Share

Chapter 3

Sa guest room ako natulog ng gabing iyon. Ayokong makita ang mukha niya dahil sa ginawa niya. Sobra na siya!

It's been 2 days since that incident at hindi ako lumabas ng kwarto ko kung andun siya. I'll cook his breakfast and dinner then matutulog na ako after para makaiwas sa kaniya.

Nagbabasa ako ng kwento sa loob ng kwarto nang magpakita si Liro. Hindi ako nag-abalang tingnan siya. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro na hindi pinapansin ang presensya niya.

"Bumalik ka na sa kwarto natin," sabi niya pero pinili kong hindi siya pinansin.

"I'm sorry but I mean it. Bawal kang makipagkita ulit sa lalaking yun." Sabi niya na ikinagalit ko.

"Umalis ka na. Nakaka-stress ka lang! Kung ayaw mo sa akin, maawa ka sa anak mo. Gusto kong maging okay siya kaya please umalis ka na!"

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Sa halip ay mas lumapit siya sa akin. Tumingin ako sa kaniya, halata sa mga mata ko ang galit. Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko sa kama.

"I'm sorry. I want to rest," sabi niya at iginiya niya akong humiga sa kama habang tumabi din siya sa akin.

"Pwede ko bang hawakan ang tummy mo?"

Napakurap ako nang marinig ko ang mga salitang iyon. Bago sa akin ang sinabi niya and I didn’t see that coming. Hindi sumagi sa isipan ko na kahit isang beses na magtatanong siya ng ganito. This is the first time.

Natunaw ang tampo sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tumango nalang ako para payagan siyang hawakan ang tiyan ko.

"Hello my baby," sabi niya sa mababang boses. Si Liro ba talaga ito?

"Kamusta na ang baby ni daddy? I am excited to meet you.” Aniya tapos tumingin siya sa’kin.

"Pwede ba akong matulog dito? Sa tabi mo?"

"Bakit?" tanong ko.

"I can't sleep in the bedroom alone," aniya habang nakapikit ang mga mata, senyales na inaantok na siya.

"Kailan ang next visit mo sa Oby-gyne mo?"

"Bibisita ulit ako sa susunod na linggo dahil may gusto akong itanong kay Kristel."

"Sino si Kristel?"

"My Oby-gyn and my best friend," sagot ko.

"Pupunta ka mag-isa?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

"Oo bakit?" Sagot ‘ko.

"Nothing," sabi niya at pumikit. Bumuntong hininga ako at inilagay ang libro sa mesa. Tumingin ako sa kaniya bago ko ipinikit ang mga mata ko para matulog na rin. Kinaumagahan ay wala na si Liro sa kama. Akala ko ay umalis na siya pero laking gulat ko nang makita ko siyang nagluluto sa kusina.

"Good morning," sabi niya nang makita niya akong papalapit.

“Nagluto na ako ng almusal natin. Halika na,"

Para akong nananaginip. Ilang buwan na kaming magkasama ni Liro pero ngayon niya lang ginawa ito sa’kin. Hindi naman sa ayaw ko dahil gusto ko talaga at matagal ko nang gusto maranasan ito na gawin niya para sa’min ng baby niya.

Hindi ko alam kung may sakit ba siya o ano. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. He’s acting … weird.

"Anong oras na? Bakit nandito ka pa? Paano ang trabaho?” Nag-aalala kong tanong dahil sa tingin ko ay late na siya.

"Wife, ako ang CEO ng kumpanya kaya ako ang boss so ako ang masusunod sa oras ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. He sounded so cool and I like it but what shock me is, tinawag niya akong wife? Tama ba ang pagkakarinig ko?

“What did you call me?”

“Wife” he answered while sipping his coffee and serving me food.

“Wife? Why?” I am so confused.

“What’s why? Of course you are my wife so I didn’t see any problem with that.”

This is real, right? Or am I still dreaming?

“Silly! Wife you’re thinking too much.” He chuckled and I am so surprised because he laughed. Seriously? He laughed. Is this the end of the world?

“Kumain ka na. Kailangan mong kumain ng marami para sa baby natin."

Kumain ako tulad ng sinabi niya.

"I’ll go to the company later. Gusto mong sumama sa akin?”

Okay that’s it. Kakaiba na talaga ang kinikilos niya and one more thing, may iba sa kaniya.

"Sino ka?" Tanong ko.

"What do you mean, Wife?"

“I’m not your wife. Nasaan si Liro?" Huminto siya sa ginagawa at tinitigan ako saglit. Nagsisimula na akong manginig sa takot ngayon.

He’s not my husband. Hindi siya si Liro dahil hindi makatingin si Liro sa mga mata ko. Hindi sweet si Liro at wala siyang pakialam sa kapakanan ko o sa baby. But this man, in front of me is different.

“Take it easy wife. You are my wife at ako si Liro. I’m your husband, the father of your child."

Hindi ako kumbinsido. Hindi siya si Liro. Sigurado ako diyan dahil medyo iba ang boses ni Liro sa kaniya.

"No. You are not.” Tumawa siya ng malakas na para bang nakakita siya ng mga nakakatawang palabas sa harap.

