Mag-log inDEVI POV Nauunawaan ko na ang ibig sabihin ng salitang iyon, pero ramdam ko ang sakit na dala nito. Parang sinasabi niya na yaman lang ng angkan nila ang habol ni Mommy kaya bigla itong nagpakasal sa Daddy nito. Hindi ko na mapigilan ang maluha pero kaagad kong pinunasan iyun.. Pakiramdam ko, bigla akong nagising sa isang mahabang panaginip. Na kahit gaano kaganda ang bahay, kahit gaano kalambot ang magiging higaan ko, hindi kami ni Mommy kailanman magiging bahagi ng pamilya nila. Dahil, hindi pala kami tangap sa pamiyang ito. Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Ngunit pinigilan ko itong pumatak. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong isipin niyang natatakot ako. "Kung goldigger kami, mapang husga ka naman!" sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ni Manang. Samantalang si Winston ay tila hindi makapaniwala na sinagot ko siya. "Ano'ng sinabi mo?" naniningkit ang mga mata niyang tanong. "Masama kang tao!" ulit ko habang nakataas ang baba. “Devi!!!’ galit niyang
DEVI POV "AYAW KO NANG PAG-USAPAN ANG TUNGKOL SA BAGAY NA IYUN. Matagal nang nangyari at nakalimutan ko na." malamig ang tono ng boses na wika ko kay Winston. Naramdaman ko ang mga kakaibang pagtitig niya sa akin ngayun. Pero, ako, deadma lang. Tumitig ako sa labas ng bintana kung saan, hindi ko na maalala itong daan na dinadaanan namin Labimpitong taon. Ganoon kabilis lumipas ang panahon pero ang sugat sa puso ay sariwa pa rin. "Devi, paano mo nagawang bigla na lang umalis?" muling wika ni Winston. Napabaling ang tingin ko sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon, doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya "Hmmp, para yatang nakalimutan mo na wala akong dugong Impreial at noon pa man, hindi na ako tangap ng mga Lolo at Lola mo." seryosong sagot ko sa kanya Gusto niya ng prankang pananalita, pwes pagbibigyan ko siya. Gusto niya nang katotohahan, sasabihin ko sa kanya. "Hindi ganoon iyun. Istrikta lang talaga ang mga abuelo at abuela ko pero hindi sila masamang tao." ser
DEVI POV Maaaring isa nang makapangyarihang tao si Winston ngayon. Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking ito. Dahil siya ang isa sa mga taong unang sumira sa tiwala ko. Isa siya sa mga dahilan kung bakit natuto akong umiwas sa mga lalaki. Kung bakit hanggang ngayon ay hirap pa rin akong magtiwala. "Sasama ka sa akin sa ayaw at gusto mo." muli niyang wika na para bang walang lugar para humindi ako. “No!” maiksi kong sagot. Bigla naman siyang napaseryoso. "Alam mo bang ilang araw nang naghihintay ang nanay mo? Araw-araw kang inaabangan lalo na nang sinabi niyang darating ka daw." seryosong sambit niya. Bahagya akong natawa. Ang gago, kailan pa siya naging malapit kay Mommy? Hindi kami magkadugo ni Winston. Siya ang anak ng unang asawa ng ama niya. At ako naman ay anak ni Mommy sa dati nitong karelasyon. Nang magkatuluyan sina Mommy at ang ama ni Winston, akala ko magkakaroon ako ng buong pamilya. Akala ko magkakaroon ako ng tahanan. Pero, nagkamali ako.
DEVI POV "Sino ka? Kilala ba kita?" mariin kong itinanong iyon habang diretso siyang tinitigan. Kahit na kinakabahan, pinilit kong manatiling kalmado. Pinilit kong magkunwaring estranghero lang siya. Pinilit kong manindigan. Dahil kapag inamin kong kilala ko siya, para ko na ring inaming hindi ko kailanman nakalimutan ang nakaraan. "Tsk, Devi, little sister, hanggang kailan ka makikipagmatigasan? Hanggang kailan ka tatakbo at magtatago sa pamilyang matagal nang naghahanap sa'yo?" muling wika ni Winston habang hindi mapigilan ang napapailing. Nanigas ako. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Little sister? Parang gusto kong matawa. Kapatid? Talaga lang ha? Kailan ba ako itinuting na kapatid ng kumag na ito? Noong mga panahong magkasama kami sa iisang bahay, ni minsan hindi ko naramdamang bahagi ako ng pamilya nila. Hindi ko naramdamang may kuya ako. Hindi ko naramdamang may lugar ako sa pamilyang Imperial. At ang lalaking nasa harapan ko ngayon...
