LOGINDEVI POV "ANAK, paborito mo ito... kumain ka ng marami! Naku, bakit ba ang payat mo?" wika ni Mommy. Sa wakas, natapos din ang medyo mahaba-habang diskusyon namin kanina. At ngayon, nandito na kami sa harap ng hapag-kainan. Pinagsasaluhan ang isang magarbong hapunan. Punong-puno ng pagkain ang mahabang mesa ay inihaw na salmon, buttered vegetables, roast chicken, seafood pasta, at iba't ibang putahe na makikita lang sa mga pamilyang mayayaman. Nandito rin ang stepfather kong si Tito Vicente, ang mga anak nila ni Mommy na sina Febe at Peter, kasama na rin si Winston na anak naman ni Tito Vicente sa una niyang naging asawa. At si Mommy, hindi magkadaugaga sa pagsasalin ng kung anu-anong pagkain sa plato ko. "Mom, ayos na po ako! Huwag niyo na po akong lagyan ng pagkain sa plate ko. Baka masayang lang po kasi. Busog na po ako," seryoso kong wika. "Naku, ikaw talagang bata ka. Ayos lang naman na kumain ka ng medyo marami para naman malagyan ng laman ang katawan mo," nakangi
DEVI POV “Devi..” wika ni Winston. May gusto siyang sabihin pero, hindi niya itinuloy. Kaya naman, muli akong nagsalita. "Masaya na ako sa hospital kung saan ako nagtatrabaho ngayon." seryosong bigkas ko. Nagkatinginan sina Winston at Febe. Halata sa mga mata nila ang pagtutol sa mga sinasabi ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapabuntong hininga Kahit nagkaroon kami noon ng hindi pagkakaunawaan ng may-ari ng ospital kung saan ako ngayun nagtatrabaho, nanatili pa rin akong masaya roon. Dahil doon ko binuo ang sarili ko at higit sa lahat, doon ko natagpuan ang mga taong tumanggap sa akin nang walang pag-aalinlangan. "Ate," muling wika ni Febe, "mas kailangan ka ng lugar natin. Sigurado akong magiging masaya ang mga tao rito kapag nalaman nilang may isang doktor na nagmula sa bayan na ito at---" "Febe, please." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya. "Pwede bang huwag ninyo muna akong pilitin sa gusto ninyo?" muli kong wika. Agad siyan
DEVI POV "Kumusta ka na? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Halos manginig ang boses ni Mommy habang sinasabi iyon. Hindi niya na napigilan ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Para siyang isang taong matagal na naghintay at ngayon lamang muling nabigyan ng pagkakataong makita ang isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Labimpitong taon. Labimpitong taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang lugar na ito. Labimpitong taon ng pananahimik, paglayo, at pagtakbo mula sa mga alaalang pilit akong hinahabol. At ngayon, kaharap ko na naman siya, sila…kasama si Winston na kahit kailan, hindi ko man lang naalala na naging mabait siya sa akin. Tumanda si Mommy nang kaunti. May ilang guhit na ng panahon sa kanyang mukha, ngunit hindi iyon nakabawas sa kanyang kagandahan. Sa katunayan, mas lalo pa siyang naging elegante. Nagmistula na siyang isang tunay na aristokrata. Siguro dahil ilang ulit
DEVI POV KASALUKUYAN "We're here." Pasimple kong pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata nang marinig ko ang tinig ni Winston. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga iyon. Marahil ay dahil sa mga alaalang muling bumalik sa isip ko habang nasa biyahe kami. Mga alaalang pilit kong ibinaon sa limot. Mga alaalang nag-iwan ng sugat na kahit lumipas na ang ilang taon ay hindi pa rin tuluyang naghihilom. Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang tumingin sa bintana. At doon ko muling nasilayan ang bahay. Ang malaking mansyon na minsan nang naging bahagi ng buhay ko. Nanatili pa rin ang engrandeng anyo nito. Ang malawak na bakuran, ang matataas na bakal na gate, at ang magagarang ilaw na nakapaligid sa buong mansyon. Para bang walang nagbago. Ngunit ako... ako ang nagbago. Hindi ko maiwasang maalala ang panahong huling umuwi ako dito. Mahina pa noon ang katawan ko matapos ang mahabang pananatili sa ospital. Ngunit hindi rin naman ako nagtagal dito. Sa sandalin
