"Mukhang napapadalas na ang paglabas ninyo ni Mr. Not my type," pang-aasar ni Joshua at nakangiti na umiling lang ako.Mula ng sinabi ko kay Joshua at Danica ang tungkol sa amin ni Mark wala ng araw na hindi nila ako inaasar. Ilang linggo na ang lumipas mula noong sinabi ko sa kanya na subukan namin. Binigyan ko siya ng pagkakataon pero sinabi ko sa kanya na gusto ko maging private o low key ang relasyon namin hanggang hindi pa kami o ako komportable. Ayaw ko muna ipaalam sa iba dahil sa maraming dahilan at naiintindihan naman iyon ni Mark. Sumangayon din siya dahil alam niya kung ano ang mga posibleng mangyari. Iniiwasan ko na mapag-usapan kami at maapektuhan ang reputasyon ni Mark. Nagagawa naman naming kumain sa labas at manood ng sine ng hindi napapansin. "Wala ka bang lakad ngayon?" tanong ko at nagtataka na tiningnan niya ako."Hindi ko pinangarap maging third wheel at saka malaki ka na para samahan pa kita," mataray na tugon niya at tumawa ako nang malakas."Exactly, malaki na
"If I could only stop the time. If I could just stay here like this," wala sa loob na bulalas ko habang pinagmamasdan ang unti-unti paglubog ng araw.Huling gabi na namin dito sa resort at bukas ng umaga ay kailangan na namin bumalik. Kahit sa maikling panahon ay nakaramdam ako ng katahimikan. Sobrang namangha ako kahapon pagdating namin dito. Bukod sa malayo siya sa pinaka-bayan wala rin masyadong kabahayan sa paligid ng resort kaya talaga namang napaka-private ng lugar. Habang naghahanda kami ng dinner kagabi nabanggit ni Mark na balak ng ibenta ang resort dahil wala ng mag-aasikaso. Nakakapanghinayang dahil maganda ang lugar at halatang hindi pinapabayaan. Pagkatapos namin mag-dinner kagabi tumambay kami sa terrace nakaharap sa dagat. Maaga kaming nagpahinga at iyon na ata ang pinakamasarap na tulog ko sa mahabang panahon. Paggising ko naman kanina ay nagulat ako ng yayain ako ni Mark na mag-jogging. Hindi na ako nakaramdam ng pagkailang kapag magkasama kami dahil komportable na ak
Napangiti ako pagkatapos ko basahin ang reply ni Queensley. Pagkatapos namin magbakasyon naramdaman kong mas naging malapit kami sa isa't isa. Sa mahabang panahon tatlong tao lang ang pinagsabihan ko ng nakaraan ko at hindi ko namalayan nasabi ko iyon Kay Queensley. Gumaan ang pakiramdam ko. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko para maaga ako matapos. Susunduin ko siya pagkatapos ng meeting niya at mag-dinner kami. Napatingin ako sa pinto ng bigla iyon magbukas. Nagulat ako ng makita ko si Auntie Rose at the same time ay nag-aalala. Wala siyang nabanggit sa akin na uuwi sila ni Papa o ano pa man."Auntie!" gulat na bungad ko sa kanya."Is everything okay? Is he okay? Where is he?" nag-aalala na tanong ko pagsara ng pinto."Don't worry about him Mark, he is okay." sagot niya at nakahinga ako ng maluwag.Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Kahit na sinabi niyang okay lang si Papa hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. Dumating siya ng walang pasabi kaya ibig sabihin emergency ang p
"He can't do this to me!" galit na sabi ko pagkasara ko sa pinto.Mula sa airport ay dito agad ako dumiretso sa office para alamin kung totoo ang nakarating na balita sa akin. Sa una ay hindi ako makapaniwala dahil kilala ko si Mark at never pa niya ako binigo. Kumpiyansa ako na magagawa niya ang hindi ko magawa. Matagal ko na sinusubukan na paalisin si Queensley sa buhay ni Jack pero lagi akong bigo. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ng babaeng iyon para makuha niya ang loob ni Jack at ngayon naman si Mark. "I won't let her take away everything!" bulong ko at padabog na umupo.Nalungkot ako ng mamatay si Ate Esmeralda dahil siya na lang ang naiwan kong pamilya. Kaka-graduate ko lang sa kolehiyo ng mamatay ang mga magulang namin. Naiwan sa aming dalawa ang kumpanya pero sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handa at naiintindihan naman niya ako. Sa totoo lang wala sa kumpanya ang interest ko at alam iyon ng mga magulang ko. Hindi sila sang-ayon na sundin ko ang gusto ko at pinilit
