Se connecterDEVI POV MABUTI na lang talaga at hindi na kami nagtagal pa sa loob ng palengke. Nang mas lalo pang dumami ang mga tao, wala nang nagawa si Winston kundi ang sundin ang payo ng mga security niya na bumalik na ng sasakyan. At mabuti na lang din at nakinig siya kung hindi, baka mas nauna na akong nagwalk-out Hindi dahil sa nag-iinarte ako kundi, hindi lang talaga ako sanay na maraming mga taong kumukuha ng larawan sa amin At bago kami umarangakada paalis, inuutos na lang ni Winston sa isa sa mga bodyguards niya kung ano pa ang mga dapat bilihin "Ayaw ko nang dumaan sa kahit saan, Winston ha!!. Antok na antok na talaga ako at uuwi na tayo.'" naiinis ko pa ngang wika sa kanya "Okay, uuwi na tayo." sagot din naman niya sa akin. Hindi na ako umimik pa dahil gusto kong ipakita sa kanya na naiinis talaga ako sa kanya dahil sa mga pinanggagawa niya Pero, mahirap pala kapag sobrang tahimik na din ng buong paligid. Dahil sa matinding antok, hIndi ko kasi namalayan na nakatulog pala a
DEVI POV "ANO ITO? SAAN ITO?" kunot noong tanong ko kay Winston. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siya pero parang ganoon na nga. Tuluyan nang lumiwanag ang buong paligid at kung hindi pa ako tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan, hindi ko malalaman na nandito pala kami sa isang palengke? Matao sa labas, may mga nakikita din akong mga vendors na abala sa pagtitinda ng kani-kanilang mga produkto sa bungad pa lang At ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang rason nitong si Winston at kung bakit nandito kami ngayun sa isang lugar na maraming tao "Ano na naman ito?" naguguluhan kong muling tanong sa kanya "Hey, relax...ako ang bahala." sagot din naman niya kaagad sa akin Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis. Imagine, buong gabing walang tulog tapos dadalhin niya ako sa palengke? Para saan? "Winston, hindi nakakatuwa." yamot kong wika "I know....pero, utos ito ng Mommy natin." nakangiting sagot niya "Ano? At paano na naman nadamay ang Nanay ko
DEVI POV "Bakit ka nakasimangot?" puno ng panundyo sa boses nitong si Winston habang nandito na kami sa loob ng kotse niya Oo, nakakain naman kami kanina sa loob ng coffee shop, nainom ko din ang hot chocolate na inorder niya, nakain ko din ang ilang slice ng pizza na inorder niya din para sa kanya. Pero, masama pa rin ang loob ko lalo na at bigla na lang dumami ang mga nagpapicture kanina at hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras na pagkuha ng larawan, walang ibang ginawa itong si Winston kundi ang akbayan ako. "Saan mo pa gustong kumain?" muling tanong niya sa akin. Na para bang hindi niya gets na naiinis na ako. Ang dami niyang mga pasakalye at imbes na sundin niya ang nais ko na umuwi na kami, nandito pa rin kami sa parking area ng coffee shop "Winston, halos alas sinko na ang umaga. Palagay mo ba may mapapasyalan pa ng ganitong oras ng umaga?" seryosong tanong ko sa kanya Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya at kung bakit siya ganito.
