Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga halaman sa hardin dahil inutusan ako ni Esperanza na gawin ito. What’s with the people here? Mga walang galang kung tawagin kahit matanda. “Come on, Sydelle,” agad kong inirapan ang makulit na lalaki. Kanina pa si Alessio rito sa gilid ko, kinukulit akong sumama sa kanya sa party daw ng kaibigan niya. Wala siyang kasama kaya ako ang gusto niyang isama, hibang na ba siya? Si Aurelia ang babantayan ko rito, hindi siya. “Ilang beses ko bang uulitin ang sarili ko, Alessio?” naiiritang tanong ko sa kanya. Ngumisi lang ito sa akin, na parang natutuwa pa siya na naiinis ako sa mga pinag gagawa niya sa buhay. “Oh come on, Sydelle, madali lang tayo ron,” hinawakan pa niya ang kamay ko kaya agad ko itong hinampas. Pangahas. Nakatayo ito malapit sa akin kanina pero ngayon sobrang lapit na niya sa akin, naiinis ako sa presensya niya, siguro noong nag apply ako rito sa mansyon nila ay thankful pa ako dahil tinanggap niya ako bilang maid nila, pero ngayon h
Last Updated : 2026-07-06 Read more