Yael lang ang walang pakialam sa notice ng head ng pamilyang Wright. “Dàmn it," bulong niya habang padabog niyang binitbit ang mga pinamili niya kanina. Kinuha ni Mang Edwin ang mga bitbit ni Luna at inilagay iyon sa malawak na compartment ng sasakyan. “Maraming salamat po," nakangiting wika ni Luna. Papasok na sana si Luna sa loob ng sasakyan para tumabi kay Yana nang biglang nagsalita si Yael. “Balak mo ba talagang siksikin ang babe mo at ang lola niya riyan sa likuran? That seat is only good for two people.” Tumikhim si Yael. “Dito ka na tumabi sa akin." “A-Ano? Ako? Tatabi sa'yo? Mas gugustuhin ko pang tabihan ang driver mo kaysa sa’yo.” Napatingin siya sa upuan, sa tabi ng driver. Bakante iyon kaso… “Miss Luna, tumabi na lang po kayo kay Sir Yael," nakangiting sambit ni Mang Edwin. Kininditan niya sa may salamin ang kaniyang amo nang bigla niyang ipinatong sa katabi niyang upuan ang suitcase nito. “Seriously?" bulong ni Luna. “I guess you have no choice, Miss Luna." Tiningnan ni Yael ang upuan sa tabi niya at saka niya tinapik iyon. “Sit here now or else, we are all going to miss our flight." “Our flight?" Yana asked. Tumango si Yael. “I texted my secretary and asked her to book an exclusive flight for us. She said, "We need to go to the airport within forty minutes to catch the pilot or else, we are going to have to wait for the next three hours to have an exclusive flight.” "Wala ka bang private jet o helicopter gano'n? Hindi ba, gano'n ang mga mayayaman?" Napa aray si Yana nang bigla siyang siniko ng lola niya. Ngumiti si Yael. “I do have but my private pilot is now on leave since he only got married yesterday and it's their honeymoon today so…I went here on an exclusive flight—” "Tayo na po. Baka mahuli pa tayo ng dating sa airport,” wika ni Luna habang inaayos ang pagkakaupo niya sa tabi ni Yael. Yael smiled as he started staring at Luna. ‘I think I need to know more about her.’ He got his phone and texted his uncle. ‘Tito Jett, please do me a favor…’Hinintay talaga ni Yael na mawala nang tuluyan sa kaniyang paningin sina Yana at Asyon. Nabura na sa agam-agam niya ang ideyang lesbian o bi sina Yana at Luna nang malaman niya ang tunay na ugnayan ng dalawa mula sa kaniyang pribadong imbestigador. Natatawa siya sa kaniyang sarili nang mapagtanto niyang nagawa niyang pagselosan ang isang babae. Tama. Aminado na siya sa sarili niya na gusto niya talaga si Luna.Pumasok si Yael sa loob ng sasakyan at marahang ihiniga si Luna. Habang nakaunan ito sa kaniyang isang braso ay pilit naman niyang inabot ang paborito niyang stítch pillow na nasa driver's seat. Nang makuha niya iyon ay maingat niyang itinaas ang ulo nito para maipaunan niya ang stitch pillow niya. Nakahinga si Yael nang maluwag nang hindi nagising si Luna sa mga ginawa niya rito. Napansin niyang parang nilalamig ito kaya agad niyang hininaan ang aircon. Kinuha niya rin ang kaniyang spare na coat at ikinumot iyon sa natutulog na dalaga.“Napakaamo ng mukha niya. Mukhang hindi m
“Babe, pasok ka na rito!"Nakahinga nang maluwag si Luna nang sinaklolohan siya ng best friend niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Naiwan niya si Yael na napapangiti na lang sa pag-iwas na ipinakita niya.Nagkukulitan sa loob ng sasakyan sina Luna at Yana. Si Asyon naman ay mahimbing nang natutulog. Tumigil lang ang mga bulungan ng magkaibigan nang umupo na si Yael sa driver's seat.Bago pa man buhayin ni Yael ang kaniyang sasakyan ay tiningnan niya muna sa rearview mirror si Luna. Napatawa siya nang mahina nang muli na naman itong magtulog-tulugan. Hindi na niya ito ginising pa dahil ano nga naman ang punto ng pagpukaw sa taong hindi naman talaga natutulog?Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na sina Yael sa parking lot ng condo. Nang maiparke na niya nang maayos ang kaniyang sasakyan ay agad siyang bumaba para pagbuksan ng pinto ang tatlong nasa backseat.“Mukhang natutulog na nga talaga sila," bulong ni Yael. Ayaw niya sanang putulin ang mahimbing n