DEVI POV"Mas okay nang late kaysa hindi kumain." Sagot din naman niya sa akin. Hindi ko na naman mapigilan ang mapabuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayun.Trenta’y otso na siya pero bakit ganito siya kung umasta? Talo niya pa ang mga batang nging pasyente ko?“Halika ka na, samahan mo na akong kumain. Sige ka, kung hindi mo ako sasamahan, hindi na lang ako kakain.” Nakangisi niyang muling wika. Awtomatiko na napataas ang kilay ko sa sinabi niya."Nangongonsensya ka ba?" yamot kong wika sabay halukipkip."Konti." Natatawa niyang sagot. Hindi ko mapigilan ang mapairap." Ang kapal mo !!! Idinamay mo pa ako sa kalokohan mo!” naiinis kong sagot sa kanya. “Alam ko kaya, sorry na. So, paano ba iyan, pasok na tayo sa loob?” at habang sinasabi niya ang salitang iyun, nakita kong ngingiti-ngiti pa ang loko.Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lang. Nauna siyang bumaba ng sasakyan, tsaka agad na umikot sa kabilang bahagi upang pagbuksan ako ng pinto."Ma'
DEVI POV "WINSTON, ano ba? Sinabi ko nang umuwi na tayo. Saan pa ba tayo pupunta?" hindi ko na napigilang sita sa kanya habang nakakunot ang noo. Kanina pa kami umaandar, pero imbes na tahakin ang daang pauwi, napansin kong palayo nang palayo ang direksiyong tinatahak niya. Napalingon ako sa labas ng bintana. Pamilyar ang ilang gusali, pero malinaw na hindi ito ang rutang dinaanan namin kanina. Hindi ko na naman mapigilan ang mapabuntong hininga para mabawasan man lang ng kahit na kaunti ang inis na unti-unti na namang nangingibabaw sa puso ko Anong oras na at nandito pa rin kami sa gitna ng kalsda. At itong si Winston, kahit na kakagaling lang sa biyahe, wala yatang balak na umuwi ng bahay para magpahinga? Kakaiba din eh at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya at kung bakit siya ganito. Tsaka, ano na naman kaya ang plano niya? Minsan talaga, gusto ko nang pagdudahan si Winston. Hindi ko alam kung sadya ba siyang mahilig mang-inis o talagang likas lang sa
DEVI POV ANO? Anong sabi mo?" gulat kong tanong kay Winston. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa kanya kanina pero kung tama man iyon... God, gaano kalakas ang loob nitong si Winston para alukin ako ng mga ganitong bagay? "I'm serious! Hindi ba't palagi mong sinasabi na outsider ka lang sa pamilyang Imperial? Now, Devi... let's get married. Gusto kong maging asawa ka," seryoso niyang wika. Mariin kong naipikit ang aking mga mata kasabay ng pagtangka kong ibaba ang bintana ng sasakyan. Feeling ko kasi, bigla akong nahirapang huminga. Parang naging masikip ang loob ng sasakyan. Pakiramdam ko, parang biglang naging estranghero itong si Winston sa paningin ko ngayon. Ilang malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko siya muling nilingon. Umaasa akong nagbibiro lang siya pero nang makita ko ang mukha niya doon ko nakita kung gaano siya ka seryoso Hindi siya nagbibiro, hindi din iya ako ginu-good time pero hindi siya nakakatuwa. Hindi ko tuloy mapigilan
Darren pov Kanina pa siya hindi mapakali. Hindi din niya kayang mag concentrate sa libro na binabasa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya pero hangang ngayun, ramdam pa rin ng puso niya ang guilt dahil sa nangyari kanina Nagsisisi siya at the same time, hindi niya maiwasan na
VENUS “Darren! Hoy…hindi ka na umiimik ah? Teka lang, aahon na ba tayo? Ayyy ang daya. Kung saan naman nag-eenjoy na ako eh. Ang sarap na ng pwesto ko dito sa likuran mo tapos babalik na kaagad tayo sa dalampasigan.” Kunwari nagpo-protesta niyang wika dito. Muli itong natigilan at hindi niya alam
Naluluha at paika-ikang naglakad palabas ng kwarto ni Darren si Venus. Sa totoo lang, naramdaman niya na ang pagkirot ng sugat niya sa may binti. Kung bakit naman kasi hindi niya napaghandaan ang pagbato ni Mr. Darren kanya ng baso. Nasugatan tuloy siya dulot ng bubog. “Haysst, ang sama niya tala
VENUS HUWAG kang mag-isip ng kahit na ano pa man. Lowbat kasi itong cellphone ko at hindi kita matawagan kung sakaling may kailangan ako sa iyo kaya kung gusto mong magpahinga, diyan na lang sa higaan ko. Wala naman uukupa niyan sa ngayun dahil wala naman akong balak mahiga diyan. May tatapusin a







