LOGIN“I don't know if I'll be able to stop myself next time.”
Paulit-ulit na umuugong ang mababa at paos na boses ni Oscar sa isip ni Regine. Parang sirang plaka na nag-play sa utak niya habang naglalakad siya papalabas ng conference room.
Huminto siya sa gitna ng tahimik na hallway. Mahigpit pa rin ang hawak ng nanginginig niyang mga daliri sa strap ng kanyang bag, pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya palayo.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis dahil ginugulo nito ang isip niya. Mahiya dahil sa naging reaksyon niya. O kiligin dahil sa wakas, may ipinahiwatig na ito.
“Damn you, Oscar,” mahinang bulong niya sa kawalan, kinakagat ang ibabang labi.
Ilang segundo siyang nakatitig sa nakasarang p***o ng conference room. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang pilitin itong sabihin kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.
Pero mas pinili niyang tumalikod at umalis. Dahil sa unang pagkakataon, natakot siyang baka kapag bumalik siya, tuluyan nang mabago ang lahat at hindi na siya makawala.
Kinabukasan, halos hindi dinalaw ng antok si Regine. Sa tuwing pipikit siya, pilit na sumisingit sa isip niya ang mukha ni Oscar kagabi.
The way his jaw tightened, na parang hirap na hirap itong magpigil. The way he looked at her—madilim, malalim, at tila nakakapaso. The way his voice had dropped nang ibigay nito ang babala.
At higit sa lahat, iyong mismong sinabi nito.
I don't know if I'll be able to stop myself next time.
Hindi niya alam kung ilang beses niyang ni-replay iyon sa isip niya. Bago siya tuluyang bumangon mula sa kama, isang tanong ang paulit-ulit na bumagabag sa kanya.
Gusto ba talaga siya ni Oscar? At kung oo—hanggang saan?
Pagdating niya sa office, inakala niyang mas makakahinga siya nang maluwag. Pero mas lalo lamang naging mahirap ang lahat.
Pagpasok niya pa lang, nahagip na agad ng paningin niya si Oscar sa lobby. Naka-dark blue polo ito na bumabakat sa malalapad nitong balikat, may hawak na tablet at ilang rolled plans. Kasama nito ang dalawang senior engineers na seryosong nakikipag-usap rito.
Nang mapansin siya nito, sandaling nagtama ang mga paningin nila.
Saglit lang. Isang mabilis na sulyap bago agad umiwas ng tingin si Oscar at ibinalik ang atensyon sa mga kausap.
Napakunot ang noo ni Regine. Again? Hindi ba nito kayang tumitig sa kanya nang higit sa dalawang segundo kapag may ibang tao?
Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit bago pa siya makalampas, narinig niya ang boses nito.
“Regine.”
Huminto siya at lumingon. “Yes?”
“Meeting room. Ten minutes.”
Tumango siya. Ang tono nito—professional. Cold. As if nothing happened kagabi.
Napabuntong-hininga nang malalim si Regine. Fine. Kung iyon ang gusto nitong mangyari, kaya rin niyang maging professional.
Makalipas ang sampung minuto, nasa meeting room na silang lahat. Si Oscar ang namumuno sa discussion. He was calm, focused, and untouchable. Halos hindi dumapo ang paningin nito sa kanya.
At habang nagpapatuloy ang meeting, mas lalong naiinis si Regine. Kasi kagabi, ibang Oscar ang nakita niya. Ngayon, parang walang nangyari. Parang hindi siya muntik nitong halikan. Parang hindi nito sinabi sa kanya na baka hindi na nito kayang pigilan ang sarili.
“Regine?”
Napatingala siya. Nakatitig na pala sa kanya si Oscar.
“We're waiting for your input.”
Napatikhim siya at umayos ng upo. “Sorry.” Itinuro niya ang isang bahagi ng floor plan na nasa screen. “I think we can widen the hallway by moving this partition three feet inward.”
Oscar nodded slowly. “That works.”
Wala nang iba. No teasing smile. No unnecessary glances. Nothing.
Nang matapos ang meeting, mabilis na nagkanya-kanyang labas ang lahat. Pero nanatili si Regine sa upuan niya. Bago pa tuluyang makalabas ng p***o si Oscar, tinawag niya ito.
“Oscar.”
Huminto ito, ang kamay ay nasa doorknob.
“We need to talk.”
“About work?” hindi lumilingon na tanong nito.
