Share

#43

Author: Cathy
last update Huling Na-update: 2025-08-28 06:57:04

DARREN POV

Naabutan niya si Lexi na nakahiga sa kama. Nahihimbing sa pagtulog na akala mo pagod ito. Ni hindi man lang nito namalayan ang kanyang presensya.

Hindi niya mapigilan ang pagmasdan ito. Ngayun niya lang din napansin na kung ano ang suot nito kanina pagdating, ganoon pa rin hangang ngayun. Ni hindi man lang ito nag-abala na magpalit ng damit at basta na lang nahiga sa kama na hindi naglilinis ng katawan.

“Kailan ka pa naging dugyot, Lexi!” mahina niyang bigkas. Napatingin siya sa leeg nito at ganoon na lang ang pagtataka niya nang mapansin niya ang maraming parang patal doon. Halos nagkulay violet na iyun kaya naman kapansin-pansin talaga

Hindi niya mapigilan ang maikuyom ang kanyang kamao. Sa galit niya, malakas niyang hinila ang kumot na nakatakip dito na siyang dahilan kaya mabilis na napabalikwas ng bangon si Lexi. Nagulat marahil sa ginawa niya

‘”Darren, ano ba? Ano ba ang problema mo?” galit nitong sigaw sa kanya. Lalo namang nag-alab ang galit sa puso niya

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #142

    VENUS POV MABUTI na lang talaga at nilapitan ako ni Vanilla at nakipag-usap ito sa akin kung hindi baka ma-bored lang ako. Paano ba naman kasi, halos dalawang oras din si Darren na walang ibang ginawa kundi ang nakaupo lang sa tabi ng kabaong ng namayapa nitong dating asawa. Nang matapos ito doon, nakita ko na kinausap ito ni Zakari. Seryosong pag-uusap at hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa dahil natapos ang pag-uusap ng mga ito sa isang simpleng shake hands. SamantaLang kaming dalawa naman ni Vanilla, kung anu-anong topic na lang ang napag-uusapan namin. Tungkol sa mga bagay-bagay na kung totoosin, napag-uusapan lang para lang mabawasan ang pagka-bored dulot ng mahabang pag-upo dito sa lamayan. Halos apat na oras din kaming nanatili sa lamay at pagkatapos noon, maayos na nagpalam si Darren kina Vanilla at Zakari. Sa pagkakataon na ito, hindi ko na nakitaan ng galit sa mga mata si Zakari habang nakatitig kay Darren. Ganoon din si Darren. Hindi man sila parehong

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #141

    VENUS POV TAHIMIK lang akong nakamasid kay Darren habang pinapanood ito na nakatunghay sa babaeng nakahiga sa loob ng kabaong. Alam kong malungkot ito sa pagkawala ng ex-wife nito at naiintindihan ko iyun “HI! Ano nga nga pala ulit ang pangalan mo?” nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ko ang muling paglapit sa akin ng magandang babae. Dinig ko Vanilla at asawa ito ng lalaking sumapak kay Darren kanina. “Venus po. Ako po si Venus.” Nakangiting sagot ko “Nice meeting you, Venus. Ako nga pala si Vanilla. Pinsan ng asawa ko iyang si Lexi.” Sagot nito sa akin. “Nakikiramay po ako.” Kimi kong bigkas. Pilit itong ngumiti sa akin at hinawakan ako sa kamay “Halika. Upo ka muna. Hayaan mo muna si Darren diyan. I know na masakit din sa kanya ang pagkawala ni Lexi. May pinagsamahan din sila kahit papaano.” Seryosong wika ni Vanilla sa akin. Hindi naman ako nakaimik Ano ba ang sasabihin ko? Wala ako masyadong alam at nakakahiya naman kung magtanong ako diba? Baka kasi magmukha a

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #140

    Venus POV Hangang sa makabalik ako ng kwarto, hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin nila Manang sa kusina kanina. Ibig sabihin, maliban kay Janna, may asawa din pala si Darren at Lexi ang pangalan? “Hmmm, mukhang maraming bagay pa akong hindi alam tungkol kay Darren pero sino ba naman ako para makialam sa problema nito. Isa lamang akong hamak na personal nurse nito eh. As long as sumasahod ako ng tama, dapat lang na manahimik ako Kinaumagahan, ekasakto alas sais pa lang ng umaga, gising na ako. Naligo lang ako at nag-ayos ng sarili bago ako lumabas ng kwarto. Dumirecho ako sa kwarto ni Darren na kung saan nadatnan ko ito na nakaupo na sa wheelchair. Nasa may bintana ito at nakatingin sa malayo. “Ehemm!” sambit ko para makuha ang attention nito. Nangyari naman iyun dahil napabaling ang tingin nito sa akin. “Good Morning.” Nakangiting bati ko dito. Isang tipid na ngiti ang naging sagot nito sa akin kaya naman nagpasya nalang akong ayusin ang higaan nito.

