"He can't do this to me!" galit na sabi ko pagkasara ko sa pinto.Mula sa airport ay dito agad ako dumiretso sa office para alamin kung totoo ang nakarating na balita sa akin. Sa una ay hindi ako makapaniwala dahil kilala ko si Mark at never pa niya ako binigo. Kumpiyansa ako na magagawa niya ang hindi ko magawa. Matagal ko na sinusubukan na paalisin si Queensley sa buhay ni Jack pero lagi akong bigo. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ng babaeng iyon para makuha niya ang loob ni Jack at ngayon naman si Mark. "I won't let her take away everything!" bulong ko at padabog na umupo.Nalungkot ako ng mamatay si Ate Esmeralda dahil siya na lang ang naiwan kong pamilya. Kaka-graduate ko lang sa kolehiyo ng mamatay ang mga magulang namin. Naiwan sa aming dalawa ang kumpanya pero sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handa at naiintindihan naman niya ako. Sa totoo lang wala sa kumpanya ang interest ko at alam iyon ng mga magulang ko. Hindi sila sang-ayon na sundin ko ang gusto ko at pinilit
"Gutom ka na ba? Malapit na maluto itong niluluto ko," sabi ni Danica pagupo ko sa counter. "Tumawag nga pala si Joshua tinatanong niya kung nabasa mo na raw ba ung proposal sa upcoming project? Tinanong din pala niya kung may napili ka ng susuotin para sa next month na Charity Ball," tanong niya.Narinig ko naman ang mga sinasabi niya pero wala roon ang atensyon ko. Nakatitig ako sa phone ko at tinitingnan kung may missed call ba ako o unread messages. Minsan naisip ko na baka sira ang phone ko pero nakakatanggap naman ako ng message at tawag. Kagabi binalikan ko lahat ng conversation namin kaya lalo ako naguguluhan sa nangyayari. "Ano ba kasing problema niya? May ginawa ba ako o sinabi para magkaganoon siya?" Nanggigil na bulong ko.Mahigit isang linggo na ang lumipas mula noong huli kaming nagkita. Hindi pa rin nasagot ang mga katanungan sa isip ko na ilang araw na gumugulo sa akin. Nagtataka kasi ako bakit siya nagpakalasing. Nararamdaman ko na may gumugulo sa kanya pero pinigil
"Hello Bro. What's up?" bati ni Melmar pagsagot ko sa tawag niya.Tumango lang ako bilang tugon. Binitawan ko ang hawak ko na ballpen saka sumandal sa upuan. Noon lang ako nakaramdam ng pagod. Sunod-sunod ang mga naging meeting ko at wala pa akong pahinga. Napatingin ako sa paper bag nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko at naalala ko na hindi pa nga pala ako nag-lunch. Tiningnan ko ang relo ko at past four na pala ng hapon. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom at wala rin naman akong ganang kumain."You don't look good. May problema ba, Mark?" may pag-aalala na tanong niya at napabuntonghininga ako.Ilang araw na akong walang matinong tulog. Kinakailangan ko pa uminom sa gabi para lang makatulog at para saglit na makalimot. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho at the same time ay iniwasan ko na lumabas ng opisina. Si Felix ang pinapapunta ko sa mga set para mag-check pati na rin sa warehouse. Pinipigilan ko na huwag maapektuhan sa mga sinabi ni Auntie Rose pero hindi ko magawang bale
"Sure ka ba na wala kang escort?" tanong ni Joshua habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. "Bakit? May problema ba kung wala akong escort? Required ba na dapat may escort ako? Wala naman akong nabasa sa invitation na kailangan may kasama ako," nakataas ang isang kilay na tanong ko.“Grabe siya! Isa lang naman ang tanong ko ang dami mo ng kuda. Tama ba na sagutin ng tanong ang isang tanong? Girl, simpleng meron at wala lang naman ang sagot!” mataray na tugon niya saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. Napabuntonghininga lang ako dahil bigla ako may naalala.“Nakakaloka ka Bakla! Ang alam ko ilang days lang ang dalaw ng babae pero ikaw parang araw-araw meron,” umiiling na dagdag pa niya at napaismid lang ako.“Hindi ko kailangan ng escort!” mariin na tugon ko pagkalipas ng ilang sandali.“Let me correct your answer, Dear. Hindi mo kailangan o may hinihintay ka?” makahulugan na tanong niya at huminga ako nang malalim saka umiwas ng tingin.After ng encounter namin ni Mark sa