“You know it's not about work.”
Nakita ni Regine ang mabagal na pagpikit ni Oscar bago ito humarap. “Regine.”
“Last night.”
“I shouldn't have said that.”
Napatigil siya, nakaramdam ng kurot sa dibdib. “Why?”
“Because it complicates things.”
“For who?”
“For both of us.”
Humakbang si Regine palapit, hindi hinahayaang matakot siya sa malamig nitong awra. “You're avoiding the question.”
“There is no question.”
“There is.” Nakatitig si Regine nang diretso sa mga mata nito. “Do you want me?”
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng meeting room. Diretso lamang ang tingin nito sa kanya. Hindi ito umiwas. Hindi rin ito nagtangkang magsinungaling. At ang lalim ng mga mata nito ang mismong nagbigay sa kanya ng sagot bago pa man ito bumuka ang bibig.
“Yes,” mahina, ngunit buong-buong sabi nito.
Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ni Regine. Isang salita, pero parang napakalaki ng epekto nito sa buong pagkatao niya.
“You do?”
Oscar swallowed hard. Nakita niya ang paggalaw ng Adam's apple nito. “Yes.”
Mahina ang boses nito. Controlled, but brutally honest. “At iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating maglagay ng boundaries.”
Napatawa si Regine, pero walang halong saya ang tawa niya. “Boundaries?”
“Yes.”
“Because you think I'm too young?”
“No.”
“Because I'm your best friend's daughter?”
Nanatiling tahimik si Oscar, blangko ang ekspresyon.
“And because you think he'll hate you?” giit niya.
Mas lalong umigting ang matigas na panga ng lalaki. “Your father trusts me.”
“And you think loving me would betray him?”
Bumaba ang tingin ni Oscar sa sahig nang ilang segundo bago muling nag-angat ng tingin. “Yes.”
Natahimik si Regine. Napalunok siya bago ibinagsak ang tanong na bumabagabag sa kanya buong gabi.
“So if my father wasn't your best friend…” Huminto siya, pilit kinakalma ang nagwawalang puso habang nakatingin si Oscar sa kanya. “…would you want me?”
Hindi agad sumagot si Oscar. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na kailangan ng mga salita. Dahil nakita niya ang nag-aalab na emosyon sa mga mata nito, isang pag-amin na pilit nitong ikinukulong.
“Yes.”
Napabuntong-hininga siya at tipid na ngumiti. “Then maybe my father isn't the only one you're afraid of.”
Oscar said nothing. Dahil pareho nilang alam na tama siya. Natatakot din itong sumugal.
Mula noon, naging mas mahirap ang lahat.
Sa site, sobrang professional ni Oscar. Sa office, wala itong kinakausap sa kanya maliban sa trabaho. At kapag may ibang lalaking nagtatangkang lumapit kay Regine, pilit nitong itinatago ang reaksyon nito sa likod ng seryosong mukha.
Ngunit isang bagay ang hindi kayang itago ng lalaki, gaano man ito kagaling magkunwari.
Ang selos.
Bandang tanghali, habang nag-iikot sila sa site, masiglang lumapit si Ethan sa pwesto niya.
“Hey, Regine.”
Ngumiti siya. “Hi.”
“Are you free for lunch?”
Mas lumawak ang ngiti niya nang maisip ang masarap na pagkain. “Maybe.”
“There's a new café a few blocks from here. I was hoping—”
Bago pa man siya makasagot, isang pamilyar at malamig na boses ang sumingit.
“She has work.”
Naramdaman ni Regine ang pagtayo ng mga balahibo niya sa batok. Napalingon siya at nakita si Oscar na nakatayo hindi kalayuan. Madilim ang mukha nito habang nakatingin kay Ethan.
“Excuse me?” mataray niyang tanong.
Oscar shifted his dark gaze to her. “We have work.”
Napangisi siya. “Do we?”
“Yes.”
“You didn't say that five minutes ago.”
“I am saying it now,” matigas nitong sagot, hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.
Napatawa nang alanganin si Ethan. “I can wait.”
“No,” mabilis na putol ni Oscar.
Mas lalong napataas ang kilay ni Regine. Pinipigilan niyang mapangiti. “No?”
Oscar seemed to realize how dominant and controlling he sounded. Napatikhim ito at bahagyang umiwas ng tingin. “I mean, the deadline is tomorrow. We can't afford delays.”