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #139

    VENUS POV HINDI ko maitago ang lungkot na nararamdaman ng puso ko habang naglalakad ako pabalik ng kwarto ni Darren. Tapos na kaming mag-usap ni Madam kung saan, kinumpirma nga nito sa akin na inaayos na lang ang visa ng mga ito at lilipad na patungo sa America ang buong pamilya para sa pagpapagamot ni Darren. Malungkot ako, oo dahil biglaan ang naging deisyon ng mga ito pero sino ba naman ako para umapela diba? Siguro, ganoon talaga ang buhay. Walang permanente sa mundo “Hey, anong nangyari? Lumabas ako galing ng banyo na wala ka tapos makikita na lang kita ngayun na para bang sobrang lungkot mo. May problema ba?” seryosong tanong ni Darren sa akin pagkapasok ko pa lang sa kwarto nito. Pilit naman akong ngumiti dito. Ayaw kong ipahalata dito ang kalungkutan ko. “Here…pasalubong ko sa iyo.” Wika ko sabay abot ko dito ng dala kong paper bag. Kaagad naman nitong tinangap. “Wow…ano ito ha?” nakangiti nitong wika habang inilalabas nito sa loob ng paper bag ang dala kong pasalubo

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #138

    VENUS POV Kaagad naman umalma si Darren. Ayaw talaga patalo at akala mo boyfriend ko ito kung makaprotekta sa akin laban sa mga kaibigan nito. "NAGPAPAKILALA ka ng kusa at hindi magandang tingnan iyun, Bro. Tsaka, ayaw kong titigan mo ng ganiyan ang nurse ko. Nakakainit ng ulo.” narinig kong sagot naman ni Darren sa kaibigan nito. Pigil ko ang sarili kong mapangiti. Nakita ko na para bang gusto akong protektahan ni Darren laban sa mga kaibigan nito at hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayun. Para akong kinikilig na ewan. “Ipakilala mo naman kami sa kanya, Bro. Ikaw talaga ngayun ka nga lang nagpakita sa amin dapos pagdadamutan mo pa kami? Nasaan ang hustisya, Bro?” ani naman ng isa pa. “No need na. Alam niyo na nga na Venus ang pangalan niya diba?" seryosong wika ni Darren sa kaibigan nito sabay baling ng tingin sa akin sabay ngiti. "Venus, mga makukulit ko nga palang mga kaibigan. Sila Grey, Cooper at Elvis. Ingat ka sa mga iyan, mga bad guys sila kaya huwag ka m

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #137

    VENUS POV “IYAN ang mabait na pamankin. Nanlilibre sa mga kamag-anak. Hindi kagaya ng iba diyan na kapag sahod, napupunta sa alak ang pera. Ni hindi man lang marunong manlibre kahit pandesal lang sa aming mga may edad na.” ani ng isa kong tiyahin na si Tita Claire. Halatang masaya ito sa kinain na agahan dahil wala itong bukambibig kundi ipinagmamalaki niya daw ako, Iniwasan ko na lang magkumento at baka sabihin ng iba ko pang mga pinsan na mayabang ako Actually, sobra-sobra ng mga pagkain inorder ko. Ang para sa kapatid kong si Emmie ay nakatabi na din at ang iba pa ay inuwi na mga Tita’s. Tama nga ang naisip ko kanina dahil pagkatapos magsikainan, isa-isang nag-alisan na silang lahat. May mga pasok din kasi sa trabaho ang ilan sa mga pinsan ko kaya naman nagsipag-gayak na. Mabuti na lang talaga at baka magpalibre pa ng alak eh. Hangang mamayang hapon lang ako dito. Wala akong balak na magpaabot ng gabi at baka mayaya pa ako ng mga iyun sa inuman which is hindi maaari. Siguro,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status