Share

Chapter 4

Author: WiloAgcol
last update publish date: 2026-08-16 17:21:18

Kinabukasan ng gabi, unusually lively ang bahay ng mga Darasin. Pagpasok pa lang ni Regine, dinig na agad niya ang tawanan mula sa dining room. May intimate dinner ang kaniyang daddy kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya nila. At gaya ng inaasahan niya, nandoon si Oscar.

Nakatayo ito sa tabi ng kaniyang daddy habang may seryosong pinag-uusapan, one hand resting casually sa sandalan ng upuan nito. Mukhang normal na normal itong tingnan ngayon na para bang walang nangyari sa pagitan nila.

Parang hindi siya nito sadyang iniwasan buong araw. Parang hindi siya nito tinitigan kahapon na para bang siya ang nag-iisang bagay na gustong-gusto nito, ngunit hindi kailanman maaaring angkinin.

Huminga nang malalim si Regine para pakalmahin ang sarili bago tuluyang pumasok.

“You're late,” pansin agad ng kaniyang daddy.

“Traffic po kasi, Dad.”

Inilapag niya ang bag sa bakanteng upuan at magalang na binati ang mga bisita. Pagkatapos ay dahan-dahang napadako ang paningin niya kay Oscar.

Nang magtama ang mga mata nila, parang biglang may humila sa hininga niya.

“Hi, Uncle Oscar.”

Tahimik lang itong nakatitig sa kanya. Madilim ang mga mata nito, bago tuluyang bumuka ang mga labi.

“Regine.”

Pangalan lang niya ang sinabi nito. Pero sa mababa at malalim nitong boses at sapat na iyon para biglang magwala ang tibok ng puso niya sa kaba. At siguro dahil sa kaunting kilig na rin.

Mabilis siyang umiwas ng tingin. Hindi puwede. Hindi siya puwedeng maging ganito ka-conscious sa bawat kilos at salita ng lalakeng ito.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang dinner nila.

Sa una, normal lang ang lahat. Nag-uusap ang kaniyang daddy tungkol sa latest project nila, habang nagdedebate naman ang ibang bisita sa ilang business matters. Paminsan-minsan ay nagsasalita si Oscar, kalmadong nagbibigay ng opinyon.

Tahimik lang si Regine sa isang tabi habang kumakain. Hanggang sa bigla siyang binalingan ng kaniyang daddy.

“How's the project going?”

“Good.”

“And work?”

“Still busy.”

Ngumiti ang kaniyang daddy na para bang nanunukso. “At least you're busy with something useful.”

“Dad.”

Tumawa pa ito. Hindi niya tuloy alam kung may napapansin na ba ang kaniyang Daddy tungkol sa mga kinikilos niya o masyado lang siyang paranoid. Mukhang mababaliw pa siya kakaisip nito. 

“I'm just saying. You're twenty-five now. You should have time for a little fun.”

Napakunot ang noo niya. “What kind of fun, Daddy?”

“Dating.”

Halos mabitawan ni Regine ang kutsara niya. Agad siyang napasulyap kay Oscar at napansin niyang bahagya ring natigil sa paghiwa ng steak ang lalaki.

Her father continued, oblivious to the sudden tension. “You haven't brought anyone home yet. Do you even have a boyfriend?”

“No.” Agad niyang sagot sa kaniyang Daddy. 

Para pa siyang robot na sumagot agad sa tanong nito para lang hindi siya nito paghinalaan na may ginagawa siyang ikakagalit nito panigurado.

“Anyone courting you?”

“No.”

“Anyone you're interested in?”

Bago pa man makasagot si Regine, isang malamig na boses ang pumutol sa usapan.

“She should focus on her career.”

Dahan-dahang lumipat ang tingin ni Regine kay Oscar. Mariin ang pagkakakuyom ng panga nito.

Her father chuckled. “That's exactly what I keep telling her.”

Hindi alam ni Regine kung bakit biglang uminit ang ulo niya. Siguro dahil sa pangingialam ni Oscar, o sa pagpapanggap nitong walang pakialam sa kaniya pero nagbibigay ng ganitong reaksyon.

“Why?” hamon niya.

Napatingin nang diretso si Oscar sa kanya. “Why what?”

“Why do you care if I date or not?”

Biglang natahimik ang buong table. Napatingin ang kaniyang daddy sa kanilang dalawa, halatang nagtataka sa biglaang tensyon.

Oscar remained calm, but his dark eyes were sending her a clear warning. “Because I know how men think.”