Ethan nodded, taking the hint. “Another time, then.”
“Sure,” sagot ni Regine, sinasadya pang lakasan ang boses.
Pagkaalis ni Ethan, agad niyang hinarap si Oscar, nakapamaywang.
“You're jealous.”
“No.”
“You are.”
“No.”
“Then why did you just practically chase him away?”
Oscar sighed, mukhang pagod na makipagtalo. “You shouldn't encourage him.”
“Why?”
“Because he wants you.”
“And?” pang-aasar niya.
“You don't know him.”
“And you do?”
“We work together.”
Tuluyan na siyang napangiti. “You don't have the right to decide who I date, Oscar.”
“I know.”
“Then stop acting like you do.”
Huminga nang malalim si Oscar. Umigting muli ang panga nito at nakita ni Regine kung paano nagdilim ang mga mata nito, isang tingin na nagpabilis ulit sa tibok ng puso niya.
“Regine.”
“What?” matapang niyang sagot, kahit nanginginig ang tuhod niya sa klase ng pagkakatingin nito.
His eyes darkened even more, filled with frustration. “I am trying very hard not to care.”
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.
“Trying?”
“Yes.”
“And failing?”
Hindi ito sumagot, nag-iwas lang ng paningin. Pero sapat na ang reaksyong iyon para malaman niya ang totoo.
Bandang hapon, nagkaroon ng problema sa isang portion ng east wing. May structural measurement na hindi nagtutugma sa latest plans, kaya kinailangan nilang bumalik sa upper floor para personal na inspeksyunin iyon.
Sila lamang dalawa ang ipinadala.
Tahimik ang biyahe papunta roon. Parehong nakatutok sa kani-kanilang trabaho. Pero sa loob ng sasakyan, pakiwari ni Regine ay sinasakal siya ng mabigat na katahimikan at ng tensyon sa pagitan nila.
Sa wakas, hindi na niya matiis at siya na ang bumasag sa katahimikan.
“How long have you been single?”
Nagtaas ng kilay si Oscar, halatang nagulat sa biglaang tanong. “What?”
“You heard me.”
“Why are you asking?”
“Because I want to know.”
“Does it matter?” seryosong balik nito, nakatutok pa rin sa kalsada.
“To me, yes.”
Huminga ito nang malalim bago bahagyang lumuwag ang hawak sa manibela. “A few years.”
“Why?”
“I've been busy.”
“That's not the real answer, Oscar.”
Tahimik ito. Ayaw nitong magpatalo.
“Did you ever love anyone?” usisa pa niya.
Matagal bago sumagot si Oscar. Parang pinag-isipan muna nitong mabuti kung bubuksan ba ang sarili.
“Not enough.”
Napatingin siya rito, pinagmamasdan ang perpektong side profile ng lalaki.
“What does that mean?”
“I never found anyone I wanted enough to risk everything for.”
Hindi na nagsalita si Regine. Nilamon sila ng katahimikan habang binabagtas ang kalsada. Ilang segundo ang lumipas, bago siya muling bumulong.
“Until now?”
Napatingin si Oscar sa kanya. Isang mahaba at mabigat na tingin. Pagkatapos ay ibinalik nito ang atensyon sa daan, pilit pinapatigas ang ekspresyon ng mukha.
Hindi nito sinagot ang tanong. Pero minsan, ang katahimikan ang pinakamalakas na sagot.
Pagdating nila sa upper floor ng site, agad silang nagsimulang mag-inspeksyon. Habang maingat na sinusukat ni Regine ang isang section ng pader, may narinig siyang kaluskos sa likuran. Napalingon siya, at sa hindi sinasadyang pagkakataon, hindi niya napansin ang hindi pantay na bahagi ng semento sa sahig.
Isang maling hakbang. Nawalan siya ng balanse.
“Regine!”
Bago pa man siya bumagsak sa magaspang na sahig, naramdaman na niya ang malalakas na braso na sumalo sa kanya.
Agad siyang nahawakan ni Oscar, isang kamay nito ay mahigpit na nakakapit sa braso niya, at ang isa ay nakapulupot nang mahigpit sa manipis niyang bewang. Dahil sa gulat, awtomatikong napakapit si Regine sa malalapad nitong balikat.
For a few seconds, tumigil ang ikot ng mundo. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw.