“Sino naman siya?” nagtataka na tanong ni Danica bago humalik sa pisngi ko.Hindi ako tumugon dahil hindi ko maalis ang tingin ko kay Mark at sa babaeng parang talangka na nakadikit sa kanya mula pa kanina. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa pinaglamayan ang babaeng ito. Ang mas nagpakulo pa ng dugo ko ang reaksyon ni Mark dahil kitang-kita sa mukha niya na enjoy na enjoy siya. Gusto ko siyang lapitan at punitin ang labi niya para hindi na siya makangiti. Nagkasalubong ang tingin namin kanina pero parang hindi niya ako kilala. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya at naguguluhan ako. Ayaw kong ipahalatang naiinis ako at nagagalit pero hindi ko mapigilan para akong bulkan na any moment ay sasabog na. Kung kanina ay excited ako pumunta sa event na ito dahil makikita ko si Mark pero ngayon gusto ko na lang umuwi at magpakalasing.“Siya na ang magiging representative ng Mystique,” sagot ni Joshua.Napatingin ako sa kay Joshua dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol
"Jack!" ilang ulit na sigaw ko pagpasok sa kwarto.Kasalukuyang nasa photoshoot ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tita Rose. Naabutan niya si Jack na walang malay sa kwarto niya kaya agad na sinugod sa hospital. Bago ako umalis ng bahay kanina ay napansin ko na ang pamumutla niya. Sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa hospital para magpatingin pero ayaw niya. Ang sabi niya ay kailangan lang niya magpahinga. Pinagalitan ko pa siya dahil nabanggit ni Manang Sol na hindi uminom ng gamot si Jack kagabi. Ayoko sana siya iwan para mabantayan ko siya pero pinagtabuyan niya ako. Pinaalala pa niya sa akin kung gaano kahalaga ang photoshoot para sa launching kaya napilitan din ako."I'm here Darling," sagot niya na halatang pinipilit na ngumiti.Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang masama. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya nakahiga sa hospital bed. Pinapakita ko na galit ako dahil ayoko ipakita sa kanya natatakot ako kapag nasa hospital siya."Ang tigas
"Sigurado ka bang iniinom mo sa tamang oras ang mga gamot mo?" tanong ko kay Jack habang kumakain kami ng almusal."Opo." natatawa na sagot niya."Tandaan mo mahigpit ang bilin ng Doctor regarding sa mga gamot mo. Higit sa lahat kailangan ay sundin natin lahat ng bilin niya." Paalala ko sa kanya at nakangiti na tumango-tango siya.Maraming binilin ang Doctor na hindi pwedeng gawin habang hindi pa ito pumapayag sa operation. Nangako naman siya na susundin ang lahat ng iyon. Nag-iisip pa rin ako kung ano ang pwede kong gawin para pumayag siya. Ang sabi kasi ni Dr. Abuel kailangan na talaga maisagawa ang operation dahil hindi na tulad noon ay unti-unti ng humihina ang katawan ni Jack."Mukhang maling course ang kinuha mo Queen dapat pala nursing ang kinuha mo instead of business management," biro niya at inismiran ko na lang."At nagagawa mo pa talagang magbiro ha!" inis na sabi ko bago uminom ng kape."Queensley pwede bang galangin mo naman si Jack." sita ni Tita Rose sa akin at nakakun
"Queen, the board meeting will be two weeks from now and I need you to be there," sabi ni Jack habang kumakain kami.Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jack dahil wala naman 'yon connection sa akin. Halos isang buwan na mula ng sabihan niya ako na maging representative. Nagre-report ako sa kanya sa bawat meeting na pinupuntahan ko. Updated din siya sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nakita kong natigilan si Tita Rose sa pagkain at mahigpit ang hawak niya sa kubyertos."Pero bakit Jack?" nagtataka na tanong ko pagkalipas ng ilang segundo.Tumigil si Jack sa pagkain at tumingin sa akin pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin rin siya kay Tita Rose na kasalukuyang nakatingin kay Jack. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Aware naman ako kung ano ang tingin niya sa akin. Pinapakisamahan lang niya ako dahil kay Jack."Hindi lingid sa inyong dalawa ang kalagayan ko. Habang lumilipas ang araw ay lalo akong nanghihina at hindi nakakatulong ang mga gamot na iniinom ko. Alam kong sasabih