LOGINDEVI POV Kasalukuyan kaming kumakain sa marangyang hapag kainan nila Don Amador at Donya Celestina. Nag-uumapaw ang mga masarap na mga pagkain, mamahaling wine, at mga panghimagas na tila inihanda para sa isang espesyal na pagdiriwang. Ngunit sa kabila ng kasaganaan ng pagkain, tila may kakaibang bigat ang hangin sa pagitan naming lahat. Tahimik lamang akong kumakain habang paminsan-minsan ay sumusulyap kina Mommy at Febe. Halatang sanay na silang kumilos sa loob ng napakalaking mansiyon na ito. Noon, ni minsan ay hindi ko naisip na darating ang araw na makakasalo ko sa iisang hapag ang pamilya Imperial. Lalo na at isa lamang akong outsider sa pamilyang ito. Kung dati ay hanggang pangarap lang ang makapasok sa bahay na ito, ngayon ay kami pa mismo ang kanilang mga panauhin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mananatiling naguguluhan. "Devi, iha... ang galing mong mag-handle ng bata, ah." naputol ang katahimikan nang magsalita si Donya Celestina. Agad akong napatingin sa
DEVI POV "Alam kong spoiled brat ang anak ko at sa totoo lang, hindi ko din talaga malaman kung paano siya i-handle. Lalo na at kapag ginusto niya ang isang bagay, hindi pwedeng hindi ko ibibigay.'" narinig kong muling wika ni Rachell Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Lalo na at kinakausap ako ngayun ni Rachell na para bang wala siyang malaking nagawang kasalanan sa akin noon. Or baka naman kinalimutan niya na lang? "Dinig ko, isa ka nang Doctor ngayun. Congratulations! Mabuti ka pa, may narating sa buhay, samantalang ako, heto naging pabigat sa mga magulang." muling wika ni Rachell Hindi pa rin ako nakaimik. Lalo na at hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang mga ganitong bagay "Siguro, kinarma ako dahil kay laki ng kasalanan na nagawa ko noon. Hindi lang sa iyo kundi sa marami pa. Naging bully ako at hindi lang ikaw ang inapi ko, Devi. Marami kayo...at karamihan sa kanila, talagang nasira ang buhay. Kaya kung hindi man okay ang buhay ko ngayun, deserved
DEVI POV "RACHELL, kunin mo muna ang anak mo. Nakakahiya kay Devi at siya na naman ang kinukulit." utos ni Donya Celestina Imperial kay Rachell na labis ko talagang ikinagulat Hindi ko akalain na uutusan nito ang apo ng ganoong bagay. At hindi ko din akalain na medyo nagbago na din pala talaga ang ugali niya Lalo na at nakita ko kanina kung paano siya lapitan ni Mommy at halikan sa pisngi. Hindi na kagaya ng dati ang naging reaction ng matandang Donya. Nagawa niya nang ngumiti kay Mommy na para bang welcome na talaga sa pamilya nila ang pinakamamahal kong Ina And now, nagawa niya din talagang pagsabihan si Rachell na kunin daw sa akin si Nicholai dahil nakakahiya daw sa akin? Ang salitang nakakahiya na lumabas sa bibig ni Donya Celestina ay walang kahit na anong halong insulto. Normal na pag-uutos sa apo at hindi masakit sa tainga. "Nicholai, come here!" narinig ko namang utos ni Rachelle sa anak. Kaya lang, imbes na sumunod si Nicholai, nagulat na lang ako nang bigla nal
DEVI POV "Hindi ko naman po isinasara. Siguro, hindi pa po talaga siguro dumating ang taong para sa akin." "Sigurado ka?" "Opo." nakangiting sagot ko “Mom, tao lang din po ako, Kahit na nakikita niyong matatag ako, may takot pa rin po ako. Takot na magmahal lalo na naging saksi ako sa maraming relasyon na halos lumuha ng dugo bago naging maayos ang pagsasama nila. At ayaw ko po iyung maranasan.” pag-amin ko. "Walang relasyong siguradong walang sakit, anak. Pero mayroon ding mga taong sulit ipaglaban." seryoso niyang wika. Muli akong napangiti. OO naman, alam ko naman iyun. May mga taong worth it na ipaglaban. Pero, hindi naman lahat. Kadalasan, nauuwi din sa kasawian kaya kung pwede lang, mas gusto ko na lang na maging single forever. Iwas sakit sa ulo, malaya pa ako. "Si Mommy talaga, kung anu-ano na ang sinasabi. Gusto niyo lang yata na magkaapo na kaya ganiyan kayo sa akin eh.." pabiro kong bigkas. "Haysst salamat, na gets din ng anak ko." sagot niya. At ilang