Napataas ang kilay ni Regine, palaban. “And you're worried someone might steal me?”

Hindi sumagot si Oscar. Ang mga mata nito ay nanatiling nakapako sa kaniya, matalim, seryoso, at may kakaibang emosyon na pilit tinatago.

Tumawa ang kaniyang daddy para basagin ang katahimikan. “Nobody's stealing my daughter.”

Pero hindi tumawa si Oscar. Hindi man lang ito gumalaw.

His eyes remained intensely on Regine. “No,” he said quietly, ang boses nito ay halos isang bulong na silang dalawa lang ang nakakaintindi. “I'm not.”

Hindi maipaliwanag ni Regine kung bakit parang napakabigat ng dalawang salitang iyon. Pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ang lalake.

~

Pagkatapos ng dinner, nagmamadaling lumabas si Regine sa dining room. Gusto na niyang makatakas sa presensya ni Oscar. Pero hindi pa siya nakakalayo nang marinig niya ang mga yabag nito mula sa likuran.

“Regine.”

Huminto siya. Paglingon niya, nakita niyang palapit ito, ang mga mata ay madilim at seryoso na nakapako sa kaniya.

“What?” mataray niyang tanong.

“What was that at the table?”

“What was what?”

“Don't do this.”

Napakrus siya ng mga braso. “You started it.”

“I was trying to protect you.”

“From what?”

“From making decisions you might regret.”

Napatawa siya nang mahina, may halong inis. “You don't get to decide that for me.”

“I know.”

“Then stop acting like you do.”

Huminga nang malalim si Oscar. Umigting ang panga nito na tila nagpipigil ng sarili. “You have no idea what you're doing to me.”

Natigilan si Regine. Kumabog nang malakas ang dibdib niya. “What did you say?”

Parang saka lamang napagtanto ng lalake ang lumabas sa bibig nito. Umiwas ito ng tingin sa kaniya. 

“Nothing.”

“You just said—”

“Forget it.”

Akmang tatalikuran na siya nito. Pero bago pa tuluyang makahakbang palayo si Oscar, hindi napigilan ni Regine ang sarili.

“Maybe you're the one I'm not supposed to be protected from.”

Huminto si Oscar.

Tahimik.

Para bang biglang nahinto ang pag-ikot ng orasan. Ilang segundong walang nagsasalita sa pagitan nila. Pagkatapos, dahan-dahan itong lumingon. At nang magtagpo ang mga mata nila, nawala ang lahat ng tapang at pang-aasar sa mukha ni Regine.

Dahil may kung anong sumiklab sa mga mata ni Oscar, isang emosyon na napakatindi, napakainit, at hindi na nito kayang itago.

“Don't say things like that,” halos paos nitong boses.

“Why?”

“Because you don't know what they mean.”

“Then tell me.”

Tahimik lang itong nakatitig sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng labanan sa pagitan ng pagpipigil at pagnanasa. Pero sa halip na sumagot, tumalikod na ito at tuluyang naglakad palayo.

Naiwan si Regine sa hallway, nakakuyom ang mga palad, at mas lalo lamang naguguluhan.

Kinabukasan, umabot hanggang gabi ang trabaho nila sa opisina. May ilang unexpected revisions sa project na kailangan nilang tapusin bago ang deadline. Kaya nang mag-alas-diyes na ng gabi, silang dalawa na lamang ni Oscar ang natitira sa conference room.

Tahimik ang buong floor. Tanging ang ugong lang ng aircon, tunog ng keyboards, at paminsan-minsang pag-flip ng mga blueprints ang maririnig.

Napahawak si Regine sa kaniyang noo, halatang pagod na. “I think this elevation is wrong.”

Lumapit si Oscar sa mesa. “You're right.”

Tumayo ito sa mismong tabi niya. Amoy na amoy ni Regine ang pabango nitong panlalaki, isang scent na nagpapabilis ng tibok ng puso niya kahit hindi niya aminin. Masyado itong malapit sa kaniya kaya pwede na niyang langhapin lahat ng amoy nito.

“Move this line here,” utos ni Oscar habang nakaturo sa papel.

Sabay nilang inabot ang lapis sa ibabaw ng mesa. Nagkabanggaan pa ang kanilang mga daliri. Parang may kuryenteng dumaloy sa balat ni Regine. Pareho silang napatigil nang maramdaman ang kuryenteng iyon. Dahan-dahang tumingala si Regine at nakita niyang nakatitig na sa kaniya si Oscar. Ngunit hindi sa mga mata niya. Kundi sa mga labi niya.