Masyado silang malapit sa isa't isa. Naamoy niya ang pamilyar at panlalaking scent nito—amoy ng malinis na kape at mamahaling pabango. Ramdam niya ang maiinit nitong hininga sa kanyang mukha. At higit sa lahat, ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib nito na tumatama sa sarili niyang katawan.
“Are you okay?” paos na tanong ni Oscar, ang mga mata ay nakatutok nang maigi sa mukha niya.
“Yes,” breathless niyang sagot.
Pero hindi siya binitiwan nito.
“Then why aren't you moving?”
Nagtagpo ang mga mata nila. “I don't know.”
Mababa at halos bulong na ang boses ni Oscar. “Neither do I.”
Bumaba ang paningin ni Regine sa mga labi ng lalaki. At napansin niyang ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Nakatitig si Oscar sa mga labi niya na parang uhaw na uhaw ito.
Walang kumilos. Parang tumigil ang oras. Pero sapat na ang ilang segundong iyon para maunawaan nilang pareho ang gusto nilang gawin.
Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Oscar. Kusang napapikit si Regine, naghihintay. Huminto ito nang ilang pulgada na lang ang layo mula sa labi niya. Naramdaman na niya ang init ng hininga nito, halos magdampi na ang mga labi nila.
Pero sa huling segundo, umatras si Oscar.
Agad nitong binitiwan ang bewang niya at inilayo ang sarili, parang biglang napaso at natakot sa sarili nitong emosyon. Tumalikod ito, pilit kinakalma ang paghinga.
“Let's go.”
Napakurap si Regine, naiwang nakatayo at gulong-gulo. “That's it?”
“Regine.”
“No.” Hindi siya pumayag.
Nagsimulang maglakad palayo si Oscar, pero hindi niya ito hinayaang makalayo.
“You can't keep doing this!” sigaw niya.
Huminto ito pero hindi lumingon.
“You keep making me feel wanted, then unwanted,” garalgal ang boses na sumbat niya. Nanatiling nakatalikod si Oscar, pero nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito. “You can't keep pulling me close and pushing me away whenever you get scared.”
“Then stop coming closer,” mariing sagot nito, ang boses ay puno ng frustration.
Napatawa siya nang mapait. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata niya. “I tried.”
Dahan-dahang lumingon si Oscar. At sa pagkakataong iyon, nakita ni Regine na tuluyan nang nabasag ang pader na pilit nitong itinatayo. Ang mga mata nitong laging kalmado at blangko ay puno ngayon ng matinding emosyon at pagnanasa.
“Then stop making me want you.”
Nanigas si Regine. Parang may pumiga sa puso niya sa tindi ng pagkakabitaw nito sa mga salitang iyon.
Walang makapagsalita sa kanilang dalawa. Binalot sila ng mabigat at tensyonadong katahimikan. Dahil ngayon, hindi na lang sila naghihinala. Hindi na lang sila nanghuhula sa mga pahiwatig.
Pareho na nilang alam ang totoo.
At iyon ang pinakanakakatakot na bahagi ng lahat. Dahil mula sa sandaling binitawan ni Oscar ang mga salitang iyon, alam ni Regine na wala nang paraan para bumalik pa sila sa dati.
