Mag-log inSa buong buhay niya, kilala niya si Oscar bilang Uncle Oscar, ang lalaking laging nandiyan kapag kailangan niya ng tulong, ang taong nagpoprotekta sa kanya, nag-aalaga sa kanya, at naging sandalan niya sa lahat ng pagkakataon. Pero hindi niya inakalang darating ang araw na hindi na niya kayang balewalain ang kakaibang tibok ng puso niya sa tuwing nakatingin ito sa kanya. Para kay Oscar, siya ang nag-iisang babaeng hindi niya dapat kailanman hangarin. Masyado siyang mahalaga, masyadong inosente, at higit sa lahat, ayaw niyang mawala ito. Kaya itinago ni Oscar ang bawat bawal na damdamin sa likod ng pagpipigil at nagpanggap na walang ibig sabihin ang tensiyong unti-unting namamagitan sa kanila. Hanggang isang gabi, tuluyan niyang itinanong ang bagay na matagal nang pilit iniiwasan ni Oscar. "Uncle Oscar, why do you look at me like you want me?" Isang tanong lang ang sapat para mabasag ang matagal niyang pagpipigil. Ngayon, kailangan ni Oscar na mamili. Lalayo ba siya sa babaeng unti-unting umagaw sa puso niya, o susuko siya sa isang pag-ibig na maaaring sirain ang lahat ng pinanghahawakan nila? Dahil minsan, ang pinakamapanganib na pag-ibig ay ang damdaming pinakamahirap mong amining nararamdaman mo. At sa pagkakataong ito, handa na si Uncle Oscar na mahalin siya nang higit pa sa kaya niyang pigilan.
view moreHindi na mabilang ni Regine Darasin kung pang-ilang baso na ng wine ang hawak niya. Ang alam lang niya ay sa halip na makatulog, parang mas lalo lang gumugulo ang isip niya sa bawat paglagok. Bawat lagok pa niya ay parang pinaparusahan niya ang kaniyang lalamunan. Bawat agos ng likido ay parang katapusan na rin ng kaniyang mundo.
“This is ridiculous,” mahinang bulong niya sa sarili, ramdam na naman niya ulit ang init ng alak na gumuguhit sa lalamunan niya.
Pero kahit ilang beses niya pang pagalitan ang sarili, hindi maalis sa isip niya ang dahilan kung bakit siya nagpapakalasing ngayong gabi.
Si Oscar. Walang ibang rason kundi si Oscar. Tangina talaga! Napapamura na naman siya kapag naalala niya.
Buong hapon, hindi siya tinatahimik ng nangyari. Kanina sa construction site, magkatabi sila sa harap ng isang malaking structural plan. Sa normal na araw nila parang wala namang kakaiba roon. Pareho silang architect, at bilang lead designer si Oscar, madalas talaga silang magkasama. Sanay na siyang kasama ito, sanay na siya sa pagiging tahimik nito, sa pagiging seryoso nito kapag nagtatrabaho, at sa kalmadong presensya nito.
Pero kanina, pakiramdam niya, iba talaga eh.
Nakahawak si Regine sa blueprint habang nagpapaliwanag nang biglang yumuko si Oscar para tingnang mabuti ang drawing. Masyadong lumapit ang mukha nito sa kanya. Amoy na amoy niya ang pamilyar na pabango nito na humalo sa init ng panahon. Ramdam niya ang init ng katawan nito kahit hindi naman sila magkadikit.
At nang mag-angat ito ng tingin nila kanina ay sinalubong siya ng mga mata nito.
Hindi iyon simpleng tingin ng isang katrabaho lang. Hindi iyon ang tingin ng matalik na kaibigan ng daddy niya. At lalong hindi iyon ang tingin ng lalaking nakasanayan niyang tawaging "Uncle Oscar" mula pa noong bata siya.
It was something else. Isang tingin na nagpabilis sa tibok ng puso niya at nagpatigil sa paghinga niya. Something had changed. O baka siya lang ang nagbago? Iyon ang tanong na ayaw niyang sagutin.
Kaya heto siya ngayon, tipsy, magulo ang isip, at mainit ang pisngi habang naglalakad sa tahimik na hallway patungo sa kwarto nito.
Huminto siya sa tapat ng p***o. Nakatitig lang siya sa doorknob.
What am I doing? mahinang tanong niya sa sarili. Dapat bumalik na lang siya sa kwarto niya. Dapat matulog na lang siya at kalimutan ang lahat. Pero sa halip na umatras, itinaas niya ang kamay at kumatok.