“Perfect! God you are perfect.” Sabi niya at sisigaw na sana ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. The same kiss nong nag away kami about Kevin. Siya ang lalaking h*****k sa akin. Sinubukan ko siyang itulak pero malakas siya.

“Huwag kang matakot, love. I’m going to take what’s mine from him.” Then everything’s went black.

Pag gising ko nasa ospital na ako. Sinubukan kong gumalaw pero nagmamadaling pumunta si Liro sa gilid ko. Lumayo ako sa kaniya dahil peke siya.

“Hey anong nangyayari sayo?” Napakurap ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya sa mga mata at galit siya habang nakatitig sa akin. Siya si Liro na kilala ko. Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito sa ospital?"

“Ano bang problema mo?”

Ano ang sinasabi niya? May nagawa ba akong masama?

“Gusto mo talagang sirain ang moments namin ni Lianne, no?”

Ano? Kasama niya si Lianne? Kung gayon sino ang lalaki sa bahay? He’s doppelganger? O kambal niya? O multo?

“Kasama mo si Lianne? Kailan pa?"

"Noong isang araw and now you’re interrupting again" got confused on what he said.

“By the way, tumawag ang best friend mo. Papunta na siya” si Kevin ba?

“What’s wrong with you? Last time you are so angry with me because I refused you on prohibiting me to contact my best friend”

“What? Are you crazy? Why would I do that?”

“I don’t know. You even kissed me!” kailangan kong kumpirmahan kung hindi ba talaga si Liro yung kausap ko sa bahay. I need to confirm everything.

"Ano? Baliw ka ba? Bakit kita hahalikan?"

“Yes you kissed me Liro-“ Napatigil ako sa sinasabi ko nang biglang pumasok si Lianne.

"Ano?" Tumingin siya sa amin at halata sa mga mata niya ang sakit. Diyos ko! Anong na namang ginawa ko? I just wanted to test something.

"Lianne, d-don’t believe her. She’s l-lying" sabi ni Liro. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"I am so sorry. I shouldn’t have listened to you and your lies” sabi ni Lianne bago umalis. Galit na tumingin sa akin si Liro. Sa mata niya, gusto niya akong patayin.

Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. He’s cheating on me kaya dapat ako ang magalit sa kaniya. Isa pa, sino yung lalaking h*****k sa akin? May kambal ba siya? It’s confirm now na hindi yun si Liro.

“Now you’ve done it!”

“I’m sorry"

“Sorry?” nginisian niya ako.

"Wala nang ibang pagkakataon Cassandra. Iyon na ang huling chance ko na ibinigay sa’kin ni Lianne"

Sobrang na-guilty ako. Gusto kong tumakas. Pakiramdam ko, kinasusuklaman ako ng mundo. Pakiramdam ko mag-isa lang ako.

"Gusto kitang... patayin"

Kill me? He wanted to kill me? Really? He hated me so much that he’s going to kill me?

“Try because I’m going to kill you first” Kevin shows up and come closer to my side.

“You’re such a b*stard! You got her impregnate and you’re what? Chasing your ex?” Kevin is so angry. He’s trembling because of anger.

“Kevin, clam down please” I plead.

“If you’ll acting like a sh*t then I’ll take her away from you” Kevin firmly said. 

“Fine. I am not even sure that I am the father of that child!”

“B*stard!” Kevin punch him so hard.

“Oh my God! Stop it Kevin! Liro please leave” I am crying because they are fighting because of me.

“I’m sorry. But I don’t really remember that I touched you Cass” he said. Liro look at us and then walk away. It hurts seeing the father of my child acting like that. It is clear as the moon in the night that he doesn’t want us. He’s even denying that he is the father of my baby.

"Ayos ka lang ba?" Sobrang nag-aalala si Kevin sa kapakanan ko.

"Oo Kevin, salamat"

"Umuwi na tayo"

"Sige"

'Sorry my love. Ayaw ng daddy mo sa’tin e. Don't worry, si mommy nalang ang bahala sa’yo'

Gusto ni Kevin na samahan ako sa bahay pero tumanggi ako. I insist na gusto ko nang umuwi sa bahay namin. Naguguluhan pa rin ako sa lahat.

Pakiramdam ko, doon ko mahahanap ang sagot.

Una sa lahat, hindi si Liro ang nagbabawal sa akin na makita si Kevin. Pangalawa, hindi si Liro ang lalaking h*****k sa akin ng dalawang beses. Pangatlo, kamukha niya si Liro kaya gusto kong malaman ang relasyon nila ng asawa ko. Sa huli ay gusto ko rin malaman kung anong mali ang ginawa ko sa kaniya para sabihin niya ang bagay na yun.

Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin noong nag-away kami.

"Ako ang ama ng bata. You’re mine, Cassandra! I’ll do everything to destroy you like how you destroy my relationships to Lianne” yun ang sabi niya. At nagtataka ako kung ano ang dahilan nito.

Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Kaya bakit niya yun gagawin? Bakit siya galit sa akin? Ano ang relasyon niya sa kapatid ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status