"Gutom ka na ba? Malapit na maluto itong niluluto ko," sabi ni Danica pagupo ko sa counter. "Tumawag nga pala si Joshua tinatanong niya kung nabasa mo na raw ba ung proposal sa upcoming project? Tinanong din pala niya kung may napili ka ng susuotin para sa next month na Charity Ball," tanong niya.Narinig ko naman ang mga sinasabi niya pero wala roon ang atensyon ko. Nakatitig ako sa phone ko at tinitingnan kung may missed call ba ako o unread messages. Minsan naisip ko na baka sira ang phone ko pero nakakatanggap naman ako ng message at tawag. Kagabi binalikan ko lahat ng conversation namin kaya lalo ako naguguluhan sa nangyayari. "Ano ba kasing problema niya? May ginawa ba ako o sinabi para magkaganoon siya?" Nanggigil na bulong ko.Mahigit isang linggo na ang lumipas mula noong huli kaming nagkita. Hindi pa rin nasagot ang mga katanungan sa isip ko na ilang araw na gumugulo sa akin. Nagtataka kasi ako bakit siya nagpakalasing. Nararamdaman ko na may gumugulo sa kanya pero pinigil
"Hello Bro. What's up?" bati ni Melmar pagsagot ko sa tawag niya.Tumango lang ako bilang tugon. Binitawan ko ang hawak ko na ballpen saka sumandal sa upuan. Noon lang ako nakaramdam ng pagod. Sunod-sunod ang mga naging meeting ko at wala pa akong pahinga. Napatingin ako sa paper bag nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko at naalala ko na hindi pa nga pala ako nag-lunch. Tiningnan ko ang relo ko at past four na pala ng hapon. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom at wala rin naman akong ganang kumain."You don't look good. May problema ba, Mark?" may pag-aalala na tanong niya at napabuntonghininga ako.Ilang araw na akong walang matinong tulog. Kinakailangan ko pa uminom sa gabi para lang makatulog at para saglit na makalimot. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho at the same time ay iniwasan ko na lumabas ng opisina. Si Felix ang pinapapunta ko sa mga set para mag-check pati na rin sa warehouse. Pinipigilan ko na huwag maapektuhan sa mga sinabi ni Auntie Rose pero hindi ko magawang bale
"Sure ka ba na wala kang escort?" tanong ni Joshua habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. "Bakit? May problema ba kung wala akong escort? Required ba na dapat may escort ako? Wala naman akong nabasa sa invitation na kailangan may kasama ako," nakataas ang isang kilay na tanong ko.“Grabe siya! Isa lang naman ang tanong ko ang dami mo ng kuda. Tama ba na sagutin ng tanong ang isang tanong? Girl, simpleng meron at wala lang naman ang sagot!” mataray na tugon niya saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. Napabuntonghininga lang ako dahil bigla ako may naalala.“Nakakaloka ka Bakla! Ang alam ko ilang days lang ang dalaw ng babae pero ikaw parang araw-araw meron,” umiiling na dagdag pa niya at napaismid lang ako.“Hindi ko kailangan ng escort!” mariin na tugon ko pagkalipas ng ilang sandali.“Let me correct your answer, Dear. Hindi mo kailangan o may hinihintay ka?” makahulugan na tanong niya at huminga ako nang malalim saka umiwas ng tingin.After ng encounter namin ni Mark sa
“Sino naman siya?” nagtataka na tanong ni Danica bago humalik sa pisngi ko.Hindi ako tumugon dahil hindi ko maalis ang tingin ko kay Mark at sa babaeng parang talangka na nakadikit sa kanya mula pa kanina. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa pinaglamayan ang babaeng ito. Ang mas nagpakulo pa ng dugo ko ang reaksyon ni Mark dahil kitang-kita sa mukha niya na enjoy na enjoy siya. Gusto ko siyang lapitan at punitin ang labi niya para hindi na siya makangiti. Nagkasalubong ang tingin namin kanina pero parang hindi niya ako kilala. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya at naguguluhan ako. Ayaw kong ipahalatang naiinis ako at nagagalit pero hindi ko mapigilan para akong bulkan na any moment ay sasabog na. Kung kanina ay excited ako pumunta sa event na ito dahil makikita ko si Mark pero ngayon gusto ko na lang umuwi at magpakalasing.“Siya na ang magiging representative ng Mystique,” sagot ni Joshua.Napatingin ako sa kay Joshua dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol