ELLIEMAGKAHAWAK KAMAY kaming dalawa ni Uno na naglalakad papasok sa branch ng kaniyang restaurant sa Quezon City. Pagkatapos niya akong sunduin sa trabaho ko ay dito kami nagpunta. Medyo natagalan lang ang biyahe namin papunta rito dahil sa traffic."Good evening, Sir Uno, Ma'am Ellie," masiglang bati sa amin ni Uno ng kaniyang staff."Good evening!" bati rin ni Uno.Ngumiti ako. "Good evening, Miya. Kumusta?" bati ko rin. Kilala ko na rin ang mga staff dito dahil dinadala ako rito ni Uno noon pa. Si Miya ang madalas kong nakakausap dahil hindi siya nahihiya sa akin. Kapag nag-oopisina rito si Uno noon, si Miya ang kakuwentuhan ko dahil busy si Uno sa harap ng kaniyang laptop. Hindi naman ako every week nandito dahil matraffic sa gabi kapag pupunta kami rito. Pero at least sa isang buwan ay dinadala ako rito ni Uno."Mabuti naman, Ma'am Ellie. Lalo kayong gumaganda." Lumapit pa siya sa akin at may binulong. "Sana all, nadidiligan," sabay hagikgik nito. Walang preno rin talaga ang bib
NAGULAT SI Uno nang pumasok ang kaniyang Lolo Ronaldo sa kaniyang opisina. Nasa head office siya ngayon dahil may meeting siya. Pupunta rin ang kaniyang daddy dahil sa biglaang pagpapatawag nito ng meeting. May announcement daw ito. Napatiim bagang si Uno sa inis kay Sandra. Mukhang ito ang dahilan kung bakit napauwi nang maaga ang kaniyang Lolo. Surpresa ito para sa kaniya dahil walang sinabi sa kaniya ang kaniyang mga magulang na ngayon ang pagbabalik ng Lolo niya. Kaya pala may announcement ang daddy niya. Pero bakit nasa opisina niya ang kaniyang Lolo? Ano ang koneksiyon nito sa business niya?Hindi pa nila naitutuloy ang plano nila ni Ellie na magpapakasal dahil naging abala siya sa kaniyang trabaho. Hindi rin naman niya naisip ang tungkol sa kaniyang Lolo na uuwi na ito. Nakaplano na ang kanilang kasal ni Ellie sa Linggo sa Tagaytay."Ganito mo na ba ako batiin ngayon, Uno? Ang titigan lang ako." Sarkastikong saad ni Ronaldo sa apo.Napabuga nang malalim na hininga si Uno at tu
ELLIE"JUDAH?" Tawag ko sa kaibigan ko upang kuhain ang atensiyon niyang mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito ngayon sa opisina ko. Masaya akong makita siya ulit dahil talagang masarap kausap si Judah. Madami kami laging napagkukuwentuhan at talagang hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.Nakatalikod siya at nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa habang nakayuko at tila may iniisip na malalim. Ang guwapo tingnan ni Judah sa suot nitong white long sleeves na nakatupi hanggang siko. Noong college kasi kami ay ayaw niyang magsuot ng formal tulad ng long sleeves. T-shirt na black ang hilig niyang suotin noon. Nakakatuwa dahil marunong na siyang magdamit ng ibang kulay bukod sa itim. At talaga namang bagay na bagay na sa kaniya. Kaya ang daming nahuhumaling sa kaniya na mga babae.Agad niya akong nilingon pagkarinig niya sa pagtawag ko sa kaniya."Hi," tipid niyang bati sa akin. Tipid din siya ngumiti kaya naninibago ako sa kinikilos
ELLIE"SAAN TAYO pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?" Nakakunot ang noo ko na tanong kay Uno. Hindi ito ang daan namin papunta sa bahay na bagong bili niya. "May trabaho pa ako, Uno. Saka nasa opisina pa ang mga gamit ko at siguradong hahanapin nila ako."Hindi ako sinagot ni Uno. Tahimik lang siya na nagdadrive. Nayayamot ako bigla sa kaniya. "Uno, slow down." Utos ko sa kaniya dahil biglang bumilis ang pagpapatakbo niya sa kaniyang sasakyan. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.Huminahon na rin naman siya pero parang may humahabol sa amin kaya ang bilis nang pagpapatakbo niya ng sasakyan."Uno, naririnig mo ba ako? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi na kita maintindihan. You're acting weird. Nagalit ka kay Uno ng walang dahilan.""Nothing," tipid niyang sagot sa'kin. Nagsalubong na naman ang kaniyang kilay.Nothing lang ang sagot niya. Nothing pa ba iyon na kung wala kami sa pampublikonh lugar baka kung ano na ang nagawa niya kay Judah.Nararamdaman ko na may mali. Ang biglaan niy
