공유

#101

작가: Cathy
last update 게시일: 2025-09-19 18:29:49

JANNA

Mabilis na lumipas ang mga araw. Aminado siya sa sarili niya na nakakaramdam siya ng kurot sa puso niya sa tuwing naalala niya si Darren! Feeling niya kasi, kasalanan niya ang pagkamatay nito eh.

“Gabby, nasaan ang mga labi ni Darren? Sana…sana bago tayo umalis, gusto ko siyang dalawin sa kanyang himlayan.” Nakikusap niyang wika kay Gabby. Laking pasalamat niya dahil napakabuti ni Gabby. Nakikita nitong nagluluksa siya sa pagkawala ni Darren pero hindi nagbago ang pagtrato nito sa kan
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (5)
goodnovel comment avatar
Marissa Ranola
bk pinalabas lang ni Darren na patay n sya
goodnovel comment avatar
Nieves Asuncion Villa
Diba Dr si Devi baka sya gagamot
goodnovel comment avatar
Nieves Asuncion Villa
author Ang Ganda ng story sino b. talaga forever ni Darren sana Meron na no pwede din si Devi para nailot nya Yun tatlo magkakaibigan
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 23 (book4)

    DEVI POV "Ate, ang ganda-ganda niyo po. Bagay na bagay sa inyo ang damit niyo." masayang sambit ni Febe habang mabilis na lumapit sa akin. Ngumiti ako nang bahagya. Inabangan niya talaga akong makababa bago niya hinawakan ang aking braso. "Nandito po sila Lolo at Lola. Pati na rin po ang iba nating mga pinsan." Tumango lamang ako at muling napasulyap muli ang tingin ko sa batang nakahiga pa rin sa sahig. Patuloy pa rin ang pag-iyak nito. Ayaw talaga nitong bumangon kahit anong gawin ni Winston. At si Winston, huling huli ko kung paano niya ako titigan. Na para bang nagulat siya sa presensya ko. "Ate, hayaan mo na si Nicholai," bulong ni Febe. "Paano kasi, napalo na naman siya ng mama niya. Kaya ayan, ayaw tumigil sa pag-iyak." Hindi na ako nagsalita. Hindi ko na din pinansin ang kakaibang mga titig ni Winston. Hindi naman kasi ako affected eh. After ng party, aalis ako kaya naman nagpatuloy lamang ako sa paglalakad patungo kina Mommy. Ngunit bago pa man ako tuluyang m

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 22

    DEVI POV Kahit papaano, nakatulog din naman ako nang maayos. Nang magising ako, eksaktong alas-tres na ng hapon. Mula sa loob ng aking silid ay naririnig ko na ang malakas na tugtog ng musika mula sa garden. Kasabay nito ang ingay ng mga taong abala sa paghahanda para sa nalalapit na selebrasyon. Marahan akong bumangon mula sa kama at nag-inat upang maalis ang natitirang antok sa aking katawan. Pagkatapos ay naglakad ako patungo sa malaking bintana ng aking silid at sumilip sa labas. Tama nga ang hinala ko kanina. Halos tapos na ang lahat ng preparasyon. Ang garden na kanina lamang ay puno ng mga taong nagmamadaling magkabit ng dekorasyon ay ngayon ay mistulang isang engrandeng venue para sa isang malaking pagdiriwang. Nakapuwesto na ang iba't ibang food booths sa magkabilang gilid ng damuhan. Sa gitna naman ay nakalatag ang isang napakahabang buffet table na puno ng iba't ibang putahe na maingat na inayos ng mga caterer. May mga bilog na mesa at upuan na ring nakapuwest

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 21 (book 4)

    WINSTON IMPERIAL POV Para akong naistatwa sa aking kinatatayuan habang nakasunod ang paningin ko kay Devi. Unti-unti siyang nawala sa aking paningin nang tuluyan siyang lumiko papunta sa second floor. Ngunit kahit wala na siya roon, hindi pa rin ako makakilos. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa aking dibdib. Ang lapit niya lang sa akin. Ilang hakbang lang ang pagitan namin kanina. Pero pakiramdam ko, napakalayo niya. Parang kahit habulin ko pa siya nang buong buhay ko, hindi ko na rin siya maaabutan. Sabagay, kasalanan ko rin naman. Hindi ako naging mabait sa kanya noon. Hindi ko siya pinrotektahan noong panahon na kailangan niya ng kakampi. Mas pinili kong pairalin ang pride ko kaysa unawain siya. At siguro, hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ni Devi ang lahat ng sakit na ipinatikim ko sa kanya. Kaya siguro ganito siya kalamig. Kaya siguro sa tuwing titingin siya sa akin, parang wala na siyang nakikitang kahit katiting na kabutihan sa pagkatao ko. "Kuya

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 20 (book 4)