DEVI POV NAGISING ako na nasa loob na ako ng kwarto ng hospital. Mag-isa at ramdam ang sakit sa buo kong katawan. May benda din ako sa aking ulo at nang may pumasok na nurse at nakita niyang gising na ako, mabilis siyang lumapit sa akin "Nasaan ako?" nanghihina kong tanong "Miss Devi, nandito po kayo sa hospital. Bugbog sarado po kayo at halos dalawang araw po kayong walang malay." sagot niya sa akin Ilang saglit lang, muli kong naalala ang kung ano ang nangyari sa akin. Ang pambububog nila Racehll at Elma kasama ang iba pa...si Winston na walang ibang ginawa kundi ang manood lang Hindi ko na naman mapigilan ang maluha. At pagkatapos noon, ibinaling ko ang tingin ko sa nurse. "Si Mommy, nasaan ang Mommy ko?" naluluha kong tanong "Ahmm, opo..tatawagan ko po siya para ibalita sa kanya na gising na po kayo." sagot niya naman sa akin Hindi ko naman mapigilana ng mapakunot noo. Noon kasi, kahit isang munting sinat lang, hindi ako iniiwan ni Mommy. Pero ngayun, bakit wala
DEVI POV "MASAKIT ang likod ko..." naluluha kong wika habang pilit na bumabangon mula sa pagkakaupo sa sahig. Ngunit sa halip na makakuha ng kahit kaunting simpatya, isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong paligid. "Narinig n'yo ba siya?" pangungutya ni Elma habang nakahawak sa tiyan sa kakatawa. "Masakit daw ang likod!" "Anong masakit ang likod? Para iyan lang, mag-iinarte ka na kaagad? Tumayo ka diyan at umpisahan mo ang trabaho mo. Dapat pagsilbihan mo kami para naman hindi masayang ang perang ginagastos sa iyo ng tiyuhin ko!" mataray na wika ni Rachell. Nagdilim ang mukha niya sa galit. Mabilis siyang lumapit at walang pag-aatubiling sinunggaban ang buhok ko. "Aray!" napasigaw ako dahil sa sakit. Mariin niya akong hinila patayo na para bang isa lamang akong basahang nakakalat sa sahig. Ramdam ko ang hapdi sa aking anit. Pakiramdam ko'y isa-isang nabubunot ang mga hibla ng buhok ko. "Tumayo ka at pagsilbihan kaming lahat!” galit niyang sigaw. Ngunit
VENUS POV “Darren, may problema ba? Teka lang, akala ko ba susunduin mo lang ako? Bakit parang ibang way naman yata itong dinadaanan natin? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dito. Totoo naman kasi eh…salungat kasi ang tinatahak nitong daan pauwi ng bahay. "Hindi ba’t day off mo bukas?
Venus pov Sa paglipas ng mga araw, mas lalong naging maayos ang buhay ko. Kagaya ng inaasahan, nang malaman ng mga kamag-anak namin dito sa compound na may regular na akong trabaho sa isang kilalang hospital, nagbago ang kapalaran ko. Kung noon, ang baba ng tingin nila sa akin at sa mga magulan
VENUS POV Pagkatapos namin kumain ni Aldrin, muli kaming tumawid ng kalsada patungo sa pinapasukan naming hospital. Hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang madaanan namin ang magandang sasakyan. Hindi pa rin ito umaalis doon at halatang may tao sa loob dahil bukas ang makina noon. Gayunpaman,
VENUS POV Nay, ano ba iyan? Ano po bang klaseng tanong iyan?” kunwari naiinis kong bigkas. Natawa naman si Tatay dahil doon. “Hindi naman imposible ah? Anak yata kita at nagmana sa amin ng Nanay mo ang pagiging maganda mong dalaga kaya may posibilidad talagang magkagusto sa iyo iyang amo mo, an