Biglang nagwala ang tibok ng puso niya. Parang naubusan ng hangin ang buong conference room.

Muli itong tumingin sa mga mata niya. “Regine…”

“What?” halos pabulong niyang sagot, hindi makagalaw.

Walang sagot. Instead, itinaas ni Oscar ang kamay nito patungo sa mukha niya. Bahagyang napaatras si Regine, hindi dahil natatakot siya, kundi dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa kaba.

May maliit na graphite mark pala siya sa pisngi. Dahan-dahan at maingat itong pinunasan ni Oscar gamit ang hinlalaki nito. Napakalambing ng kilos nito, isang bagay na hindi niya inaasahan mula sa isang lalakeng palaging seryoso.

At dahil doon, lalo lamang lumalim ang tensyon sa pagitan nila.

Hindi gumalaw si Regine. Hindi rin umurong si Oscar.

They were too close now. Sobrang lapit na halos maramdaman na niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang mukha. Napatingin si Regine sa mga labi ni Oscar. At nakita niyang bumaba rin ang tingin nito sa mga labi niya.

Her breath caught.

Isang hakbang pa at isang maliit na galaw na lang. Tuluyan nang mawawala ang distansya sa pagitan nila nang

biglang tumunog ang phone ni Oscar na parang bombang sumabog sa loob ng kwarto.

Agad itong umurong, pumuputol sa anumang mahika na namamagitan sa kanila. Bumalik ang malamig nitong composure na para bang walang nangyari.

“Hello?” sagot nito sa tawag, nakatalikod na sa kaniya.

Naiwan si Regine na nakatitig sa likod nito, pilit hinahabol ang sariling hininga. Nang matapos ang tawag, malamig na kinuha ni Oscar ang folder sa mesa. 

“We should finish tomorrow.”

Napakunot ang noo ni Regine at biglang bumalik ang inis niya. “That's it?”

“Regine—”

“You keep pulling me close, then pushing me away.” Matapang siyang humarap dito, hindi na mapigilan ang frustration niya.

Hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Gusto lang niyang ipamukha dito kay Oscar na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito sa kaniya.

Nanahimik si Oscar at hindi man lang nito nagawang sagutin ang mga tanong niya.

“You can't keep doing that to me.”

Umigting ang panga ng lalake. “Then stop coming closer.”

Natawa siya nang mapakla. “I tried.”

Saglit na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Oscar, tila nasaktan sa narinig. Pero gaya ng dati, muli nitong itinago ang emosyon. Wala itong sinabi.

Kinuha ni Regine ang bag niya. “Fine.”

Padabog siyang tumalikod at naglakad patungo sa p***o. Nakahawak na siya sa doorknob nang marinig niya ang boses ni Oscar mula sa likuran.

“Because if you come any closer, Regine…”

Huminto siya. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Ang boses nito ay mababa, magaspang, at puno ng pinipigilang pagnanasa. Hindi siya humakbang palayo rito, gusto niyang marinig ang kasunod nitong sasabihin.

“…I don't know if I'll be able to stop myself next time.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Me Hard, Uncle Oscar   Chapter 5

    “I don't know if I'll be able to stop myself next time.”Paulit-ulit na umuugong ang mababa at paos na boses ni Oscar sa isip ni Regine. Parang sirang plaka na nag-play sa utak niya habang naglalakad siya papalabas ng conference room.Huminto siya sa gitna ng tahimik na hallway. Mahigpit pa rin ang hawak ng nanginginig niyang mga daliri sa strap ng kanyang bag, pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya palayo.Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis dahil ginugulo nito ang isip niya. Mahiya dahil sa naging reaksyon niya. O kiligin dahil sa wakas, may ipinahiwatig na ito.“Damn you, Oscar,” mahinang bulong niya sa kawalan, kinakagat ang ibabang labi.Ilang segundo siyang nakatitig sa nakasarang pinto ng conference room. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang pilitin itong sabihin kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.Pero mas pinili niyang tumalikod at umalis. Dahil sa unang pagkakataon, natakot siyang baka kapag bumalik siya, tuluyan nang mabago ang lahat at hindi na siya