ELLIEUNTI-UNTI AKONG nagmulat ng mata. Puting-puti na silid ang bumungad sa akin paggising ko. Masakit ang katawan ko at nanghihina ang pakiramdam ko. Nasa hospital ako. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid ng hospital. Wala akong kasama.Si Uno!Nang maalala ko si Uno agad kong sinubukan na bumangon. Pinilit kong tanggalin ang dextrose na nasa kamay ko. Pumasok sina Judah at Reese."Ellie! God, you're awake," ani Judah.Agad silang lumapit sa akin. Hinawakan ni Judah ang kamay ko para awatin sa ginagawa kong pagtanggal ng dextrose. I hate this! Ayaw ko sa hospital. I need to see him. I need to see Uno. Gusto kong malaman kung maayos ang kalagayan niya.Hindi ko kakayanin kong may mangyaring masama sa kaniya."Ellie, magpahinga ka muna." Awat sa akin ni Judah. Pinipilit niyang pahigain ako ulit. Kahit masakit ang katawan ay ininda ko iyon dahil gusto ko makita si Uno. Gusto ko malaman ang kalagayan niya. Nangilid agad ang luha ko sa pag-aalala kay Uno.Nakita ko rin na nasa
ELLIEPAGKALABAS KO ng hospital ay bumalik agad kami ng Maynila. Pupuntahan ko si Uno. Wala na ako naging balita sa kaniya. Nangako sa akin sina Logan na babalitaan nila ako tungkol kay Uno pero wala akong natanggap na kahit anong balita. Tinatago nila sa akin si Uno o mayroong problema. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos sa kakaisip. Para na akong masisiraan ng ulo kakaisip kung ano na ang nangyari kay Uno. Ang sakit kasi nang ganitong pakiramdam na parang naiwan ako sa ere. Hindi ko kasi alam kung ano ang nagawa kong mali bakit bigla na lang niya akong iniwasan at iniwan. Alam kung may dahilan siya at iyon ang gusto kong malaman.Masaya pa kami bago kami naaksidente. Kaya ang sakit-sakit nang nararamdaman ko. Halos hindi ako makahinga sa sakit. Hindi ko na rin mapigil ang sarili ko kakaiyak. Naaawa na ako sa anak ko pero talagang nasasaktan ako.Hindi ko na makontak ang kaniyang number. Si Tita Criselda ay nagpalit na rin ng number. Sinubukan ko na rin tumawag kay San
ELLIE“SO, ALAM NIYO ni Mark?” Nangingilid ang luha ko habang tinatanong ko kina Reese at Mark ang tungkol sa sitwasyon ni Uno at Sandra. Gusto kong sumigaw sa inis dahil tinago nila sa akin ang totoo. Gusto ko rin magalit kay Uno dahil pinaglihiman niya ako pero hindi ko magawa. “All these time, alam niyo pero hindi niyo man lang nagawang ipaalam sa akin ang totoo. Bakit? Mukha ba talaga ako kaiwan-iwan sa ere? Noon si mommy, iniwan ako ng hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan na lang. Tapos ngayon, ganito rin ang ginawa sa akin ni Uno. Basta na lang niya akong iniwan ng hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya!”Tuluyan na akong napaiyak. I can't control my emotions anymore. I'm tired; emotionally and physically tired. Pero hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Not now. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Uno na ayaw na niya, hindi ako bibitaw. I'll fight for him. I'll fight what we have. I will still hold on to our promise.Nangako siya e. Nangako kami isa'
AWANG-AWA si Reese sa kalagayan ng kaibigan niya na simula kahapon ay patuloy lang ito sa pag-iyak. Naabutan nila si Ellie na basang-basa ito ng ulan nang pinuntahan nila ni Mark sa bahay ni Uno. Hindi matanggap ni Ellie ang dahilan ni Uno. Hindi man lang niya nasabi kay Uno ang dapat niyang sabihin na buntis siya dahil naunahan na siya nito ng ibang balita.Sa condo na ni Reese dinala nila si Ellie. Sinubukan nilang tawagan si Uno ngunit nabigo lamang sila. Si Ellie rin ang nagsabi na umalis na si Uno kasama ang buong pamilya nito at si Sandra dahil buntis ito.Parehas na hindi naniniwala sina Reese at Mark dahil saksi sila kung gaano kamahal ni Uno si Ellie simula noong college pa lamang sila.“Ellie, tama na iyan. Makakasama sa baby mo ang ginagawa mo.”Nakahiga lang si Ellie at hindi pa rin bumabangon para kumain ng agahan. “Hayaan mo na ako, Reese. Kahit ngayon lang, please?” She knew she needed to release all the pain that she's feeling right now. Pagkatapos no'n ay susubukan n