Ilang segundo lang ang lumipas bago bumukas ang p***o. At doon, parang tuluyang huminto ang pag-ikot ng mundo ni Regine.
Nakatayo si Oscar sa harap niya. Suot lang nito ay isang simpleng black shirt na hapit sa malapad nitong dibdib at gray lounge pants. Bahagyang basa pa ang buhok nito na parang kagagaling lang sa shower, at may manipis na stubble sa panga nito. Walang helmet, walang blueprint, walang pormal na awra. Yong tipong pang Uncle Oscar lang talaga na damitan.
At sa unang pagkakataon, napansin ni Regine kung gaano ito kabagsik at kagwapo kapag hindi nito suot ang professional face nito.
Napakunot ang noo nito nang mapansin ang pamumula ng mukha niya at ang baso sa kamay niya.
“Regine?” Mababa at paos ang boses nito. Sumunod ang tingin nito sa hawak niyang alak. “Are you drunk?”
“Tipsy lang naman, Uncle,” mabilis niyang sagot, pilit na ngumingiti.
Nawala ang pagtataka sa mukha nito at napalitan ng halatang inis. “You reek of alcohol. Bakit ka umiinom nang ganitong oras? And this much?”
Napabuntong-hininga si Regine. “I had a bad day.”
“At the site?”
Hindi siya sumagot. Sa halip, tumitig lang siya rito. At doon muling bumalik ang pakiramdam niya kanina, iyong kakaibang paghila, iyong init sa dibdib. Iyong pakiramdam na parang may isang bagay sa pagitan nila na pareho nilang pinipiling huwag pangalanan.
“Can I come in?” pakiusap niya.
Bumuntong-hininga si Oscar. “Regine, you’re not thinking straight.”
“Please, Uncle Oscar.”
Parang may kung anong tumama sa mukha nito nang marinig ang tawag niya. Ilang taon na niya itong tinatawag na ganoon, pero bakit parang may kakaibang bigat ang pangalan na iyon ngayong gabi? Tahimik itong tumingin sa kanya bago tuluyang umatras para bigyan siya ng daan.
Pagkapasok niya, agad siyang nilambong ng amoy ng kwarto. Clean, masculine, a mix of warm wood and mild soap. Ang simpleng amoy nito ay parang may sariling paraan para lalong guluhin ang isip niya.
“Sit down,” utos nito.
Umupo siya sa gilid ng couch, habang si Oscar naman ay nanatiling nakatayo sa harap niya.
“What happened today?” tanong nito sa kaniya at may bahid pa ng pag-aalala.
“Nothing.”
“Regine.” Napangiwi siya sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya.
“I said nothing.”
“Then why are you here?”
Nagkibit-balikat siya. “Maybe I missed you.”
Nanahimik si Oscar. At muli, iyon na naman. Iyong tingin na hindi niya maipaliwanag pero pakiramdam niya ay tagos hanggang sa kaluluwa niya. Parang alam nito kung bakit siya naroon.
“You need to sleep,” basag nito sa katahimikan.
“I don't want to sleep.”
“Then drink some water para mahimasmasan ka.”
“I don't want water.”
“What do you want, then?”
Napatigil si Regine. Kung hindi siya lasing, baka hindi niya kayang sabihin. Pero masyadong tahimik ang boses ng takot sa loob niya ngayon.
Dahan-dahan siyang tumayo. Agad na naalerto si Oscar.
“What are you doing?”
Hindi siya sumagot. Unti-unti siyang humakbang palapit. One step lang ang ginawa niya and then she took another step. Hanggang sa halos isang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa. Kailangan pa niyang tumingala para salubungin ang paningin nito.
Nakita niya ang paggalaw ng panga ni Oscar. “Regine.” May babala sa mababang boses nito. Tila ba nagawa pa nitong mag-warning sa kaniya.
Pero hindi siya umatras. Wala na siyang pakialam sa hiya. Bahagyang kumurba ang labi niya, at gamit ang nanginginig na boses, binitawan niya ang tanong na kanina pa nagwawala sa dibdib niya.
“Uncle Oscar...” diretso siyang nakatitig sa mga mata nito. “Why do you look at me like you want me?”
Biglang nanigas ang buong katawan ni Oscar. Walang sagot siyang nakuha rito at ni hindi ito gumalaw. Tanging mga mata nito ang unti-unting nagdilim habang nakatitig sa kanya.
At sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, nakita ni Regine ang isang bagay na matagal na sigurong itinatago ng lalaki.
Takot. Hindi dahil natatakot ito sa kanya, kundi dahil alam nitong pareho na nilang nararamdaman ang bagay na hindi na dapat nilang maramdaman.