DEVI POV ISANG BUWAN ANG MABILIS NA LUMIPAS. at kasalukuyan akong nakatayo ngayun dito sa labas ng Port. Naguguluhan ako kung saan ako sasakayat patutungo Kung alam ko lang na ganito pala karaming tao, dapat pala nag eroplano na lang ako eh. Pero, ako kasi iyung taong mahilig minsan sa challenge. Talagang nagbarko ako dahil gusto kong ma-enjoy ang biyahe. Isa pa, kung totoosin, ito ang masasabi kong bakasyon sa tagal ng panahon na naging doctor ako. Meaning, ito ang kauna-unahang pagkakataon na masasabi kong bakasyon ko simula noong naging doctor ako At masarap pala sa pakiramdam at parang gusto ko nang dalas-dalasan ang bakasyon na ito. Marami naman na akong ipon at parang kay sarap na mag unwind. Balak ko, pagkatapos kong umattend sa kaarawan ni Mommy, aalis kaagad ako. Balak kong tatawid sa kabilang Isla kung saan matatagpuan ang sikat na resort at magbakayon na muna doon. May isang buwan akong nakuhang bakayon sa hospital kung saan ako nagtatrabaho bilang isang reside
DEVI POV "Okay, good boy!" malambing kong wika. Nasa harapan ko ang isa sa mga pasyente ko. Isang batang lalaki na ilang araw nang may ubo at sipon. Kakatapos ko lang siyang icheck at narisetahan ko na din siya ng gamot na pwede niyang inumin sa loob ng isang linggo. Isang simpleng ubo at sipon lang naman..pero, siyempre, dahil bata ito, kailangan talagang maagapan ang sakit bago pa lumala. "Thank you, Doctora Devi! Baby, say thank you to Doctora Devi." utos ng Nanay sa bata. Malambing naman ngumiti ang bata at nag beautiful eyes pa ito sa akin bago nagsalita "Thank you, Pretty Doc." wika nito. Tanging isang tango na may kasamang ngiti ang sumilay sa labi ko bago sila tuluyang umalis Nang mapag-isa ako, pumasok ang aking secretary. Sinabi nito sa akin na wala nang pasyente na nakapila sa labas. "Talaga? KUng ganoon, pwede na pala akong umuwi." sagot ko kasabay ng biglang pag ring ng aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun nang hindi ko man lang tinitignan kung sin
VENUS POV KINABUKASAN, maaga na akong gumayak para sa day-off ko. Alam na nila Madam Laura at Sir Lemuel ang tungkol sa day-off ko kaya naman wala nang problema Bago ako umalis, nagpasya akong daanan na muna si Darren sa kwarto nito. Baka kasi may iuutos pa eh. Isa pa, kailangan ko ding magpaala
VENUS pov Pagkatapos naming mag-usap ni Darren, kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos, pagkatapos kong gawin ang duty as a personal nurse nito, nagpasya na kong puntahan si Madam Laura sa garden. Gusto daw kasi ako nitong makausap at baka hinihintay na ako
VENUS POV “MADAM, sorry po.” Mahina kong sambit. Napansin kong parang hindi talaga masaya si madam kasi nakasimangot pa rin ito. Pagkatapos noon, nilapitan nito ang anak na si Darren at pinagmasdan. “Next week, aalis na kami ng bansa para magpagamot si Darren. Tatapusin na din namin ang serbisy
VENUS POV MABUTI na lang talaga at nilapitan ako ni Vanilla at nakipag-usap ito sa akin kung hindi baka ma-bored lang ako. Paano ba naman kasi, halos dalawang oras din si Darren na walang ibang ginawa kundi ang nakaupo lang sa tabi ng kabaong ng namayapa nitong dating asawa. Nang matapos ito do