  • Love Me Hard, Uncle Oscar   Chapter 4

    Kinabukasan ng gabi, unusually lively ang bahay ng mga Darasin. Pagpasok pa lang ni Regine, dinig na agad niya ang tawanan mula sa dining room. May intimate dinner ang kaniyang daddy kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya nila. At gaya ng inaasahan niya, nandoon si Oscar.Nakatayo ito sa tabi ng kaniyang daddy habang may seryosong pinag-uusapan, one hand resting casually sa sandalan ng upuan nito. Mukhang normal na normal itong tingnan ngayon na para bang walang nangyari sa pagitan nila.Parang hindi siya nito sadyang iniwasan buong araw. Parang hindi siya nito tinitigan kahapon na para bang siya ang nag-iisang bagay na gustong-gusto nito, ngunit hindi kailanman maaaring angkinin.Huminga nang malalim si Regine para pakalmahin ang sarili bago tuluyang pumasok.“You're late,” pansin agad ng kaniyang daddy.“Traffic po kasi, Dad.”Inilapag niya ang bag sa bakanteng upuan at magalang na binati ang mga bisita. Pagkatapos ay dahan-dahang napadako ang paningin niya kay Oscar.Nan

  • Love Me Hard, Uncle Oscar   Chapter 3

    Hindi nawala sa isip ni Regine ang huling sinabi ni Oscar.“I'm always scared when it comes to you, Regine.”Ilang beses na nag-echo ang mga salitang iyon sa utak niya mula nang iwan siya nito sa site. Kahit noong nakahiga na siya kagabi at pilit pinipikit ang mga mata, hindi niya matanggal sa isip ang paos na tono ng boses nito. Hindi iyon simpleng pag-aalala. Hindi rin iyon tunog ng isang ordinaryong kaibigan ng kaniyang ama na nag-aalala sa isang bata.There was something in the way he had said it. Isang mabigat na emosyon na hindi na niya pwedeng basta-basta na lang i-ignore.Kaya kinabukasan, pagtapak pa lang niya sa opisina, buo na ang desisyon niya. Kakausapin niya si Oscar. Wala nang takas-takas. Hindi na niya kayang magkunwari na walang nangyari sa pagitan nila.Pero buong umaga, parang sinadya talaga ng lalaki na iwasan siya.Sa meeting room, naging masyado itong propesyonal at ni hindi man lang siya tiningnan nang diretso. Kapag nasa site naman sila, puro trabaho, sukat, at

  • Love Me Hard, Uncle Oscar   Chapter 2

    Pagmulat pa lang ng mga mata ni Regine kinabukasan, parang binibiyak na ang ulo niya. Pakiramdam niya ay may maliit na construction crew na nagpupukpok ng bakal sa loob ng bungo niya buong gabi.Napangiwi siya at mabilis na nagtakip ng unan sa mukha nang masilaw sa liwanag na pumapasok mula sa bintana.“Oh, God.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at napahawak sa sentido niya. Nahihilo pa siya, kaya ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, hinihintay na kumalma ang pag-ikot ng paligid.Pero kasabay ng pagkawala ng hilo niya ay ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala kagabi.Ang alak, ang tahimik na hallway, ang pagkatok niya sa pinto ni Oscar, ang amoy nito, at ang madilim nitong mga mata.At biglang nanlaki ang mga mata ni Regine. Napahawak siya nang mahigpit sa kumot.Wait.Hindi. Imposible. Baka nananaginip lang siya. Pero habang pilit niyang binabalikan ang bawat detalye, mas lalong nagiging malinaw ang lahat. Totoong pumunta siya sa kwarto ni Oscar. Totoong humakbang si

  • Love Me Hard, Uncle Oscar   Chapter 1

    Hindi na mabilang ni Regine Darasin kung pang-ilang baso na ng wine ang hawak niya. Ang alam lang niya ay sa halip na makatulog, parang mas lalo lang gumugulo ang isip niya sa bawat paglagok. Bawat lagok pa niya ay parang pinaparusahan niya ang kaniyang lalamunan. Bawat agos ng likido ay parang katapusan na rin ng kaniyang mundo.“This is ridiculous,” mahinang bulong niya sa sarili, ramdam na naman niya ulit ang init ng alak na gumuguhit sa lalamunan niya.Pero kahit ilang beses niya pang pagalitan ang sarili, hindi maalis sa isip niya ang dahilan kung bakit siya nagpapakalasing ngayong gabi.Si Oscar. Walang ibang rason kundi si Oscar. Tangina talaga! Napapamura na naman siya kapag naalala niya.Buong hapon, hindi siya tinatahimik ng nangyari. Kanina sa construction site, magkatabi sila sa harap ng isang malaking structural plan. Sa normal na araw nila parang wala namang kakaiba roon. Pareho silang architect, at bilang lead designer si Oscar, madalas talaga silang magkasama. Sanay na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status