LOGINPagmulat pa lang ng mga mata ni Regine kinabukasan, parang binibiyak na ang ulo niya. Pakiramdam niya ay may maliit na construction crew na nagpupukpok ng bakal sa loob ng bungo niya buong gabi.
Napangiwi siya at mabilis na nagtakip ng unan sa mukha nang masilaw sa liwanag na pumapasok mula sa bintana.
“Oh, God.”
Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at napahawak sa sentido niya. Nahihilo pa siya, kaya ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, hinihintay na kumalma ang pag-ikot ng paligid.
Pero kasabay ng pagkawala ng hilo niya ay ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala kagabi.
Ang alak, ang tahimik na hallway, ang pagkatok niya sa p***o ni Oscar, ang amoy nito, at ang madilim nitong mga mata.
At biglang nanlaki ang mga mata ni Regine. Napahawak siya nang mahigpit sa kumot.
Wait.
Hindi. Imposible. Baka nananaginip lang siya. Pero habang pilit niyang binabalikan ang bawat detalye, mas lalong nagiging malinaw ang lahat. Totoong pumunta siya sa kwarto ni Oscar. Totoong humakbang siya palapit dito hanggang sa halos magkadikit na sila.
At totoong tinanong niya ito, nang diretso, walang preno, at walang hiya.
Uncle Oscar, why do you look at me like you want me?
Napayuko si Regine at ibinaon ang mukha sa mga palad niya. “No. No, no, no…”
Gusto niyang lamunin siya ng kama niya ngayon din. Gusto niyang magtago at huwag nang lumabas ng kwarto. Paano niya haharapin si Oscar ngayon?
Pero sa kabila ng matinding hiya, may isang katotohanan siyang hindi maitanggi. Hindi niya inimbento ang tingin nito. Nakita niya iyon, at ramdam na ramdam niya hanggang ngayon.
Napabuntong-hininga siya nang malalim bago pilit na bumangon. Kailangan niyang harapin ito. Kailangan niyang umarte na parang walang nangyari at trabaho lang ang pumapasok sa isip niya.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas siya ng kwarto. Tahimik ang buong bahay, pero agad niyang naamoy ang pamilyar na aroma ng brewed coffee mula sa kusina. At doon niya nakita si Oscar.
Nakatayo ito sa kitchen island, may hawak na kape sa isang kamay, habang seryosong nagbabasa ng isang project folder. Suot na nito ang usual na button-down shirt na nakatupi hanggang siko, mukhang pormal at handa na para sa trabaho. Parang naramdaman nitong may nakatingin sa kanya dahil dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata nila. Tapos, mabilis na umiwas ng tingin si Oscar. Ibinalik nito ang atensyon sa folder na parang walang nakita, na parang siya ang huling taong gusto nitong makaharap ngayong umaga.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Regine, hinaluan ng kaba at kaunting inis.
“Good morning,” mahina niyang bati dito at pilit pinapatatag ang boses niya.
“Morning.”
Isang salita lang ang sagot nito at wala pang ngiti. Wala ang nakasanayan niyang pagbati mula sa lalaking pamilyar sa kanya.
Humakbang siya palapit. “About last night…”
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni Oscar. “Forget about it.”
Napatigil si Regine. “What?”
“You were drunk.”
“Tipsy lang yon.”
“Regine.” May diin ang pagtawag nito sa pangalan niya.
“Okay. Fine. I was tipsy.” Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag niya. “But I remember what I said.”
Tuluyan nang isinara ni Oscar ang hawak nitong folder at ibinaba sa mesa. “It doesn't matter.”
“It matters to me.”
Balot ng katahimikan ang kusina. Tanging ang mahinang ugong lang ng refrigerator ang naririnig. Sa pagkakataong ito, hindi umiwas si Regine. Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito.
“Did I imagine it?” tanong niya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Oscar. “Imagine what?”
“The way you looked at me.”
Hindi ito sumagot. Pero para kay Regine, ang katahimikang iyon ay mas malakas pa sa anumang salita. Lalo lang siyang kinabahan.
“You did,” mahina pero siguradong sabi niya.
“Regine—”
“You looked at me differently.”
“You weren't in your right mind.”
“That doesn't answer my question.”
Nakita niyang tumigas ang panga ni Oscar. “There's nothing you need to know.”
