MasukMaaga akong bumangon dahil alam kong ngayon ang araw ng pamamalengke ni Esperanza, gusto kong sumama sa kanya para maiwasan ko ang magkapatid na Salvatoire sa mansyon na ‘to.
Hinding hindi ko pa nakalimutan ang ginawa sa akin ni Atreus, he stole my first kiss!
Pagkatapos kong mag linis ng katawan ko ay agad din naman akong nag bihis dahil madali akong dapuan ng sakit, napangiwi ako nang wala akong makitang pwedeng pambahay sa mga damit ko.
Buti ay may nahila akong simpleng t-shirt at shorts, ayokong mag pants, hindi ako komportable sa ganon. Pagka tapos kong mag bihis ay agad na akong bumaba, naabutan ko si Esperanza na hinihintay ako sa sala.
Agad akong ngumisi sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa.
“Sasama ka raw sa pamamalengke?” tanong niya sa akin nang makalapit ako.
Ngumisi ako. “Yes, can I?”
Tinitigan ako nito nang matagal bago tumango, ngumuso ako. Baka pati siya ay sabihin na hindi ako mukhang katulong? Though they don’t really treat me as a maid here? Sa guestroom nga ako natutulog?
“Halika, marami tayong kailangang bilhin,” tumango ako at sumunod ako sa kanya. Once a week ata sila namamalengke dahil gusto nilang palaging fresh ang hinahain nila sa mga Salvatoire.
“Marunong ka bang magluto hija?” tanong ni Esperanza sa akin. Nasa sasakyan na kaming dalawa, may kasama pa siyang ibang mga maid pero nasa likuran sila ng van.
“Opo, marunong po ako,” naka ngising sagot ko. It’s a skill passed down on me from my mom, hindi hinayaan ni mommy na hindi ako marunong mag luto.
Natatandaan ko pa ang sinabi niya sa akin na gusto niyang marunong akong mag luto kahit na may mga cook naman sa mansiyon.
Hindi na muling nag tanong si Esperanza sa akin hanggang sa makarating kami sa palengke, it’s not my first time in a wet market dahil palagi akong sinasama ni mommy noong buhay pa siya.
Ngumisi ako nang mahuli ko ang tingin sa kain ni Esperanza, siguro ay tinitignan niya ang ekspresyon ng mukha ko.
Ngumuso ako, dumiretso kami sa gulay, maayos ang wet market nila rito, per section ang mga goods nila which is good.
Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin, wala pa ang araw pero nandito na kami, I suddenly miss my mommy, ganitong oras din siya namamalengke noon, my mom wants our foods to be fresh kaya siya mismo ang namamahala sa pamamalengke.
“Hindi ka ba nahihilo hija?” tanong sa akin ni Esperanza.
“Hindi po, sanay po ako sa palengke,” naka ngising sagot ko sa kanya. Tumango siya sa akin at nag simula nang mag lakad, may dalawa kaming mini cart kung saan ilalagay ang mga pinamimili kaya hindi kami mahihirapan.
Inabot ni Esperanza ang listahan niyang dala sa tindera, marami ang nasa listahan kaya nag tulong tulong sila sa pag kikilo.
“Sino itong magandang babae, Esperanza?” tanong nito habang nakatitig sa akin.
Tipid akong ngumiti, I am not rude besides tinawag niya akong maganda.
“Bagong kasambahay, siya ang nagbabantay sa bunsong Salvatoire,”
Tumaas ang kilay ng tindera, muntik ko na rin siyang pagtaasan ng kilay buti ay napigilan ko ang sarili ko.
“Parang isa rin siya sa kailangang bantayan, Esperanza,” pabirong sagot nito.
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?
“Hindi naman, magaling naman siyang mag luto, mag hugas lang ng plato hindi,” mas lalong lumaki ang ngiwi ko sa naging sagot ni Esperanza.
Seriously? Isang beses lang naman akong naka basag sa kusina, hindi na naulit pa.
Nang makapag bayad na si Esperanza ay sumunod kami sa susunod na stall, wala naman akong ginagawa kung hindi sumunod at manood, para tuloy akong anak ni Esperanza na hinila basta para sumama rito sa palengke.
“Bakit hindi mo nalang kami hintayin sa may sasakyan, Sydelle?” baling sa akin ni Esperanza. Napa tingin ako sa mga taong nag dadagsaan na sa loob, sooner or later magiging siksikan na sa palengke.
Tumango ako sa kanya at sinamahan pa ako ng isang kasambahay pabalik, binuksan ng driver ang van pero agad akong umiling. Mas gusto kong panoorin ang mga tao rito kung paano sila mamalengke.