    DEVI POV Pagdating ko sa bahay nila Mommy, agad kong napansin ang isang pamilyar na pigura sa may gate. Si Mommy. Nakatayo siya sa harap ng gate na parang may hinihintay. At nang makita niya ako, kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mukha. “Anak! Devi!” wika niya. Kaagad niya akong sinalubong. “Diyos ko, saan ka ba galing?” tanong niya sa akin habang bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Diyan lang po kina Sarah, Mom,” sagot ko. “Ah, kay Teacher Sarah? Iyung dati mong kaklase?” tanong niya sa akin. Kaagad naman akong tumango “Opo, siya nga po.” sagot ko. Pagkatapos noon, pasimple kong pinunasan ang pawis sa aking noo. “Naku, pawis na pawis ka na. Kumain ka na ba? Halika, ipaghahain kita.” Kaagad akong tumango. “Okay na po ako. Kumain na ako kina Sarah. Tsaka gusto ko po sanang magpahinga muna.” seryoso kong wika. Agad kong nakita ang bahagyang pagkalungkot sa kanyang mga mata. Na parang gusto pa sana niyang makasama ako pero hindi niya lang maisatinig. Alam k

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 19 (book 4)

    DEVI POV “Uy, grabe ka naman kay Congressman Imperial. Ang harsh ng sinabi mo sa kanya kanina ha? Buti na lang mabait at hindi ka pinatulan.” may halong pagtataka at panunukso sa tinig ni Sarah habang nakatingin siya sa akin. Kakaalis lang ni Winston ilang minuto ang nakakalipas. Kahit anong pilit niya, hindi niya ako napasama sa pag-uwi niya sa bahay nila. At sa totoo lang, wala naman akong balak na sumunod sa kanya. Mas gusto ko pang manatili rito sa bahay ni Sarah. Tahimik. Presko. Walang mabibigat na alaala. Hindi pa naman magsisimula ang birthday party celebration ni Mommy kaya wala rin akong nakikitang dahilan para magmadali akong umuwi. Napangiti ako at sumandal sa kahoy na sandalan ng upuan dito sa kanilang shade house. Ang mainit na simoy ng hangin ay nararamdaman na ng aking balat. “Harsh ba? Sinabi ko lang naman kung ano ang laman ng isip ko. Isa pa, parang ang sarap ng ambience dito sa bahay ninyo. Ewan ko ba, pero ramdam na ramdam ko iyong province vibes.” n

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 18 (book4)

    DEVI POV Ang bahay ni Sarah ay isang tipikal na bahay sa probinsiya. May malawak itong bakuran at sa harapan ay nakatayo ang isang maliit na shade house na yari sa pawid at kawayan. Iminungkahi kong doon na lamang kami umupo at kumain ng agahan na agad naman niya akong pinagbigyan. Habang nagkukuwentuhan kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga anak niya na naglalaro sa bakuran. "Grabe, ang lalaki na pala ng mga anak mo, Sarah!" mangha kong sambit. Ang panganay niya ay sampung taong gulang na samantalang lima naman ang bunso. Napangiti siya. "Awa ng Diyos, nabiyayaan kami ng tatlo. At tama na iyon. Sa hirap ng buhay ngayon, ayoko na silang sundan." Napangiti rin ako sa sagot niya. "Eh ikaw? Nag-asawa ka na ba?" tanong niya. "Grabe, simula nang umalis ka rito, nawalan talaga kami ng balita tungkol sa iyo." Napailing ako. "Wala eh. Wala pa akong asawa at wala rin akong balak mag-asawa." kaswal kong sagot. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya habang nakat

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #106

    VENUS Ganoon lang kadali ang lahat! Mabilisang interview at on the spot na din siyang pinapirma ng kontrata. Hindi makapaniwala si Venus sa bilis ng mga pangyayari. Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ni Madam Laura, sinabihan siya nito na pwede na daw siyang umuwi para makapaghanda. Napakabai

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #100

    JANNA Tagaktak ang pawis sa buo niyang katawan nang muli siyang makabalik sa bahay na nasusunog. Walang indikasyon na may buhay na tao sa buong paligid kaya naman napagtanto niyang nasa loob si Darren. Kasamang nasusunog sa loob ng naglalagablab ng apoy. ‘Darren? Darren, ano ang ginawa mo? Bakit

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #110

    VENUS “Ayus lang! Kalangan ko kasi talaga ng trabaho eh. Mahigit isang taon na akong pasado sa board exam pero hindi ako matangap-tangap sa mga hospital na inaapalayan ko.” Nakangiti niya ding sagot nito. Nilapagan na siya ni Manang ng malinis na pingan sa harapan niya kaya naman nag-umpisa na si

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #99

    JANNA “Darren, I know na hindi ka masamang tao at salamat…salamat dahil kahit papano, may natira pa rin palang kabutihan sa puso mo. Hindi na ako ang babaeng para sa iyo at ngayun…hangad ko na lang na asana mahanap mo na ang babaeng para sa iyo at kung sakaling mangyari man iyun, huwag na huwag mo

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status