“Then why are you avoiding me?”
Natigilan ang lalaki. “I'm not.”
“You haven't even looked at me properly since I walked in.”
Nang sabihin niya iyon, tumitig nang diretso si Oscar sa kanya. At biglang nagsisi si Regine na hinamon pa niya ito. Dahil nandoon na naman ang parehong tingin kagabi. The same intensity. The same dark, unspoken warmth. Isang tingin na imposibleng gawa-gawa lang ng isip niya.
“We need to go to the site,” malamig at pormal na sabi nito, bago kinuha ang mga dokumento at naglakad papunta sa pintuan.
“Oscar.”
Huminto ito, pero hindi lumingon.
“You didn't answer me.”
Ilang segundo itong nanatiling nakatalikod. Puno ng tensyon ang malapad nitong balikat. Nang bahagya itong lumingon, ang mga salitang binitawan nito ay nagpatayo ng mga balahibo niya.
“Because you don't want the answer.”
Tuluyan na itong lumabas ng bahay. Naiwan si Regine sa gitna ng kusina, nakatulala. Mas lalong nagulo ang isip niya.
Pero isang bagay ang malinaw: May sagot si Oscar, ayaw lang nitong aminin.
Pagdating nila sa construction site, ginawa ni Regine ang lahat para magpaka-professional. Architect siya at twenty-five years old na rin siya. Hindi siya dapat nagpapadala sa emosyon, lalo na kung ang dahilan ay ang lalaking buong buhay niyang tinawag na Uncle Oscar.
Kaya ibinuhos niya ang buong atensyon niya sa floor plans. Ang problema, si Oscar ang naka-assign na makipag-review sa kanya para sa revised layout.
Nakatayo sila sa harap ng isang improvised na mesa, nakalatag ang malaking blueprint sa pagitan nila. Maingay ang paligid dahil sa mga makina, pero para kay Regine, ang naririnig lang niya ay ang sarili niyang paghinga.
“This column has to move two feet inward,” turo niya sa isang linya sa papel.
“Then the circulation path gets tighter,” seryosong sagot nito.
“We can adjust the partition here.”
Lumapit si Oscar para tingnang mabuti ang itinuturo niya. Masyadong malapit silang dalawa kaya biglang naamoy ni Regine ang pamilyar na pabango nito na humalo sa amoy ng alikabok at init ng site. Hindi niya alam kung bakit apektadong-apektado pa rin siya sa simpleng presensya nito.
Hindi niya napansing gumalaw rin ang kamay niya hanggang sa sabay nilang inabot ang iisang bahagi ng blueprint. Nagtama ang mga daliri nila at parang may kuryenteng dumaloy mula sa balat nito papunta sa kanya. Pareho silang napatigil pero mabilis na binawi ni Oscar ang kamay nito na parang napaso.
“Sorry.”
“It's fine,” mahinang sagot ni Regine.
Pero wala sa kanila ang agad nakabalik sa pagtingin sa drawing. Ramdam ang init sa pagitan nila, isang tensyong pareho nilang iniiwasan. Mabuti na lang, may isang batang engineer na lumapit sa kanila.
“Regine.”
Napalingon siya. Si Ethan, isa sa mga gwapong structural engineers ng project. Nakangiti ito sa kanya.
“Lunch later?” tanong nito, halatang nagpapacute.
“Sure,” mabilis na sagot ni Regine, higit pa sa kagustuhang makaalis sa awkward na sitwasyon nila ni Oscar.
Pero sa gilid ng paningin niya, nakita niya kung paano biglang tumigas ang ekspresyon ng kasama.
“We have a meeting at one,” malamig at awtoritaryan na sabi ni Oscar.
Napalingon si Regine, salubong ang kilay. “We do?”
“Yes.”
“You didn't tell me.”
“I'm telling you now.” Diretso ang tingin ni Oscar sa kanya, madilim at parang naghahamon.
Nagkatinginan sila. At sa likod ng seryosong mukha nito, may nakita siyang ibang emosyon na pilit nitong itinatago.
Selos.
Hindi siya sigurado, pero hindi niya maitanggi ang biglang kilig na sumabog sa dibdib niya. Ang sarap sa pakiramdam na makita itong apektado.
“Maybe next time,” nakangiting sabi ni Regine kay Ethan. Tumango naman ang lalaki at nagpaalam na.