“Ganito po talaga rito sa palengke?” kinausap ko ang driver na nasa tabi ko.
“Ang alin po?”
“Parang buong pamilya ang kasama mamalengke?” nag tatakhang tanong ko.
Bahagyang natawa ang driver sa sinabi ko.
“Iyong iba kasi ay dito na sila bumibili ng almusal hija, kaya ganoon. May kainan doon sa may bandang dulo, minsan ay doon na sila kumakain lalo na kapag hindi nila gusto ang kanin sa umaga,”
“Ano po bang binebenta?”
“Goto, mami, lomi mga ganon lang naman hija, may mga kakanin din diyan sa paligid,”
Tumango ako sa kanya. I know goto, lahat ng sinabi niya ay pamilyar ako pero hindi ko madalas naka-kain iyon.
“Ano po bang paboritong pagkain ni Aurelia?”
Bigla ko siyang naisip dahil bawal pa rin siyang lumabas sa kwarto niya, dinadalhan ko lang siya ng pagkain sa kwarto niya. Naaawa ako sa kanya pero wala naman akong magawa dahil iyon ang gusto ng kuya niyang kontrabida sa buhay niya.
“Palabok hija,” ngumuso ako. Ginala ko ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan bibili!
“Uhh, can you lead me the way po? I just wanna buy palabok for Aurelia,”
Hindi ito sumagot pero iginiya niya ako sa isang stall, tumingala ako at nakita ko na may palabok nga silang binebenta.
“Anong sakanila miss?” agad akong binalingan ng matandang tindera.
“Palabok po,”
“Ilang order?”
“Dalawa po,” naka ngiting sagot ko. Tumango siya sa sinabi ko at nilista ang order ko.
“How much po?” tanong ko habang kumukuha ng pera sa wallet ko.
“Tig otsenta isang order,” sagot niya sa akin. Natulala ako.
I don’t know what otsenta means!
Agad kong nilingon ang kasama ko, nakatingin din ito sa akin kaya bahagya akong ngumisi.
“I don’t know how much otsenta is..”
Bahagya itong natawa sa sinabi ko. “Bigyan mo siya ng two hundred, susuklian ka niya hija,”
Sinunod ko ang sinabi niya at sinuklian niya ako ng fourty pesos, dalawang otsenta is one hundred sixty pesos? Oh my gosh!
“What happened?” nag aalalang tanong sa akin ni Amber. Agad siyang tumayo para salubungin ako. Himala na hindi niya kasama si Cole ngayon. “I need to talk to you about something,” “What is it then? Akala ko ba uuwi kana?” “Malapit na, sasama ka ba sa ibang bansa? Hindi na ako uuwi ng mansiyon, deretso na ako sa ibang bansa,” naka taas ang kilay na sagot ko sa kanya. Ngumuso siya. Nag taas ako ng kamay para mag tawag ng waiter. Buti ay sa cafe niya napiling makipag kita ngayon. “Pwede ako mag bakasyon mga one week? Or dalawin nalang kita doon,” naka ngiwing sagot niya. “Just visit me there after a month or so,” “Will you fix the companies pa there?” “Probably, but I know my butler did a good job managing those on my behalf,” “What's your order ma’am?” “I will have blueberry cheesecake and matcha latte please, how about yours Amber?” “Spanish latte and strawberry cake please,” Tumango ang waiter kaya iniwas ko na rin ang tingin ko rito. “Masyadong malaki ang tiwala mo sa bu
Dala ko ang lunch ni Alessio nang bigla akong matigilan sa pag pasok sa kwarto niya nang marinig ko ang usapan ng mag kakapatid. “Ilang beses ba nating pag tatalunan ‘to, Alessio?” “I already told you what I want kuya,” matigas na sagot ni Alessio. Ano namang pinag uusapan nila? Alam kong mali ang makinig sa usapan ng may usapan pero nandito na ako. Kailangan kong malaman ang magiging usapan nila. “And what? You want Sydelle to go with you in the states?!” galit na tanong ni Aurelia rito. Humigpit ang pagkaka hawak ko sa tray na hawak ko. “You can’t, Alessio. Sydelle’s already mine.” malamig na sagot ni Atreus. Bahagya akong ngumisi. “You have Rhea and her daughter in the side, what will be Sydelle’s reaction if she learned that you are not planning on removing that child from your life?” ani Alessio. “What kuya?! Akala ko ba nag usap na tayo? Sydelle won’t like it if you will lie to her! I don;t even know if that child is really yours. damn it!” galit na sagot ni Aurelia. I