“I don't know if I'll be able to stop myself next time.”Paulit-ulit na umuugong ang mababa at paos na boses ni Oscar sa isip ni Regine. Parang sirang plaka na nag-play sa utak niya habang naglalakad siya papalabas ng conference room.Huminto siya sa gitna ng tahimik na hallway. Mahigpit pa rin ang hawak ng nanginginig niyang mga daliri sa strap ng kanyang bag, pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya palayo.Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis dahil ginugulo nito ang isip niya. Mahiya dahil sa naging reaksyon niya. O kiligin dahil sa wakas, may ipinahiwatig na ito.“Damn you, Oscar,” mahinang bulong niya sa kawalan, kinakagat ang ibabang labi.Ilang segundo siyang nakatitig sa nakasarang pinto ng conference room. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang pilitin itong sabihin kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.Pero mas pinili niyang tumalikod at umalis. Dahil sa unang pagkakataon, natakot siyang baka kapag bumalik siya, tuluyan nang mabago ang lahat at hindi na siya
Kinabukasan ng gabi, unusually lively ang bahay ng mga Darasin. Pagpasok pa lang ni Regine, dinig na agad niya ang tawanan mula sa dining room. May intimate dinner ang kaniyang daddy kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya nila. At gaya ng inaasahan niya, nandoon si Oscar.Nakatayo ito sa tabi ng kaniyang daddy habang may seryosong pinag-uusapan, one hand resting casually sa sandalan ng upuan nito. Mukhang normal na normal itong tingnan ngayon na para bang walang nangyari sa pagitan nila.Parang hindi siya nito sadyang iniwasan buong araw. Parang hindi siya nito tinitigan kahapon na para bang siya ang nag-iisang bagay na gustong-gusto nito, ngunit hindi kailanman maaaring angkinin.Huminga nang malalim si Regine para pakalmahin ang sarili bago tuluyang pumasok.“You're late,” pansin agad ng kaniyang daddy.“Traffic po kasi, Dad.”Inilapag niya ang bag sa bakanteng upuan at magalang na binati ang mga bisita. Pagkatapos ay dahan-dahang napadako ang paningin niya kay Oscar.Nan
Hindi nawala sa isip ni Regine ang huling sinabi ni Oscar.“I'm always scared when it comes to you, Regine.”Ilang beses na nag-echo ang mga salitang iyon sa utak niya mula nang iwan siya nito sa site. Kahit noong nakahiga na siya kagabi at pilit pinipikit ang mga mata, hindi niya matanggal sa isip ang paos na tono ng boses nito. Hindi iyon simpleng pag-aalala. Hindi rin iyon tunog ng isang ordinaryong kaibigan ng kaniyang ama na nag-aalala sa isang bata.There was something in the way he had said it. Isang mabigat na emosyon na hindi na niya pwedeng basta-basta na lang i-ignore.Kaya kinabukasan, pagtapak pa lang niya sa opisina, buo na ang desisyon niya. Kakausapin niya si Oscar. Wala nang takas-takas. Hindi na niya kayang magkunwari na walang nangyari sa pagitan nila.Pero buong umaga, parang sinadya talaga ng lalaki na iwasan siya.Sa meeting room, naging masyado itong propesyonal at ni hindi man lang siya tiningnan nang diretso. Kapag nasa site naman sila, puro trabaho, sukat, at
Pagmulat pa lang ng mga mata ni Regine kinabukasan, parang binibiyak na ang ulo niya. Pakiramdam niya ay may maliit na construction crew na nagpupukpok ng bakal sa loob ng bungo niya buong gabi.Napangiwi siya at mabilis na nagtakip ng unan sa mukha nang masilaw sa liwanag na pumapasok mula sa bintana.“Oh, God.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at napahawak sa sentido niya. Nahihilo pa siya, kaya ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, hinihintay na kumalma ang pag-ikot ng paligid.Pero kasabay ng pagkawala ng hilo niya ay ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala kagabi.Ang alak, ang tahimik na hallway, ang pagkatok niya sa pinto ni Oscar, ang amoy nito, at ang madilim nitong mga mata.At biglang nanlaki ang mga mata ni Regine. Napahawak siya nang mahigpit sa kumot.Wait.Hindi. Imposible. Baka nananaginip lang siya. Pero habang pilit niyang binabalikan ang bawat detalye, mas lalong nagiging malinaw ang lahat. Totoong pumunta siya sa kwarto ni Oscar. Totoong humakbang si








![The Wild Virgin [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.