Nang silang dalawa na lang ulit, nanatiling nakatiim ang bagang ni Oscar.
“Why are you so mad?” pang-aasar ni Regine.
“I'm not mad.”
“You look mad.”
“Focus on your work, Regine.”
Napangiti siya nang palihim. “Yes, Uncle Oscar.”
Gusto niyang matawa nang makita ang bahagyang pagkislot ng panga nito nang marinig ang tawag niya. Paborito niya itong inisin ngayon. Pero bago pa siya makahirit ulit, isang malakas na kalabog ang umalingawngaw mula sa itaas na palapag ng ginagawa nilang building.
Napatingala si Regine. Isang mabigat na construction material ang nahulog mula sa itaas, diretso sa pwesto niya.
Napaatras siya, pero parang bumagal ang oras.
“Regine!”
Bago pa siya tuluyang makaiwas o makasigaw, isang malakas na braso ang mabilis na humila sa kanya palayo. Isang iglap lang, tumama na ang likod niya sa matigas na dibdib ni Oscar.
Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya na tila ba protective ito sa kaniya. Nakabaon ang mukha niya sa balikat nito at halos hindi siya makahinga sa higpit ng yakap nito.
Isang malakas na boom ang narinig nila nang bumagsak ang materyales sa mismong pwesto niya kanina. Alikabok ang sumabog sa paligid.
Nanginginig si Regine. Pero mas nanginginig ang lalaking nakayakap sa kanya. Rinig na rinig niya ang napakabilis at malakas na tibok ng puso ni Oscar. At sa pagkakataong iyon, alam niyang hindi lang siya ang natatakot.
“Are you okay?” paos at nag-aalalang tanong nito, sinusuri ang mukha at braso niya.
Tumango siya at pilit kinakalma ang sarili. “I'm fine.”
Pero hindi agad siya binitiwan ni Oscar. Nanatili ang mga kamay nito sa baywang at braso niya. Nakatitig lang ito sa mga mata niya, parang tinitiyak na buhay siya at nasa harap nito.
“I thought you were going to get hurt,” bulong nito, nanginginig ang boses.
“Were you scared?” mahina niyang tanong, nakatingala rito.
Saglit itong pumikit, parang may pinipigilang sumabog sa loob nito. Pagmulat nito, nawala na ang lahat ng pader at propesyonalismong kanina pa nito suot. Ang tanging natira ay isang lalaking handang isugal ang lahat.
“I'm always scared when it comes to you, Regine.”
Pagkasabi nito, dahan-dahan siyang binitiwan ni Oscar. Mabilis itong tumalikod at naglakad palayo bago pa man siya makapagsalita o maitanong kung ano ang ibig nitong sabihin.
Naiwan si Regine sa gitna ng alikabok, hindi makagalaw. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. At sa unang pagkakataon, hindi na siya sigurado kung sino sa kanilang dalawa ang mas nahihirapan sa nararamdaman nila.
“I don't know if I'll be able to stop myself next time.”Paulit-ulit na umuugong ang mababa at paos na boses ni Oscar sa isip ni Regine. Parang sirang plaka na nag-play sa utak niya habang naglalakad siya papalabas ng conference room.Huminto siya sa gitna ng tahimik na hallway. Mahigpit pa rin ang hawak ng nanginginig niyang mga daliri sa strap ng kanyang bag, pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya palayo.Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis dahil ginugulo nito ang isip niya. Mahiya dahil sa naging reaksyon niya. O kiligin dahil sa wakas, may ipinahiwatig na ito.“Damn you, Oscar,” mahinang bulong niya sa kawalan, kinakagat ang ibabang labi.Ilang segundo siyang nakatitig sa nakasarang pinto ng conference room. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang pilitin itong sabihin kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.Pero mas pinili niyang tumalikod at umalis. Dahil sa unang pagkakataon, natakot siyang baka kapag bumalik siya, tuluyan nang mabago ang lahat at hindi na siya