Isang linggo ko nang inaalagaan si Alessio dahil hindi niya gusto na magpa alaga sa mga kasambahay, not that I care. Mas gusto ko na ako nalang mismo ang mag alaga sa kanya dahil ang bilis uminit ng ulo niya. Kakatapos ko lang pakainin si Alessio nang bigla kong maka salubong si Atreus sa may sala. “Thank you for taking care of Alessio,” Ngumiti ako ng tipid. “I am having fun, besides I love taking care of the people who are dear to you,”Hindi siya sumagot pero hinila niya ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Tipid akong ngumiti at hinaplos ko ang likuran niya. Alam kong napapagod din silang mag kapatid, halos hindi na dumalaw si Aurelia sa kuya Alessio niya dahil nasasaktan lang ito kapag nakikita niya ang kalagayan nito. “Huwag mong papabayaan ang sarili mo, Atreus.” “Mhm,” “Saan ba ipapa opera ang mata niya? Dito lang sa pilipinas o sa ibang bansa?” Kumalas siya sa yakap. Pareho kaming umupo ni Atreus sa sofa. “We want him to be operated in the states,”
Abala ako sa pag aayos ng kama ko ng may marinig akong mahihinang katok mula sa pintuan ng kwarto ko kaya agad kong nilingon ito. Naabutan kong naka tayo sa may pintuan si Aurelia. “What is it, Aurelia?” “Can we have a little favor? Ayaw kasing kumain ni kuya Alessio, baka kapag ikaw ang mag aasikaso, he will eat,” I narrowed my eyes at her. Sila nga na kapatid hindi nagagawang pakainin ang pasaway na ‘yon, ako pa kaya? But I can try, right? Pagka tapos kong ayusin ang kama ko ay agad na akong tumango. “Sure thing, nasaan ang pagkain niya?” Sumunod ako sa pag baba sa kanya. Nasa kusina pa ang pagkain niya, ang adobo na niluto ko. Ako na ang kumuha ng tray at sinamahan ako ni Aurelia. “I told you Aurelia I am not hungry!” napangiwi ako sa pag sigaw ni Alessio. Tumikhim ako at nilapag ko ang tray sa may lamesa. “Alessio,” I called him softly. Lahat ng pasensya ko ay iniipon ko na baka pati ako ay sungitan niya. “Syd,” mahinahong tawag niya sa pangalan ko. “You need to eat, wh
“Alessio!” Mula sa pag aayos ko sa sala ay napa baling ako sa lalaking kakapasok lang sa bukana ng mansiyon, akay akay ito ng isang tauhan nila Atreus. Kumunot ang noo ko nang makitang may benda ang mata niya. Nag mamadali akong lumapit sa kanila. Hindi pa ako makapag salita sa sobrang gulat. “Call Sydelle please..” namamaos niyang paki usap. Napa tingin sa akin ang mga tauhang naka alalay sa kanya. “Alessio.. What happened to you?” pabulong na tanong ko sa kanya. Agad ko siyang dinaluhan. Sinenyasan ko ang mga tauhan na iwan kaming dalawa. Mahigpit ang pagkaka hawak ni Alessio sa kamay ko. As if he is scared to let go of me. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang inaalalayan ko siya. “What happened, Alessio?!” “I got into an accident Syd, I f-fucking lost my eyesight,” nag simula nang manginig ang balikat niya. Gulat na gulat akong naka titig sa kanya. Hindi ko maintindihan. “Alessio naman,” nanginig ang labi ko. Hinaplos ko ang magkabilaang pisngi niya habang hinahayaan k
I asked Amber to meet me here in Manila. Naka halukipkip ang braso ko sa ibaba ng dibdib ko habang naiinip akong hinihintay siya. Nakasimangot na ako nang makita ko silang dalawa ni Cole na magka sama. Naka ngisi sa akin si Amber habang sobrang seryoso ng titig sa akin ni Cole. “How are you, Syd?” “I am fine, Cole. Have you received some threats?” kaswal na tanong ko sa kanya. Pinanood ko ang pag upo nilang dalawa sa harapan ko. Agad na kumuha ng pizza si Amber at kinagatan ito habang seryoso naman akong tinitigan ni Cole. I smirked at him. “The elder? Yes, Sydelle.” “I see, he’s fast huh,” “Are you going home? I have your house maintained for you,” Agad akong umiling sa kanya. Nalaglag naman ang panga niya sa sinabi ko. “What?” marahas niyang tanong sa akin. Napatingin tuloy ang ibang tao sa amin sa loob ng pizza house. “Why are you still there on that province, Sydelle? Have you lost your mind?” “Probably? But the chances are low,” “Fuck it Sydelle! I heard that Atreus