“I don't know if I'll be able to stop myself next time.”Paulit-ulit na umuugong ang mababa at paos na boses ni Oscar sa isip ni Regine. Parang sirang plaka na nag-play sa utak niya habang naglalakad siya papalabas ng conference room.Huminto siya sa gitna ng tahimik na hallway. Mahigpit pa rin ang hawak ng nanginginig niyang mga daliri sa strap ng kanyang bag, pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya palayo.Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis dahil ginugulo nito ang isip niya. Mahiya dahil sa naging reaksyon niya. O kiligin dahil sa wakas, may ipinahiwatig na ito.“Damn you, Oscar,” mahinang bulong niya sa kawalan, kinakagat ang ibabang labi.Ilang segundo siyang nakatitig sa nakasarang pinto ng conference room. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang pilitin itong sabihin kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.Pero mas pinili niyang tumalikod at umalis. Dahil sa unang pagkakataon, natakot siyang baka kapag bumalik siya, tuluyan nang mabago ang lahat at hindi na siya
Kinabukasan ng gabi, unusually lively ang bahay ng mga Darasin. Pagpasok pa lang ni Regine, dinig na agad niya ang tawanan mula sa dining room. May intimate dinner ang kaniyang daddy kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya nila. At gaya ng inaasahan niya, nandoon si Oscar.Nakatayo ito sa tabi ng kaniyang daddy habang may seryosong pinag-uusapan, one hand resting casually sa sandalan ng upuan nito. Mukhang normal na normal itong tingnan ngayon na para bang walang nangyari sa pagitan nila.Parang hindi siya nito sadyang iniwasan buong araw. Parang hindi siya nito tinitigan kahapon na para bang siya ang nag-iisang bagay na gustong-gusto nito, ngunit hindi kailanman maaaring angkinin.Huminga nang malalim si Regine para pakalmahin ang sarili bago tuluyang pumasok.“You're late,” pansin agad ng kaniyang daddy.“Traffic po kasi, Dad.”Inilapag niya ang bag sa bakanteng upuan at magalang na binati ang mga bisita. Pagkatapos ay dahan-dahang napadako ang paningin niya kay Oscar.Nan
Hindi nawala sa isip ni Regine ang huling sinabi ni Oscar.“I'm always scared when it comes to you, Regine.”Ilang beses na nag-echo ang mga salitang iyon sa utak niya mula nang iwan siya nito sa site. Kahit noong nakahiga na siya kagabi at pilit pinipikit ang mga mata, hindi niya matanggal sa isip ang paos na tono ng boses nito. Hindi iyon simpleng pag-aalala. Hindi rin iyon tunog ng isang ordinaryong kaibigan ng kaniyang ama na nag-aalala sa isang bata.There was something in the way he had said it. Isang mabigat na emosyon na hindi na niya pwedeng basta-basta na lang i-ignore.Kaya kinabukasan, pagtapak pa lang niya sa opisina, buo na ang desisyon niya. Kakausapin niya si Oscar. Wala nang takas-takas. Hindi na niya kayang magkunwari na walang nangyari sa pagitan nila.Pero buong umaga, parang sinadya talaga ng lalaki na iwasan siya.Sa meeting room, naging masyado itong propesyonal at ni hindi man lang siya tiningnan nang diretso. Kapag nasa site naman sila, puro trabaho, sukat, at
Pagmulat pa lang ng mga mata ni Regine kinabukasan, parang binibiyak na ang ulo niya. Pakiramdam niya ay may maliit na construction crew na nagpupukpok ng bakal sa loob ng bungo niya buong gabi.Napangiwi siya at mabilis na nagtakip ng unan sa mukha nang masilaw sa liwanag na pumapasok mula sa bintana.“Oh, God.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at napahawak sa sentido niya. Nahihilo pa siya, kaya ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, hinihintay na kumalma ang pag-ikot ng paligid.Pero kasabay ng pagkawala ng hilo niya ay ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala kagabi.Ang alak, ang tahimik na hallway, ang pagkatok niya sa pinto ni Oscar, ang amoy nito, at ang madilim nitong mga mata.At biglang nanlaki ang mga mata ni Regine. Napahawak siya nang mahigpit sa kumot.Wait.Hindi. Imposible. Baka nananaginip lang siya. Pero habang pilit niyang binabalikan ang bawat detalye, mas lalong nagiging malinaw ang lahat. Totoong pumunta siya sa kwarto ni Oscar. Totoong humakbang si
Hindi na mabilang ni Regine Darasin kung pang-ilang baso na ng wine ang hawak niya. Ang alam lang niya ay sa halip na makatulog, parang mas lalo lang gumugulo ang isip niya sa bawat paglagok. Bawat lagok pa niya ay parang pinaparusahan niya ang kaniyang lalamunan. Bawat agos ng likido ay parang katapusan na rin ng kaniyang mundo.“This is ridiculous,” mahinang bulong niya sa sarili, ramdam na naman niya ulit ang init ng alak na gumuguhit sa lalamunan niya.Pero kahit ilang beses niya pang pagalitan ang sarili, hindi maalis sa isip niya ang dahilan kung bakit siya nagpapakalasing ngayong gabi.Si Oscar. Walang ibang rason kundi si Oscar. Tangina talaga! Napapamura na naman siya kapag naalala niya.Buong hapon, hindi siya tinatahimik ng nangyari. Kanina sa construction site, magkatabi sila sa harap ng isang malaking structural plan. Sa normal na araw nila parang wala namang kakaiba roon. Pareho silang architect, at bilang lead designer si Oscar, madalas talaga silang magkasama. Sanay na