DEVI POV "SIGE na best, I have to go na! Dumating na si Zakari and you know what, niyaya niya ako ng date." excited na bigkas ni Vanilla maya-maya lang na kaagad ko din namang sinang-ayunan "Ingat kayo and enjoy! Kumusta nalang din sa mga inaanak ko.'" nakangiting sagot ko "I will! Bye...take good care at tawagan mo ako lalo na kung may kailangan ka." bilin pa nito sa akin. Kaagad din naman akong nagpasalamat at ilang saglit lang, kaagad na din namang nawala sa kabilang linya si Vanilla ************* Pagkatapos kong makausap si Vanilla, nakangiti kong hinarap si Mommy na noon nakikita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso. At bago pa ako nakapagsalita, nauna na siya. "Anak, totoo ba iyung narinig ko kanina?" seryoso niyang tanong "Mom----" alanganin ang ngiti sa labi na bigkas ko "Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo pero, Ina pa rin ako at wala akong ibang hangad kundi ang maging maayos ka, anak.'" seryosong muli niyang wika. Kaagad ko din naman siyang hinawakan
DEVI POV Tinulungan namin ni Devi si Mommy na magtanggal ng mga tuyong dahon sa kanyang mga halaman habang nagkukuwentuhan kami tungkol sa buhay nila rito sa probinsya. Habang pinagmamasdan ko si Mommy masasabi kong nasa mabuti na talaga siyang kalagayan. Itinuturing na siya ngayong kapamilya ng matatandang Imperial, bagay na labis kong ipinagpapasalamat. Sa isip ko, kahit masakit ang naging desisyon kong umalis noon, may naidulot din naman pala iyong mabuti. Mas naging maayos ang buhay ni Mommy. At least, iyon na lang ang iisipin ko, na may magandang bunga rin ang lahat ng naging sakripisyo ko. Halos tanghalian na nang dumating ang kasambahay nina Lolo at Lola ni Febe. Lumapit ito sa amin at ibinalitang niyayaya raw kami ng matatandang Imperial na magsalo sa tanghalian sa Mansion Imperial. Noong una, ayaw kong sumama. Pakiramdam ko kasi ay isa lamang akong outsider at wala akong lugar sa hapag ng pamilya nila. Ngunit nang ipaliwanag ng kasambahay na partikular akong ipinapa
JANNA “BAKIT dito?” nakangiting tanong niya kay Gabby pagkahinto pa lang ng sasakyan nito sa parking area ng condominium building kung saan siya nakatira. Napansin niyang kunot noong napatitig si Gabby sa kanya kaya naman hindi niya mapigilan ang matawa. “I’m just kidding. For the past few days
Nang muling imulat ni Darren ang kanyang mga mata, kaagad na tumampad sa paningin niya ang kulay puting kisame. Akmang babangon na sana siya nang matigilan siya. Narinig niya kasing nagsalita ang galit na boses na kanyang Ina na si Mommy Laura. ‘Darren, mabuti naman at gising ka na? Ano ba ang
Pagkatapos magpa-incash ni Lexi sa banko nagpasya siyang mag-ikot-ikot na muna sa isang mall. Matagal na panahon na din siyang hindi nakapasyal sa mga mall kaya naman ito na ang pagkakataon niya. Wala siyang balak magshopping sa ngayun kahit na may pera siya dahil kailangan niyang gamitin ang kung
Patuloy ang malakas na pagkatok sa salamin na bintana ng kanilang sasakyan ang mga masasamang loob na mas lalong nagbigay ng malaking takot sa puso ni Janna. Halos ayaw niya nang bumitaw sa pagkakayakap kay Gabby nang hindi niya mapigilan ang mapasulyap sa labas ng sasakyan. Napansin niya kasi ang




![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