Kinabukasan ng gabi, unusually lively ang bahay ng mga Darasin. Pagpasok pa lang ni Regine, dinig na agad niya ang tawanan mula sa dining room. May intimate dinner ang kaniyang daddy kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya nila. At gaya ng inaasahan niya, nandoon si Oscar.Nakatayo ito sa tabi ng kaniyang daddy habang may seryosong pinag-uusapan, one hand resting casually sa sandalan ng upuan nito. Mukhang normal na normal itong tingnan ngayon na para bang walang nangyari sa pagitan nila.Parang hindi siya nito sadyang iniwasan buong araw. Parang hindi siya nito tinitigan kahapon na para bang siya ang nag-iisang bagay na gustong-gusto nito, ngunit hindi kailanman maaaring angkinin.Huminga nang malalim si Regine para pakalmahin ang sarili bago tuluyang pumasok.“You're late,” pansin agad ng kaniyang daddy.“Traffic po kasi, Dad.”Inilapag niya ang bag sa bakanteng upuan at magalang na binati ang mga bisita. Pagkatapos ay dahan-dahang napadako ang paningin niya kay Oscar.Nan
Hindi nawala sa isip ni Regine ang huling sinabi ni Oscar.“I'm always scared when it comes to you, Regine.”Ilang beses na nag-echo ang mga salitang iyon sa utak niya mula nang iwan siya nito sa site. Kahit noong nakahiga na siya kagabi at pilit pinipikit ang mga mata, hindi niya matanggal sa isip ang paos na tono ng boses nito. Hindi iyon simpleng pag-aalala. Hindi rin iyon tunog ng isang ordinaryong kaibigan ng kaniyang ama na nag-aalala sa isang bata.There was something in the way he had said it. Isang mabigat na emosyon na hindi na niya pwedeng basta-basta na lang i-ignore.Kaya kinabukasan, pagtapak pa lang niya sa opisina, buo na ang desisyon niya. Kakausapin niya si Oscar. Wala nang takas-takas. Hindi na niya kayang magkunwari na walang nangyari sa pagitan nila.Pero buong umaga, parang sinadya talaga ng lalaki na iwasan siya.Sa meeting room, naging masyado itong propesyonal at ni hindi man lang siya tiningnan nang diretso. Kapag nasa site naman sila, puro trabaho, sukat, at
Pagmulat pa lang ng mga mata ni Regine kinabukasan, parang binibiyak na ang ulo niya. Pakiramdam niya ay may maliit na construction crew na nagpupukpok ng bakal sa loob ng bungo niya buong gabi.Napangiwi siya at mabilis na nagtakip ng unan sa mukha nang masilaw sa liwanag na pumapasok mula sa bintana.“Oh, God.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at napahawak sa sentido niya. Nahihilo pa siya, kaya ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, hinihintay na kumalma ang pag-ikot ng paligid.Pero kasabay ng pagkawala ng hilo niya ay ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala kagabi.Ang alak, ang tahimik na hallway, ang pagkatok niya sa pinto ni Oscar, ang amoy nito, at ang madilim nitong mga mata.At biglang nanlaki ang mga mata ni Regine. Napahawak siya nang mahigpit sa kumot.Wait.Hindi. Imposible. Baka nananaginip lang siya. Pero habang pilit niyang binabalikan ang bawat detalye, mas lalong nagiging malinaw ang lahat. Totoong pumunta siya sa kwarto ni Oscar. Totoong humakbang si
Hindi na mabilang ni Regine Darasin kung pang-ilang baso na ng wine ang hawak niya. Ang alam lang niya ay sa halip na makatulog, parang mas lalo lang gumugulo ang isip niya sa bawat paglagok. Bawat lagok pa niya ay parang pinaparusahan niya ang kaniyang lalamunan. Bawat agos ng likido ay parang katapusan na rin ng kaniyang mundo.“This is ridiculous,” mahinang bulong niya sa sarili, ramdam na naman niya ulit ang init ng alak na gumuguhit sa lalamunan niya.Pero kahit ilang beses niya pang pagalitan ang sarili, hindi maalis sa isip niya ang dahilan kung bakit siya nagpapakalasing ngayong gabi.Si Oscar. Walang ibang rason kundi si Oscar. Tangina talaga! Napapamura na naman siya kapag naalala niya.Buong hapon, hindi siya tinatahimik ng nangyari. Kanina sa construction site, magkatabi sila sa harap ng isang malaking structural plan. Sa normal na araw nila parang wala namang kakaiba roon. Pareho silang architect, at bilang lead designer si Oscar, madalas talaga silang magkasama. Sanay na