“How is she?" Yael asked while keeping his eyes open.“O-Okay naman na po si babe, boss. Kami na lang po ang magbabantay sa kaniya. Umuwi na muna po kayo at magpahinga. Halata pong inaantok na kayo eh,” ani Yana habang nakatitig kay Yael."Nagising na ba siya?”"Opo, kanina.”"Mabuti naman kung gano'n. Ano palang sabi ng doktor?" tanong ni Yael. Tumaas ang dalawa niyang kilay nang magtinginan muna sina Yana at Asyon bago sumagot sa tanong niya.“Okay na naman daw po si babe. Kailangan lang po niyang magpahinga. Papasok na rin daw po siya bukas pagka discharge niya eh."Umiling si Yael. “Huwag niyo na muna siyang papasukin. Ikaw rin. Mag take ka muna ng day off. Ako na ang bahala sa HR. Samahan mo siya bukas sa room niya." “Naku, hindi na po kailangan. Isa pa, hindi rin po papayag si babe sa nais niyo. Medyo hard headed din po kasi siya," wika ni Yana."Sige. Kung kaya na talaga niyang pumasok, hindi ko siya pipigilan. Anyway, okay na ang bills at papers niya. Ipinaasikaso ko na kay M
Hinihintay na magising nina Yana at Asyon si Luna. Bumili na sila ng mga gamot na inireseta ng doktor. Si Yael naman ay hindi pa bumabalik buhat kanina.“Yana, tigilan mo nga ang kakalakad mo. Nahihilo ako sa'yo," reklamo ni Asyon sa kaniyang apo.“Lola, pasensya na po. Hindi po kasi ako makapaniwalang nakabuo agad sina Luna babe ng bata eh. Isang gabi lang naman ‘yon tapos hindi pa sinasadya. Paano na ang mga plano ni babe? Mas magiging mahirap para sa kaniya ang kumilos dahil hindi na lang sarili niya ang aalalahanin niya, kung hindi pati na rin ang anak niya.” Bumuntong hininga si Yana bago naupo sa tabi ng lola niya."Ano pa bang magagawa natin? Nangyari na ang nangyari. Isa pa, walang kasalanan ang bata. Kilala mo naman siguro ang lalaking nakabuntis kay Luna. Tawagan mo at ipaalam mo sa kaniya ang balita. Kailangan niyang panagutan ang mag-ina,” kalmadong turan ni Asyon.Nalukot ang mukha ni Yana sa sinabi ng lola niya."Oh, bakit gan'yan ang mukha mo? Huwag mong sabihing tinata
Nang maayos ang elevator ay agad na binuhat ni Yael si Luna. Pagdating nila ng groundfloor ay mabilis siyang sinalubong ng securities.“President, ano pong nangyari?" tarantang tanong ng head ng security.“I have no time to waste. Open the door!" Yael yelled.Pagkabukas ng main door ng building ng Y.A. Group ay natigilan si Yael. Buhat pa rin niya si Luna. Agad na rumehistro sa mukha niya ang pagtataka at inis.“Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yael.“I'm not here for you. I'm here for Luna,” ani Rafael habang nakatingin sa walang malay na dalaga.Nagdilim pa lalo ang aura ni Yael. “Nakaharang ka sa daan. Kung hindi ka magkukusang tumabi, mapipilitan akong itulak ka." "Anong nangyari sa kaniya? Anong ginawa mo?” Kita ang inis sa mukha ni Rafael.Sa halip na sagutin ni Yael ang tanong ni Rafael ay mabilis niya itong tinabig.“Anderson, tinatanong kita! Anong ginawa mo kay Luna?!"Marahang humarap si Yael kay Rafael. “Wala akong ginawa sa kaniya pero may kailangan akong gawin ngayon
“Nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong ni Yael habang naglalakad sila ni Luna patungo sa kinaroroonan ng elevator. “O-Oo. Maraming salamat pala. Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Hindi nga lang gano'n kamahal. Hindi ko pa afford," ani Luna habang nakasunod sa kaniyang amo. Nilalaro niya ang kaniyang mga daliri habang naglalakad. Nakayuko siya kaya hindi niya napansing huminto pala si Yael sa harapan niya. Namilog ang mga mata ni Luna nang maramdaman niyang lumapat ang katawan niya sa katawan ni Yael. “I…I’m s-sorry. H-Hindi ko sinasadyang mabangga ka. I mean, hindi ko nakitang tumigil ka sa paglalakad dahil may malalim akong iniisip kanina habang nakasunod sa'yo. P-Pasensya na.” Mabilis na hinawakan at hinila ni Yael ang isang kamay ni Luna dahilan para mapasandal ito sa dibdib niya. “What are you thinking, Luna? May problema ka ba?" ‘Shít! Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Ang init!’ “Luna…” "Mainit.” "Anong mainit?” nagtatakang tanong ni Yael. "Ha? Sinabi